Share

Chapter 2

"Kumusta lakad? Natanggap ka ba?" bungad sa kaniya ng kaniyang ina pagkarating niya sa bahay.

Hinalikan niya ito sa pisngi at umupo sa bakanteng upuan bago tinanggal ang sapatos. Pumasok sa isip niya ang nangyari kanina. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang gulat sa mukha ng lalaking iyon nang makita siya kanina. Para bang kilala siya nito and to think that she never met him yet, he looks familiar.

"Hindi pa po sigurado. Mag-sesend na lang daw po sila ng email kapag tanggap na ako," tugon niya bago tumungo sa kusina para uminom ng tubig.

Sumunod naman ang mama niya sa kaniya. "Talaga? Nakakapanibago, usually kasi kapag alam nilang may experience ka sa ibang bansa, tanggap ka kaagad," takang sabi nito.

Nagkibit-balikat naman siya

"Ewan ko po. Baka naninigurado lang po, alam mo naman ang mga Pilipino, malaki ang trust issue lalo na't sinungaling talaga ang karamihan sa atin." Sinara niya ang ref bago uminom ng tubig. "Si Papa nga pala?" baling niya ina niya na nakahalukipkip habang mariin siyang pinagmamasdan.

"Nasa Talyer. Ewan ko ba sa matandang iyon at ayaw magpaawat. Sinabi ko naman na magpahinga siya dahil napapadalas ang pananakit ng likod niya. Ang tigas talaga ng ulo ng tatay mo!" nayayamot na reklamo nito.

Nag-aayos ng mga kotse ang tatay niya habang ang nanay naman niya ay labandera. Gano'n pa man, sa tulong ng Tita Elizabeth niya, na tumulong sa kaniya na makapagtapos sa pag-aaral, ay medyo naging maluwag ang buhay nila kumpara noon na halos isang beses lang makakain sa isang araw. Ito ang nagpaaral sa kaniya sa Canada. Mabait ito at matandang dalaga. Wala itong anak kaya naman nang malaman na nahihirapan ang mga magulang niya sa pagpapaaral sa kaniya sa kolehiyo ay walang pag-aatubili itong tumulong.

"Hayaan mo po at kakausapin ko si Papa, Ma," pagpapakalma niya rito.

Napabuntong-hininga naman ito. "Mabuti pa nga.... Kumain ka na ba? May adobo riyan sa lamesa. 'Yong kanin nasa kaldero," mahinahon na nitong wika.

"Hindi na po, tapos na po akong kumain. Matutulog na lang muna ako. Goodnight, Ma." Niyakap niya ang Ina.

Tinapik naman nito ang likod niya.

"O siya sige na. Matulog ka na."

Kumalas siya bago nginitian ang Ina. Pumanhik siya sa taas kung saan ang kuwarto niya. Simple lang naman ang bahay nila. Two storey na gawa sa kahoy. Hindi kalakihan at hindi rin naman maliit, sakto lang para sa pamilya niya.

Dati ay isang palapag lamang ito na maliit pero no'ng nakapagtrabaho na siya sa ibang bansa ay pina renovate niya ito at pinagawan ng ikalawang palapag para mas maging malawak at maaliwalas ang bahay. So far, maganda naman ang naging kinalabasan nito.

Pagpasok sa kuwarto ay dumiretso siya sa banyo at naligo. Nakatulalang napatingin siya sa sariling repleksyon sa salamin habang patuloy sa pagdaloy ng tubig sa katawan niya.

Rounder shaped eyebrows, thick eyelashes that perfectly suited her green eyes. She has a small nose, kissable lips and an oval shaped face. Her skin is also clear and smooth. There is no visible imperfection when it comes to her physical appearance. Overall, she has a beautiful face and body.

Kaya maraming nagtangkang manligaw sa kaniya sa ibang bansa dahil sa kagandahang taglay niya na kaagad naman niyang nirereject sapagkat may iba siyang priority at goal sa buhay na gustong makamit. Para sa kaniya ay walang mabuting maidudulot ang mga lalaki. Distraction lamang sila na dapat layuan dahil kung hindi ay sisirain ng mga ito ang pangarap at buhay mo.

