Share

Kabanata 13

Isang malakas na iyak ng sanggol ang gumising kay Kane. Pilit siya na pumikit ulit upang makabalik sa pagtulog. Kinuha niya ang unan sa tabi niya at itinabing iyon sa tainga niya. Ngunit ano man pilit niya ay ‘di siya makatulog dahil sa ingay ng bata na iyak nang iyak. Padabog siya na bumangon at lumabas ng kuwarto. Inis na inis siya sa naistorbo niya na tulog.

Ilan linggo na rin siya na naririto sa bahay nila sa probinsiya at ilan linggo na rin siya na hindi napagkakatulog. Puyat na puyat na siya at sumasakit na ang ulo sa kakaisip, tapos kung kailan naman na dinalaw na siya ng antok at makakatulog na sana ay umatungal naman ng pagkalakas-lakas ang bata.

“Kane, buti at gumising ka na. Kanina pa iyak nang iyak ang bata. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nasa’n ba kasi ang mga magulang niya at bakit ba napunta sa’yo ang bata? Kaguwapo na bata pa naman. Siguro ay may lahi ang mga magulang niya, kaganda ng kombinasyon.” Ito ang dire-diretso na bungad sa kan’ya ng tiyahin niya.

Ang aga-
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status