Share

CHAPTER 5

Author: NORWEINA
last update Last Updated: 2025-03-27 09:35:19

Kinabukasan, mahimbing pa rin ang tulog ni Cindy. 

Biglang tumawag si Maricel. "Gising ka na ba?" 

"Half asleep, half awake," sagot niya nang antok pa. 

"Kung gano'n, bumangon ka na at aprubahan ang memorial," may bahid ng panunuyang sabi ni Maricel. 

"Ano'ng ibig mong sabihin?" Dahan-dahang bumangon si Cindy mula sa kama. Dumulas sa kanyang balikat ang sutlang nightgown, inihayag ang maputing balat na parang wala ni isang butil ng pawis. 

"Nagte-trending ka sa internet. Baka gusto mong bumangon at ayusin ‘yan." 

[Si Cindy Mendez, dalawa ang lalaking natuhog sa isang araw!]

Isang litrato ang ang naka-post, ang mukha niya kasama si Casper, at ang isa naman ay kasama si Marcus. 

“Ay, gano'n ba? So nakita lang akong kasama ang dalawang lalaki kahapon at agad akong naspot-an ng media? Talagang wala akong kawala sa mga mosang sa entertainment industry!”

Bago pa niya mabasa ang mga komento, biglang tumawag si Francesca. 

"Malapit nang mamatay ang tatay mo, at imbes na isipin mo kung paano ka kikita ng pera, inuuna mo pang makipaglandian? At dalawa pa talaga?" 

"Hindi ba ikaw rin ang nag-utos sa akin na mambola?" Walang bahid ng pagmamadali o kaba sa boses ni Cindy, kahit pa nagkakagulo na ang lahat sa paligid niya. 

"Mag-ingat ka. Baka mauna ka pang patayin ng media bago mo makuha ang mana." 

Ang pamilya Mendez ay nasa mataas na antas ng lipunan at palaging binabantayan ng media. Buti na lang at noon pa lang ay handa na si Francesca para sa ganitong araw. Matagal na siyang naghanda at kumuha ng isang propesyonal na tagapamahala sa kumpanya. Kung hindi, siguradong kaguluhan ang mangyayari ngayon. 

Kung sana ay matinong tao si Cindy, wala sanang problema. Pero dahil isa siyang artista at palaging laman ng hot search kaya lagi itong may iskandalo. 

"Huwag kang mag-alala." 

Kinuha niya ang kanyang cellphone at naglakad papunta sa aparador. Pinili niya ang isang simpleng puting bestida at itinapat sa kanyang katawan. "Mom, tanong ko lang, ngayong naayos na ang kaso ni Dad, ano ang una mong gagawin?" 

"Gagamitin ko ang pera ng Daddy mong yumao para humanap ng panibagong asawa," sagot nito na parang matagal nang napagdesisyunan ang bagay na iyon. 

Kapag namatay na ang matanda, matutupad na ang matagal niyang plano. 

"Kaya para magawa mong gamitin ang pera ng tatay ko para hanapan ako ng bagong tatay, may ipapagawa ako sa'yo." 

"Sabihin mo." 

***

Nagbukas si Derek Mendez ng logistics company sa bansa, na nag-aasikaso ng domestic at international shipments. Siya ang pinakatalino sa lahat ng anak ng matanda. Pero dahil doon, siya rin ang pinaka-gustong pabagsakin ni Cindy. 

"Ano'ng gusto mong pag-usapan?" tanong ni Derek nang puntahan siya ni Cindy.

Iginuhit ni Cindy ang isang hibla ng kanyang buhok gamit ang kanyang makinis na daliri. "Gusto kong makipagkasundo sayo." 

"Anong klaseng kasunduan?" Sa paningin ni Derek, si Cindy ay isang tipikal na babae—maganda ngunit walang silbi, at puro paggasta lang ng pera ng pamilya ang alam. 

Matalinghagang ngumiti si Cindy. "Tungkol sa kasunduan ni Dad at sa labindalawang anak niya sa labas." 

Napahinto si Derek sa pag-inom ng wine. Umayos ito ng upo sa sofa at tinitigan siya. Si Cindy ay kamukha ng kanyang ina—maganda, dalisay, at may pambihirang alindog. Dahil lumaki siya sa karangyaan, may likas siyang kayabangan. May presensya siyang parang prinsesa—tila ba lahat ng tao sa paligid niya ay hindi hihigit sa mga langgam sa kanyang paningin. 