Napailing siya bago nagpatuloy sa pagligo. Pagkatapos ay nakatapis lamang na lumabas siya sa banyo at nagbihis. Pinatuyo niya muna ang buhok bago sumampa sa kama para matulog.

Hindi naman siya nahirapang matulog dahil tahimik ang paligid kaya mabilis na dinalaw siya ng antok at nakatulog.

KINAUMAGAHAN ay maagang nagising si Zandra. Dumiretso siya sa kusina para magluto.

Nagluto siya ng pritong itlog, isda, ham at fried rice. Usual breakfast sa Pilipinas. Nagsaing na rin siya at naghugas ng mga plato at kalderong pinag prituhan niya.

Saktong pagkatapos niya ay nagising ang mga magulang niya. Sabay-sabay silang kumain.

Mabilis na natapos ang pagkain nila. Agad na nagpaalam ang ama niya dahil magtatrabaho pa ito. Ang ina naman niya ay nagtungo sa palengke. Naiwan siyang mag-isa at binabantayan ang bahay.

Nasa sala siya at nanonood ng TV nang biglang umilaw ang cellphone niya. Bumungad sa kaniya ang email.

Dali-dali niyang binuksan iyon. Binasa niya ang laman. Habang isa-isang binabasa ang bawat salita ay unti-unting kumalabog ang dibdib niya. Nakasaad sa email na tanggap na siya sa trabaho.

Matapos maproseso ang nabasa ay unti-unting sumilay ang makahulugang ngisi sa labi ni Zandra.

"TALAGA? Tanggap ka na? Mabuti kung gano'n…" ani ng kaniyang Ina nang sabihin niya rito ang magandang balita.

"Opo, Ma," sabi ni Zandra habang abala sa pagbutones ng suot niyang blouse. Nagmamadali siya upang makahabol sa trabaho. Kailangan niya na kasing pumunta sa kumpanya para ayusin ang schedule niya at ang magiging working table niya.

"Magkano nga ulit ang suweldo mo?" tanong ng Ina niya pagkaraan.

"50-100k a month po," sagot niya habang nagsusuot ng sapatos.

"Ang laki ng suweldo. Hindi kaya scam 'yan?" nababahalang tanong ni Jasmine, ang kaniyang Ina.

"Ma, sikat at mayaman ang kumpanya na pagtatrabaho ko. Normal lang na gan'yan sila magpasweldo. Wala lang sa kanila ang pera na iyan lalo na't malaki naman ang balik sa kanila ng kita nila," paliwanag niya.

"Gano'n ba?"

"Opo." Tango ni Zandra. Lumapit siya sa ina bago ito hinalikan sa pisngi. "Mauuna na po ako. Bye, Ma."

"Sige. Ingat sa biyahe, anak."

Tumango lamang siya bago tuluyang umalis.

Habang nasa biyahe ay nakatingin lamang si Zandra sa labas ng bintana. Mula sa kinauupuan ay tanaw niya ang mga nagtataasang gusali, dagat ng mga sasakyan, maingay na paligid at mga taong nagkukumpulan sa iba't ibang sulok ng lugar.

Typical city. Mausok, magulo, maingay at puno ng mga nagtataasang building. Nakakasawa rin manirahan sa siyudad. Kung siya ang tatanungin ay mas gusto niyang manirahan sa probinsya kung saan maraming mga puno at malamig o 'di kaya sa Canada kung saan siya nanggaling.

Sa Canada kasi siya nag-aral ng kolehiyo. Meron silang kamag-anak doon kaya naman nang sabihin ng mga ito na papag-aralin siya ay hindi na siya nagdalawang-isip pa na pumayag. Mahirap ang buhay niya noon at sapat lang ang kinikita ng mga magulang niya para sa kanila kaya naman pumayag na siya dahil mapapadali no'n ang buhay nila upang kahit papaano ay hindi na maghirap ang magulang niya. At isa pa mas maraming oportunidad sa ibang bansa kaysa rito. Kung hindi lang dahil sa nangyari ay hindi na sana siya uuwi pa rito at magtrabaho.

