Share

Chapter 12 : Identity

Madilim ang paligid. Panaginip lang ba ang pagkakakilala ko kina Dane?

Nakita ko sina mama, papa at ilang kamag anak ko na nasa kusina at palapit sa akin, nakangiti sila. May dala silang cake at mga regalo.

"Frea hija, happy birthday"

"Ito ang mga regalo namin sa’yo"

"May maganda kaming surprise gift sayo Frea."

"Ano yun, mama?"

Nagkatinginan sila nina papa, hindi mapagsidlan ang kanilang kaligayahan. Nakangiti silang nakatingin sa akin.

"Magiging ate ka na, Frea."

Unti - unting naglaho sina mama at dumilim saglit ang paligid.

Nakakasilaw na liwanag ang bumalot sa lugar at nagbago ang paligid, pagdilat ko nasa ibang lugar na ako.

"Mama? Papa?"

"Sorry Frea, wala na ang mama at papa mo. Kailangan nyo ng umalis dito." Tugon ng matandang babae na umaalalay sa amin.

"Saan po kami pupunta?" Nangingilid na ang luha ko dahil sa narinig at nangyayari sa amin.

Napansin ko ang batang tangan ko. Maamo ang mukha nya, namumula ang pisngi nya. Wala syang kamalay malay sa mga nangyayari ngayon sa aming bayan.

"Malapit lamang dito ang Rimiera, doon kayo magtago. Ligtas kayo roon."

"Manang… " tuluyan nang kumawala ang mga luha na pilit kong pinipigil.

"Mag iingat kayo ni Nicholas, lalo kang mag iingat sa oras na mag sixteen ka na, hija."

Kahit naguguluhan man ay nagpaalam na kami sa isa't isa. Niyakap ko na lamang si Nicholas.

Tinulak nya ang bangka na sinasakyan namin, ilang bwan pa lamang si Nicholas. Hindi ko alam bakit kailangan naming magtago.

Napadpad ako sa Charm City, matagal na rin na nanirahan kami sa mga greatwoods. Sa tulong ng mga ibon at ilang hayop doon ay natagpuan kami.

Inalagaan ng isang pamilya ang kapatid ko, habang ako ay nagtrabaho naman, habang nag aaral.

"Ate! Ateeee!" May halong tuwa sa tono ng boses n'ya

"Bakit ba Nick?" Kahit pagod ako galing trabaho ay nakakahanap kami ng panahon ng kapatid ko para sa isa't isa.

"Tignan mo to, ohh." pinakita nya ang kanyang palad at may lumalabas na mahika,nangiti ako at ipinakita sa kanya ang kaya kong gawin.

"Ito Nick tignan mo" biglang naglaho ang magic nya. Nangiti ako habang naiinis s'ya.

"Ate hindi ko na magamit."

Ginulo ko ang matingkad na brown na buhok nya, at sinabi na isang Modifier ang ate nya. Hindi man naiintindihan ni Nicholas yun ay naging masaya sya..

"Gusto mo sumama kay ate bukas sa academy?"

Lumawak ang ngiti nya, mga mata nya na nagsilaki at halos na excite.

"Talaga ate!?" Nagtatalon sya sa galak habang hawak hawak ang mga kamay ko.

"Oo naman" nakangiti kong tugon sa kanya.

Umikot ang paligid, nag fade ang pangyayaring iyon.

Lumiwanag muli, nakakasilaw. Pagdilat ko ay nasa ibang lugar ako. May kausap si papa, parang isang fairy, pero kasintangkad namin.

"Hindi mo pwedeng baliwalain ang anak natin, kailangan nyang mamuhay ng normal, Arthur."

"Paano naman ang pangangailangan nya? Sabi mo ay magsasama tayo. Hindi mo kami pwedeng iwanan Lucy."

"Patawarin mo ko Arthur. Pag dumating ang 16th birthday ni Frea ay magkikita kaming muli. Pero maaaring iba na ang magmulat sa kanya, baka ang kakambal nya na si Lucent."

"Bakit hindi pwedeng magsama sina Frea at Lucent?"

"Dahil isang purong fairy guardian si Lucent. Pasensya ka na Arthur. Babantayan ko kayo palagi. Mahal na mahal kita."

Naglaho bigla ang babae, iniwan nya ang papa ko. May karga itong bata, at ako yun. May kirot akong nadama. All this time akala ko na si mama ang tunay kong ina… turns out I was wrong. Nicholas was only my half brother.

I am a half fairy guardian and a half human…

Naiiyak na ako sa nalalaman ko. Tama na, ayoko na!

Nakayuko ako habang hawak ang dalawang tainga ko. Nakapikit maigi ang mga mata ko pero ramdam ko na nagliwanag muli.

"Pinakita ko lang anak kung ano ang totoo, sana ay wag mo akong kamuhian sa ginawa kong pag abandona sa iyo. Tulungan mo ang hari sa kanyang mga nais. Lalo na ang pagbuo ng Rimiera."

Napadilat ako at nakita ang isang napakagandang babae, fairy pala. Halos puting puti ang kanyang suot, at may mahaba syang buhok na lagpas ng talampakan nya. Kulay ginto iyon at ang kanyang nangungusap na mata.

"Sana mapatawad mo ako anak. Makakasama mo na ang iyong kapatid na si Lucent… hindi ko na kayo makakasama. Mahal na mahal ko kayo ni Lucent. Po-protektahan ko kayo palagi."

Lumiwanag na ng tuluyan, ang huli kong naaalala bago magdilim ang paningin ko ay ang maamong mukha ni Dane, tinatawag nya ang boses ko.

Ramdam ko ang panghihina ng katawan ko.

Pagkagising ko ay naroon si Dane, alalang alala ang sya; may agila sya sa balikat.

Ngumiti sya habang itinuturo ang nasabing ibon, "Ikaw pala ang may gawa nyan kay Hikaru."

"Hikaru?" Sinubukan ko syang hawakan pero umiwas sya.

Nagtaka ako sa sinabi nya. Pinilit kong umupo, tinulungan naman ako ni Rhei na bakas rin sa mukha ang pag aalala. Naroon sina Miss Grethel, head master Regina, Timmy at si Dhirma.

"Kumusta na ang pakiramdam mo Frea?" May isang fairy na kulay puti ang nagtanong, napagtanto ko na si Lucent iyon, nag anyo sya kagaya namin, kahawig nya si Lucy, ang mama namin.

Biglang lumindol ng napakalakas, tumagal lamang iyon ng ilang segundo.

Narito na sila ulit sabi ni Dane at nagpaalam sa amin na aalis sya.

Ramdam namin ang pag aalala mo kay Dane, saglit lang kayo nagkasama pero alam namin na may pagtingin ka sa kanya, tama ba ako Frea? Direktang tanong ni Rhei.

Naguguluhan pa ako sa mga nangyayari, hindi ko muna sinagot ang tanong nya bagkus ay yumuko lang ako.

"Lucent, samahan mo na muna si Dane. Ayos lang ako. Gusto ko rin mapag isa sana sabi ko sa kanila. " utos ko sa kapatid ko.

Hindi sya kumikilos, alam konh nag aalala rsin sya, habang nakayuko pa rin ako ay nag wika ako.

"Kaya ko ang sarili ko." dugtong ko

Nag aalinlangan man ay umalis din sila. Nagsimula nanaman akong umiyak, nalamukos ko ang kumot na nakabalot sa akong mga paa...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status