Share

Kabanata 29

Muli na naman ako na nagpupuyos sa galit nang makaalis si Yulence Villagomeza. Hindi ko alam kung kanino nakatuon ang matindi na galit ko.

Hindi ako sigurado kung kanino ako mas nagagalit, kay Yulence ba dahil sa lakas ng loob niya na pagbantaan ako sa kabila nang kaalaman niya na isa akong prinsesa? O kay Colton sa pambabastos niya sa akin dahil sa kaalaman na kinuhanan niya ng video ang mga nangyari sa amin ng gabi na iyon.

Hindi ko inaasahan na ganito ang pagkato ni Colton Mijares. Ibang-iba sa mga bagay na sinabi nina Samantha at Icel tungkol sa kan'ya.

Sa sobrang inis ay malakas ko na nahampas ang lamesa sa akin harapan. “Prinsesa!” Halata ang gulat sa mukha ni Nathan sa inasal ko.

“Nathan, hindi ako makapaniwala. I really cannot believe this. Bakit iyon ginawa ni Colton? Nagpupuyos ako sa galit sa dalawang lalaki na iyon. How dare he! How dare the both of them?!” sigaw ko pa.

Mataman na nakatingin lamang si Nathan sa akin at dahan-dahan na lumapit sa harapan ng lamesa ko. “
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status