Share

Starting a Deal

“Huh? Ano’ng sabi mo/” Ngulantang ako sa sinabing ‘yon ni Julian. Dalawang araw ang lumipas bago niya ako kinontak, samantalang ako’y halos araw-araw kung magtext sa kaniya kinabukasan agad no’ng malaman ko ang number niya. 

“Kailangan ko pa bang ulitin?” Napakapamulsa niyang tanong. Hindi naman mainitin ang ulo niya dati, hindi nga pala siya palasagot sa mga tanong pero hindi naman siya ganito. Kung magreact kasi siya’y para bang pagalit o painis, samantalang wala naman akong ginagawang masama.

“Ayaw mo ba o gusto? Maghahanap ako ng iba kung ayaw mo.”

“Hindi. Ano ka ba, masiyado ka namang mainipin sa sagot. Puwede ko naman sigurong pag-isipan kahit saglit, hindi ba?” 

Kung hindi ko lang siya type ay baka nabatukan ko na siya kanina pa. Aba! Bigla na lang niya akong inalok para maging partner sa Valentines Party, like dapat masaya ‘ko pero kasi ang weird lang. Hindi naman lingid sa kaalaman ng iba na si Alice ang kursunada niyang babae, na-public pa talaga ang issue na ‘yon. Ano’ng ibig sabihin nito, hindi na sila?

‘Kung tatanggapin ko ang alok mo, paano si Alice?” sa wakas ay naitanong ko rin ang nais ko. Umiiwas pa rin ako sa gulo no, buti nga’t tinantanan na ‘ko ng mga bullies eh, pagkatapos ay magpapadurog na naman ako sa mga alipores ng Alice na ‘yon, no way!

“Bakit, ano bang mayro’n do’n?’

“Puwede naman siguro kitang batukan ano?”

Nagbibiro lang naman ako sa tanong na ‘yon, pero dahil sa sumagot siya ng pagtango-tango ng ulo ay nagulat ako. Hindi ko na inaksaya ang pagkakataon para mabatukan nga siya, kailangan niya para maalog at matauhan sa mga sinasabi niya.

“Aray! Para sa’n ‘yon?” Napapahimas pa si Julian sa kaniyang ulo sa ginawa kong pananakit sa kaniya.

“Para matauhan ka lang, hello, may problema ba kayo ni Alice? Kung mayro’n may ay labas na ‘ko ro’n. Pero kung gusto mo naman na makipaglandian sa akin ay ayos lang din. Type naman kita eh, walang magiging problema pero sa gabi naman, ‘yong tago lang, sa lugar na walang maraming nakakakilala sa ‘kin,” pagpaprangka ko sa kaniya. 

Panay ang s****p ko ng juice na binigay niya para sa akin, pangpalubag loob siguro sa gusto niyang ipagawa sa ‘kin.

Narito kami sa  rooftop, walang ibang tao, yes chineck ko ang bawat sulok bago sinarado ang pinto doon. Malakas ang simoy ng hangin mula rito sa itaas, panay pa nga ang palipad-lipad ng mahaba kong buhok dahil sa nakalimutan ko ang pang-ipit sa aking bag.

“Ang dami mo pang sinasabi, oo o hindi lang. Payag ka ba na maging date ko para sa Party?”

Napaisip ako ng malalim habang kagat ang straw ng juice na hawak ko. Isipin ko muna bago tuluyang sumagot sa kaniya. Hindi ko basta na lang malulusutan ang ideya na ito once na pinasok ko na. 

Maraming maaapektuhan at masasagasaan if lantaran akong ma-link sa isang Kordal. Okay na siguro ako sa palihim lang na tumatanaw sa kaniya.

“Hindi. Ayoko ko, puwede naman kitang pagpantasyahan kahit nasa malayo, hindi magugulo ang buhay ko. Kaysa naman papatol ako riyan sa gusto mo, pagakatapos kinaumagahan ng kasayahan ko ay karahasan naman, gano’n? AY ‘wag na lang Julian, at isa pa, magtataka naman masyado ang papa sa akin kapag sinabi ko na date kita.”

