Share

Julian and Alliyah

“Alliyah!” 

Nagulat ako sa pagtawag na iyon sa pangalan ko, ngunit mas lalo akong namangha ng malaman kay Julian nanggaling ang tinig na ‘yon. Anong ginagawa niya rito sa labas ng bar?

“J-Julian?”

“Wow, akalain mo ‘yon, may knight in shining armor ka ngayon?” Humagalpak ng tawa ang isa sa tatlong lalaki na kanina pa nanghaharass sa akin. 

Parati nila ‘tong ginagawa sa tuwing kailangan nila ng pera. Pinapapunta nila ako upang hingian ng ilang halaga kapalit ng pananahimik nila, ikakalat daw nila ang isang litrato kuha sa akin habang kita ang legs ko sa ilalim ng maikling paldang uniporme. Sadya ang pagkakakuha ng picture na ‘yon upang mangikil ng pera sa katulad ko. Hindi lang naman kasi ako ang target nila, marami kaming takot na ma-expose at masira ang dignidad.

“Ano’ng nangyayari?” maang na tanong ni Julian ng tuluyan siyang makalapit sa kinaroroonan namin. Isa-isa ko rin munang sinulyapan ang tatlo bago nagbaling kay Julian. Tumakbo na ako sa tabi niya nang malingat sila sa presensiya ko. Nagtago ako sa likod ng kakilalang lalaki’t pabulong na nagsumbong sa kaniya ng mga nangyari.

Hindi ko naman inaasahan na tutulungan niya ako, pero salamat na rin. Baka sakaling magtanda ang mga walang magawang schoolmate ko na ‘to kapag isang Kordal ang nagsalita sa kanila.

“Pinapatulan niyo ang babae? Ano kayo mga bakla?” Seryoso pa sa seryoso ang hitsura ni Julian. Nakagat ko na nga lang ang labi ko upang mapigilan ang tawa na nagsusumamo na lumabas doon, eh.

“Oo, mga bakla ‘yan sila Julian,” pang-aasar ko pa. 

Umambang lang ng kamay ang isa sa mga ito, dahil sa nakatago ako’y hindi nila magawa na batukan o gulu-guluhin pa ang buhok ko.

“Pera ba ang kailangan niyo? Oh, heto.” 

Sinilip ko ang pagkalikot ni Julian sa kaniyang wallet, nanlaki ang mga mata ako sa dami ng laman niyon. Puros kulay dilaw pa. Inabutan niya ng tig dadalawang pirasong papel na pera ang mga ito’t sinabihan na lubayan na ako. Hiningi rin niya ang kopya ng pictures na sinabi ko kanina lang sa kaniya. Pinabura ‘yon at naghingi ng assurance na hindi na nila ako guguluhin kahit na kailan dahil kung hindi ay malalagot sila sa kaniya. 

Oh, ‘di ba? Masiyadong pa VIP ang hitsura ko?

Sobra-sobra ang paghingi ko ng pasasalamat kay Julian sa pagdating niya, kaya naman inalok ko siya ng something na makakain o maiinom man lang kahit na amoy na amoy ko sa bibig niya ang alak na mukhang kaiinom lang din nito.

“Hindi na, mas kailangan mong makauwi na. Nagpapasundo sana ako sa tatay mo ngayon. Narito siya kanina pero pinauna ko na, baka magpag-abot pa kayo kung ano pa ang magawa ni Mang Nardo sa mga lalaking ‘yon,” namangha ako sa pagpapalwanag na ‘yon ni Julian. Napaka gentelman niya pala talaga at thoughtful. Kaya ako lalong nagkakagusto sa kaniya e.

“Salamat ha, tatanawin kong isang malaking utang na loob ang bagay na ‘to sa ‘yo. Kapag ikaw naman ang nangailangan ng tulong ay sabihin mo lang. Kung kaya kong tumulong, why not, hindi ba? Kahit puso ko pa ang kapalit.” 

“Huh?”

Natauhan naman ako sa huling sinabi ko na ‘yon, ang laki ko talagang garapal sa mga nasasabi.

“Ah, ano, wala naman ‘yon,” tatawa-tawa kong sabi sa kaniya.

Dahil sa ayaw naman niyang magpallibre sa ‘kin kahit na tubig ay hindi ko na siya pinilt pa. Nagsabay na lang kami ng sinakyang Bus, medyo malayo pa ang lugar niya at ako’y ilang kilometro lang ay makakauwe na. Kahit jeep o tricyle nga ay kaya naman, pero dahil sa maghaharot ako’y sa bus na rin ako sasakay.

