Share

25 - Bangayan Sa Pagitan Ni Adira at Prince Dylan

Dahan-dahan namang tumango si Heneral Agustin. "Kung 'yon ang kailangan gawin kahit walang utos mula sa hari ay magtatalaga ako ng mga kawal sa bawat puwedeng pasukan ng tao."

"Mabuti kung ganon, pero kailangan ko munang bumalik sa kwarto ng prinsipe dahil lumabas ako ng hindi nagpapaalam. Tiyak akong nagulat siya sa ginawa ko." Lumakad na siya pabalik sa loob papunta sa kwarto ng prinsipe. Habang naglalakad siya pabalik sa kwarto ay napahinto siya. "May kawal pala sa labas mismo ng gate, pero bakit hindi nila alam kung sino ang naglalagay ng sulat sa mismong tabi ng tarangkahan ng palasyo?" Napa-iling siya, saka na lang niya iisipin ang nangyari ngayon dahil kailangan niya munang bantayan si Dylan.

Pumasok siya sa loob ng kwarto at nakita niya na nakatingin lang si Dylan sa beranda at sa kurtina na sinasayaw ng hangin. Napalingon ito sa kanya at napakunot ang noo. "Anong nangyari at nagmamadali kang lumabas?"

Naglikot na ang mga mata niya sa tanong nito. "May ginawa lang ako sa lab
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status