Nang makita niyang nagdadalawang-isip si Derek, napangiti siya nang bahagya. Siguradong may ideya na rin ito tungkol dito. 

"Alam ba ni Casper Graham na may balak kang ganito?" tanong ni Derek. 

"Mahalaga ba ‘yon?" sagot ni Cindy na walang pakialam. 

Napangisi si Derek. "Oo. Kung hindi si Casper ang tagapayo mo, kailangan kong pag-isipang mabuti ang kooperasyong ‘to." 

Napansin ni Derek ang pagbabago sa ekspresyon ni Cindy kaya sinabi niya, "Sa totoo lang, hindi na bago ang pagkakaroon ng anak sa labas. Normal lang na magbigay ng kaunting parte sa kanila. Pero labindalawa sila! Kung lahat sila ay bibigyan, may matitira pa ba sa atin?" 

"Hindi mo gusto ang kasunduan?" tanong ni Cindy. 

"Kung gusto mong makipagtulungan, ipakita mo ang sinseridad mo. Nasa showbiz ka. Hindi ka pwedeng makita sa mga ganitong usapan. Sa huli, ako pa rin ang kailangang magpatakbo ng lahat." 

****

Pagbalik pa lang ni Cindy sa sasakyan, agad niyang inayos ang kanyang palda. 

Tiningnan siya ng kanyang driver at nag-aalalang nagsabi, "Ma’am, binabantayan ka ng media ngayon! Paano kung sa ibang araw ka na lang pumunta?" 

"Hindi ko kailangang masindak, pero kailangan kong makuha si Atty. Graham. Magmaneho ka na." 

Wala siyang pakialam sa maliit na perang kinikita sa showbiz. Ang mana ng matanda ang tunay niyang target. Kapag nakuha niya iyon, hindi ba't kaya pa rin niyang mamayagpag sa entertainment industry? 

Alas-kuwatro ng hapon, kakauwi lang ni Casper mula sa korte. Pagbukas niya ng pintuan ng kanyang opisina, tumambad sa kanya ang isang maputlang pigura na nakaupo sa silya. Sandali siyang natigilan bago nagsalita. 

"Anak ng tupa. Bakit ka na naman nandito?!”

“Surprise!” Binigyan siya ng mapang-akit na ngiti ni Cindy.

"Balak mo bang gawin itong bagong bahay mo?" 

"Kung kapalit niyan ay tatanggapin mo ang kaso ko, oo, titira ako rito." 

Simula bata pa lang, kakaiba na ang pag-iisip ni Cindy. Hindi siya tulad ng normal na tao—wala siyang hiya. Lahat ng gusto niya, nakukuha niya, at kung balewalain niya man ito pagkatapos, wala na siyang pakialam. 

Sabi nga ni Marcus, ito raw ang karma ni Casper dahil sa pang-iiwan dito. Balang araw, mapipilitan din siyang lumapit at humingi ng tulong sa iba. Kanina lang, kinausap siya ni Marcus tungkol dito. Sinabi nito na bagama’t parang baliw si Cindy, may kakayahan talaga siya. 

Kagabi lang, tinugis siya ng mga anak sa labas ng kanyang ama. Ngayon naman, lihim na nailipat ang matanda sa ibang lugar. Kung dati pa lang ay nagpa-DNA test na sila, siguradong napakalaking swerte nila. Pero kung hindi pa nila ito nagagawa, wala na silang pag-asang maangkin ang mana. 

  

Kinuha niya ang ballpen ni Casper at pinaglaruan ito habang pinapanood niyang isa-isang i-roll up ng abogado ang manggas ng kanyang suot, unti-unting inilalantad ang matitikas nitong braso. 

"May pagsisisi talaga ako." 

Walang interes si Casper na making sa drama niya, "Ano na naman?" 

"Pinagsisisihan kong masyado akong nalasing noong isang gabi kaya hindi ko masyadong na-appreciate ang katawan mo. Pwede pa bang bigyan mo pa ako ng isa pang round?" 

Napanganga si Casper. “Wala ka na bang hiya sa balat mo, Cindy?”

Napangisi si Cindy, pero bago pa siya makasagot, biglang tumunog ang kanyang cellphone. Hindi narinig ni Casper ang kabilang linya, pero dinig na dinig niya ang sinabi ni Cindy. 

