LOGINNoong estudyante pa lang si Cindy, likas na siyang pasaway. Habang abala ang iba sa pagrerepaso para sa exam, siya naman ay abala sa paghahanap ng boyfriend. At isang araw, sa gitna ng paglilibot niya sa campus, natanaw niya si Casper sa loob ng basketball court.
Dahil hindi siya marunong maghintay, agad siyang gumawa ng love letter at itinapon lang ito ni Casper.
Hindi naman natinag si Cindy, patuloy siyang nagpa-cute siya, binibigyan ng pagkain, at sinusuyo sa lahat ng paraan. Pero isang araw, nagulat siya ng patulan siya nito pero hindi niya inaasahang isa lang pala itong dare na tinanggap ni Casper.
Doon pa lang, napagdesisyunan niyang balikan ito sa tamang panahon. Pero sa kasamaang palad, dahil masyadong mautak si Casper, wala siyang nagawang matinong paghihiganti.
"Kung balak mo talagang baliin ang mga binti ko, aba, Casper, papantayan ko ‘yan! Pugutan mo ko ng legs, puputulin ko ang maliit mong... alam mo na!"
Lumapit si Cindy sa kanya, marahang hinagod ang kwelyo ng kanyang suit gamit ang manipis niyang daliri. "Bakit, Lawyer Graham? Napapatitig ka sa legs ko. Naalala mo ba kung gaano ito kalambot nung gabing ‘yon?"
Walang imik si Casper, kalmado lang niyang inalis ang kamay ni Cindy mula sa kwelyo niya. "Miss Mendez, alam ba ng mga fans mo na wala kang hiya?"
"Tsk, mismong basher ko nga alam na malandi ako? Magdedeny pa ba ako?"
Natahimik si Casper. Hindi niya kayang manalo sa ganitong usapan. Dahil bilang isang abogadong nakatali sa legalidad at pormalidad, wala siyang laban sa isang babaeng sanay sa mga ganitong laro.
Alam ni Cindy iyon. Kaya siya nandito para pabagsakin siya.
***
Sa loob ng presinto. Pagpasok ni Cindy sa lobby, agad siyang naging sentro ng atensyon. Nakaputi siyang bestida, mahaba ang malambot niyang buhok, at tila isang diwata na bumaba mula sa langit.
Halos tumulo ang laway ng mga pulis na nakatingin sa kanya. Ngunit isang malakas na pag-ubo ang pumukaw sa kanila.
Napatingin si Casper sa kanyang kaibigang si Tyler, na tila nagpipigil ng tawa. "Huwag mong sabihing... natulog ka talaga kasama niya?"
Tahimik si Casper. "Tsk, nagmamalinis ka pa. Kung ako sa’yo, hindi ko na palalampasin! Swerte mo kaya na ikaw ang napili ng pinakamagandang babae sa bayan!"
Ngunit imbes na sagutin si Tyler, lumingon si Casper sa kanya nang seryoso. "Nasaan na ‘yung tao?"
Nang maramdaman ni Cindy na tapos na ang usapan nila, lumapit siya kay Casper at walang pasabing inangkla ang kanyang braso sa kanya.
"Aba, Lawyer Graham, ba’t ka ganyan? Blessing mo nga na gusto kita!" bulong niya, kasabay ng isang mapanuksong ngiti.
Nagpatigas lang ng panga si Casper. "Bitawan mo."
Alam niyang may mga nakapaligid na paparazzi. Alam niyang kinukunan sila ng litrato. At alam niyang bago matapos ang araw, magiging headline na naman siya. Siguradong siya na ang magiging pinakamalaking katatawanan sa buong entertainment industry.
Sa isang madilim na silid, doon unang nagtagpo sina Cindy Mendez at ang nakababata niyang kapatid na si Marina. Hindi niya alam kung mas matanda ito o mas bata, pero isang bagay ang sigurado—napaka-awkward ng kanilang unang pagkikita.
Kalma lang na hinila ni Cindy ang upuang nasa harap niya at umupo. In-cross niya ang kanyang mga binti habang nililibot ang tingin sa paligid. Kahit madilim, hindi pa rin maikakaila ang kanyang eleganteng aura.
