Share

Julian buying Strawberry

“Salamat sa pagpayag mo Julian, tiyak na matatapos ko kaagad ‘to, nahihirapan din kasi ako sa kung ano ang gagawin,” sinasalansan ni Alice ang kaniyang mga gamit na nasa desk na.

4pm na, tulad nga nang sinabi ni Julian ay wala ngang tao sa science lab ng ganoon oras.

“May dala nga pala akong snacks dito, baka sakaling magutom ka, may drinks din.”

“Busog ako, simulan na natin para matapos na ‘to. Gusto ko nang mauwi ng maaga,” hindi nagpakita ng pagkasabik sa kaniyang tono si Julian. Hindi nagustuhan ni Alice ang gano’n niyang pakikitungo sa kaniya, sana’y siyang binibigyan ng atensyon at pagmamahal. Ngunit dahil sa wala naman siyang magagawa bukod sa tanggapin ‘yon ay nanahimik na lang siya.

Nagsimula ang dalawa hanggang sa umabot ng 5:30pm.

“Tama na muna ito sa ngayon, marami na rin tayong nagawa,” sabi ni Julian habang inililigpit ang kaniyang mga gamit pabalik sa bag. Gano’n rin ang ginawa ni Alice ngunit nanatiling nakikiramdam sa bawat kilos ni Julian. Ang goal niya ngayong
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status