Share

CHAPTER 7

Author: NORWEINA
last update Last Updated: 2025-03-27 20:35:15

Nainis din si Cindy pero pinilit pa rin niyang ngumiti habang nakatayo sa harap ng presinto at nakikipag-usap kay Casper Graham tungkol sa ganitong klaseng usapan. 

Sa labas, parang isang perpektong larawan—nakangiti. Pero sa loob, halos murahin na niya ito sa isip.

"Ang galing mo talaga ‘pag nakaharap sa camera," ani Casper habang pinipigil ang inis sa kanyang mga ngipin. 

"Tsk, parang hindi mo naman ako kilala. Kung gusto mong mas makilala pa ako, Lawyer Graham, pwede kitang bigyan ng kaunting atensyon." 

Sa salita, si Cindy ang nakakaangat, pero sa kilos, si Casper ang lihim na lumalamang. Dumikit ang kanyang mga daliri sa bewang ni Cindy—at kinurot niya ito.

Pagpasok pa lang nila sa sasakyan, sumabog na si Cindy. "Ang sakit ng kurot mo ha?!" 

"Yan ang nararapat sayo, sus kung pwede lang kitang balian.” Napipikon na si Casper dito.

"Siraulo kang manyak ka! Makahawak ka sa’kin." 

Lalong sumimangot si Casper, “Ha?! Eh, ikaw ‘tong parang higad na kapit nang kapit sa akin! Baliw ka ba?? Gusto mo lang akong ipahiya sa publiko at isangkot sa eskandalo mo!” Bulyaw niya pa.

Ang driver ni Cindy na nasa harapan ay parang mabibingi sa bangayan nang dalawa kaya ito nagsuot ng earphones.

“Ganyan ka na ba talaga dumiskarte?? Ang manglandi??” Pang-iinsulto pa ni Casper.

Ang pamilyang Mendez ay masalimuot. Si Derek Mendez, ang nakakatandang kapatid ng pamilya Mendez, ay isang kilalang babaero na nagkalat ng kanyang mga anak sa kung saan-saan. Pero sa lahat ng anak sa labas, si Cindy ang pinaka-pinapaboran. 

Isang babaeng walang diskarte? Hindi siya aabot sa posisyong ito. At base sa ginawa niya kay Marina kanina—isang hampas ng realidad na may kasamang matamis na pangako—halatang bihasa na siya sa larong ito. 

Ang pagkuha ng abogado? Isang pangontra lamang, isang proteksyon sa sarili. 

Nang makababa na si Casper sa sasakyan, nakahinga na ng maluwag si Cindy, at kasama niya na ang young assistant na si Summer.

"Madame..." nahihiyang tawag nito. 

Nakaupo lang si Cindy sa loob ng sasakyan, nakadungaw sa bintana, at tila hindi mapakali. 

"Masakit ulo ko," bulong niya habang idinidiin ang noo sa salamin. 

"Palitan na kaya natin si Lawyer Graham?" mungkahi ni  Summer. 

"Kung hindi ko kukunin si Casper, siguradong si Derek ang magpapadala ng tao niya rito. Kapag nagsanib-pwersa ang dalawang ‘yon, paano ko pa makukuha ang mana?" Hindi, hindi niya papayagang magsama ang dalawang iyon. 

Derek at Casper sa isang panig? Isang malaking problema. 

"Lagi ka na lang na-i-stress sa kanila. Ano'ng plano mo ngayon?" tanong pa ni Summer. 

"I’ll figure this out. Simula bukas, gusto kong may pinapadalang afternoon tea sa law firm araw-araw. Para hindi ako makalimutan ng mokong na ‘yun." 

"Seryoso po kayo? Araw-araw?" 

"Yes, and pakilagay nalang nalang sa cup, ‘I love you to death, Attorney Graham-from Cindy’." 

Tumango si Summer kahit na naweweirduhan na sa amo, tsaka pag start ulitng sasakyan, bigla naman silang nagulat mula sa likuran nang maramdamang bumangga ito at muntik na silang tumilapon. Buti nalang ay naka-seatbelt sila.

Isang malaking trak ng tubig mula sa Veloria Financial Center ang lumitaw sa intersection—papunta diretso sa sasakyan nila! 

Isang malakas na pagsabog ang yumanig sa buong paligid. 

Sa loob ng law firm, kakapasok pa lang ni Casper nang marinig niya ang ingay mula sa labas. Hindi pa siya nakakaupo nang mapansin niyang nakasandal ang kanyang sekretarya sa bintana, nakatitig pababa sa kalsada.