“Nga pala Julian, kumusta ka naman?” ang weird kong tanong sa kaniya.

“Ayos lang naman,” matipid niya namang sagot sa tanong ko.

“Ahhh.. good kung gano’n. Eh, kayo na ba ni Alice?” mas weird ata ang tanong ko na ‘to.

“Hindi rin.”

Wow! Gano’n siya ka honest sa mga sagot niya. Hindi na siya ‘yong tulad ng dati na ang hahaba ng sagot tapos todo paliwang ang person.

“Mabuti naman na hindi pa kayo.”

Isang nakangunot na noo ang itinapon niya para sa ‘kin, labis ng pagtataka ang mukha nito na tinawanan ko lang din bilang sagot.

“Alam mo, hindi naman kasi kayo bagay na dalawa, no. Masiyado kang guwapo para sa kaniya. At saka ano pala, puro na lang sa maganda ang guwapo paano naman kaming mga low level lang ang hitsura? Wala ng chance na magkaro’n ng magandang lahi kasi nagsama-sama na kayong mga pinagpala sa mundo.” 

Sa wakas, nagkaroon na rin ako ng pagkakataon na masabi ‘yon sa isang guwapong nilalang na nakasama ko, para i-spread niya naman ang hinanakit naming mga hindi nga kagandahan.

Sinulyapan ko si Julian kung matatawa man lang ba siya sa mga pinagsasabi ko, kaso hindi pala. Bahagya kong kinurot-kurot ang noo ko, bilang parusa sa pagiging super OA. Nakakahiya lang! Ngunit ilang segundo lang ay sinaway ako ni Julian sa ginagawa ko’t inabot sa ‘kin ang telepono niya. 

“Ilagay mo ang cellphone number mo rito, kung mayro’n man.”

Nakailang kurap ako ng mata sa sinabi niya. Talaga ba? Interesado siya sa cell number ko? Gosh!

Nanginginig pa ang mga kamay ko na inabot ‘yon para i-save ang numero, pero nang lalagyan ko na ng pangalan ay inagaw na niya ‘yon at nagtipa. Ilang saglit lang ay nagring na ang telepono ko na nasa bag. Sinenyas niya na sakaniya ang numerong ‘yon at isave ko para kapag kumontak siya’y hindi puwedeng hindi ko masasagot.

“Type mo ba ‘ko Julian?”

“Ano’ng sinasabi mo riyan?” Magkasalubong ang mga kilay na tanong niya sa akin.

“Eh, hiningi mo kasi ang number ko kaya naisip ko na baka may gusto ka sa ‘kin,” nahihiya ako sa eksenang ito, kagat ang labi na may halong pagpapacute na sumulyap ako sa kaniya. 

“Hindi kita type.”

“Eh, bakit-”

“Sabi mo gagawin mo kung may kailangan akong ipagawa, ‘di ba?”

Tumango-tango ako bilang sagot, oo sinabi ko nga ‘yon.

“May naisip na ‘kong puwede mong gawin para sa ‘kin.” Isinandal niya ang ulo sa likuran. Inaantok na ata ito, o ‘di kaya’y tinatamaan na ng alak na nainom niya.

“Wala ka pa bang date sa Valentine Prom?”

“Ahmm…” pag-iisp ko. “Wala pa, wala rin naman mag-aalok no-”

Nattigilan ako sabay titig sa nakapikit na Julian, ang ganda ng mga pilikmata nito. Daig pa pilikmata ko sa haba.

“Don’t tell me, gusto mo ‘kong maging date?” 

Grabe ang tibok ng puso ko ngayon, para akong hinahabol sa isang karera. Du-dug-du-dug! Sana’y totoo ang naiisip ko, dahil kung oo ay tatanggapin ko agad. Yes na Yes ang sagot ko.

“I’ll text you the details. Gusto ko na munang magpahinga ngayon.”

“Ngek! Sabihin mo na kaya, pa-suspence ka pa. Yes naman ang isasagot ko, eh.”

Pinipilit ko siyang sumagot pa pero hindi ko na talaga napiga ang lalaki na ‘to. Nalango  na ata siya sa alak na nainom.

“Ihahatid na kita sa inyo-”

“Hindi ako baldado Alliyah, kaya ‘ko ang sarili ko. Manahimik ka na lang diyan para hindi ako mainis at itulak na kita pababa sa bus na ‘to.” 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status