Sa ngayon ay kailangan muna niyang magtiis para sa kaniyang mithiin na hindi niya alam kung kailan niya makukuha o may kasiguraduhan bang makukuha niya.

Pumasok sa isip niya ang nakaraan na pilit niyang binabaon sa limot. Ilang taon na ang lumipas pero sariwa pa rin sa isip niya ang nangyari. Ang dahilan kaya ginagawa niya ang lahat ng ito. Nanikip ang dibdib niya bago tumingala upang pigilan ang luha na nagbabadyang tumulo sa mata niya.

Huminga siya ng malalim. Sa pagpikit niya ay bumungad sa kaniya ang pamilyar na mukha ng lalaki. Nangunot ang noo niya bago napahawak sa ulo ng bigla itong sumakit. Nagmulat siya bago kunot-noong tumingin sa paligid.

Huminga siya ng malalim. Naalala niya ang nangyari kahapon. Hindi niya alam ngunit tila pamilyar ang lalaki sa kaniya. Napanaginipan niya rin ito kagabi pagkatapos nilang magkita. May kung ano sa presensya nito ang nakakapanghina sa kaniya.

Napailing na lamang siya.

Hindi nagtagal ay nakarating siya sa tapat ng kumpanya na pagtatrabahuhan niya. Bumaba siya sa taxi na sinasakyan pagkatapos magbayad. Tiningnan niya ang building sa harap. Mataas ito at malapad. Sa gitna nito ay may malaking screen kung saan nakasulat ang pangalan ng kumpanya.

Trinidad Real Estate.

Binaling niya ang atensyon sa harap at huminga nang malalim. Taas-noong naglakad siya papasok. Ramdam niya ang tingin ng mga tao sa kaniya lalo na ang mga kalalakihan na halos hubaran na siya sa paraan ng pagtingin ng mga ito. Hindi na lamang niya ito pinansin.

Dumiretso siya sa elevator at pinindot ang 35th floor. Hindi rin nagtagal ay huminto ang elevator. Lumabas siya. Ang bawat pagtapak ng kaniyang mataas na sapatos sa sahig ay lumilikha ng ingay na siyang dahilan upang mapatingin sa kaniya ang mga tao.

Bakas ang gulat at paghanga sa mga mukha ng mga ito habang pinagmamasdan siya. May iilan pang mga lalaki ang napasipol habang ang iba naman ay laglag ang panga na sinusundan siya ng tingin.

"Sino siya?"

"Ang ganda naman niya."

"Oo nga. Model ba siya?"

Narinig niyang bulungan ng mga tao sa paligid niya partikular na ang mga kalalakihan.

Zandra sighed. Dumiretso siya sa opisina kung saan naroroon si Luke. Kagagaling lang naman niya roon kahapon kaya kabisado niya na kung saan ito.

Nang makarating ay pinagmasdan niya muna ang pinto. Huminga siya nang malalim bago kumatok.

Nakatatlong katok siya bago ito nagsalita.

"Come in."

Tumaas ang balahibo sa batok niya sa malamig na boses nito. Inayos niya ang sarili bago muling huminga nang malalim at binuksan ang pinto. Pumasok siya.

Agad na nanuot ang panlalaking amoy sa ilong niya. Nilibot niya ang paningin at nakita si Luke na nakasandal sa upuan habang malalim na nakatingin sa kaniya.

Tumikhim siya bago lumapit dito. Ramdam niya ang pagsunod nito ng tingin sa kaniya na animo'y pinag-aaralan ang bawat kilos niya.

Umupo siya sa harap nito bago sinalubong ang malalim na tingin nito sa kaniya. May kung anong bumalatay na emosyon sa mata nito nang magtama ang paningin nila ngunit agad ding nawala at napalitan ng malamig na mga mata.

