author-banner
Artemia
Artemia
Author

Novels by Artemia

The Indebted Second Wife of the Billionaire

The Indebted Second Wife of the Billionaire

Magwawalong taon ng biyudo ang bilyonaryong si Aldous Sage Villaruel matapos mamatay ng una nitong asawa sa panganganak, hindi na ulit siya nag-asawa matapos no’n. Ngunit, sa paglaki ng kaniyang anak na si Azrielle ay nagsisimula na itong maghanap ng aruga at kalinga ng isang ina na hindi niya mabigay. Kaya nakapagdesisyon na si Sage na maghanap ng tamang babae na tatayong ina para sa kaniyang anak. Doon niya nakilala si Felicity Hera Dela Merced na kasalukuyang guro sa elementarya ni Azrielle, ito lang ang nag-iisang babaeng nakakasundo ng kaniyang anak at tingin niya ay magiging saktong ina para sa bata. Ngunit dahil mailap na babae si Hera ay hindi niya alam kung paano ito mapapa-oo na pagpapakasal sa kaniya, hanggang sa malaman ni Sage ang sekreto ni Hera na pagtatrabaho sa isang nightclub para mabayaran ang malaking utang ng pamilya nito. Kapalit ng pagbabayad ni Sage sa lahat ng pagkakautang ng pamilya ni Hera at pagsuporta sa ama nitong nasa ospital, ay ang pag-offer niya sa dalaga na maging ina ng batang si Azrielle at maging pansamantalang asawa ng lalaki.
Read
Chapter: Chapter 6
Aldous Sage Villaruel’s POV“This is ridiculous!”Napatayo ang mommy ko sa sobrang galit. Nanatili naman akong nakaupo at sumisimsim sa baso kong may lamang tsaa.“I cannot allow this nonsense, Sage,” ang seryosong tinig ni Dad.Ibinaba ko ang hawak na baso sa lamesa at kapuwa silang tiningnan. “I’ve already decided. No one can change my mind now.”Bumakas lalo ang galit sa mukha nilang dalawa. Nasa mansyon ngayon ang parehong magulang ko matapos nilang malaman ang tungkol sa plano kong pagpapakasal. I don’t want to disclose this yet with them pero masyadong madaldal ang kapatid ko at nagsumbong agad sa kanila.Masyado na talagang na-spoiled ang isang ‘yon, tsk.“Ni hindi mo pa nga naihaharap sa amin ang babaeng ‘yan and now you are telling us that no can change your mind about marrying her? I don’t even know her name or family status!” my mother burst. “You’re not marrying that woman.”Imigting ang panga ko bago padarag na tumayo sa kinauupuan ko. Kapuwa silang napabaling sa akin.
Last Updated: 2026-08-27
Chapter: Chapter 5
Napakurap-kurap ako habang pinuproseso ang sinabi ni Sage. Bumalik din ang tanong sa akin ni Azi kanina sa parke tungkol sa pagiging mommy ko sa kaniya. Naintindihan ko pa ang anak niya sa tanong nito kanina lalo na at naging malapit na rin sa akin ang bata. Pero, si Sage Villaruel ay gusto akong maging nanay ng anak niya? In short maging asawa niya? Hibang na ba siya? Ni hindi nga kami personal na magkakilalang dalawa!“Tingin ko hindi ko nasusundan ang gusto mong sabihin,” ang naguguluhan kong sambit.Hindi naman nagbago ang seryoso niyang tingin sa akin. Umayos siya ng pagkakaupo bago muling magsalita.“I need someone who can be a mother to my son. At sa kaso ko, ikaw lang ang nakikita kong makakasundo niya—”“Wait! Sandali,” pigil ko agad sa kaniya. “Ito ba ang rason kaya mo binayaran ang utang ko sa club? Para hindi ako makatanggi kapag inalok mo ako ng kung ano man ‘to?”Kumunot ang noo niya. “Hindi ‘yon ang intensyon ko.”“Well, gano'n ang pagkakaintindi ko, Mr. Villaruel. Una
Last Updated: 2026-08-23
Chapter: Chapter 4