"Busy ako, wala akong oras para dito. Bibigay ko sa'yo ang number ng abogado ko, isulat mo...0926 264…" 

Lumingon si Casper kay Cindy na parang may-ari na ng opisina niya—nakaupo sa kanyang boss chair, hawak ang kanyang business card, at basta na lang ibinigay ang numero niya. Napatawa siya sa inis. 

"Kailan pa ako naging abogado mo?" 

Itinaas ni Cindy ang kanyang baba at malandi siyang tinignan, hindi man lang sumagot. Habang sinusundan siya ng tingin ni Casper, tumunog ulit ang cellphone nito.

Inis itong sinagot ni Cindy. “Ano ba?? Huwag ka ng tumawag kay Attorney Casper Graham dahil girlfriend niya ito!”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The It Girl Flirting with the Ruthless Attorney   CHAPTER 19

    “Tyler...” sigaw ni Casper sa galit, na agad na nakatawag pansin sa mga pulis na kasama niya.Nang makita ni Tyler at ng kanyang mga tauhan na paparating na si Casper, agad niyang inalis ang suot niyang coat at ibinalot ito kay Cindy na nanginginig sa takot.Upang hindi siya mapahiya sa harap ng publiko. Kung sa ibang pagkakataon ito nangyari, baka nambola pa si Cindy kay Casper. Pero ngayon, tulala at natakot siya kay Casper.Bumagsak ang baston, at bigla na lamang lumabas ang dugo mula sa balikat ng lalaki.Sa isang iglap, bumagsak ang baston na may bilis, bangis, at walang pag-aatubili, na parang hindi binibigyan ng pagkakataon ang sinuman na lumaban.Ito ba talaga ang lalaking sinasabi ng iba? Ang lalaking kayang gumawa ng kabutihan at kasamaan?Isang abogado na gamit ang katalinuhan ay paulit-ulit na sinusubok ang hangganan ng batas?Ganito ba talaga nabuo ang pagkatao ni Casper Graham?“Lintik!” sigaw ni Tyler nang makita ang lalaking halos hindi na gumagalaw sa sahig.“Casper,

  • The It Girl Flirting with the Ruthless Attorney   CHAPTER 18

    Akala ng mga tao sa labas ay matinong abogado si Casper, pero sa mga nakakakilala sa kanya, alam nilang isa siyang tuso at delikadong tao. Sa bakuran ng isang abandonadong pabrika, isang balde ng tubig ang ibinuhos sa katawan ni Cindy Mendez para siya’y magising.Nagising siyang inuubo, luminga-linga sa paligid at sa isip ay minumura si Casper at ang buong pamilya nito.Kung hindi lang sana siya pinatulan ng gagong si Casper, hindi sana siya nainis at napilitang maglakad-lakad, tapos bigla na lang siyang dinukot?"Uy, gising na siya?" sabi ng dalawang manyakis na nakaupo sa tapat ni Cindy habang halos tumulo ang laway sa pagkakatitig sa mapuputi niyang hita."Ano bang gusto niyong mangyari?""Kinidnap ka namin para sa pera, pero ngayon... gusto pa namin ng dagdag," sabay turo ng isa sa kanyang dibdib.Napatingin si Cindy sa suot niyang V-neck. Kasalanan talaga 'yon ng matandang gagong si Casper. Kung hindi niya lang sana balak akitin ito, hindi sana siya nagsuot ng damit na halos kita

  • The It Girl Flirting with the Ruthless Attorney   CHAPTER 17

    Maririnig ang malakas na ubo ni Cindy Mendez sa ilalim ng parking lot. Hayop talaga si Casper. Sinakal pa siya gamit ang sigarilyo.Hawak ni Cindy ang dibdib niya, sabay turo kay Casper habang matagal siyang umuubo, hindi makapagsalita.“Casper... tarantado ka! Papatayin mo ba ako sa asthma...”Umurong ng isang hakbang si Casper habang hawak-hawak pa rin ang sigarilyo sa pagitan ng mga daliri niya, maayos ang itsura habang pinapanood si Cindy na halos hindi na makatayo sa pag-ubo.Para bang isang diyos na nakatingin sa isang taong nasa bingit ng kamatayan.Bigla niyang naalala ang sinabi sa kanya ng matalik niyang kaibigan, “Ano bang nagustuhan mo sa kapitalistang galing sa maliit na pamilya?”“Hitsura ba? O katawan?”“Sa mga tulad ni Casper, hindi kayang buuin ng pera ang kaluluwa niya. Sa halip, mas lalo lang siyang nagiging tuso at masama.”“Cindy, kung ako sayo umatras ka na habang may oras pa.”Pinunasan ni Cindy ang labi gamit ang likod ng kanyang kamay. “Umatras nga ako dahil a

