Nakay Si Cindy Mendez na ang lahat—kagandahan, kasikatan, at isang kumikinang na singsing sa kanyang daliri. Pero sa mismong gabi ng kanyang engagement party, sinira ito ng ex-girlfriend ng kanyang fiance na ipinalabas ang isang scandal. Sa labis na sakit at kahihiyan, nagpakalasing siya sa isang bar, handang kalimutan ang lahat—kahit panandalian lang. Ngunit sa kanyang paggising kinaumagahan, natagpuan niya ang sarili sa kama ng isang lalaking hindi niya inakalang makakasama muli—si Casper Graham, ang kilalang ruthless attorney at ang lalaking unang bumasag sa kanyang puso. Gusto na lang ni Cindy na mag-walkout sa sitwasyong ito at kalimutan ang nangyari, pero nang isang eskandalo sa kanilang pamilya ang nagbanta sa kanyang mana at kinabukasan, napilitan siyang humingi ng tulong sa tanging abogadong kayang ayusin ang gusot—ang ex-boyfriend niyang walang awa sa korte. Ngayon, sa gitna ng isang matinding laban para sa kanyang yaman at dignidad, natagpuan ni Cindy ang sarili sa isang laro ng tukso at labanan ng pride kasama ang lalaking minsan na niyang minahal. Pero hanggang kailan niya magagawang takasan ang nakaraan? Dahil si Casper ay maaaring walang puso sa batas—pero pagdating kay Cindy, siya ang tanging kaso na hindi pa niya kayang isara.
View MoreSa gabi ng engagement party ni Cindy Mendez, biglang sumulpot ang ex-girlfriend ng fiancé niyang si Damien at ipinakalat nito ang scandal nila at nawasak ang puso niya habang pinapanood ito sa LED screen.
“What the hell.” Iyon na lamang ang kanyang huling nasabi bago nilisan ang party.
Nagising nalang si Cindy na nasa loob ng isang hotel katabi ang isang lalaking hindi niya dapat makita. Si CASPER GRAHAM. Ang kilalang malupit na abogado sa bayan.
Hindi makakalimutan ni Cindy kung papaano siya nabaliw sa lalaking ito na dati niyang minahal ng lubusan pero isang araw, bigla nalang siyang iniwan nito sa ere. At hindi siya makapaniwala na magtatagpo ulit ang kanilang landas pero sa masaklap na paraan.
Matapos pagtaksilan ng fiancé, siya naman ngayon ang narito sa piling ng dating nobyo at binigyan siya ng init na matagal niya ng inaasam.
“Gising ka na?” Narinig niya ang baritonong boses ng lalaki.
Napalingon siya at nakita ang lalaking nakahiga sa kanyang tabi habang nagsisindi ng sigarilyo.
“Nice to see you again, Cindy. Pero balita ko niloko ka raw ng fiancé mo?” Bakas ang panunukso sa boses ni Casper habang nakatitig sa kanya. “Tapos gumanti ka agad at ako naman ang ginamit mo??”
Napasinghap si Cindy at agad na bumangon dala ang comforter na binalot niya sa kanyang hubad na katawan. Napatingin din siya sa sahig at nakita ang mga damit na nagkalat. Napatingin siya ulit kay Casper na kitang-kita ang malapad na dibdib.
“I don’t remember seeing you, Casper. Paano ako napunta rito??” Pabalik niyang tanong.
Ngumisi si Casper na nagkibit-balikat, “I’m asking the same thing, Cindy.”
Kumunot ang noo ni Cindy, at gusto niya mang makipag-argumento dito pero si Casper ay napagaling sa korte, hindi siya mananalo dito.
Sumakit nalang ang ulo niyang isipin na sa dinami-dami ng lalaki, si Casper pa ang nakatagpo niya. At kapag may nakaalam nito, tiyak pag-uusapan siya at mas dadami pa ang isyu niya, mas lalong masisira ang reputasyon niya bilang artista.
“Casper, nalasing ako kagabi. If you think na sinadya ko na mangyari to, ang kapal naman ng mukha mo.” Inis na itinapon ni Cindy ang unan sa kanya tsaka isa-isa niyang pinulot ang mga damit sa sahig.
Muntik matamaan ang mukha ni Casper pero buti nalang ay nasalo niya ang unan. Pinagmasdan niya rin ang babae na nakatakip lang ng kumot at nasisilayan niya ang makinis nitong likuran.
