Walang ibang liwanang na pumapasok sa silid na pagmamay-ari ni Hesusa Kordal kundi ang sikat ng araw na sumisilip mula sa labas. Nakatabing ang kaniyang kurtinang kulay abuhin, nakatayo siya paharap sa labas habang hithit ang sigarilyong paupos na rin. Malimit niyang gawin ang ganito lalo kapag nasa bahay lang s’ya. Marami ang tumatakbo sa kaniyang utak, tungkol sa negosyo, upcoming investments at sa paparating na kaarawan ng anak ng asawa sa iba, si Julian. Mayro’n siyang matagal ng plano para rito, at ngayon na isang linggo na lang ay nape-pressure na siya sa gagawin. Hindi madaling basahin ang laman ng isipan ng ginang, sa tagal ng panahon ay natutunan niya kung papaano maging malamig sa mga taong nakakasalamuha. Bahagyang tumigil ang mga senaryo na kaniyang nabubuo sa isipan ng tumunog ang telepono na nakalapag sa lamesa sa tabi niya. Ibinuga niya ang usok ng sigarilyo palabas ng binatana habang nakikinig sa nagsasalita sa kabilang linya. “Okay, ayaw kong mapurnada ang plano
“So, kuya kumusta ka naman? Hindi tayo gano’n nagkakausap lately, medyo busy rin kasi ako sa field eh. Alam mo na, buhay journalist,” natawang sambit ni Terra kay Julian habang nasa side pool sila at nakabantay kay Jessie na masayang nagsu-swimming. Natapos na ang lunch ng pamilya at mamaya pa silang hapon uuwi kaya naman nag-aya munang magliwaliw ang anak na babae. As usual si Hesusa ay nasa Opisina na niya’t nagbubuklat ng ilang papeless sa trabaho. Gano’n naman ang gawi nito, ang weekends ay ginagawang workday. “Ayos lang naman ako, gano’n pa rin naman ang takbo ng buhay,” tunay na napatawa si Julian sa sinabi niya. Alam naman niyang nakuha ng kapatid ang nais iyang ipunto, para sa lalaki ay isa itong Anghel na kayang magbasa ng isip ng mga tao. “Ay naku, tiis-tiisin mo na lang din ang mama, ha. Alam mo naman ‘yon masiyadong workacholic, masungit at nagmemenopause na rin kasi.” Dito’y sabay na napa-igik ang magkapatid. Kahit kailan naman ay naiintindihan nila ang isa’t-is
Byernes na, araw ng kaarawan ni Julian kaya naman nakapag-leave siya para sa importanteng araw na ito. Maagap na kumilos ang lalaki, lalo pa’t mayroon siya nakahandang sorpreso sa asawa’t anak. Madali niyang pinuntahan ang bahay na pinag-ipunan niyang mabili sa loob ng limang taon. At ngayon ay handa na ito para malipatan nila, bahay na gusto niyang maging parte ng kanilang pagsasama ng asawa. Nang matapos ang mga kailangang asikasuhin ay nagtungo siya sa grocery store upang bumili ng cake, pinili niya ang caramel flavor na paborito nila pinalagyan ‘yon ng lettering para sa pagwelcome sa kanilang bagong bahay. Kailangang magmadali ni Julian dahil ang paalam niya sa kaniyang asawa’y may importante lang siyang kailangang asikasuhin patungkol sa kanilang bank account, kaya ng makuha ang cake ay binalak na niyang dumiretso pauwi. “Sana’y magustuhan ito nila,” masaya niyang sabi sa sarili. Bitbit ang cake ay tinungo na nga ni Julian ang sasakyan, maaliwalas ang panahon kahit magta-ta
Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga, hindi kasi naging maganda ang epekto ng sinag ng araw na tumama sa kabuuan ng mukha ko. Kasabay no’n ay ang paulit-ulit na pag-a-alarm ng telepono na iniwan ko sa side table katabi ng kama ko. Mas’yado pa atang maaga, tinatamad pa ‘kong bumangon. Bahagya kong hinila ang unan na alam kong nasa tabi ko lang, niyakap iyon na animo’y ang asawa kong si Alice. Alice? Asawa? Doon ay tuluyan na akong napatayo sa kinahihigaan ko. Ang sunod kong ineksamin ay ang aking mukha, ilang beses kong kinapa ang pisnge sunod ay ang aking mga palad. “Buhay ako?” Pero impossible ata ‘yon, kitang-kita ko kung paano walang awang iniwan nina Harold ang katawan ko sa ilog. Pinatay nila ako ng gabing ‘yon. “Nasa langit na ba ‘ko? O nakaligtas ba ko mula sa insidenteng ‘yon?” muli pang pagtatanong ko sa sarili. “Hindi. Hindi. Napakaimpossible talaga no’n,” ani ko. “Pero ano ‘to?” Hindi na mawala ang labis na pagtataka ko sa nangyayari. “Kung nakaligtas man nga ako ay
