Share

Kabanata 87

“Hanggang kailan mo ba na balak na tiisin ang prinsesa, Alfonso? Hanggang kailan mo na balak pahirapan si Colton? At hanggang kailan mo balak na paghiwa-hiwalayin ang pamilya ni Atasha?” Ito ang pigil na pigil na galit na tanong ng reyna sa kan’yang asawa.

Kasalukuyan na nasa study hall ang mag-asawa upang pirmahan ang ilang dokumento nang maalala ng reyna na kausapin ang asawa patungkol sa problema ng prinsesa.

“Hindi ko tinitiis ang prinsesa at hindi ko rin sila pinapahiran. Ang aking ginagawa ay upang masukat kung hanggang saan aabot ang katatagan ni Colton Mijares para sa pagmamahal niya sa ating anak. Sinisigurado ko na hindi siya kagaya ng ibang lumaki sa mayaman na pamilya na panay paglalaro lamang sa babae ang alam.”

“Hindi pa ba sapat ang mga napatunayan ni Colton lalo na nang pagtaguan siya ni Atasha? Hindi pa ba sapat na patuloy niya na hinanap si Atasha nang mawala ang anak mo? Ipapaalala ko lang sa’yo na ang ating prinsesa na si Atasha ang lumayo at nagtago rito sa Geno
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status