Share

Kabanata 25

Ang araw na ito ang napagkasunduan na miting ng Royal Designs at Designers Unlimited, ang kumpanya ni Colton Mijares. At gaya ng aking inaasahan ay sandamakmak na bodyuards ang kasama namin sa pagpunta sa opisina ni Colton.

May kaba at takot sa puso ko sa nalalapit na paghaharap namin pero alam ko na kailangan ko magpakatatag at manindigan para sa anak ko, para kay Ashi. Hindi ko hahayaan na pati si Ashira ay mawala sa akin.

Gaya nang napagkasunduan namin ni Akiro, iniwan niya rito sa Pilipinas si Nathan upang maging head security namin dito.

Lumingon ako kay Aldrick at kitang-kita ko ang kaseryosohan ng mukha niya. Hawak-kamay kami pagpasok sa loob ng building at sa dami ng bodyguards na kasama namin ay hindi maiwasan na hindi kami pagtinginan ng mga empleyado.

Nakita ko pa ang mangilan-ngilan na nagbulungan nang makita ang pagdating ko. Hindi ko naman sila pinansin at taas-noo na naglakad. Ibang Atasha na ang kaharap nila. Hindi na ako ang basta-basta na si Atasha Andres lamang.
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status