Share

CHAPTER 101

     “BERNARD, gusto ko sanang humingi sa iyo ng pera. Magtatayo sana ako ng small business. Buy and sell—”

“Mamaya ay dalhin mo sa mall si Monica. Ipasyal mo siya at ang sabi niya sa akin kagabi ay gusto niya ng new doll. Dalhin mo siya sa toy store.” Agad na pinutol ni Bernard ang sasabihin sana ni Valentina.

Nasa hapag-kainan sila ng umagang iyon at nag-aalmusal.

Ilang beses na niyang sinubukang sabihin kay Bernard ang plano niya na magkaroon ng sariling negosyo para kahit paano ay meron siyang pinagkakaabalahan. Ngunit tila tutol ang asawa niya sa bagay na iyon. Kahit hindi nito sabihin ay nararamdaman niya. Iyong pagputol palagi nito sa sasabihin niya kapag iyon ang lalabas sa bibig niya ay isang indikasyon na hindi ito sang-ayon sa pagkakaroon niya ng negosyo.

Napatingin si Valentina sa batang si Monica na abala sa pagnguya ng hotdog

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status