"Ikaw si Cindy Mendez, hindi ba?"
Ngumiti si Cindy. "Bakit? Magpapadala ka pa ba ng ibang tao para manggulo sa akin?"
"Wala akong magagawa. Kalaban kita," matapang na sagot ni Marina.
Sa loob ng maraming taon, napakaraming pera na ang naibigay sa kanila ng matanda, pero ni minsan ay hindi sila nakatanggap ng patas na pagtrato. Samantalang si Cindy, may pera na, may pribilehiyo pa.
At siya, isang baguhan pa lang sa industriya?
"Tsk! Ngayon ko lang narinig ‘yang bagong term na ‘yan," sabi ni Cindy habang nililinis ang kanyang mga kuko. "Kalaban? Ang mga tunay mong kalaban ay ‘yung labindalawang iba pang anak sa labas—hindi ako. Ayon sa batas, ako ang legal na tagapagmana, at hindi mo ‘yan mababago. Anong silbi ng panggugulo mo sa akin?"
Nagdilim ang mukha ni Marina.
Lalong idiniin ni Cindy ang kanyang punto. "May nagsulsol ba sa ‘yo?"
"Tsk, kawawa ka naman," dugtong niya bago inilabas ang isang dokumento mula sa kanyang Hermès bag. Ipinatong niya ito sa harapan ni Marina, saka tinutukan ng ballpen ang ilang pahina. "Kung ako ikaw, inuuna ko munang ayusin ang mga nasa labas ng pamilya bago ko harapin ang mga nasa loob. At kung ang pag-uusapan ay mga nasa labas, dapat isa-isahin sila batay sa edad at kakayahan."
"Oh, at isa pa, dapat nating isantabi ‘yung mga hindi pa nagpa-DNA test. Sa mga may kumpirmadong dugo ng matanda, lima lang kayo." Dagdag pa ni Cindy.
Kinuha niya ang mga dokumento ng pitong hindi nagpa-DNA test at pinalibutan ng pula ang impormasyon ng natitirang lima.
Sa likod ng one-way mirror, napailing si Tyler. "Matindi talaga ang galawan ng babaeng ito. Una, tinuruan niya ng leksyon si Marina, tapos sinuyo ng kaunting drama, at ngayon, bibitiwan niya ‘to nang walang pananagutan. Kapag nakalabas ‘yan, siguradong ang ibang anak sa labas ang uunahin niyang kalabanin. Pinatay niya nang hindi siya ang may hawak ng kutsilyo. Ang galing!"
At parang sinadya, habang nag-uusap sina Casper at Tyler, nagsimula nang magdrama si Cindy sa interrogation room.
"Bakit ba laging babae ang nagpapahirap sa kapwa babae? Ang mama ko, wala siyang nakuha mula sa matanda. Halos buong buhay niyang ginugol sa paghihintay na mapansin ni Dad pero lagi nalang kayo ang inuuna. Palibhasa pinakasalan ang nanay mo."
Tumayo siya at tinitigan si Marina. "Pwede ka nang umalis maya-maya!"
"Hindi mo ako kakasuhan?" nagulat si Marina.
"Anong mapapala ko kung idemanda kita? Buhay ka man o patay, may parte ka sa mana ng matanda. Pero kung mamamatay ka, ako ang makukulong. Hindi sulit."
Paglabas ni Cindy mula sa interrogation room, diretsong lumapit siya kay Casper at buong kaswal na inangkla ang kanyang braso rito.
"Parang hindi na kailangan ng abogado ni Miss Mendez sa ganitong istilo," komento ni Tyler.
Naglagay si Cindy ng sunglasses sa kanyang mukha. "Lawyer Graham, baka hindi mo alam, pero ang isang gangster na hindi marunong sa batas ay parang pakikipagtalik nang walang condom—walang sense of security."
Tahimik lang si Casper. Wala siyang sagot doon.
Sa labas ng presinto, nagkukumpulan na ang media. Nang lumabas si Cindy na nakaakbay pa rin kay Casper, nagkagulo ang mga flash ng camera.
Napansin ni Casper at pilit niyang tinanggal ang braso nito, pero pinisil siya ni Cindy nang mariin. "Konting pakikisama naman."
