Share

16 - Bantay Sa Pagkain

Kalmado itong tumitig sa kanya at hinintay ang sagot nito, pero ilang minuto na ang lumipas ay nakatitig lamang si Dylan sa kanya, kaya pinitik na niya ang noo nito na kaagad naman itong natauhan. "Ang sakit!" d***g ni Dylan.

"Ang tagal mo kasing sumagot."

Umingos lang ito. "Kahit pa mahal na mahal ko siya ay kailangan ko siyang kalimutan at iwan."

Napa-isip siya, "Wala siyang kalayaan kung ganon nga ang mangyayari." Tumingin muli siya kay Dylan. "Hahayaan mong mangyari 'yon?"

Tumango ito. "Kaya ngayon pa lang ay hindi na ako sumubok pang makipag-usap o bigyan ng pansin ang ibang prinsesa rito sa aming bansa para na rin hindi ako makasakit ng damdamin ng iba kung sakaling umibig ako, dahil kailangan ko rin pala siyang iwan."

Ilang beses siyang tumango habang nakatingin sa ibang direksyon, pero paglingon niya kay Dylan ay nakatitig lang ito sa kanya. "Bakit?"

Umiwas ito ng tingin at tinalikuran siya. "Ibabalik ko na ang espada kong ginamit. Maiwan na kita."

Mabilis na lumakad si
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status