Share

21 - Pagsusuri Sa Pagkain

Pagpasok pa lang nila sa kwarto ni Dylan ay agad na ibinaba ito sa kama at dahan-dahan na tinaas ang kanyang kaliwang paa. "Maiwan ko muna kayo rito. Kailangan ko lang sabihin sa hari na narito na ang manggagamot. " Tumango lang si Prince Dylan at agad na ring lumabas si Heneral Agustin. Naiwan naman ang doctor at si Adira kasama ang prinsipe.

Habang sinusuri ng doctor ang paa ni Dylan ay umupo naman si Adira sa upuan sa gilid ng kama na may kalayuan. Pinagmamasdan niya lang kung paano masaktan si Dylan habang pilit na ginagalaw ng doctor ang paa nito.

Lumingon ito sa kanya at napakunot ang noo dahil ngumisi siya, kaya nanlilisik na naman ang mata nito sa kanya. Binuka niya ang bibig ng walang boses at ang sinasabi niya ay, "Lampa."

Tumagilid pa ang ulo ni Dylan at sinusubukan sigurong alamin kung ano ang sinasabi niya ng walang boses. Nakita niya na patapos na ang ginagawa ng doctor kaya tinigilan na niya si Dylan. Pasalamat ito dahil inalis niya ang atensyon nito sa masakit nitong
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status