Para takasan ang nakatakda niyang kasal sa isang matandang lalaki ay lumuwas si Bethany Gayle Chavez sa isang malayong probinsiya. Ipakakasal kasi siya ng mommy niya sa isang Chinese business tycoon. Bagay na never niyang sinang-ayunan. Bilang heiress, alam na niya na kapalit ng pagiging marangya ng buhay niya ay ang pagpapalakas at pagpapalawak ng impluwensya ng bawat pamilya kaya naman kailangan niyang maikasal sa isang taong kaparehas o higit pa sa estado nila sa buhay. Kaya naman para makatakas sa kasunduang hindi niya gusto. . .nagpaka-layo kayo siya at nagpanggap siya bilang isang simpleng babae. Namasukan siya sa isang mayamang haciendero bilang house maid at doon ay nakilala niya si Simon Clarke Silvestre. Nagmamay-ari ito ng heka-hektaryang lupain sa probinsya at may malaking hacienda. Naging maganda at kaswal lang naman ang pagtanggap sa kanya ng binata. Pero naging mahirap para sa kanya ang pagsisilbi rito dahil kagagaling lang nito sa isang aksidente. Iritable si Simon at mabilis na magalit. Hindi naman siya ganito noon. Nagsimula lang ang pagbabago niya simula noong maaksidente siya. Hindi nila alam na si Bethany ay isang tagapagmana at nagpapanggap lamang bilang kasambahay. Bagay na sinesekreto niya sa lahat dahil ayaw niyang mahuli at ibalik sa mga magulang niya kundi ay malilintikan siya at ipapakasal sa matandang instik na iyon. Pero paano kung sa isang pagkakamali ay magbabago ang buhay ni Bethany? Si Simon ba ang magliligtas sa kanya sa masalimuot niyang magiging kapalaran sa matandang intsik na iyon, o mas lalo lang nitong sisirain ang buhay at mga pangarap niya?
view more"Coffee?" Bethany offered. Napaangat ng tingin niya si Simon para salubungin ang magagandang mga mata ni Bethany. Kanina lang ay halos malunod na siya sa iniisip niya dahil sa sobrang lalim niyon. Buti na lang, dumating si Bethany. "You're late, Betty. I just had mine." Puna pa nito sabay balik ulit ng kanyang tingin sa kawalan. Pagkatapos non ay tahimik na ulit siya at hindi na muli pang nagsalita. Paalis na sana ang dalaga nang magsalita si Simon. "Leave the coffee." Natigilan si Bethany. Kahit na anong bantot ng dating ng "Betty" sa kanya, kapag si Simon na ang bumibigkas non ay tila nagiging sosyal bigla sa pandinig niya. Ang lamig ng boses ni Simon. Tila ba nanuot iyon sa buong katawan niya. Well, lagi naman siyang ganyan. But it's way different today. Para bang sobrang seryoso nito. E parang kagabi lang ay medyo ayos naman siya na nakikipag-usap kay Darryl. Nagtataka tuloy si Bethany kung anong nangyari. Bigla na lang itong nanlamig. E madalas, ito pa nga ang mas malakas na
It's half past eight when the doctor came to check on Simon. Kagat labi pa si Bethany nang pumasok ang doktor dahil tulad nang ini-imagine niya ay hindi siya nagkakamali na guwapo ito. Maputi, mabango, at halatang malinis. Matangkad rin ito at napakaprominente ng jaw line kaya naman hindi niya maiwasang hindi ito titigan ng matagal na kulang na lang ay tunawin niya ito. "Ehem." Simon interrupted. Agad na napaayos ng tayo niya ang dalaga sabay sipit ng buhok niya sa kanyang tenga. "I assume you are Simon's--" "Ah, oo. Ako ang bago niyang Yaya." Pagdidiin pa ni Bethany habang natatawa. Napatakip ng bibig niya ang doctor na tila ba pinipigilan ang matawa. Paano ba naman, pinagdiinan kasi talaga ni Bethany ang salitang Yaya na para lang naman sana sa mga bata. "Tsk. Stop laughing, Darryl!" Saway nito sa doctor. Napatango-tango ang dalaga. Ohh, so si Darryl pala siya? Cool name. Bagay sa kanya. Anito sa kanyang isipan habang simpleng nakatitig sa doctor. Bata pa nga ito. Napai