"Eh hindi ba ako dapat ang nagsasabi niyan?" sagot ni Casper.
Sa harap ng media, ngumiti si Cindy sa kanya. "Wala bang bayad ang pagtulog mo sa akin?"
Napatingin si Casper sa kanya. "Kailangan ko ba talagang ipaalala sa ‘yo, Cindy? Ikaw ang may hawak ng kontrol buong gabi. Ako? Ako lang naman ang nagtrabaho nang husto sa lupa. Wala akong nakuha ni katiting na benepisyo. Sa halip, ako pa ang napahiya."
Napangisi si Cindy. "So, hindi ka masaya?"
Nag-pout pa ito sa harapan niya na parang bata at mas lalong naiinis si Casper sa inaasal nito.
"Hindi bagay sa'yo ang magpa-cute. Mukha kang bruha!
WELCOME TO MY NEW STORY! PLEASE COMMENT DOWN IF U LIKE IT
Muling nagbalik ang afternoon coffee service ni Cindy matapos itong matigil nang halos kalahating buwan. Para sa mga tao sa law firm, para silang highschool sweethearts, pero wala silang kaalam-alam na tinatapon ni Casper ang kape o binigay kay Secretary Mark o kay Lyle. Natatakot kasi siya na baka may lason ito, o hindi gayuma.Pagbalik ni Casper sa opisina, gaya ng inaasahan, nadatnan niya roon si Cindy."Hindi ka pa rin sumusuko?"Nagsusulat si Cindy sa isang A4 na papel. Nang marinig ang sinabi ni Casper, ngumiti siya at sumagot, "Huwag mo akong galitin."Sinulyapan siya ni Attorney Graham at nagtanong, "Ano ang sinusulat mo?""May partnership kami sa isang brand at plano naming mag-organize ng group buy para sa mga babaeng abogado dito sa law firm ninyo.""Sayang at hindi naging purchasing agent si Miss Cindy.""Kung para lang kay Attorney Graham, handa akong gawin."Mahilig si Cindy magsalita ng kung anu-ano. Pagkatapos niyang magsulat, ibinaba niya ang ballpen ni Casper sa mes
Bumalik naman si Cindy sa variety show kung saan ginanap sa malaking club ni Marcus. Noong nakaraan ay nakipag-boxing pa siya sa isang lalaki na agad niyang ipinatumba kaya siya nag-viral.Pero iba ang twist ngayon. Pagkabukas ng blind box, may kalahating oras ang lahat para humanap ng mentor at matuto."Simulan na ang bunutan.""Si Cindy na ang mauna! Bagong balik lang siya mula sa injury, kaya siya nalang," sabi ng katunggali niyang si Katie, sabay atras nang may tusong ngiti. Hindi siya tanga. Kung sino ang unang bubunot, parang ipinapadala na rin agad para maging test subject."Wow, Katie, ang bait mo naman. Naiiyak ako sa tuwa, gusto ko tuloy maging stepmother ka," biro ni Cindy na kunwari’y sobra ang pasasalamat, may luha pa sa mata nang tumingin kay Katie.Ang galing ng acting—sobrang totoo ang dating.Napangiwi si Katie. Ang plastik na bulaklak na ‘to, sobrang galing magpanggap."Miss Cindy, anong brand ng plastic bag gamit mo? Ang dami nitong laman.""Maski plastic bag, hindi
"Anong nangyari sa mukha mo, Ate Cindy? Para kang sinampal ng pitong demonyo," biro ni Summer nang lumabas siya mula sa kusina, may dalang prutas.Nakita niya si Cindy na nakaupo sa harap ng floor-to-ceiling window, pulang-pula ang pisngi."Anong tinitingnan mo d'yan?!" singhal ni Cindy.Umubo si Summer sabay abot ng prutas. "Ate, ano ba sinabi ni Attorney Graham sa’yo? Namula pati tenga mo, baka hinalikan ka na naman."Naiinis pa si Cindy sa kanya dahil binuko pa siyang gustong putulin ang ari ni Casper. Hinampas niya ang sarili niyang ulo at tiningnan si Summer nang masama."Sabi ko bantayan mo si Marina! Ano na ang balita?""May nakilala siyang ilang tao kahapon, pero hindi sila kapatid mo," sagot ni Summer.Ayaw na ayaw na ni Cindy marinig ang salitang kapatid. Dahil sa kanila, nagkagulo ang buhay niya at ilang beses na rin siyang muntik mawalan ng hininga. Tigok na sana ang matandang ‘yon ng sampung libong beses."Sino sila?""Mga barkadang hindi maganda ang reputasyon," tugon ni
