Share

Kabanata 11

Mahihina na katok sa pintuan ng aking silid ang nagpatigil sa malalim ko na pag-iisip. Paglingon ko ay nakadungaw sa may pintuan si Aldrick.

"Are you ready, babe?” Malungkot na tanong niya habang papalapit sa akin.

Umiling ako sa kan’ya. Hindi pa ako handa. Kailan ba magiging handa ang isang ina na magpaalam sa kan’yang anak? Marahil hindi kailanman.

“Hinding-hindi ako magiging handa, Aldrick. Hinding-hindi.” Muli na naman nagsimula magsilagasan ang mga luha sa aking mga mata.

Limang araw na ang nakakaraan. Limang araw buhat nang mangyari ang malagim na aksidente na ‘yon. Aksidente na kumuha sa isa sa mga kambal ko at nagdala kay Akiro sa ospital na hanggang sa mga oras na ito ay wala pa rin malay.

“Alam ko masakit, Tash dahil nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman mo ngayon. Hindi lang ikaw, Atasha. Para ko na rin anak si Cole at lahat tayo ay apektado sa pagkawala niya. Alam ko higit ang sakit na nararamdaman mo kumpara sa amin lahat pero pangako, babe, mananagot ang dapat m
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status