Share

Kabanata 11.1

Naninibago ako rito sa palasyo. Muli ito na nabalot ng lungkot sa pagkawala ni Cole. Ang dati na masaya na kapaligiran ay naging payak. Hindi kayang punuan ni Ashira ang lahat ng lungkot na dala ng pagkamatay ni Cole.

At pakiramdam ko hindi lang si Cole ang kinuha sa akin ng aksidente na ‘yon. Ramdam ko ang distansiya ni Akiro sa akin. Simula ng makalabas siya sa ospital at muli na makabalik dito sa palasyo ay parati na lamang siya na nagkukulong sa kan’yang kuwarto.

Gusto ko siya na damayan at bigyan ng lakas. Pero paano mo nga ba bibigyan ng lakas at suporta ang isang tao kung alam mo sa sarili mo na ikaw mismo ay nangangailangan nito?

Pareho kami na nangangapa ni Akiro sa dilim. Pareho kami na napupuno ng pagsisisi. Pareho kami na patuloy na nagdadalamhati at nasasaktan.

“Akiro.” Mahina na katok ko sa pintuan ng silid niya.

Hindi siya sumagot ngunit alam ko na gising siya. Nakita ko siya na kababalik lamang sa kan’yang silid. “Papasok na ako, Akiro.”

Binuksan ko ang pintuan at
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status