Share

20 - Pagdududa Ni Adira

Lumapit siya at tinanong si Dylan "Nasaan ang hari at si Heneral Agustin, bakit ikaw lang ang narito?"

Umangat ang ulo nito at tiningnan siya. "Si Heneral Agustin ay umalis at doon siya dumaan sa likuran ng palasyo para sunduin ang manggagamot, si ama naman ay pumunta ng kusina para utusan ang mga katulong na maghanda ng pagkain."

Napapikit ito, mukhang malala ang natamo nitong pilay. "Masakit?" tanong niya.

Tiningnan naman siya nito ng masama. "Nakikita mo naman na nasasaktan ako. Bakit itatanong mo pa?!"

Napapikit naman ang mata niya ng ilang beses. "Bakit galit ka tinatanong ka lang naman?"

"Halata naman na masakit!"

"Hindi ko kasi makita kung nasasaktan ka talaga." Isang galit na tingin ang binigay nito sa kanya.

Umupo siya sa tabi nito. "Dylan, magkaibigan ba talaga kayo ng prinsipe na 'yon?"

Unti-unti namang kumukunot ang noo ni Dylan. "Anong sabi mo?"

"Ang sabi ko magkaibigan ba talaga kayo ng prinsipe na 'yon!"

"Hindi may kulang ka, lalo na sa pangalan ko."

"Ano?"

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status