“Daddy!”Tumakbo si Azi papalapit sa lalaking kararating lang. Sa itsura nito ay mukhang galing pa ito sa trabaho at dumeretso lang rito. Muntikan ko ng makalimutan na siya ang pinunta ko rito, pero ngayong nasa harapan ko na siya ay muli na naman akong nilalamon ng kaba.“Sage,” ang mahinhin na sambit ng babaeng ngayon ay abot-langit na ang ngiti. “Penelope,” ang banggit ng lalaki sa pangalan nito matapos buhatin si Azi. Dumako rin ang tingin niya sa akin na agad kong ikinaiwas.“Sa bahay ka na sana dumeretso. Sinusundo ko lang si Azi,” si Penelope.Halos mapairap ako dahil sa pagiging two faced niya pero dahil sa mariin na tingin sa akin ni Sage na tila nagtatanong ang mga mata ay pinigilan ko ang sarili.“You are here,” ang pagkausap sa akin ni Sage na ikinabaling ko sa kaniya.“Binili po ako ni teacher ng ice cream!” si Azi.“Ah! Yes, siya ang nakakita kay Azi. Sobrang thankful nga ako nung tumawag siya sa bahay. Sobrang nag-aalala talaga ako kanina,” ang madramang sabi ni Penel
Last Updated: 2026-08-23
Chapter: Chapter 3
Kung nakatutunaw lang ang tingin ay kanina pa siguro nalusaw ang papeles ng bahay at lupa namin sa harapan ko. Pagkatapos ng nalaman ko sa nightclub ay halos hindi ako patulugin ng pag-iisip ng mga sagot sa tanong kung bakit iyon ginawa ni Sage. Anong kailangan niya sa akin? Bakit niya ako tinutulungan?Nagtatalo ang isip ko sa kung dapat kong gawin gayong alam na nito ang isa sa pinakatatago ko.“Walang mangyayari kung hindi ko siya pupuntahan,” ang tuluyang pagsuko ko bago tumayo sa aking upuan.Kung alam na niya lahat ng dahilan kaya ako nasa nightclub ng gabing iyon ano pa bang ikahihiya ko?Ang totoo ay nang gabing iyon ang unang araw ko sa club matapos kong pumayag na maging dancer doon para mabayaran at makuha agad ang titulo ng bahay at lupa ng bahay namin, na isinanla ng madrasta kong iniwan na kami pagkatapos maospital ni Papa. Iyon na lang choice na mayroon ako para hindi mawala ang nag-iisang alaala na mayroon ako sa mga magulang ko.Nasa ospital pa rin si Papa at halos ba
Last Updated: 2026-08-23
Chapter: Chapter 2
Felicity Hera Dela Merced’s POV“Good bye, Teacher! See you tomorrow!” ang masiglang pagpapaalam ng isa sa mga estudyante ko sa Grade 1.Nakangiting kumaway ako sa kaniya at sa nanay niyang nakangiti rin sa akin.“Bye! Ingat sa pag-uwi.”Pinanood ko silang makaalis bago dumeretso sa faculty para ilagay ang ibang gamit ko. Naabutan ko pa ang co-teachers ko na galing din sa kanilang mga klase.“Kapagod,” ang malamyang sabi ni Jessie matapos ibaba sa mesa niya ang mga notebook na dala.“Stress ka na naman sa mga grade 6 mo?” ang mapang-asar na tanong ko sa kaniya na lalo lang ikinalukot ng kaniyang mukha.“Ano pa ba? Mabuti nga ikaw e mukhang maganda ang naging weekends kaya sobrang blooming ngayon,” ang balik na panunukso nito na ikinawala ng ngiti ko. “Nakipag-date ka siguro.”Napatikhim ako. “Na parang may oras pa ako para d’yan,” pekeng ngiting sambit ko habang pinipilit hindi alalahanin ang nangyari sa weekend ko.Bago pa man makapagtanong ng kakaiba sa akin si Jessie ay nagpaalam
Last Updated: 2026-08-23
Chapter: Chapter 1
Third Person’s POV“Alam mo anong sagot sa problema mo bro?” ang sambit ni Lorrence na kaibigan ni Sage. Ngumuso ito sa stage ng club kung saan naglabasan ang mga babaeng nakasuot ng sexy na damit. “Babae.”Tinungga ni Sage ang laman ng kaniyang baso bago muling magsalin dito.“O? ‘Di ba? Kung gusto ni Azi ng mommy, marami kang mahahanap. Baka pumila pa nga sila para asawahin mo,” ang dugtong pa nito na ikinailing ng lalaki.“Nanay ang gusto ni Azrielle, hindi kung sinong babae lang na mahanap ko sa tabi,” ang sagot niya bago muling lagukin ang laman ng kaniyang baso.Lalong umingay sa loob ng nightclub kung nasaan ang dalawa nang magsimulang sumayaw ang mga babae sa itaas ng stage na ikinahiyaw ng mga lalaking nanonood. Nakihiyaw rin ang kaibigang niyang si Lorrence.“E bakit kasi hindi mo na lang pansinin si Penelope? Simula College tayo patay na patay na sa ‘yo ‘yon! Malay mo maging mabuti pa siyang nanay kay Azi,” pangungumbinsi pa ni Lorrence sa kaniya. “Isa pa boto sa kaniya ang
Last Updated: 2026-08-23
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status