Share

Chapter 34

Author: Artemia
last update publish date: 2026-10-09 23:10:36

"Tita Daniela..." ang mahinang bulong ko sa sarili.

Anong ginagawa niya rito? Paano siya napadpad dito? Alam na ba niyang nandito si Papa kaya siya nandito?

Marahas akong napalunok habang mahigpit ang kapit sa kamay ni Azrielle na lito rin na tinitingnan ang babae sa harapan namin.

"Do you know her Mommy?" si Azi dahilan para mapabaling sa kaniya ang tingin ni tita Daniela.

"P-Pumasok na tayo."

Agad akong humakbang para maglakad papasok sa ospital. Gusto ko ng makaalis doon at magpanggap n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Indebted Second Wife of the Billionaire    Chapter 36

    Third Person's POV Ginugol ni Hera ang maghapon niya sa kwarto ng ama kasama ang anak na si Azi at kaibigan na si Vanessa. Napuno ng tawanan at kwentuhan ang kwarto sa pangunguna ni Vanessa pero sa kabila no'n ay hindi pa rin mapigilan ni Hera na maging balisa at isipin ang naging engkwentro sa kaniyang madrasta sa parking lot ng ospital. Nang tumawag na sa kaniya ang mother-in-law niya para sunduin si Azrielle ay doon lang sila nagpaalam sa kaniyang ama. Hindi pa nga sana gustong umalis ng anak niya pero ayaw rin naman nitong paghintayin ang kaniyang mommy-lola. "You again," si Serina kay Vanessa ng sunduin na nito ang apong si Azrielle. "Good evening din sa 'yo Mrs. Villaruel," ang malawak na ngiting bati naman ni Vanessa na ikinaismid ng babae bago bumaling kay Hera na tila disappointed na makitang ito ang kaibigan niya ang kasama nila buong maghapon. "Kanina ko pa dapat sinundo ang apo ko at baka kung ano na ang natutuhan sa kaibigan mo." Ambang sasagot sana si Hera pe

  • The Indebted Second Wife of the Billionaire    Chapter 35

    35. Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang mga palad bago malalim na bumuntong hininga para kahit paano ay maalis ang barang nararamdaman sa lalamunan dahil sa pagpigil sa naipon ko ng emosyon. Narinig ko naman ang marahang yabag na papalapit sa akin. Hindi agad ako bumaling sa kaniya dahil kino-compose ko pa ang sarili. “You can use this.” Napabaling ako sa panyo niyang nakalahad sa akin. Pilit ngumiti ako bago magtaas ng tingin kay Tristan. Tuluyan ng nagtagpo ang mga tingin namin at hindi ko alam kung bakit puno ng pag-aalala ang tingin niya. “Salamat, pero ayos na ako.” Marahan lang din siyang napangiti bago bawiin ang kamay na may hawak ng panyo. “Uhm… sorry, saktong kalalabas ko lang ng kotse ng—” “It’s fine. Public place naman ‘to. Ako nga dapat ang humihingi ng dispensa dahil sa nakita mo.” I smiled in disbelief. “Tingin ko dapat na akong mahiya na palagi mo akong nakikita sa ganitong sitwasyon—I mean na umiiyak.” “Wala namang dapat ikahiya sa pag-iyak. Kahit ako umii

  • The Indebted Second Wife of the Billionaire    Chapter 34

    "Tita Daniela..." ang mahinang bulong ko sa sarili. Anong ginagawa niya rito? Paano siya napadpad dito? Alam na ba niyang nandito si Papa kaya siya nandito? Marahas akong napalunok habang mahigpit ang kapit sa kamay ni Azrielle na lito rin na tinitingnan ang babae sa harapan namin. "Do you know her Mommy?" si Azi dahilan para mapabaling sa kaniya ang tingin ni tita Daniela. "P-Pumasok na tayo." Agad akong humakbang para maglakad papasok sa ospital. Gusto ko ng makaalis doon at magpanggap na hindi siya kilala. "Mommy? Bakit mommy ang tawag sa 'yo ng batang kasama mo?" ang dinig kong pahabol na tanong niya sa akin. Nagtuloy-tuloy naman ako sa paglalakad na para bang walang narinig. "Mommy, she's talking to you." Maliit na ngumiti lang ako kay Azi dahil hindi ko alam kung paano ipaliliwanag sa kaniya ang sitwasyon. "Hera! Bakit tinatalikuran mo na ako kinakausap pa kita. Ang tagal na rin nating hindi nagkita—Hera!" Napahinto ako sa paglalakad maging si Azi nang hablutin niya

