Share

I rescued her

“Ano’ng ginawa mo, Alice?”

“W-wala akong ginagawa, J-Julian-”

“Wala, eh ano ‘to?”

Hindi ko na napigilan na masaktan si Alice, hindi ko na napigilan pa lalo nang makita si Alliyah na nasa harapan niya, lugmok sa sahig at nahihirapan.

“Alliyah,” tinawag ko ang pangalan niya ngunit hindi ito sumagot, nagpakislot-kislot lang ang kaniyang mga mata na animo’y hindi makapaniwala na nasa harapan niya ako ngayon.

“Hear me out Julian,” anito.

Pero dahil wala akong pakialam sa sasabihin niya ay itinuloy ko ang pagrescue kay Alliyah. Dali-dali kong kinalas ang tali sa kaniyang kamay at paa, hindi ko kayang titigan ang nangyari sa kaniya. Namuo ang ilang mapupulang pasa sa ilang parte ng braso at binti nito. Hindi nga rin nakatakas ang mukha niya sa ilang gasgas at sugat. At ang higit sa lahat ay ang pagkakaputol ng kaniyang mahabang buhok.

Naikuyom ko ang aking kamay at muling tiningala si Alice na hindi na maipinta ang mukha sa kung ano ang sasabihin niya sa mga oras na iyon. Ano ba ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status