Dahan-dahan namang tumango si Heneral Agustin. "Kung 'yon ang kailangan gawin kahit walang utos mula sa hari ay magtatalaga ako ng mga kawal sa bawat puwedeng pasukan ng tao." "Mabuti kung ganon, pero kailangan ko munang bumalik sa kwarto ng prinsipe dahil lumabas ako ng hindi nagpapaalam. Tiyak akong nagulat siya sa ginawa ko." Lumakad na siya pabalik sa loob papunta sa kwarto ng prinsipe. Habang naglalakad siya pabalik sa kwarto ay napahinto siya. "May kawal pala sa labas mismo ng gate, pero bakit hindi nila alam kung sino ang naglalagay ng sulat sa mismong tabi ng tarangkahan ng palasyo?" Napa-iling siya, saka na lang niya iisipin ang nangyari ngayon dahil kailangan niya munang bantayan si Dylan. Pumasok siya sa loob ng kwarto at nakita niya na nakatingin lang si Dylan sa beranda at sa kurtina na sinasayaw ng hangin. Napalingon ito sa kanya at napakunot ang noo. "Anong nangyari at nagmamadali kang lumabas?" Naglikot na ang mga mata niya sa tanong nito. "May ginawa lang ako sa lab
Masama niyang tiningnan si Dylan. "Ganito na talaga ako lalo pa't ang mga nakapaligid sa akin sa bansa ko ay mga mas masama pa ang ugali at kung magsalita ay mas masakit pa sa sinabi ko. Kaya sige na iiwan na kita dito. " Umalis na si Adira at naiwan si Prince Dylan sa loob ng banyo habang ang isang paa nito ay naka-angat. Nang nakalabas na siya hinawakan niya ang masakit niyang pisngi. "Bakit ba ang hilig nilang pisilin ang pisngi ko? Ang sakit!" Hinihimas niya ang pisngi niya habang hinihintay si Dylan sa labas ng banyo. Napatigil siya at humarap sa pinto ng banyo. "Ang galing hindi ko ito napansin. Pintuan pala ito na kakulay ng pader. Sa unang tingin ay aakalain na pader din ito, pero pag tinitigan ay mapapansin na isa nga itong pintuan na walang puwedeng hawakan na bukasan dahil tinutulak lang." Naghintay si Adira ng halos isang oras, pero hindi pa rin siya tinatawag ni Dylan, kaya kumatok na siya sa pintuan. "Mahal na prinsipe, buhay ka pa ba diyan?!" sigaw niya. Habang na
Dumiretso kaagad si Adira sa labas ng palasyo. "Saka ko na iisipin ang mga nakita ko ngayong araw. Sa ngayon kailangan ko munang subukan gumamit ng pana at palaso." Napabuntong-hininga na lang siya sa dami niyang kailangan din matututunan. Nang nasa lagayan na siya ng mga armas ay kinuha niya ang pana at palaso. Sinuri niya muna ang imahe nito bago siya nag-umpisa na mag-ensayo gamit ang mga ito. Samantala sa bansa ni Adira ay may mga grupo ng tao ang nagtipon-tipon sa isang malaking bodega. Ang mga itsura nila ay parang hindi gagawa ng maganda. Ang dalawa sa mga ito ay nakasuot ng tuxedo na mukhang may-ari ng isang kompanya, at ang mga kausap nito ay ang sinasabing gangsters. May isang lalaki na naka-upo sa isang lumang upuan at may isang lumang lamesa sa harap niya. "Narito na ba ang lahat ng mga gangster na gustong gumanti sa babaeng binansagan na reyna sa mundo ng gangster?" Tumango ang katabi nito na ang suot ay naka-tuxedo din. Napangiti naman ang lalaki. "Alam ko na ang laha
Lumipas ang oras, pero hindi talaga nabaon ni Prince Dylan ang palaso sa target. Halos magsugat na din ang kanan na kamay nito sa paghila ng tali at palaso. "Puwede bang tumigil na ako? Ang hirap hawakan ng palaso dahil sa maliliit na sugat ko sa kamay." Nakahalukipkip naman si Adira habang tinitingnan ang kanan na kamay ni Prince Dylan. Napabuntong-hininga siya at hinubad ang gloves niya sa kanang kamay. "O, isuot mo 'to. Makatira ka lang ng isa ay hihinto na tayo ngayong araw." Binato ni Adira ang gloves kay Prince Dylan. Napakunot ang noo nito ng nahawakan na ang guwantes na binato ni Adira. Lumipat ang tingin ni Dylan sa kanan na kamay ni Adira at mukhang napansin nito ang tatlong tuldok na itim sa ibabaw ng kamay niya. Napansin ata ni Adira na nakatingin si Dylan sa kanya kaya biglang tumaas na naman ang kilay. "May problema ba prinsipe. Bakit nakatingin ka sa kamay ko?" "Ano 'yang parang tatlong tuldok sa iyong kamay na hugis tatsulok?" Tumingin naman siya sa kamay niya.
