Share

Kabanata 37

Hindi ako mapakali simula nang matanggap ko ang tawag na iyon ni Colton. Hinihiling niya na makapag-usap kami. Alam ko na panahon na upang harapin ko ang lahat ng takot na mayroon ako at upang tapusin na ang pagtatago.

Hindi pa man ako sigurado kung paano aaminin kay Colton ang tungkol sa pagkamatay ni Cole ay bahala na. Wala naman ipagkakaiba ang katotohanan na marahil ay isumpa niya ako kapag nalaman niya ang pagtatago at pagtakas ko sa mga anak niya. At siguro nga mas makakabuti na magalit na lamang siya upang pareho na kami na makalaya sa kung ano man pagmamahal ang mayroon kami para sa isa’t-isa.

At ngayon araw na ito ang araw ng paghaharap na iyon. Ngayon araw na ito ay kailangan na namin pareho na tuldukan ang paghahabulan at pagtataguan.

“Babe.” Napalingon ako sa boses ni Aldrick. Kagaya ng dati ay malamlam na naman ang mga mata niya. Simula nang magbalik siya rito ay parang lagi siya na may malalim na iniisip.

“Babe, aalis ka?” Tanong ko sa kan'ya nang mapansin na nakabihi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status