“Ilang beses na ba ‘tong nangyari, Cindy? Ang malasing tapos magigising sa piling ng mga lalaki at hindi mo alam ang nangyari??”
Natigilan si Cindy sa narinig at inis niyang tiningnan ang lalaki. “Kung ganyan ang tingin mo sa’kin, puwes, hindi ako aangal. Bagay nga sayo ang trabaho mo, judgmental.”
Dahil sa sinabi nito, hindi naman siya magpapaawat at bigla niyang binuksan ang bag at inilabas ang isang black card. Bigla niya naman itong hinagis kay Casper na siya naming kumunot ang noo.
“Oh, dahil ginalingan mo naman sa kama, ‘yan ang bayad ko. Case closed, Attorney Graham.”
Nandilim ang mukha ni Casper na hindi makapaniwala sa inasal nito.
“Anong tingin mo sa’kin?? Prostitute??” Inis niyang tanong.
Natawa si Cindy sa reaksyon ng mukha nito, “Bakit? Hindi ba ‘yan sapat? Don’t tell me sobrang taas ng tingin mo sa sarili mo?”
Dinilaan ni Casper ang labi tsaka inilagay ang sigarilyo sa ashtray. “Look, who’s talking. Eh, sino ba ang naghabol dati??”
Napalunok ng laway si Cindy at kuhang-kuha nito ang gigil niya. “D’yan ka naman magaling, Casper. Ang mang-ungkat ng nakaraan. Hinabol nga kita noon dahil tanga ako!”
Mas lalong natawa si Casper, “At ngayon tanga ka pa rin naman. Sino ba ang niloko kagabi? Hindi ba ikaw??? And what’s funny, you’re just digging your own grave. Magulo na ang pamilya mo at paano nalang kung kumalat na nakipagtalik ka sa ex mo?? May mukha ka pa kayang maihaharap sa mundo??”
Kumuyom ang mga kamao ni Cindy dahil barado nga siya sa lalaking ‘to na maraming alas laban sa kanya, “Ano bang pake mo kung masira ako?? Hindi ko na na inaalala ang reputasyon ko, pero ikaw itong madaming satsat. Tsk, mukhang ikaw ata ang nag-aalala ngayon.”
Bumangon naman si Casper sa kama at kinuha ang bathrobe sa gilid at tinapis sa beywang. “Kahit bumagsak ka, it won’t affect me at all.”
“Kung gano’n, huwag mong pakialaman ang buhay ko.” Dikta ni Cindy.
Nanatiling nakatitig si Casper sa babae, “Careful, Cindy. Baka isang araw, ikaw pa ang magmakaawa sa’kin na ayusin ang buhay mo. Who knows, you want me to defend you from your stupid actions.”
Pinagtaasan siya nito ng kilay, “Delusional.”
****
Sa kabilang banda, nasa loob ng pamilya Legaspi na si Don Francisco at Donya Francesca. Habang nasa harapan nila si Damien na humihingi ng kapatawaran dahil sa nagawang kahihiyan.
"Dad, hindi mo ako masisisi. Higit isang taon na kaming engaged ni Cindy but she never gave me a chance to touch her. She can’t understand na may pangangailangan din ako.” Reklamo ni Damien.
Matapos niya iyong sabihin nakatanggap siya ng suntok mula sa ama ni Cindy na si Don Marcelo.
“Tarantado ka!”
Matapos niyang gawin ‘yun, bigla namang nakaramdam ng pagkahilo si Don Marcelo at nagulat ang mga taong naroon sa sala nang bigla siyang himatayin.
****
Nasa loob ng sasakyan si Cindy kasama ang manager niyang si Peter na pinapagalitan siya.
“Cindy? Gusto mo ba talagang masira ng tuluyan ang career mo??
"Sa dinami-dami ng pwedeng makasama mo, si Casper Graham pa talaga? Cindy, nasisiraan ka na ata ng bait? Kung umabot sa mga media outlets na nakipag one-night-stand ka sa ex mong ‘yun, mas lalo kang babagsak.” Bulyaw ni Peter.
Napabuntong-hininga si Cindy na nakatulala lang sa labas ng bintana, “I’m sorry, Peter. Wala ako sa mood para pag-usapan ang ganitong bagay.”