Luke sighed. He rested his clasped hand on the table while leaning towards her.

"I guess you read the email, right?" Panimula nito.

Zandra nodded. "Yeah… I am here to talk to you about my work as your official secretary."

"Good." Umayos ito ng upo at may kinuha sa drawer.

Kunot-noong tiningnan ng babae ang isang papeles sa harap nito.

"What is this?" Her brows raised up as she asked.

"Open it and read." Muling sumandal si Luke sa upuan niya habang pinag-aaralan ang reaksyon sa mukha ng babae.

She sighed. Binuksan niya iyon. Unang bumungad sa kaniya ang pangalan niya. Nakasulat sa papeles ang mga dapat na gawin niya, kung magkano ang sahod, mga benefits, at rules and regulations ng kumpanya. Sa ibaba naman ay ang pangalan niya na kailangan ng pirma. Tiningnan niya ang pangalan ng lalaki at nakitang may pirma na ito.

Naramdaman niya na tumayo ang lalaki.

"As my secretary, I want you to know and follow all my regulations and rules inside this office. First, you need to follow all I have to say,."

Tumango si Zandra. Well. it was an easy tasks. Halos lahat naman ng empleyado ay kailangang sumunod sa pinag-uutos ng nakakataas sa kanila kaya ano pa bang bago roon?

"Second, you should be on time. I hate late comers. If I said 8:00 A.M, you should be here exactly at 8:00 A.M. Time is gold to be wasted."

Tumango ulit siya habang nanatiling nakatingin sa kontrata.

"Third, do your job properly. I don't want mistakes and imperfection. You should do the task that I assigned to you, perfectly. Perfect means no errors or mistakes."

Agad na kumunot ang noo ni Zandra ngunit sa huli ay napabuntong-hininga na lamang siya. Medyo mahirap iyon lalo na't hindi talaga maiiwasan na magkamali minsan. Hindi naman siya robot na hindi nagkakamali. Kahit nga 'ata robot ay nagkakamali din, ano pa kaya siya na tao lang?

"Fourth, be quiet. I hate people who are noisy. You should do your work peacefully without making any noises, do you understand?"

"Yes." Tango niya.

"Fifth, be professional. Don't include your personal issues and problems in work."

"Okay…"

"And lastly…" Tumigil si Luke sa paglakad at hinarap siya. Seryosong tiningnan siya nito sa mata. "Don't fall in love with me."

Napaawang ang labi niya sa narinig. Hindi makapaniwalang tiningnan niya ang lalaki habang walang emosyon naman itong nakatingin sa kaniya. Ilang minuto 'ata silang nagkatitigan hanggang sa unti-unti siyang natawa habang umiiling na ngumisi rito.

"That's imposible, Boss. You're not even my type kaya imposibleng papatulan kita," umiiling na sabi niya.

Nagsalubong ang kilay nito sa narinig. Dumilim ang mukha ni Luke at umigting ang bagang nito. Nag-iwas ito ng tingin bago muling bumalik sa kinauupuan.

"Good then," buntong-hiningang sabi nito.

Kagat-labing tumango naman siya. "May gusto pa po ba kayong idagdag?"

Napaisip naman ito bago nagsalita. "Don't flirt inside the company."

Tumaas ang kilay niya. "I will never do that, Sir. I'm focus on work."

"Prove it before you said that to me," malamig na pambabara nito sa kaniya.

Gusto niyang umirap ngunit pinigilan lamang niya. Napaka sungit talaga nito. Halatang malaki ang trust issue. Ngumiti na lamang siya nang plastik sa lalaki.

"May sasabihin pa po ba kayo?"

"Nothing. You can go now," he dismissed.

"Okay. Thank you for today." Pinirmahan niya muna ang kontrata bago ibinigay sa magiging boss niya.

Tiningnan nito iyon bago tumango.

Tumayo na siya bago naglakad patungo sa pinto.

"Wait."

Nilingon niya ito nang tawagin siya nito.

"Sir?" tanong niya nang makitang nakatingin lamang ito sa kaniya.