Pagkatapos magsalita ni Cindy nang buong kumpiyansa, nagsimulang gumulong sa sahig ang mga tao at nagmakaawa.Mabilis na tumingin si Cindy kay Casper. Itinaas ni Casper ang mga mata niya."Tama ang sinabi niya, Ma’am. Hindi iniutos ni Sir Derek na saktan ka namin. Ang bilin lang niya ay bantayan kung sino ang nakakasalamuha mo at alamin kung saan mo itinago ang matanda. Wala nang iba pa.""Magaling ka ring magsalita," malamig na sagot ni Casper bago tumingin kay Secretary Mark at utusang paalisin ang mga tao.Sandaling natahimik ang sala ng villa. Nakatayo si Casper sa harap ni Cindy, isang kamay sa bulsa, nakayuko habang tinititigan siya."Kamusta ang paa mo?""Kung talagang gusto mong malaman, Attorney Graham, yumuko ka at tingnan mo," sagot ni Cindy. Hindi niya tatanggapin ang pagpapaalala lang; dapat ay lumuhod siya sa harap niya."Gusto mo ba akong dilaan?" tugon ni Casper na may mapanuksong ngiti.Nang bahagyang itaas ni Cindy ang balakang, alam na agad ni Casper na may balak it
Nang marinig ni Casper ang apelyidong na Mendez, kusa niyang naisip na si Cindy iyon.Ngunit nang lumapit ang tao, doon lang niya napagtanto na si Derek Mendez pala."Boss Mendez, ano ito?""Narito ako para makipag-usap tungkol sa kooperasyon kay Attorney Graham," nakasandal si Derek sa upuan at tinitigan siya nang may kumpiyansa.Bahagyang tumaas ang kilay ni Casper, at hindi na nagpaligoy-ligoy si Derek. Inilapag niya ang cellphone sa harapan ni Casper. Ang unang headline sa internet ay tungkol sa mainit na balita: “Si Cindy Mendez, nahuling may kasamang boyfriend sa kanyang pribadong tirahan kagabi.”"Hindi ba’t naputol na ang negosasyon mo at ni Cindy?""Pagod na makisama sa isang maselang dalaga na tulad ni Cindy. Kung ipipilit mo na kumuha ng kliyente, maaari ba akong isaalang-alang?""Nang kinuha mo Attorney Graham ang kaso ni Cindy, kailangan niyang makipag-ayos hindi lang sa pera kundi pati sa relasyon. Pero noong kinuha niya ang kaso ko, diretsuhan lang tayo, pera lang ang u
"Parang sabi sa internet, magaling daw siyang mag-deliver ng linya. Hindi man lang humihinga kapag mahahaba ang monologue niya.""Doc, sino ba yung lalaking yon kanina? Ang gwapo niya, di ba? At sobrang maginoo pa." tanong ng isang nurse.Dumating si Maricel nang marinig ang balita at nagmamadali papunta sa ospital para tingnan ang kaibigan."Cindy!" sigaw niya paglapit."Hoy, babae! Nasugatan ka ba?" dali-dali niyang sinuri si Cindy. Nakita ni Casper ang pagkabalisa ni Maricel at naglabas lang ng isang salita: "Paa."Huminga nang maluwag si Maricel. "Buti na lang hindi sa mukha. Kung pati mukha mo nasira, hindi ka na makaka-shooting at baka pati pagkain hindi mo na kayang bilhin."Inismaran siya ni Cindy. "Hay, salamat nalang at niligtas ka ni Attorney Graham."Nang marinig ni Cindy ang pasasalamat ni Maricel kay Casper, itinuro niya ito gamit ang natitirang lakas. Matagal siyang nanginginig. Bigla na lang bumagsak ang kamay niya at nawalan ng malay."Doc..." bulong ng isa.***Gabi