KINIKILIG? ME? NEVER. Ani Bethany sa isipan habang sinasariwa ang mga binitawang salita ni Simon sa kanya. Alam naman niya na inaasar lang siya nito ng bongga. Akala naman niya madadala nito si Bethany sa charm niya? After so many months ay nakahanap ng tyempo si Bethany na ma-contact ang kaibigan niya. Ilang beses na siyang nag-attempt na makipag-communicate rito pero hindi siya makakuha ng timing. Now is the time. Alam niyang sasabog sa galit ang best friend niya pero kailangan niya itong tanggapin. She dialed her best friend's number. Nakailang ring pa lang siya nang agad na sagutin ng kaibigan niya ang tawag. "A-Antonette." Bulong niya sa kabilang linya. Napasinghap si Antonette nang marinig pa lamang ang boses nito. "T-Tangina mo, Bethany!! Bwiset ka! Bakit ngayon ka lang tumawag?" halos bulong nitong sagot. Pilit na hinihinaan ang boses niya. Pero halata ang panggigigil nito sa tono ng kanyang pananalita. Nanginig agad ang mga kamay ni Bethany. Finally. Ito na iyon. Ang ara
NAKABUSANGOT na binagsak ni Bethany ang pagod niyang katawan sa kama niya. Alas sais na ng gabi silang nakabalik sa mansiyon at pagod na pagod siya sa lahat ng pinaggagawa sa at inutos sa kanya ni Simon buong araw. Kakahiga niya pa lang nang biglang mag-ingay na naman ang bell na siyang hudyat na may utos na naman sa kanya ang mahal na hari. Wala bang pahingahan to? Aba, mukhang sobra pa sa 8 hrs a day ang duty niya ah? Mas lalong nagsalubong ang kanyang kilay. "Haaay ito na naman tayo." Dagdadabog siyang bumangon at naglakad papuntang pintuan. Pagbukas na pagbukas niya ay agad na bumungad sa kanya si Simon na salubong ang kilay. Nagulat siya rito. "Uh? What brought you here?" aniya sa binata. "Bakit ang tagal mo? I need some help." Tila inis nitong. Iniisip ni Bethany kung ano na naman ang kailangan nito at tila iritableng iritable ang bungad nito sa kanya. "Pwede bang kalma? Katatayo ko lang ho, Sir. Palibhasa hindi ka maka-relate e kasi hindi ka makatayo." Bubulong bulong pa
CHAPTER 11 Hindi rin sukat akalain ni Bethany na si Simon pa mismo ang mag-aaya sa kanya na magpunta sila sa plantasyon. Ang sabi ba naman sa kanya ni Manang Lucile ay tila nawalan na si Simon ng gana pa na magpupunta doon simula noong naaksidente siya. Habang tulak-tulak niya ang wheeled chair ng binata ay sinasalubong rin sila ng malakas at preskong hangin.Bagay na gustong gusto ng dalaga dahil hindi ganito kasarap ang simoy ng hangin sa syudad. Bigla na lamang nga sumagi sa isip niya ang napabayaan niyang jowa at matalik na kaibigan. Sa takot niya na mahanap ng magulang niya, imbes sana na ko-contact-in niya pa ang mga ito ay umatras na lamang siyang bigla dahil baka madamay pa ang dalawa. Kumusta na kaya sila? Nami-miss rin ba nila ako? “Kaysa mag-isip ka dyan ng kung anu-ano, why not pick me a fresh mango.” Walang anu-anong wika ni Simon. Napabalik sa ulirat niya si Bethany. “H-Ha? E puno ng mangoes yung basket natin kanina ah? Bakit mo paako pagpipitasin ngayon? Okay ka lang
HINDI masydadong kumportable si Bethany na kasama nila sina Juancho at si Cheina. Hindi tuloy siya makagalaw ng maayos sa harap ng mga ito. Nasa farm na nga sila at minamasdan pa lamang niya ang plantasyon ng mga prutas at gulay ay amazed na amazed na siya. "So, Clarke, what keeps you busy these days? Since, hindi ka naman na nakakalabas ng mansiyon," tanong ni Cheina habang nakangiti ng matamis sa binata. Halata mo ang kuneksyon sa kanilang dalawa. Which is acceptable dahil matagal na silang magkakilala. Pero ang mga titig ni Cheina, hindi man nito sabihin pero halata naman na may pagtingin ito sa binata. Napatanaw si Simon sa malayo. "Well, uh, nothing really. I do check everything here in the plantation. Lahat ng mga iniwang trabaho sa 'kin ng mga magulang ko. I managed those well despite my condition. Saka, hindi naman to permanente. Once I get well, I can do everything that I wanted." "That's good. Your condition did not hinder your responsibilities. Mas lalo mo akong napapa
UMAGANG-UMAGA ay tsismis na naman ang almusal ng mga marites na mga kasambahay sa kusina. Habang nagluluto ay sinasahugan yata nila ng paninira sa buhay ng iba ang mga niluluto nilang agahan. Gusto lang sanang magkape ni Bethany pero mukhang siya na naman ang pinagpipiyestahan ng mga ito. Sinadya na nga lang niya na kumanta-kanta na may pa-humming humming pa para makuha ang atensyon ng mga ito. "Lalalala, hmmmm. Uy anong meron? Baka may gusto kayong ikwento, share niyo naman sa 'kin. Para namang hindi tayo magkakasama e." Nakanguso pa niyang sabi na halata naman na pina-plastik niya ang mga ito. Pero syempre, todo ngiti pa rin siya para hindi ipahalata sa mga kasama. "Ay beh. Tapos na kwento namin e. Nahuli ka nang dating. Next timek, agahan mo naman para makasali ka sa usapan." "Oo nga, para hindi ako mapag-usapan, ano. . ." Bulong niya sabay kagat ng saging na hawak niya. "May binubulong ka ba, Miss?" tanong pa ng isang atribidang kasambahay na nakatirintas pa ang buhok. Ito
Sunod-sunod ang pagtunog ng hugis bilog na hawak ni Bethany. Nagva-vibrate kasi iyon at tumutunog tuwing may iuutos sa kanya ang amo niya kaya lagi itong nasa bulsa ng uniporme niya. Iba na rin ang uniporme niya sa ibang mga kasambahay. May pormal ito. Mahaba ang manggas. Init na init na nga siya sa haba niyon at hindi siya sanay. Nang muling tumunog iyon ang nag-vibrate ay natataranta na naman siyang pumasok sa silid ng binata. Sumilip nga siya muna sa pintuan bago tuluyang pumasok. Malay niya ba e baka may kung ano siyang makita kapag bigla-bigla niya itong pasukin. Nang mapagtantong tila safe naman ang mga mata niya sa kung anong makikita niya ay tuluyan na nga siyang pumasok. "Ehem, ano hong gusto niyong iutos, Sir?" ani Bethany pa sa mahinang boses. Sobrang tahimik ng buong kwarto. Tila nakakabingi. Lalo pa at si Simon, nakatalikod sa kanya, nakatanaw na naman sa bintana at tahimik. "I need a bath, Betty. You need to undress me." Pagkasabing-pagkasabi niyon ni Simon ay
Naabutan ni Bethany ang mga kasambahay sa kitchen na nagbubulong-bulungan habang naghahanda ng ng tanghalian kaya dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa mga ito para makinig sa usapan nila.“Alam niyo, por que maganda siya feeling na niya ay magkakaroon siya ng special treatment dito. Ano siya, sinuswerte? Akala niya ba prinsesa siya dito?” wika ng isang katulong.Ito iyong katulong na panay ang ngiti sa kanya ah? Aba, now alam na niya na pinaplastic lang siya nito.“At rinig ko rin girl na pinag-shopping siya ni Mr. Silvestre. Hindi ba nakakaintriga ‘yon? E wala naman silang special relationship. Ke bago bago pero sipsip na agad? E paano naman tayo na ilang taon nang naninilbihan rito?”“Oh e paano kung may relasyon pala sila? Ang landi na niya kapag ganon!”Naningkit ang mga mata n Bethany sa usapang naririnig niya. Mga bruhang to? They’re talking behind my back?“Hello! Pasensya na kayo if I was late. E kasi, ang dami kong bilini e. ano pa bang ibang gawain sa kusina?” patay mali
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.