Ilang minuto ang dumaan. Tahimik lang silang nakatingin sa target kung saan nakabaon pa rin ang palaso na ginamit ni Prince Dylan ng magtanong muli si Adira. "Heneral, tungkol sa prinsipe na dumalaw dito. Kaibigan ba talaga siya ni Prince Dylan?" Nagtataka naman na tumingin sa kanya si Heneral Agustin. "Bakit mo naman na tanong ang tungkol do'n?" Nagkibit-balikat siya. "Parang hindi ko gusto ang awra niya." Napangiti naman ito. "Hindi ako sigurado kung magkaibigan ang dalawa, pero ang ama nilang dalawa ay tunay na magkaibigan mula pa noong kabataan nila. Si Prince Damon at Prince Dylan ay madalang magkita, at kung mangyari man ay hindi ko naman nakikitang nag-uusap ang dalawa, kaya hindi ko masasagot kung magkaibigan nga ba sila." "Siya ang dahilan kung bakit nagkaroon ng pilay ang paa ni Prince Dylan nitong nakaraan na dalawang linggo." Natigilan naman ito at napakunot ang noo. "Hindi 'yan ang sinabi ni Prince Dylan. Ang akala ko ay namali lang siya ng tapak sa lupa habang nag-
Samantala sa Paradise Castle, kung saan naging paksa nila Adira kanina. Isang may edad ng babae ang nakaharap ngayon sa kalangitan habang na sa tuktok ito ng palasyo. Nakatitig lang siya sa ulap ng may magsalita mula sa likuran niya. "Aking reyna, ano at narito ka na naman?" Lumingon siya sa nagsalita at ito ay si King Felip na kanyang asawa. Ngumiti siya. "Nagpapahangin lamang ako rito." "Ganon ba, pero nakita mo ba ang ating anak na si Prince Franco?" Kumunot ang noo niya sa tanong ng kanyang hari. "Hindi ko pa siya nakikita mula kahapon." Makikita sa mukha ni King Felip ang pag-aalala. "Paano na lang kung mapahamak siya sa kanyang pag-alis ng palasyo ng walang paalam sa ating dalawa." Napabuntong-hininga si Queen Alice at hinawakan ang kamay ng kanyang hari. "Intindihin mo na lang. Matagal na rin niyang ginagawa ang ganito, kaya hindi mo din siya masisisi. Pero sana ay magkaroon man lang tayo ng oras para magkasama-samang tatlo ng matagal," malungkot na saad niya. "Alam mong
Habang si Prince Dylan naman ay may sinusupil na ngiti at bago pa man makita iyon ni Adira ay naging seryoso siya muli ng biglang tumingin sa kanya si Adira. "Kailangan ko na bang sumabay sa inyo na kumain ngayong tanghalian?" "Oo." "Puwede ka ng mauna doon, susunod na lang ako." "Sumunod ka na agad." Tiningnan niya ito ng masama. Pero tumalikod na ito at mabilis na umalis. "Mainam pa ata na wala siyang halong dugo na hindi isang maharlika dahil mas lalong umiigsi ang pasensya ko." Sinarado niya ang pinto ng kwarto at tumungo na din sa hapag-kainan. Pagpasok niya pa lang ay napansin niya kaagad na wala si King Stephen. "Nasaan ang hari?" tanong niya kaagad kay Dylan. "Nasa kanyang kwarto. Nagpadala na lang ng pagkain sa katulong." "Bakit daw?" "Masama ang pakiramdam dahil hindi sapat ang naging tulog niya." Sa isip niya, "Agad-agad naman na kami lang ang magkasamang kakain ngayon." Hindi niya alam kung saan siya uupo kaya nagtanong na siya kay Dylan. "Saan ako puwedeng
Napailing siya at maliit na ngumiti. "Walang basehan ang lahat mahal na prinsipe. Kaya kang dayain ng tingin lang. Minsan nga katabi mo na pala ang kalaban hindi mo pa alam dahil sa galing nilang manlinlang. Pandama ang kailangan mo sa lahat, tumitig ka man sa mata ng kalaban, pero dapat ay alerto ang katawan mo pag may binalak na siyang gawin kahit nakapikit ka pa." Napangiwi naman si Dylan na pinagtaka niya. "Ang hirap naman ng ganon. Mahirap na nga ang nakadilat ang mga mata. Paano pa kaya ang nakapikit? Hindi ko alam kung may makagagawa no'n." Napapikit siya at bumuntong-hininga. "Subukan natin kung may makagagawa nga ba talaga ng gano'n." "Paano?" "Ako ang gagawa habang nakapikit o kaya lagyan ng tela ang aking mata ng maka-siguro ka na hindi ako mandadaya." Hindi makapaniwalang tinitigan siya ni Dylan. "Nahihibang ka na ba," may diin ang salita nito at alam niyang iniisip nito na kung nababaliw na ba siya. "Hindi, kaya pumunit ka na ng tela sa laylayan ng damit mo o kaya