“What?? Cindy, hindi ka ba nag-aalala na mawalan ka ng mga projects. Kung mawala ang mga endorsement, commercials at mga movie projects mo, saan ka nalang pupulutin??? My god! You’re stressing me out, Cindy. Hindi mo ba inisip ang malaking kabayaran kung sakaling materminate ang mga kontrata??”
Bago pa magsalita si Cindy, narinig niya ang cellphone na nag-ring kaya agad niya itong sinagot.
“Cindy, hinimatay ang Daddy mo.” Sabi ng kanyang ina.
Nanigas si Cindy sa kinauupuan at imbes na pumunta siya ng spa ngayon, agad niyang inutusan ang driver na dumeretso sa hospital kung saan sinugod ang ama.
Lumipas ang ilang minuto, narating niya na ang hospital at pagpasok niya sa ward, nakita niya ang nanghihinang ama na binabatayan ng ina niyang si Prescilla.
“Cindy, hindi maganda ang kalusugan ng ama mo. At oras na para pag-usapan natin ang tungkol sa mana.” Seryosong sabi ni Prescilla.
“At anong gusto mong gawin ko, Mom?” Takang tanong ni Cindy.
“Maghanap ka ng magaling na abogado.”
Pagkarinig niya sa bagay na ‘yon, bigla siyang kinabahan.
Dahil isa lang ang kilala niyang abogado, si Casper Graham.
“Tyler...” sigaw ni Casper sa galit, na agad na nakatawag pansin sa mga pulis na kasama niya.Nang makita ni Tyler at ng kanyang mga tauhan na paparating na si Casper, agad niyang inalis ang suot niyang coat at ibinalot ito kay Cindy na nanginginig sa takot.Upang hindi siya mapahiya sa harap ng publiko. Kung sa ibang pagkakataon ito nangyari, baka nambola pa si Cindy kay Casper. Pero ngayon, tulala at natakot siya kay Casper.Bumagsak ang baston, at bigla na lamang lumabas ang dugo mula sa balikat ng lalaki.Sa isang iglap, bumagsak ang baston na may bilis, bangis, at walang pag-aatubili, na parang hindi binibigyan ng pagkakataon ang sinuman na lumaban.Ito ba talaga ang lalaking sinasabi ng iba? Ang lalaking kayang gumawa ng kabutihan at kasamaan?Isang abogado na gamit ang katalinuhan ay paulit-ulit na sinusubok ang hangganan ng batas?Ganito ba talaga nabuo ang pagkatao ni Casper Graham?“Lintik!” sigaw ni Tyler nang makita ang lalaking halos hindi na gumagalaw sa sahig.“Casper,
Akala ng mga tao sa labas ay matinong abogado si Casper, pero sa mga nakakakilala sa kanya, alam nilang isa siyang tuso at delikadong tao. Sa bakuran ng isang abandonadong pabrika, isang balde ng tubig ang ibinuhos sa katawan ni Cindy Mendez para siya’y magising.Nagising siyang inuubo, luminga-linga sa paligid at sa isip ay minumura si Casper at ang buong pamilya nito.Kung hindi lang sana siya pinatulan ng gagong si Casper, hindi sana siya nainis at napilitang maglakad-lakad, tapos bigla na lang siyang dinukot?"Uy, gising na siya?" sabi ng dalawang manyakis na nakaupo sa tapat ni Cindy habang halos tumulo ang laway sa pagkakatitig sa mapuputi niyang hita."Ano bang gusto niyong mangyari?""Kinidnap ka namin para sa pera, pero ngayon... gusto pa namin ng dagdag," sabay turo ng isa sa kanyang dibdib.Napatingin si Cindy sa suot niyang V-neck. Kasalanan talaga 'yon ng matandang gagong si Casper. Kung hindi niya lang sana balak akitin ito, hindi sana siya nagsuot ng damit na halos kita