  • The Indebted Second Wife of the Billionaire    Chapter 33

    33. “I did not call you to hear other man’s name.”Mariin akong napapikit habang dinadaga ang dibdib. Gusto ko na lang magpakain sa lupa.“Ngayon hindi mo na ako gustong makausap? Did I disappoint you dahil hindi ako ang inaasahan mong tumawag?” muling seryosong hirit nito na agad kong ikinasagot.“Sorry. I mean, hindi sa gano’n. Ang akala ko kasi…” Hindi ko matapos ang sasabihin ko nanatili namang saglit na tahimik si Sage sa kabilang linya bago magsalita muli na agad kong kinataranta.“Can we do a video call?”“Ha? Bakit–I mean, ngayon na?”“Of course.”Nakagat ko naman ang ibabang labi ko at lalong nataranta dahil sa biglaan niyang pag-switch sa video call gayong hindi ako nakasuot ng disente ngayon. Naka-night spaghetti dress lang ako at walang suot na bra kahit na hindi naman niya ako makikita ng buo ay naiilang pa rin ako. “Ahem! Bakit biglang gusto mo ng video call?” ang naiilang na tanong ko matapos i-accept ang video call nito.Napataas ang isang kilay ni Sage na hindi ko m

  • The Indebted Second Wife of the Billionaire    Chapter 32

    32.“Maybe, she's like that because Sage is not here to monitor her,” si Penelope. “I heard nga rin na wala ka rito sa nung inatake si Azi, buti na lang dumating si tita dito. Is that what a real mother do? Kasi kung, oo, kawawa nga ang mag-ama mo.”Napaigting ang panga ko dahil sa mga pinagsasabi ni Penelope. Pinipigilan ko ang sarili na sagutin siya dahil ayokong gumawa ng gulo at patulan siya sa harapan ni Azi at tita Serina.Imbis na balingan siya ay naglakad ako palapit kay tita para bumeso.“Hello po, tita. Thank you po pala sa paglabas kay Azi. Dito na rin po kayo mag-dinner, magluluto po ako.”Mataman niya akong tiningnan at ambang sasagot na sana nang kapwa kami mapabaling kina Azrielle dahil sa boses nito.“Hindi po kami kawawa ni Daddy because Mommy Hera always cooked delicious food for us! She love me and daddy so much, so, stop being mean to her, tita Pen, that’s bad!”Napaawang naman ang bibi ni Penelope sa pagkabigla. Tumingin pa siya sa gawi namin ni tita na tila ay na

  • The Indebted Second Wife of the Billionaire    Chapter 31

    31.Gaya ng sinabi ni Sage ay umalis din siya nang sumunod na araw pagkatapos magising ni Azrielle. Medyo naging pahirapan pa nga ang pag-alis niya dahil hindi mapigilan ni Azi na umiyak mabuti na lang napatahan at nakumbinsi ko siya na babalik din agad ang ama kahit na halos isang buwan itong mawawala.Mas lalo kong naintindihan kung bakit nasasabi ni Sage na hindi niya maalagaan nang maayos ang anak niya dahil ilang beses din siyang halos wala sa mansyon kada taon. Naiintindihan ko rin ang marahil attachment issues ni Azi sa magulang niya at pananabik na mabigyan ng atensyon ng ama o kahit nung maging mommy na niya ako.Lalo akong nakumbinsi ng mga realizations na iyon na mag-resign na sa trabaho. Tutal ay para na rin namang trabaho ang pinirmahan kong kontrata kay Sage. Tingin ko rin ay ito ang mas makabubuti sa sitwasyon ko ngayon.“What? Nagpasa ka na ng resignation?” si Vanessa habang may fries pa sa bibig.“Yep. Magrerender na ako for a month or less, they are already finding s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status