"You can start tomorrow morning. Be early. Don't forget the rules," seryosong pahayag nito na tinanguan naman niya.

"Yes, sir."

Lumabas na siya. Nang makalabas ay kaagad na sumama ang timpla ng mukha niya. Hindi pa man siya nagsisimulang magtrabaho ay mukhang masama na ang pakiramdam niya sa lalaki. He was so obvious that he hates her. Hindi niya alam pero may hinala siya na galit ito sa kaniya.

At ano raw? Siya lalandi sa opisina? Sino namang lalandiin niya? Ang mga papeles? Tsk! Ang gulo rin ng utak ng lalaki na iyon.

Napailing siya bago nagtungo palabas ng kumpanya. Habang naglalakad palabas ay may nabangga siyang babae na may hawak na papeles.

"Oh sorry, Miss. Hindi ko sinasadya," sabi ng babae.

Tinulungan niya itong pulutin ang mga papeles sa sahig. Pagkatapos ay inabot niya ito rito.

"Salamat," pasasalamat nito.

Tumango lamang aiya. Akmang tatalikuran na niya ito nang tawagin siya nito.

"Sandali! Anong pangalan mo, Miss?" sigaw ng babae dahilan para matigilan siya

Nilingon niya ito bago sumagot. "Zandra."

Napangiti ito. "Ako nga pala si Jean. Nice to meat you, Zandra,"

"Same to you." Tango niya bago tumalikod.

Naglakad na siya palayo. Sumunod naman ito. Kunot-noong nilingon niya ito ngunit hindi siya nag-abalang magsalita.

"Dito ka ba nagtatrabaho?" wika ni Jean habang nakatingin sa kaniya.

"Yeah. Why?" seryosong aniya.

"Wala lang. Ngayon lang kasi kita nakita rito."

"I'm new here." Mas binilisan niya ang hakbang na ginawa rin nito para mahabol siya.

"Ah kaya pala." Tumango-tango ito. "Anong trabaho mo?"

Nagsimulang magsalubong ang kilay niya. Ang daldal naman nito. Hindi ba nito nakikita na naiirita na siya?

Huminga na lamang siya nang malalim para pakalmahin ang sarili. "CEO's Secretary."

Napaawang naman ang bibig nito sa gulat. "Ikaw pala ang bagong secretary. Totoo nga ang usap-usapan. Maganda ka nga."

Kumunot ang noo niya sa narinig. Ang bilis namang kumalat ng tsismis. Kanina lang siya pumirma ng kontrata at ngayon ay alam na nang lahat na siya na ang bagong secretary. Mga marites nga naman. Pati sa trabaho, hindi mawawalan ng chismosa.

"Thanks.." sabi na lamang niya.

"Sige, Zandra. Una na ako. May gagawin pa kasi ako. Nice to meet you ulit," paalam nito na ikinahinga niya nang maluwag.

Mabuti naman…

"Hmm." Tango niya.

Umalis na rin ito. Nakahinga siya nang maluwag bago nagtungo sa exit at lumabas.

LUKE was staring at the closed door. Kanina pa nakaalis si Zandra ngunit ramdam niya pa rin ang presensya nito sa loob ng opisina niya. Maging ang mabangong amoy nito ay nanatili sa paligid.

Naalala niya ang pinag-usapan nila kanina. He shook his head before he sighed. Kinakabahan siya dahil sa pagtitig nito ngunit pinanatili niya ang malamig na ekspresyon ng mukha niya. Hinawakan niya ang dibdib niya na patuloy pa rin sa pagkabog.

'Why is she still having an effect on me? Wake up, Luke. She hurted you. You should not get soft on her. Don't let her deceive you again. She's nothing but a cheater. Don't trust her, okay?' pakiusap niya sa sarili.

Umiling siya bago napahilamos ng mukha. Mukhang mali ang desisyon niya na i-hire ang babae. Ngunit bakit tila excited siya sa mangyayari sa mga susunod na araw na kasama niya ang ex niya?

Baliw na 'ata siya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status