"Ano 'yung ingay na 'yon?" 

"Isang trak ng tubig ang bumangga sa sasakyan ng artista." 

Isang pangkaraniwang aksidente lang ito, walang espesyal. Hindi mahilig si Casper sa pakikialam sa mga gulo. Pero habang iniaayos niya ang upuan para maupo, kaso natigilan siya ng may mapagtanto.

“Cindy?”

Mabilis siyang lumapit sa bintana at nang sumilip siya pababa, nakita niyang pilit na lumalabas ang assistant ni Cindy mula sa bintana ng kotse. Parang kidlat na bumaba si Casper, sa sobrang bilis nagulat ang kaibigan.

"Attorney Graham!" Halos maluha sa ginhawa si Summer nang makita siya. Araw-araw niyang naririnig kay Cindy ang masasamang kwento tungkol kay Casper—isang elitista at materyalistang tao—pero ngayon, nang makita niyang patakbong lumapit ito, alam niyang nag-aalala ito sa amo.

Samantala, umakyat si Casper sa bubong ng sasakyan para hanapin si Cindy, pero wala ito roon. 

"Nasaan si Cindy?" 

"Lumabas na ako!" 

Sa di kalayuan, isang pamilyar na boses ang narinig niya. 

Upang hindi na maantala ang pagpapadala ng afternoon tea sa law firm, plano sanang umuwi ni Cindy gamit ang taxi at ipaubaya kay Summer ang trabaho. 

Sino'ng mag-aakala na sa mismong pagliko ng sasakyan, isang trak ng tubig ang babangga rito? 

Tumawid siya sa overpass, at ang unang sumalubong sa kanya ay ang galit na sigaw ni Casper. 

Nakaputi siyang bestida, lumilipad sa hangin ang kanyang mahahabang buhok, magulo ngunit nakakaakit pa rin. 

Napangiwi si Casper nang makita ang matatalim ngunit mapanuksong mga mata ni Cindy. "Tsk, hindi ka pa natuluyan. Handa na sana akong kolektahin ang bangkay mo, sayang naman." 

"Wow, ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na matagal mamatay ang masamang damo??”

Samantala, dinala si Summer sa ospital, habang ang driver ng trak ay kinuha ng mga pulis. Ipinag-utos ni Casper sa kanyang mga tauhan na asikasuhin ang imbestigasyon bago bumalik sa opisina. 

At syempre, parang buntot na sumunod si Cindy sa kanya. 

***

Pagkasara ng pinto ng opisina, biglang itinulak ni Cindy si Casper sa pader, at mabilis, eksakto, at walang awa niyang idinapo ang kanyang malalambot na kamay sa isang sensitibong bahagi ng katawan nito. 

Sa isang iglap, maririnig ang pigil na boses ni Casper. "Cindy… alam mo ba kung ano'ng hinahawakan mo?" 

"Sinusubukan ko lang alamin kung alin ang mas matigas—ang bunganga mo o ito." 

Kasabay ng panginginig ng kanyang katawan, nanindig ang mga balahibo ni Casper. Kung may kontrolado sa sitwasyong ito, hindi siya ‘yon—kundi si Cindy. 

Dumikit pa si Cindy sa kanya, kitang-kita ang mapaglaro niyang ngiti. 

"Sa ibang lalaki ko ‘to natutunan." 

Kung sa edukasyon ng siyam na taong pag-aaral sa paaralan ay may makapal na aklat, mas makapal pa ang koleksyon ng mga pinapanood niyang pelikula sa gabi. Sa mundong ginagalawan niya, ang isang babae na hindi marunong lumaban sa laro ng kalalakihan ay magiging biktima lamang. 

Kung magpapadala siya sa simpleng landian, paano pa siya magiging reyna ng industriya? 

Nagpipigil si Casper bago hinawi ang kamay niyang nasa maling lugar. "Hindi na nakapagtataka kung baka isang araw mapanood na kita sa corn hub.”

Kung hindi lang niya kailangan ang tulong ni Casper, malamang pinutol na niya ang dila nito ngayon pa lang. Hawak pa rin niya ang kanyang baba nang buong tapang siyang ngumiti. "Casper naman, alam kong walang lalaki ang makapagpipigil sa ganda kong ‘to?? At Huwag kang magpaka-inosente, tsk, sa mukha mo yang… parang nanonood ka rin ng mga illegal na palabas.”