Hindi ako natutuwa sa pagkanta-kanta ni Joker habang lulan kami ng sasakyan, parehas kami nasa backseat habang nagmamaneho si Mang Nardo. Sa pagkakaalala ko’y si Mang Nardo ang isa sa personal driver ng pamilya namin na nakatalaga para sa aming magkakapatid. Araw-araw ay sabay-sabay kami sa pagpasok ng mga half-siblings ko ngunit nakapagtataka ngayon kung bakit hindi sila lulan ng kotse na ‘to. So, kung totoo man ang mga pangyayari na ‘toy napunta ako sa past life ko? O baka narito talaga ako tapos ay panaginip lang lahat ng nangyari sa tinuturing kong present time? Possible rin ang gano’n. Patuloy ang pagtugtog ng musika na kung hindi ako nagkakamali ay kanta ng Cueshe na Ulan. Hindi rin magkamayaw si Joker sa pagsunod sa liriko no’n. “Sa’n ba tayo pupunta?” mahinahon kong tanong sa kaniya. Napatda si Joker sa tanong ko, kaya naman tumalima siya sa pagkakaayos ng upo’t hinarap ako. “Okay ka lang ba talaga? Kanina ka pa parang wala sa sarili mo. Saan ba tayo palaging pumupunta kap
“Hi Julian, kumusta?” Napatda ako sa napakapamilyar na boses na ‘yon. Hindi ko akalain na lalapit siya’t papansinin ako. Siguro’y nadissapoint siya dahil hindi ko ginawa ang paghabol-habol sa kaniya simula kaninang umaga. “Hi,” napakatipid kong sagot sa kaniya. Sinulyapan ko lang siya ng mabilis bago ibinalik ang paningin ko sa paglalakad. “Ahm, hindi mo ba ‘ko sasabayan sa pag-uwi?” mamaya’y tanong niya pa, medyo kumukulot pa ang boses nito na animo’y nahihiya sa pagtatanong niyang ‘yon. Ang totoo’y hindi naman galing si Alice sa marangyang pamilya na gaya ko. Ang alam ko’y isang government employee ang papa niya habang ang ina ay nagta-trabaho bilang isang public servant. Kumbaga nasa average ang income ng pamilya niya kada buwan na sumasapat naman basta ba’t hindi siya magluluho. Apat silang magkakapatid at pangalawa siya, kaya naman siya ang inaasahan ng kaniyang pamilya na mag-aahon sa kanila sa buhay. Ang panganay kasi niyang kapatid ay nag-asawa na. Kaya rin siguro sinunod n
“Hoy pare! Ano’t naisipan mong magyaya para uminom?” takang-taka na bungad ni Joker sa kaibigan na kararating pa lang habang may bitbit na plastic na may lamang energy drink at ilang snacks. Ang utos ni Julian ay beer ang bilhin niya ngunit iba naman ang nadala nito sa kaniya. “Pampalipas oras pero ba’t ‘yan ang binili mo?” Napatingin muna si Joker sa bitbit niya bago sa kaniyang kaibigan, tapos ay napakamot ito sa kaniyang ulo sabay sabing hindi niya nadala ang identification card niya kaya hindi siya napagbigyan ng alak sa convinience store na binilhan. “Ayos na nga ‘yan,” ani Julian. Umisod siya sa pagkakaupo sa malamig na sementadong sahig, nakaharap sa dagat habang bahagya itong umahampas sa may gilid ng bay. Medyo malamig ang dalang hangin na dumadaan sa dagat kaya naman beer ang masarap na inumin sa mga oras na ‘yon, pero dahil wala ay wala na rin siyang magagawa. “So, ano ang tunay na nangyari, pre?” tanong ni Joker sabay abot sa kaniya ng energy drink na kulay berde.
“So, sino ang gusto mo sa kanila?” tanong ni Joker sa kaibigang si Julian na nasa harapan niya’t kinikilatis ang detalye ng mga babae na ipangba-blindate niya rito. Sakto lang ang request ng kaniyang kaibigan dahil may nakalatag na naman ang kaniyang mama para nga sa kaniya, ang tatlong babae na ibinibida niya kay Julian ay para naman talaga sa kaniya. “Tignan na lang natin lahat,” ani Julian. “Wooh! Sigurado ka, pre?” sulyap ni Joker sa kaibigan. Nasa locker tapat sila ng kanilang mga lockers. Si Julian ay kinukuha ang kaniyang spare rubber shoes habang siya naman ay inilalagay ay inilalagay ang ilang paperworks na gawa niya na para pa naman mamayang hapon na pasok nila. “Oo naman,” gano’n katipid na sumagot si Julian. Ngunit ang kanilang tahimik na pag-uusap ay biglang napuno ng ingay ng magkaroon ng komosyon sa paligid. Ilang babaeng Bucian ang papalapit sa kanila habang nakangiting nagbubulungan. “Ano’ng mayro’n?” maang na tanong ni Julian. “Naku! Hindi mo alam? Poging pogi