Share

Kabanata 36

Kasama ang ilang tauhan ay dumating sa saktong oras na napagkasunduan si Colton Mijares. Iginiya siya ng isang waitress sa isang pribado na kuwarto sa restawran na iyon. Kabado man ay gusto na niya na matapos ang lahat ng ito. Hawak na niya ang pagpapatunay at gagawin niya ang lahat para sa kan’yang karapatan.

Pagbukas ng pintuan sa pribadong kuwarto ay agad na natuon ang mata ni Colton sa pares na naroon sa loob. Mabilis na nagsalubong ang kilay niya at napakuyom ng kan’yang kamao. Hindi niya inaasahan ang pagdalo ng tao na iyon na kasalukuyan na nasa harapan niya. Naestatwa lamang siya at nakatitig sa pares na nakaupo.

“Colton.” Bungad ng babae sa kan’ya sa mahina na boses. Agad na tumayo ang pares upang salubungin siya.

“Colton.” bati naman ng lalaki.

Gustuhin man niya na umatras ngayon ay hindi niya magawa. Importante sa kan’ya ang paguusapan nila ngayon, kaya kung ano man ang sadya ng tao na ito ngayon para sumama sa usapan ay tsaka na niya proproblemahin. Ang mahalaga sa kan’
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status