  • The It Girl Flirting with the Ruthless Attorney   CHAPTER 16

    Ang dahilan kung bakit narito ngayon si Casper ay dahil may usapan sila ni Derek. Pero malinaw na hindi matutuloy ang usapan ngayon."Hoy, tara na! Pasabay naman...""Cindy..." Papasakay na sana si Cindy sa sasakyan ni Casper. Binuksan niya ang pinto ng passenger seat pero hindi pa siya nakakapasok.Isang babaeng nakapula ang dahan-dahang lumapit sa may elevator. "Itinago mo ba ang tatay mo?""Oh, Jessica, dapat may ebidensya ka bago ka magsalita! Hindi ba’t paninirang-puri na ‘yan?" Umayos ng tayo si Cindy at ngumiti nang bahagya habang nakatingin sa babaeng nagngangalang Jessica.Si Jessica ang orihinal na asawa ng kuya niyang si Derek. Pagkatapos ng tatlong beses na pag-aasawa at pakikipaghiwalay ni Derek, napagtanto niyang mas madali niyang napapaikot ang una niyang asawa, kaya nagsama ulit sila.Nabubuhay siya sa kaligayahang may magagandang babae sa paligid at may masarap na kama't pamilya sa kanyang pagbabalik. Isa itong uri ng buhay na kaiinggitan ng maraming lalaki. Pero nana

  • The It Girl Flirting with the Ruthless Attorney   CHAPTER 15

    Pagkauwi ni Cindy sa bahay, hindi pa man siya nakakaupo ay tumawag na agad si Maricel.“May pagtitipon ng mga mayayamang pamilya sa grand hotel bukas ng gabi. Pinapaalala ng nanay mo na siguraduhin mong makakarating ka sa oras.”Binuksan ni Cindy ang gripo at naghugas ng kamay. “Malapit nang mamatay si Dad, tapos ganyan pa rin ang iniintindi niya?”Sagot ni Maricel, “Tanungin mo ang nanay mo.”Hindi talaga maiintindihan ng mga taong tulad nila ang takbo ng pag-iisip ng mga mayayaman.Ang nanay ni Cindy, si Francesca, ay isang tipikal na donyang mayaman noong dekada nobenta. Sabihin mo nang may estilo siya, medyo. Sabihin mo ring wala siyang utak, hindi rin naman totoo. Wala itong kakayahang kumayod pero one hundred percent na magaling pagdating sa pakikisalamuha.May nagsasabi sa mga sosyal na lupon sa bayan na si Francesca ay isinilang para suportahan ng mga lalaki. Simple lang ang mga pangarap at layunin niya sa buha na kaya niyang kontrolin ang mga lalaki, at sa pamamagitan ng mga i

  • The It Girl Flirting with the Ruthless Attorney   CHAPTER 14

    Binuhusan ni Tyler ng tubig ang baso at iniabot ito kay Cindy na nakabusangot ang mukha. Mabilis siyang humila ng upuan at naupo sa harap nito nang seryoso.“Hindi ko alam kung dapat bang sabihing masuwerte ka o malas. Mas gusto ko pang sabihing masuwerte ka! Ilang beses ka na bang napadpad dito ngayong linggo? Tatlong beses na yata. Pero ang malas mo pa rin! Sa bawat pagkakataon, may humahabol sa’yo at kami ang laging sumasalo.”“Sa totoo lang, parang ikaw na ang naging mascot ng grupo namin. Yung mga nakakakilala sa’yo, alam nilang malas ka. Pero yung iba, iniisip na ginagamit mo lang ang koneksyon natin bilang kaklase para bigyan ako ng magandang record.”Tiningnan siya ng masama ng babae, “Tyler, alam mo ba kung bakit hindi kita gusto?”“Bakit?”“Kasi ang ingay ng bunganga mo.”Hindi nagpaapekto si Tyler, pinagtawanan niya pa ito, “Sabihin mo na lang kung gusto mong sampalin ako para makabawi ka naman.”“Kapag hindi tinanggap ni Casper ang kaso mo, at namatay ang tatay mo, sigurado

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status