Share

Chapter 24

Author: Artemia
last update publish date: 2026-09-16 14:30:19

Hindi rin naman nagtagal sina tito at tita dahil mukhang wala na sa mood ang mommy ni Sage na masama ang tingin kay Vanessa matapos ng sagutan nila pero nanatiling walang pakialam naman ang kaibigan ko. Nang makaalis ang mga magulang ni Sage ay saglit ko siyang hinila agad sa gilid para kausapin.

“What? I know you're happy na umabot ako sa kasal mo pero ‘wag mo naman ako kaladkarin,” reklamo niya bago balingan sa hindi kalayuan si Sage. “And ang masasabi ko sa asawa mo, pwede na kung looks ang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Indebted Second Wife of the Billionaire    Chapter 28

    "Naku, Miss Hera! Mabuti at nandito na po kayo," salubong ni Myleen sa akin, isang kasambahay sa mansyon ng Villaruel. "Bakit? May nangyari ba?" Nagsimula ng dagain ang dibdib ko dahil sa sobrang balisa at nag-aalala niyang itsura ngayon. "Si Azrielle po kasi, Miss, inatake siya ulit kanina—"Hindi ko na tinapos ang sinasabi niya at agad akong napatakbo papasok sa loob ng mansyon tuluyan na akong kinain ng matinding kaba dahil doon.Walang face to face na pasok ngayong araw sila Azrielle dahil sa masamang panahon pero mayroon kaming nga teachers kaya ngayon lang ako nakauwi at naiwan siya sa mansyon kasama ang mga tauhan dito. Hindi ko na rin siya na-check after lunch dahil sa dami kong ginagawa kanina sa school.Pagdating sa salas ay agad akong napahinto ng makita ko si tita Serina na halos hindi mapakali habang nakatapat sa tainga ang hawak nitong cellphone. Nang makita ako ay saglit siyang natigilan bago malalaki ang hakbang na nilapitan ako."Tita—""Where have you been!"Halos

  • The Indebted Second Wife of the Billionaire    Chapter 27

    "Sino raw ang bisita?" ang bulong ko kay Jessie na abala sa pag-aayos ng sarili niya sa repleksyon sa kaniyang cellphone."Hindi ako sigurado, pero mukhang darating ngayon si Mr. T!""Mr. T?"Saglit siyang napangiwi bago tila natauhan. "Oo nga pala bago ka lang sa school. Ang tinutukoy kong Mr. T ay ang director ng school, apo siya ng founder ng buong academy at sobrang pogi niya!"Ako naman ang napangiwi sa pagka-oa ng kilig ni Jessie sa huling sinabi.Nasa conference hall kami ngayon kasama ang mga co-teachers namin mula sa iba't ibang department. Pinatawag kami para sa isang lunch meeting at wala akong ideya kung bakit dahil lutang ako at gutom na. Ayoko namang galawin ang pagkain na inihanda sa amin para sa meeting lalo na at wala pa ang bisita.Ang totoo niyan ay ilang araw na akong lutang matapos naming makabalik galing sa halos dalawang araw naming family bonding/honeymoon sa private resort nila Sage. And speaking of him, hindi ko na ulit siya nakausap simula no'n dahil kung hi

  • The Indebted Second Wife of the Billionaire    Chapter 26

    Tulad ng plano namin ay namili kami sa palengke ng ingredients para sa dinner namin mamaya. Sinabay na rin namin ang pamimili ng mga pansamantala naming damit hanggang bukas at ng kung ano-anong maisipan na mag-ama na damputin sa mga stool na nakikita nila.Tuwang-tuwa naman si Azi dahil ngayon lang siya nakalibot sa palengke. Sakto pa na malapit na ang fiesta sa lugar kaya marami rin ang tinda roon. Ang plano naming pamamalengke lang ng mga kailangan ay nauwi na sa sandamakmak na souvenirs.Natatawa na lang din ako kay Sage na naging tagabitbit ng halos lahat ng plastic at paperbags ng mga pinamili namin. Mabuti na lang at nakahiram ako ng bayong kanina sa resort at iyon ang napaglagyan ko ng mga pinamili kong ingredients.May kalayuan sa bahay na tinutuluyan namin ang palengke kaya gumamit na kami ng kotse, siyempre si Sage pa rin ang driver. Agaw pansin nga masyado ang kotse niya na halatang mamahalin at mula sa kilalang brand ng sasakyan.Sinulit na rin namin ang paglabas at nagli

