Share

Kabanata 250

Author: Georgina Lee
last update Last Updated: 2025-12-10 20:42:19

Matapos makausap si Ice ay saka palang siya pumasok sa loob. Hinanap niya si Cyan at nakitang nasa kusina ito habang kausap ang ina. Napagpasyahan niyang hayaan nalang muna ang dalawa at umakyat na siya sa itaas para samahan ang kanyang anak.

Naabutan niya si Zendaya na gising na subalit tahimik itong humihikbi. Natataranta siyang lumapit sa bata at baka masakit na naman ang tiyan nito.

"What's wrong, baby? May masakit ba sayo? Is your tummy hurting again?" Nag-aalala niyang tanong.

Marahan naman itong umiling. Inalalayan niya ang bata na bumangon at pinainom ng tubig na sinadyang ihanda ni Cyan sa bedside table nila para may Zendaya.

"Then why are you crying?" Masuyo niyang tanong matapos itong kumalma.

"Kasi po, I dreamed about Mommy. I just missed her so much kaya po ako nagcry," mahina nitong bigkas.

Sakto naman at bumukas ang pintuan kung saan iniluwa nun si Cyan at narinig ang sinabi ni Zendaya. Napasulyap si Zach sa asawa niya at hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang lungkot
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rosaly Ruan Vergar
thank you Po ms.a sa update.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)   Kabanata 257

    Kumumlimlim ang tingin ni Roberto kay Zach dahil sa sinabi nito. Alam niyang may hindi pagkakaintindihan ang mga ito kaya pansamantalang naghiwalay. Pero hindi naman siya nagtanong kung ano ang dahilan at nag-away ang dalawa. But he didn't expected that it was because of cheating!"You cheated on my daughter?" Malamig niyang tanong.Napayuko naman si Zach. "Opo, Pa. Pero noon po yun. Alam ko pong kababawan pero galit po ako kay Cyan noon dahil naipakasal siya sa akin. I don't want a marriage with her before dahil narin kapatid siya ng namatay kong asawa at kakalibing palang ni Chloe. Pero pinagsisihan ko na po ang bagay na iyon at hindi ko na po uulitin kahit kailan."Ilang sandaling nakatitig si Roberto kay Zach. Hindi parin niya matanggap na nagtaksil ito sa anak niya. Masama man ang ugali niya, pero kahit kailan, hindi siya tumingin sa ibang babae. Tanging si Isabela lang ang minahal niya at nag-iisang babae sa paningin niya. Wala ng iba pa."Inamin ko po'to sa inyo ngayon dahil ay

  • The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)   Kabanata 256

    "Ikukuha ko muna kayo ng tubig," ani Isabela nang makabawi siya.Nagising silang mag-asawa dahil sa ingay at kaluskos na narinig nila sa labas kanina pero hindi sila lumabas agad lalo pa at nakita nilang maraming panauhin ang nasa labas na hindi nila kilala.Nang makaalis si Isabela sa salas ay marahan na umupo sa kaharap na sofa si Roberto "Anong nangyari sa inyong dalawa?" Nagtataka niyang tanong.Napasulyap si Lito kay Zach bago nakayukong nagsalita. "May humahabol po sa amin, Sir Roberto."Nangunot ang kanyang noo. "Humahabol? Bakit kayo hinahabol?""Ang totoo niyan, Sir, hindi po talaga namin alam. Bigla nalang silang dumating sa bahay namin. Pinatakbo kami ng pamangkin namin palayo para hindi nila kami maabutan," nanginginig ang boses na sagot ni Elsa."Pamangkin? Do you mean Jacob?"Nag-angat ng tingin si Lito kay Zach. "K—kilala niyo po si Jacob?" Nangunot naman ang noo ni Zach habang pinagmamasdan ang reaksyon ni Mang Lito. "Yeah. Yung pamangkin ninyong si Elmer, hindi ba't