Tinitigan siya ni Casper na para bang isang malaking kahihiyan ang kaharap niya. "Puro ka kabalbalan, Cindy! Yan ba ang tinuro ng mga magulang mo??”

Tumawa lang si Cindy, “S’yempre hindi. Natuto lang ako sa mga na-experience ko.”

Hindi na siya sumagot. Sa halip, tinawagan ni Casper ang kanyang sekretarya. "Ihatid mo si Miss Mendez sa bahay. Nasisiraan na siya ng bait." 

Alam ni Cindy kung kailan lalaban at kung kailan aatras. Sa larong ito, ang pinakamalakas ay hindi laging nananalo—kundi ang marunong gumamit ng tamang diskarte.

NORWEINA

Ang landi ni Cindy!!!!

| Like
Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The It Girl Flirting with the Ruthless Attorney   CHAPTER 19

    “Tyler...” sigaw ni Casper sa galit, na agad na nakatawag pansin sa mga pulis na kasama niya.Nang makita ni Tyler at ng kanyang mga tauhan na paparating na si Casper, agad niyang inalis ang suot niyang coat at ibinalot ito kay Cindy na nanginginig sa takot.Upang hindi siya mapahiya sa harap ng publiko. Kung sa ibang pagkakataon ito nangyari, baka nambola pa si Cindy kay Casper. Pero ngayon, tulala at natakot siya kay Casper.Bumagsak ang baston, at bigla na lamang lumabas ang dugo mula sa balikat ng lalaki.Sa isang iglap, bumagsak ang baston na may bilis, bangis, at walang pag-aatubili, na parang hindi binibigyan ng pagkakataon ang sinuman na lumaban.Ito ba talaga ang lalaking sinasabi ng iba? Ang lalaking kayang gumawa ng kabutihan at kasamaan?Isang abogado na gamit ang katalinuhan ay paulit-ulit na sinusubok ang hangganan ng batas?Ganito ba talaga nabuo ang pagkatao ni Casper Graham?“Lintik!” sigaw ni Tyler nang makita ang lalaking halos hindi na gumagalaw sa sahig.“Casper,

  • The It Girl Flirting with the Ruthless Attorney   CHAPTER 18

    Akala ng mga tao sa labas ay matinong abogado si Casper, pero sa mga nakakakilala sa kanya, alam nilang isa siyang tuso at delikadong tao. Sa bakuran ng isang abandonadong pabrika, isang balde ng tubig ang ibinuhos sa katawan ni Cindy Mendez para siya’y magising.Nagising siyang inuubo, luminga-linga sa paligid at sa isip ay minumura si Casper at ang buong pamilya nito.Kung hindi lang sana siya pinatulan ng gagong si Casper, hindi sana siya nainis at napilitang maglakad-lakad, tapos bigla na lang siyang dinukot?"Uy, gising na siya?" sabi ng dalawang manyakis na nakaupo sa tapat ni Cindy habang halos tumulo ang laway sa pagkakatitig sa mapuputi niyang hita."Ano bang gusto niyong mangyari?""Kinidnap ka namin para sa pera, pero ngayon... gusto pa namin ng dagdag," sabay turo ng isa sa kanyang dibdib.Napatingin si Cindy sa suot niyang V-neck. Kasalanan talaga 'yon ng matandang gagong si Casper. Kung hindi niya lang sana balak akitin ito, hindi sana siya nagsuot ng damit na halos kita

  • The It Girl Flirting with the Ruthless Attorney   CHAPTER 17

    Maririnig ang malakas na ubo ni Cindy Mendez sa ilalim ng parking lot. Hayop talaga si Casper. Sinakal pa siya gamit ang sigarilyo.Hawak ni Cindy ang dibdib niya, sabay turo kay Casper habang matagal siyang umuubo, hindi makapagsalita.“Casper... tarantado ka! Papatayin mo ba ako sa asthma...”Umurong ng isang hakbang si Casper habang hawak-hawak pa rin ang sigarilyo sa pagitan ng mga daliri niya, maayos ang itsura habang pinapanood si Cindy na halos hindi na makatayo sa pag-ubo.Para bang isang diyos na nakatingin sa isang taong nasa bingit ng kamatayan.Bigla niyang naalala ang sinabi sa kanya ng matalik niyang kaibigan, “Ano bang nagustuhan mo sa kapitalistang galing sa maliit na pamilya?”“Hitsura ba? O katawan?”“Sa mga tulad ni Casper, hindi kayang buuin ng pera ang kaluluwa niya. Sa halip, mas lalo lang siyang nagiging tuso at masama.”“Cindy, kung ako sayo umatras ka na habang may oras pa.”Pinunasan ni Cindy ang labi gamit ang likod ng kanyang kamay. “Umatras nga ako dahil a

