Share

CHAPTER 71

          “GUSTO mong magtrabaho?” Umayos si Martin ng pagkakaupo at ibinigay niya ang buong atensiyon kay Milagros. “Kaya ko naman na mag-ipon nang mag-isa sa kailangan natin para rito sa bahay pero kung naiinip ka at gusto mo ng pagkakaabalahan ay baka gusto mong bigyan na lang kita ng puhunan. Mag-negosyo ka. Gamitin mo ang husay mo sa pagluluto.”

“Hindi ko gusto na magnegosyo, Martin. Ang gusto ko ay trabaho talaga. `Yong kagaya ng sa iyo. Okay lang ba?”

Sandaling nag-isip si Martin. Nagulat kasi siya sa kagustuhan ni Milagros na magtrabaho. Kung siya kasi ang papapiliin ay mas nais niya na sa bahay lang ang kaniyang asawa upang pag-uwi niya ay palagi niya itong makikita agad. Saka may takot pa rin siya na baka maulit iyong nangyari rito o kaya ay mawala ulit ito nang matagal. Bumabawi pa rin siya sa mga taon na nawala si Milagros at mababawasan ang oras nil

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status