Maririnig ang malakas na ubo ni Cindy Mendez sa ilalim ng parking lot. Hayop talaga si Casper. Sinakal pa siya gamit ang sigarilyo.Hawak ni Cindy ang dibdib niya, sabay turo kay Casper habang matagal siyang umuubo, hindi makapagsalita.“Casper... tarantado ka! Papatayin mo ba ako sa asthma...”Umurong ng isang hakbang si Casper habang hawak-hawak pa rin ang sigarilyo sa pagitan ng mga daliri niya, maayos ang itsura habang pinapanood si Cindy na halos hindi na makatayo sa pag-ubo.Para bang isang diyos na nakatingin sa isang taong nasa bingit ng kamatayan.Bigla niyang naalala ang sinabi sa kanya ng matalik niyang kaibigan, “Ano bang nagustuhan mo sa kapitalistang galing sa maliit na pamilya?”“Hitsura ba? O katawan?”“Sa mga tulad ni Casper, hindi kayang buuin ng pera ang kaluluwa niya. Sa halip, mas lalo lang siyang nagiging tuso at masama.”“Cindy, kung ako sayo umatras ka na habang may oras pa.”Pinunasan ni Cindy ang labi gamit ang likod ng kanyang kamay. “Umatras nga ako dahil a
Ang dahilan kung bakit narito ngayon si Casper ay dahil may usapan sila ni Derek. Pero malinaw na hindi matutuloy ang usapan ngayon."Hoy, tara na! Pasabay naman...""Cindy..." Papasakay na sana si Cindy sa sasakyan ni Casper. Binuksan niya ang pinto ng passenger seat pero hindi pa siya nakakapasok.Isang babaeng nakapula ang dahan-dahang lumapit sa may elevator. "Itinago mo ba ang tatay mo?""Oh, Jessica, dapat may ebidensya ka bago ka magsalita! Hindi ba’t paninirang-puri na ‘yan?" Umayos ng tayo si Cindy at ngumiti nang bahagya habang nakatingin sa babaeng nagngangalang Jessica.Si Jessica ang orihinal na asawa ng kuya niyang si Derek. Pagkatapos ng tatlong beses na pag-aasawa at pakikipaghiwalay ni Derek, napagtanto niyang mas madali niyang napapaikot ang una niyang asawa, kaya nagsama ulit sila.Nabubuhay siya sa kaligayahang may magagandang babae sa paligid at may masarap na kama't pamilya sa kanyang pagbabalik. Isa itong uri ng buhay na kaiinggitan ng maraming lalaki. Pero nana
Pagkauwi ni Cindy sa bahay, hindi pa man siya nakakaupo ay tumawag na agad si Maricel.“May pagtitipon ng mga mayayamang pamilya sa grand hotel bukas ng gabi. Pinapaalala ng nanay mo na siguraduhin mong makakarating ka sa oras.”Binuksan ni Cindy ang gripo at naghugas ng kamay. “Malapit nang mamatay si Dad, tapos ganyan pa rin ang iniintindi niya?”Sagot ni Maricel, “Tanungin mo ang nanay mo.”Hindi talaga maiintindihan ng mga taong tulad nila ang takbo ng pag-iisip ng mga mayayaman.Ang nanay ni Cindy, si Francesca, ay isang tipikal na donyang mayaman noong dekada nobenta. Sabihin mo nang may estilo siya, medyo. Sabihin mo ring wala siyang utak, hindi rin naman totoo. Wala itong kakayahang kumayod pero one hundred percent na magaling pagdating sa pakikisalamuha.May nagsasabi sa mga sosyal na lupon sa bayan na si Francesca ay isinilang para suportahan ng mga lalaki. Simple lang ang mga pangarap at layunin niya sa buha na kaya niyang kontrolin ang mga lalaki, at sa pamamagitan ng mga i
Binuhusan ni Tyler ng tubig ang baso at iniabot ito kay Cindy na nakabusangot ang mukha. Mabilis siyang humila ng upuan at naupo sa harap nito nang seryoso.“Hindi ko alam kung dapat bang sabihing masuwerte ka o malas. Mas gusto ko pang sabihing masuwerte ka! Ilang beses ka na bang napadpad dito ngayong linggo? Tatlong beses na yata. Pero ang malas mo pa rin! Sa bawat pagkakataon, may humahabol sa’yo at kami ang laging sumasalo.”“Sa totoo lang, parang ikaw na ang naging mascot ng grupo namin. Yung mga nakakakilala sa’yo, alam nilang malas ka. Pero yung iba, iniisip na ginagamit mo lang ang koneksyon natin bilang kaklase para bigyan ako ng magandang record.”Tiningnan siya ng masama ng babae, “Tyler, alam mo ba kung bakit hindi kita gusto?”“Bakit?”“Kasi ang ingay ng bunganga mo.”Hindi nagpaapekto si Tyler, pinagtawanan niya pa ito, “Sabihin mo na lang kung gusto mong sampalin ako para makabawi ka naman.”“Kapag hindi tinanggap ni Casper ang kaso mo, at namatay ang tatay mo, sigurado
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments