“Salamat sa pagpayag mo Julian, tiyak na matatapos ko kaagad ‘to, nahihirapan din kasi ako sa kung ano ang gagawin,” sinasalansan ni Alice ang kaniyang mga gamit na nasa desk na. 4pm na, tulad nga nang sinabi ni Julian ay wala ngang tao sa science lab ng ganoon oras. “May dala nga pala akong snacks dito, baka sakaling magutom ka, may drinks din.” “Busog ako, simulan na natin para matapos na ‘to. Gusto ko nang mauwi ng maaga,” hindi nagpakita ng pagkasabik sa kaniyang tono si Julian. Hindi nagustuhan ni Alice ang gano’n niyang pakikitungo sa kaniya, sana’y siyang binibigyan ng atensyon at pagmamahal. Ngunit dahil sa wala naman siyang magagawa bukod sa tanggapin ‘yon ay nanahimik na lang siya. Nagsimula ang dalawa hanggang sa umabot ng 5:30pm. “Tama na muna ito sa ngayon, marami na rin tayong nagawa,” sabi ni Julian habang inililigpit ang kaniyang mga gamit pabalik sa bag. Gano’n rin ang ginawa ni Alice ngunit nanatiling nakikiramdam sa bawat kilos ni Julian. Ang goal niya ngayong
“Ano bang ginagawa mo, Alliyah.” Hinila ako niya papalabas ng convinience store, nagulat ako ng makitang siya ang kahera doon. Muntik ko na nga sanang hindi ituloy ang pagbili ng c*nd*m kung hindi lang talaga kailangan. Iyon ang isa sa parapharnelia na gagamitin sa thesis ni Alice kaya binili ko na dahil tiyak na hindi naman nito iyon magagawa. “Bakit ka bumibili ng gano’n ha.” Napapatagsik pa siya, hindi niya mabanggit kung ano ang tinutukoy nito sa akin, na ikinapangiti ko. “Ng ano ba?” “Ng ano… ‘yon nga.” Natawa na ako, tingin niya ba ay gagamitin ko ang gano’ng bagay, hindi naman ako hayok sa laman para makipags*x na lang. “Gagamitin sa thesis ‘yon, isa sa materials. Sa aksyon mo parang sinasabi mo na gagamitin ko ‘yon ah.” “Eh?” Napatunganga siya sa akin, na para bang hindi naniniwala sa sinabi ko. Masasabi kong kakaiba talaga ang babae na ito sa mga nakilala ko, mula man sa hinaharap, o maging dito sa kung saan ako naroroon ngayon. “Hay! Mabuti naman kung gano
Sunday. Bilang parte ng tradisyon ng pamilya Kordal ay parating may salo-salo sa kanilang Mansiyon. Lalo pa’t ang head ng kanilang Pamilya ay presente rin sa naturang araw na ito. Maaliwalas ang panahon, walang bahid na ulan o ano pa man. Busy ang mga kasambahay sa paghahanda sa hapag at paglilinis sa kabahayan. Ang mag-asawang Kordal ay masayang nagkukwentuhan sa labas ng kanilang mansiyon, sa tabi ng pool area. Maraming puno sa bakuran kaya naman ang simoy ng hangin ay napakarasap sa pakiramdam. Si Harold ay piniling pumuwesto sa kanilang gazeebo, nagkakalikot sa kaniyanang telepono habang nakadyekwatro. Ang babaeng anak ay namimitas ng bulaklak sa garden upang mailagay iyon sa paso, hilig ng dalaga ang pag crafting at designing. At sa kabilang banda, si Julian na pababa pa lang sa hagdan ay taas noong sinipat kung ano ang ginagawa ng kaniyang pamilya. Napapailing siya, kung iisipin kasi’y ang set-up na ganito ay hindi sa kaniya ayon. Siguro’y noon ay oo, ngunit ngayon na ha
Tahimik akong naghihintay na matapos ang buong araw na ‘to, nakahiga lang ako sa kama, nakatutok ang mga mata sa kisame, nag-iisip. Alas sais pa lang ng gabi kaya mamaya ay tatawagin pa ako para mag dinner. Sadyang nakakabagot ang araw na ito, pero dahil sa tinatamad din akong lumabas ay tiniis ko ang presensya ng lahat na nasa bahay. Toot! Hmp? At sino naman ang magtetext ng ganitong oras? [Joker Pre, labas tayo bukas sama ka ba sa amin ni Janice? Pupunta kaming park after class.] Hindi ako nagreply, ano ba ang balak niya gawin akong alalay sa date nila? Toot! [Joker Huwag mong isipin na gagawin kitang alalay. May makakasama ka naman kasi inimbitahan ni Janice si Alliyah para naman mas masaya.] “What?” Tsk. Ano naman ang balak nila sa isang ‘yon ngayon?” Inilapag ko na ang cellphone, tumayo at pumuwesto sa harapan ng study table ko. Sa sobrang boredom ko ay naghanap ako ng libro na puwedeng mabasa. Isang komiks na naipit sa pagitan ng ilang educational books ang naha
Tulad nga ng sabi ko ay mabait naman talaga ang papa ko basta ba’t hindi lang mama-manipula. Makalalabas na si Mang Nardo, wala namang taong napwersiyo sa car accident na kinasangkutan ng sasakyan namin kaya ayos na rin. Dahilan na rin sa koneksiyon na mayroon ang pamilya namin ay mabilis na naresolba ang problema. Ang lahat ng sangkot ay nakauwi na, at ang tanging nahuli ay ang ama ni Alliyah. Si Harold ay kasama na ni Papa sa pag-iuwi, hindi na nila nalaman na narito ako sa may tapat ng presinto nang papaalis na rin sila. Kahit ngayon lang ay iniwasan ko munang magkrus ang landas namin ni Harold. Tanaw ko mula sa kinatatayuan kung gaano kasaya si Alliyah sa pagsalubong sa kaniyang Papa. Nagyakapan ng mahigpit ang dalawa, kitang-kita kung gaano sila katibay na pamilya. “Salamat po, sir Julian sa tulong na ginawa niyo,” yumukod pa ng bahagya ang matanda sa harapan ko. Wala namang kaso sa akin ‘yo kaya hindi na kailangan ang ano mang pormalidad. “Sige na ho, mauwi na kayo da
“Hey! What are you doing?” Napatalon ako sa gulat ng mabosesan si Julian sa may likuran ko. Kasama niya ang magkasintahan na sina Joker at Janice papunta rin dito sa Canteen. Akala ko pa naman ay nasa loob na sila kaya panay ako silip dito sa labas para sana maiwasan siya. Biglang nag-iba ang balak ko, kung kanina’y napagdesisyonan kong kausapin siya’y ngayon ay hindi na. “Hey, Alliyah, papasok ka ba? Tara sumabay ka na sa amin.” Kumalas si Janice sa pagkakakapit sa braso ni Joker at dinaluhan ako. Inakay niya ako papasok, panay pa nga ang angal ko pero wala na ring kawala. “Sasama ka sa amin mamaya ha, napag-usapan niyo naman na ‘yon ni Julian, right?” Naibuga ko ang tubig na nasa aking bibig, buti na lang at otomatik naman na tumagilid ako ng puwesto dahil kung hindi ay masasapul ko si Julian sa mukha. Oo nga pala, kinausap ako ni Joker noong nakaraan tungkol sa pagsama sa kanila sa amusement park. Um-oo nga pala ako dahil sa nagkasundo kami na isasama si Julian sa pagla
“Saan ka naman pupunta?” Medyo nakakailang pero itinanong ko talaga ‘yon kay Julian. “Kahit saan.” Napangiwi ako’t kinurot ang braso niya. “Ouch! Para saan naman ‘yon. Ang sakit, ah.” “Hindi mo alam ang pupuntahan mo? Tapos ay mag-aaya ka na umalis, timang ka ba?” “Ang pagkakaalam ko ay hindi naman, baka ikaw ay oo.” Nagbibiro ba siya o natural niyang ekspresyon ‘yon? “Ewan ko nga sa ‘yo, tutal ay wala ka naman talagang balak na gawin, pumunta na lang tayo sa rooftop para naman mahanginan ‘yang utak mo. Pero bago ‘yon ay bumili muna tayong snacks, tara.” pag-aya ko sa kaniya. “Kanina lang parang ayaw mong magsalita o humarap sa akin, ngayon nagpapabili ka na ng snack?” “Oh, eh bakit ba? Nawala na ang pagkailang ko sa ‘yo bigla. Huwag mo na lang ipaalala.” “‘Yong paghalik mo sa ‘kin?” “Eh…” sinunggaban ko ang napakadaldal niyang bibig gamit ang aking kamay, kung malakas ako ay baka naitulak ko pa siya sa corridor. Masyadong maraming tao sa paligid, may isa lang n
“Ano bang ginagawa niya doon?” Tinatakbo ko paakyat ang patungong rooftop ng Nursing department. Walang naman sana akong balak na mangialam pa kung hindi ko lang napag-alaman na nagtungo si Alliyah sa babaeng gustong tumalon sa building. Hindi namans siguro tama kung pati siya ay madadawit sa problemang ‘yon, para naman na hindi rin ako masasali sa kung ano ang magiging sitwasyon niya. Wala pa ring dumarating na rescue para tulungan ang babae na mamulat sa kung ano ang ginagawa niya, tulad lang din ng nangyari noon, sa unang 2006 na kinalagyan ko. “Excuse me. Excuse me.” Maraming nakiki-usyoso sa daan patungo sa rooftop, ngunit walang nag-atubili na pumasok upang awatin ang babae, maliban kay Alliyah. “Alliyah.” Hinihingal na tawag ko sa kaniya. “Eli, please bumaba ka na riyan.” Panay ang ginawang pagmamakaawa ni Alliyah sa babaeng nakatayo sa railings ng rooftop, nakatalikod siya sa gawi naman, punit ang damit na suot niya’t inililipad ng hangin ang magulo ngunit mahaba niyang