Inismiran ko na lang siya, tama lahat ng konklusyon ko sa kaniya. Kailangan kong umiwas kung gusto kong makagraduate. Nagpaalam na ako na aalis na nang maipunto ko na sa kaniya ang sagot ko. Hindi naman siya sumagot, nanatili ang mga mata nito sa malayong parte ng school ground. 

“May relasyon sina Alice at Harold.”

Napatda ako sa aking kinatatayuan, para akong sinabuyan ng malamig at nag-uusok na yelo sa likuran. Ano’ng sabi niya? May relasyon ang dalawang ‘yon? Impossible-

Wait lang, nakita ko sila minsan sa Judo club nang silang dalawa lang. Pero nag-uusap lang naman sila no’n, hindi naman sila mukhang may affair, eh.

“You mean ang kapatid mo, sinusulot si Alice sa ‘yo?” maang-maangan kong tanong kay Julian. 

“Hindi ko sigurado, siguro ako ang umaagaw kay Alice mula kay Harold.”

Napakalabo naman ng naging sagot nito, kaya imbes na bigyan ng advice ay nginiwian niya ito ng labi, inambangan ng siko para masaktan. Subalit nang humarap ito’y tumambad sa akin kung gaano kalungkot ang kaniyang mga mata. Lungkot na dala ng kataksilan sa kaniya o lungkot na daladala na niya simula pa lang?

“Oo, sila nga. Ayos lang naman dahil nanliligaw pa lang din ako kay Alice, ang kaso’y pinagmumukha nila akong tanga at sunod-sunuran, hindi ko na kaya ang gano’ng sitwasyon Aliyah. Kaya ako humihingi ng pabor sa ‘yo. Gusto kong ipakita sa kanilang kaya ko ang sarili ko, hindi nila ‘ko madadala sa panloloko nila sa ‘kin.”

Sinsero ang boses ni Julian, ramdam ko kung gaano kabigat ang loob niya sa ngayon mismo. Hindi ko naman siya magawang aluhin, dahil baka sabihin pa’y minamanyak ko siya.

“Pero, sana’y pinag-usapan niyo na lang ang problema. Ang labas kasi’y gusto mong gumanti sa kanila, tama ba?” ‘yon ang dahilang nararamdaman ko kung bakit gusto humanap ng babae na puwedeng pansamantalang takpan ang presensiya ni Alice.

“”Hindi na kaya ang usapan Alliyah. Kaya kung papayag ka sa plano na itoy mapapanatag ang loob ko. Bilang kapalit ay dadagdagan ko ang salary ng papa mo.”

Tila isang musika ang sinabi nito tungkol sa sahod ni papa, magiging jackpot ‘yon para sa ‘min, pero kasi…

“Sige, papayag na ‘ko, pero sa isang kundisyon,” ani ko. Ako ang gagawa ng kasunduan sa pagitan naming dalawa.

“Ano ‘yon?” Para bang nabuhayan ng loob si Julian sa positibo kong sagot.

“Kapalit ng pagiging bitag ko sa paghihiganti na itoy kailangan mong pumayag sa tunay na date,” nakangiti ako sa harapan niya. Hindi ko kasi maitago kung gaano ako kinikilig kahit na naiisip ko pa lang na possibleng magdate kami. 

“Tutal wala naman pala kayo ni Alice, ba’t hindi ka lumabas na ako ang kasama? Magdate tayo ng two weeks, tapos maging magjowa naman in another two weeks. Hindi na masama, one month lang naman. Ano deal?”

Halata ang paglipad ng isip ni Julian sa mga sinabi ko, ngunit kita sa mukha niya na pinag-iispan niyang mabuti ang mga sinabi ko. 

Siya naman ang tatanungin ko ng Oo o hndi, papayag ba siya sa deal ko?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status