LOGINNapapikit ako kasabay ng tunog nang padarag na pagsara ng pinto. Bakit pa kasi kailangan mong itanong kung galit siya, Hera? e obvious pa sa obvious na hindi siya natutuwa.Naihilamos ko ang palad ko sa aking mukha dahil hindi ko alam ang dapat kong gawin. Ngayon ko lang nakitang galit si Sage sa akin at natatakot akong harapin siya, pero ayoko namang hayaan lang na magalit siya nang wala akong ginagawa."Sage, sandali!" ang muli kong pagtawag sa kaniya nang sundan ko siya sa labas.Saglit siyang napahinto sa paglalakad pero agad din na muling humakbang. Agad naman akong napasunod sa kaniya."Pwede bang mag-usap tayo?" Hindi pa rin siya tumitigil sa paglalakad papunta sa kuwarto niya. Para itong walang naririnig at dere-deretso lang sa paglalakad. Wala naman akong magawa kundi ang sumunod sa kaniya."Hindi ko maintindihan kung bakit ka nagagalit ngayon," patuloy ko pa ring pagsasalita. "Nagpaalam naman ako nang maayos sa 'yo kahit kay Azrielle. Wala rin naman akong nilabag na kahit
"Are you really okay?" ang pagbasag ni Tristan sa katahimikan sa loob ng sasakyan habang nagmamaneho siya.Marahan akong ngumiti, "Yeah. Sorry, may iniisip lang." Kanina ko pa napapansin na hindi siya mapakali at pabaling-baling sa akin dahil sa inasta ko kanina. Mabuti nga at hinayaan niya muna akong manahimik kanina matapos nang pagtawag ko sa cellphone number ni Sage.Dahil kanina ay tingin ko ano mang oras ay lalamunin ako nang buo ng mapait na pakiramdam sa sistema ko dahil sa ideya na naglalaro sa isipan ko.Pero, ngayon ay nakapag-isip-isip na ako para mapakalma ang sarili. Ayokong pag-isipan ng masama si Sage lalo na at sa buong panahon ng kontrata namin ay wala siyang ginawang masama o ipinakitang hindi maganda sa akin. He respects me despite our contract at nakuha niya ang tiwala ko dahil doon.Hindi ko man maiwasan, tingin ko ay kasalanan kung pag-isipan ko siya nang masama dahil lang sa tawag na iyon. But, somehow, it bugs me that the woman who picks up his phone asks me
Felicity Hera Dela Merced's POV Nang sumunod na linggo ay ang huling linggo ko sa academy kaya ang nasa isip ko na lang ay sulitin ang buong linggo na iyon kasama ang mga estudyante at mga kasamahan ko sa pagtuturo.Halos mapuno nga lagi ang lamesa ko aa tuwing recess at lunch dahil sa mga binibigay ng mga estudyante ko sa akin na sinusulit na rin ang mga sandaling kasama nila ako. Gano'n din halos ang mga co-teachers ko lalo na si Jessie na laging bumubusangot kapag uwian na at binibilang pa ang natitira kong araw sa academy."Nakakainis naman kasi 'to! Nagpakasal din naman ako pero hindi naman ako pinag-quit ng asawa ko sa pagtuturo," si Jessie habang nagliligpit kami ng gamit sa faculty pagkatapos ng klase."Hindi rin naman ako pinag-quit ng asawa ko, sarili ko talagang desisyon 'to."Napanguso naman siya bago biglang manliit ang mga mata at lumapit sa akin na tila ay may sumagi sa isipan."Don't tell me buntis ka kaya ka magku-quit? Ano? Ay, marami akong kilalang gan'yan!"Naii
Third Person's POVMatapos magluto ni Hera ng tanghalian ay inaya na rin nila sina Azrielle sa hapag, inalalayan naman ni Sage ang kapatid na hirap pa rin dahil sa na-sprain na paa.Ang totoo ay na-sprain ng dalaga ang paa matapos nitong puntahan sa kanilang kumpanya ang kapatid para kumpirmahin ang isang balitang narinig nito. Pero dahil pinaka ayaw ni Sara ang ospital ay napagdesisyunan na lang ni Sage na dalhin ang kapatid sa mansyon bago tawagan ang kanilang ina."Gusto mo pa ba ng kanin?" ang tanong ni Hera kay Sara na ikinatango nito.Dahil marami silang kakain ngayon ay hindi mapakali sa pag-aasikaso si Hera, lalo na at nalaman niyang sister-in-law niya pala ang muntikan ng pagselosang si Sara."Do it yourself, Sara. Paa mo ang injured hindi kamay," si Sage.Hindi naman siya pinansin ng kapatid na masayang tinanggap ang sinandok na kanin ni Hera sa kaniya. "Stop keeping your wife to yourself, Aldous, sobrang nakaka-cringe!" sabat ni Sara.Nailing na lang si Sage na hinawakan a
Maliit na ngumiti lang ako kay Sara bago kunin pabalik ang kamay ko. Nanatili naman ang malaking ngisi sa labi habang nakatingin sa akin at hindi ako komportable doon. "Ah, gusto mo bang tulungan na kitang bumalik sa loob?" pag-iiba ko ng usapan. "Para mapahinga mo 'yung paa mo, baka lumala pa lalo 'yung sprain mo kapag napwersa." "Oh, kung ayos lang sa 'yo, thanks!" Agad naman akong lumapit para tulungan siya sa paglalakad papasok. "How funny that we met like this," muling sambit niya habang maingat na humahakbang. "I mean, hindi ito ang na-imagine kong magiging pagkikita natin." Kunot noo ko siyang tiningnan. Hindi ko alam kung personality niya na talaga ang maging ganito kadaldal at casual sa akin o ano, pero hindi ko maiwasang mailang lalo pa at ngayong nalaman ko na siya ang first love ni Sage. "Saan pala kayo galing ni Sage at bakit ka na-sprain?" ang bigla kong tanong na saglit niyang ikinatingin sa akin bago muling tumuon sa paghakbang niya. "I mean, sa pagkakaalam
"Sage! Ibaba mo nga sabi ako," pagpupumiglas ng babaeng karga-karga ni Sage na parang sako ng bigas. "Paano kita ibaba kung na-sprain mo ang paa mo?" si Sage."Argg! Whatever!"Kapwa kami nanatiling nakatayo sa hindi kalayuan ni Penelope habang pinapanood ang dalawa na papasok ng mansyon.Nabuhay naman ang kuryosidad ko dahil ngayon ko lang nakita ang babaeng 'yon at ngayon ko lang din nakitang may kasamang ibang babae si Sage."Gumagawa na naman ng eksena ang bruhang 'yon dito," si Penelope na mukhang wala na lalo sa mood dahil sa nakita."Kilala mo siya?"Kunot noong binalingan naman niya ako. "Who? Si Sara? Of course! Iyan ang unang panira sa moment ko kay Sage bago ka pa dumating.""Bakit? Sino ba siya?""What?" Litong tiningnan ako ni Penelope na para bang isang akong kakaibang nilalang sa paningin niya. "Hindi mo kilala si Sara?"Sara? Ngayon ko lang narinig ang pangalan na iyon. Wala rin namang nababanggit sa akin si Sage dahil... bakit naman siya magbabanggit ng mga babaeng k