  • The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)   Kabanata 255

    "Wag kang magsinungaling. Kilala kita! Ikaw ang kasama ni Jacob at may-ari ng bahay kung saan siya tumuloy.""J—jacob?" Kunot noo niyang tanong."Bakit? Hindi mo kilala ang taong inampon mo?" Sarkastiko nitong wika."H—hindi ko po talaga alam ang mga sinasabi ninyo, Sir," halos maiyak na niyang wika.Nanginginig naman sa takot sa isang sulok si Elsa habang pinagmamasdan ang asawa niya na ngayon ay tinututukan ng baril ng hindi niya kilalang lalaki. "Díyos ko po. Ano ba itong gulong napasok namin," humihikbi niyang usal.Napatitig siya sa bag na hawak niya. Gaano ba talaga kahalaga ang laman ng bag at talagang nais itong makuha mula sa kanila ng mga hindi niya kilalang tao. Kung ibibigay ba niya ang bag, maililigtas ba ang buhay ng asawa niya?Mariin na napapikit si Lito nang maramdaman niya ang pagdiin ng baril nito sa batok niya. "Napakarami mong satsat. Sabihin mo sa akin kung nasaan siya o baka gusto mong pasabugin ko itong bungo mo!""Wala po talaga akong alam, Sir."Huminga ng m

  • The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)   Kabanata 254

    Nagulat ang mag-asawa sa pinagsasabi ni Elmer. Naririnig din nila ang ingay na nagmumula sa kanilang munting bahay habang nasa gitna na sila ng damuhan may kalayuan sa tinitirhan nila."Ano ba talagang nangyayari, Elmer? Saka bakit kailangan naming puntahan si Ma'am Cyan? Sino ba ang mga may-ari ng sasakyan na dumating?" Umiiyak na tanong ni Elsa.Malakas ang kabog ng kanyang dibdib habang kasama si Lito at Elmer. Hindi niya maintindihan pero pakiramdam niya may nakaambang panganib sa buhay nila.Humugot ng hangin si Elmer bago mahigpit na hinawakan ang ginang. "Malaki po ang pasasalamat ko na kinupkop niyo ako, Tiya, Tiyo. Kung sakali man na hindi na tayo magkita ulit, tandaan niyo pong sa panahon na nakasama ko kayo, napamahal na po ako sa inyo."Sa pagkakataong iyon ay niyakap na siya ng mahigpit ng mag-asawa. Subalit kahit gaano pa niya kagustong manatili sa tabi ng mga ito, natatanaw niyang hahabulin na sila ng mga tauhan ni Laureen at Orlando."Wala na po tayong panahon, Tiya, T

  • The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)   Kabanata 253

    Kanina pa nakahiga si Elmer sa higaan subalit hindi parin siya dinadalaw ng antok. Hindi niya inaasahan na makikita niyang muli ang asawa ng yumaong si Chloe at ang mas nakakagulat pa, si Cyan na ang asawa nito ngayon.Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga bago napatingin sa kanyang bag kung saan laman ang mga dokumento at mismong USB kung saan nakalagay ang mga ebidensya na itinabi ni Dr.Jansen. Balak niya sanang ibigay iyon kay Cyan at sabihin sa babae ang totoo para makalaya na siya. Nais niyang humingi ng tulong sa babae para mabigyan narin ng hustisya ang pagkamatay ng kapatid nito pero natakot siya nang makita niya si Zach.Bago pumanaw si Dr.Jansen, malinaw niyang narinig na ang nais ni Laureen ay ang mismong asawa ni Chloe na si Zach. Nang minsan ding magawi siya sa siyudad, nakita niyang nagtagumpay si Laureen sa nais nito dahil masaya naman ang dalawa. Ang hindi lang niya inaasahan ay pinakasalan pala ni Zach ang kambal ni Chloe."Bakit gising ka pa, Elmer?"

  • The Jerk Billionaire and his Spoiled Child (Bad Romeo 1)   Kabanata 252

    "Gising pa pala kayo, Dad?" Puna ni Laureen nang makita ang kanyang ama na nakaupo sa isa sa mga sofa sa salas habang umiinom ng alak.Isang kalmadong ngiti ang sumilay sa labi ng lalaki. "Hmm, kausap ko kani-kanina lang ang isa sa mga tauhan ko na naghahanap kay Jacob. And guess what? Nahanap na nila ang pinagtataguan ng lintik na lalaking iyon!"Agad na nakakuha ng kanyang atensyon ang sinabi nito. "Talaga Dad? So? Does it mean na mapapatahimik na natin siya ng tuluyan?" Excited niyang tanong."Of course. Tonight, that Jacob Illustre will die at wala na tayong poproblemahin pa!" Nakangiti nitong tugon."That's a very good news. I guess we deserve a celebration!" Aniya at kumuha ng isa pang baso at nilagyan iyon ng alak.The two of them made a toast with a smile on their lips for the triumph that they will have tonight."Thank you, Dad. I don't know what I will do without you," puno ng emosyon niyang wika."You are my daughter Laureen, kaya gagawin ko talaga ang lahat para sumaya ka.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status