  • The Indebted Second Wife of the Billionaire    Chapter 25

    Madaling araw na kami nang makarating sa private resort nila Sage. Agad kaming magiliw na sinalubong ng mga tauhan doon at inalalayan papasok sa malaking private house para makapagpahinga.Maraming kuwarto sa loob ng bahay pero dahil sa pagod sa byahe at puyat ay sa iisang kama na lang kaming natulog tatlo. Hindi rin kasi ako nakatulog sa byahe dahil ayoko ngang iwan si Sage na mag-isang gising at nagmamaneho. Ang buong byahe namin ay napuno ng kwentuhan, tawanan, at katahimikan hanggang sa namalayan kong mas komportable na kami kung mag-usap ni Sage na nakukuha na akong bardagulin. “Mommy! Daddy! Wake up! It's morning na po!”Hindi ko alam kung parte pa ba ‘yon ng panaginip ko pero ang boses na iyon ni Azrielle ang paulit-ulit kong naririnig habang nararamdaman ko ang pag-alog ng hinihigaan ko dahil mukhang nagtatalon ito sa higaan.“Mommy! Gutom na po ako! Wake up na!” Tuluyan ng nagising ang diwa ko dahil sa pag-alog sa akin ni Azrielle. “W-Wait. Anong oras na ba?” halos paos ko

  • The Indebted Second Wife of the Billionaire    Chapter 24

    Hindi rin naman nagtagal sina tito at tita dahil mukhang wala na sa mood ang mommy ni Sage na masama ang tingin kay Vanessa matapos ng sagutan nila pero nanatiling walang pakialam naman ang kaibigan ko. Nang makaalis ang mga magulang ni Sage ay saglit ko siyang hinila agad sa gilid para kausapin.“What? I know you're happy na umabot ako sa kasal mo pero ‘wag mo naman ako kaladkarin,” reklamo niya bago balingan sa hindi kalayuan si Sage. “And ang masasabi ko sa asawa mo, pwede na kung looks ang pag-uusapan, mayaman din pero halatang matapobre ang mga magulang—”“Van!”“Why? Totoo naman. Kung makapagsalita nga sa ‘yo ang nanay niyan akala mo kung sino.”“Vanyy, alam kong mahal mo ako at gano'n din ako sa ‘yo. Pero in-laws ko na sila ngayon and I'll much appreciate it if you act kindly to my… new family,” ang pagkukumbinsi ko sa kaniya na agad namang ikinalukot ng kaniyang mukha.“New family my ass. Kung hindi lang sa kontrata—”“Van!” agad ko siyang hinila pa sa pinakasulok sa walang ma

  • The Indebted Second Wife of the Billionaire    Chapter 23

    Ang natitirang mga araw sa isang linggo ko bago kami ikasal ni Sage ay halos dumaan lang sa akin nang hindi ko namamalayan dahil sa pagiging abala sa trabaho at pag-aalaga kay Papa, maging ang pakikipag-bonding ko rin kay Azrielle.Pero sa halos pagiging okupado ng bawat araw ko ay palagi pa rin talagang sumisingit sa isip ko ang nangyari sa amin ni Sage. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman bukod sa kahihiyan. Mabuti na lang at hindi niya ‘yon bini-bring up kapag nagkikita kami kasama si Azi.Pinaniniwala ko na lang ang sarili na normal na iyon lalo at ikakasal din naman kami. Kahit na pinagkasunduan namin sa kontrata na hindi kinakailangan na magkaroon kami ng sexual relationship. Pero ang nangyari ay nangyari na. Early honeymoon na lang siguro namin iyon.Sa pagiging okupado ng buong linggo ko ay ang sunod ko na lang namalayan ay nakatayo na ako hawak ang isang kumpol ng bulaklak na kakulay ng suot kong puting dress na saktong-sakto sa korte ng katawan ko. Nakalugay naman

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status