  • The It Girl Flirting with the Ruthless Attorney   CHAPTER 16

    Ang dahilan kung bakit narito ngayon si Casper ay dahil may usapan sila ni Derek. Pero malinaw na hindi matutuloy ang usapan ngayon."Hoy, tara na! Pasabay naman...""Cindy..." Papasakay na sana si Cindy sa sasakyan ni Casper. Binuksan niya ang pinto ng passenger seat pero hindi pa siya nakakapasok.Isang babaeng nakapula ang dahan-dahang lumapit sa may elevator. "Itinago mo ba ang tatay mo?""Oh, Jessica, dapat may ebidensya ka bago ka magsalita! Hindi ba’t paninirang-puri na ‘yan?" Umayos ng tayo si Cindy at ngumiti nang bahagya habang nakatingin sa babaeng nagngangalang Jessica.Si Jessica ang orihinal na asawa ng kuya niyang si Derek. Pagkatapos ng tatlong beses na pag-aasawa at pakikipaghiwalay ni Derek, napagtanto niyang mas madali niyang napapaikot ang una niyang asawa, kaya nagsama ulit sila.Nabubuhay siya sa kaligayahang may magagandang babae sa paligid at may masarap na kama't pamilya sa kanyang pagbabalik. Isa itong uri ng buhay na kaiinggitan ng maraming lalaki. Pero nana

  • The It Girl Flirting with the Ruthless Attorney   CHAPTER 15

    Pagkauwi ni Cindy sa bahay, hindi pa man siya nakakaupo ay tumawag na agad si Maricel.“May pagtitipon ng mga mayayamang pamilya sa grand hotel bukas ng gabi. Pinapaalala ng nanay mo na siguraduhin mong makakarating ka sa oras.”Binuksan ni Cindy ang gripo at naghugas ng kamay. “Malapit nang mamatay si Dad, tapos ganyan pa rin ang iniintindi niya?”Sagot ni Maricel, “Tanungin mo ang nanay mo.”Hindi talaga maiintindihan ng mga taong tulad nila ang takbo ng pag-iisip ng mga mayayaman.Ang nanay ni Cindy, si Francesca, ay isang tipikal na donyang mayaman noong dekada nobenta. Sabihin mo nang may estilo siya, medyo. Sabihin mo ring wala siyang utak, hindi rin naman totoo. Wala itong kakayahang kumayod pero one hundred percent na magaling pagdating sa pakikisalamuha.May nagsasabi sa mga sosyal na lupon sa bayan na si Francesca ay isinilang para suportahan ng mga lalaki. Simple lang ang mga pangarap at layunin niya sa buha na kaya niyang kontrolin ang mga lalaki, at sa pamamagitan ng mga i

  • The It Girl Flirting with the Ruthless Attorney   CHAPTER 14

    Binuhusan ni Tyler ng tubig ang baso at iniabot ito kay Cindy na nakabusangot ang mukha. Mabilis siyang humila ng upuan at naupo sa harap nito nang seryoso.“Hindi ko alam kung dapat bang sabihing masuwerte ka o malas. Mas gusto ko pang sabihing masuwerte ka! Ilang beses ka na bang napadpad dito ngayong linggo? Tatlong beses na yata. Pero ang malas mo pa rin! Sa bawat pagkakataon, may humahabol sa’yo at kami ang laging sumasalo.”“Sa totoo lang, parang ikaw na ang naging mascot ng grupo namin. Yung mga nakakakilala sa’yo, alam nilang malas ka. Pero yung iba, iniisip na ginagamit mo lang ang koneksyon natin bilang kaklase para bigyan ako ng magandang record.”Tiningnan siya ng masama ng babae, “Tyler, alam mo ba kung bakit hindi kita gusto?”“Bakit?”“Kasi ang ingay ng bunganga mo.”Hindi nagpaapekto si Tyler, pinagtawanan niya pa ito, “Sabihin mo na lang kung gusto mong sampalin ako para makabawi ka naman.”“Kapag hindi tinanggap ni Casper ang kaso mo, at namatay ang tatay mo, sigurado

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status