Sheena's POV
Hanggang kailan pa kayo ko maghihintay rito. Wala kong mapagsabihan ng mga plano ni Luna.
Hindi rin ako makaalis dito dahil panigurado ko na sasaktan nya ang aking mga magulang. Ayokong may masamang mangyari sa kanila.
Tahimik lang ako sa isang sulok habang tuluy tuloy ang kasiyahan dito sa palasyo. Hindi ko magawang magsaya dahil sa mga nangyayari na alam kong ikakapahamak nina Rhei.
Sana ay mapatawad nila ko. Matagal na kong kontrolado ni Luna. Nalalabanan ko lang pero simula noong binantaan na nya ko, iniwan ko si Rhei ng walang pasabi.
"Mamayang hatinggabi ay bibisita tayo sa Charm City!" Sigaw ni Luna
"Dadakpin natin ang Leviathan,at gagawin natin syang alipin."
Lahat ay nahiyaw sa tuwa.
Umalis na lang ako roon at pumunta sa aking kwarto. Nagpahinga na lang ako roon... Masyado nang kumplikado ang mga nagaganap.
Masyado ng makapangyarihan si Luna. Sana ay may makatalo sa kanya para matapos na itong delubyo na ito.
Ilang oras ang nakalipas at nagising ako sa pag alog sa aking mga balikat.
"Gumising ka na, Sheena! Aalis na tayo."
"G-Gray?"
Antok na antok pa ko pero pinilit kong bumangon.
"Pumunta ka sa central hall, naroon kaming lahat." utos ni Gray at lumisan ng kwarto ko.
Gabi na pala... Isasakatuparan na ni Luna ang kaniyang paglusob sa Charm City.
"Rhei..." bulong ko sa sarili ko.
"Bakit, Sheena?"
Nagulat ako sa tugon na iyon.
"Nasaan kang diwata ka? Bumalik ka na rito"! Galit na utos ni Rhei.
Nangiti ako, narinig kong muli ang boses nya," Pasensya ka na, Rhei... Ang masasabi ko lang ngayon ay maghanda kayo ngayong gabi kay Luna."
Natahimik sya saglit. Alam kong nag iisip na sya ng plano paano protektahan ang Charm City.
"Mag iingat ka dyan,Sheena."
Nagmamadali ang boses nya, hindi ko masabi kung galit ba s'ya o hindi.
Mahirap basahin si Rhei. Mabilis kong tinungo ang Central Hall.
Naroon na nga silang lahat. Tinabihan ko si Luna.
"Handa ka na ba makita at makipaglaban sa summoner mo,Sheena?"
May kakaibang ngiti sa mga labi ni Luna.Hindi ko sya sinagot, Buti na lang at hindi nya ako sinaktan. Kadalasan ay kapag hindi ko sya sinasagot ay nahahampas ako o kaya ay hahatakin nya ang pakpak ko.
Nasa orb na ng staff nya ang Island Beast, patuloy lang iyong umiilaw, palatandaan na handa na iyong sumalakay.
Nag open na ng portal ang isang mage, portal papuntang Charm City.
******
Rhei's POV
"Rhei..." narinig ko na may tumatawag sa akin.
"Bakit, Sheena? " Tugon ko sa kanya, kahit hindi ko alam bakit nya kami iniwan nag aalala pa rin ako sa kanya.
Mahalaga si Sheena sa akin.
Sumaglit ang katahimikan nya. Nainis ako dahil nag aalala talaga ko sa fairy ko.
"Nasaan kang diwata ka? Bumalik ka na rito!"
Ramdam kong napangiti sya, nakausap ko muli ang boses nya. Alam kong takot sya, ramdam kong nasa panganib sya.
"Pasensya ka na, Rhei... Ang masasabi ko lang ngayon ay maghanda kayo ngayong gabi kay Luna."
Nainis ako noong narinig ko ang pangalan ng babaeng iyon.
Natahimik kami saglit.
Luna, anong plano mo ngayon? Hindi ka pa nadala noong nakaraang lusob mo sa syudad ng Charmers?
"Mag iingat ka dyan, Sheena." Ang tanging naisagot ko kay Sheena.
Nagmadali na ko patungo kay head master.
Tanging yabag ng paa at kabog ng dibdib ko ang naririnig ko.
Kinakabahan ako sa mangyayari.
Walang pasabi o pagkatok ay binukas ko ang pintuan ng kanyang silid, "Rhei, ano at..."
Di na nya naituloy ang nasabi nya, kahit hinihingal ako ay sinubukan kong ibuka ang aking bibig.
"Head master... S-si Luna... Lulusob sya ngayong gabi."
"Huwag ka ngang magbiro, Rhei. Kanino mo naman nalaman yan?" Tanong ni headmaster sa akin na tila naiinis.
"Hindi magandang biro yan, Rhei." Dagdag nya.
Habang hawak ko ang aking dibdib, patuloy ako sa paghabol ng aking paghinga.
Alam kong naiinip na si Regina, "Rhei!"
"Kay Sheena ko nalaman. Biglang nagkaroon sya ng telepathy."
"Tipunin mo na ang lahat papunta sa borders, kung kailangang umatake ay gawin nyo ang kailangan." Utos nya.
Dali dali akong tumakbo para hanapin ang mga charmers.
Inis.
Galit.
Awa.
Saya.
Lungkot.
Sa bawat hakbang ko ay patuloy lang ang aking pagluha.
Di ko na napansin na dinala ako ng aking mga paa sa isang greatwood.
Umakyat muna ako sa isang malaking sanga nito bago ko ibinuhos ang mga luha at hikbi na kanina ko pa pinipigilan.
Kailangan ko ng kausap... Kailangan ko sya...
Napamahal na ko sa maingay at masayahing diwata na iyon...
Kahit minsan ay nakakainis na sya sa sobrang kulit, simula nang maging guro ako sa academy sya ang naging fairy ko. Lagi man syang nawawala dahil sa pakikipagkaibigan samga estudyante ko, pag tinawag naman sya ay mabilis syang pupunta pabalik sa akin.
"Rhei..." paulit ulit sa isipan ko ang boses nya. Kailangan ko syang iligtas kay Luna.
Hindi ko hahayaang mawala sa akin si Sheena...
Kinalma ko muna ang sarili ko, iniayos ko muna bago ko bumaba sa inakyatan kong Greatwood.
Hintayin mo ako Sheena, ililigtas kita.
Habang nakasakay sila kay Hikaru, si Travis naman ang hindi mapakali.“Dane, maraming akong tanong na hanggang ngayon at hindi pa rin nasasagot.”“Hangga’t kaya ko, Travis sasagutin ko lahat ng katanungan mo.” Tugon ni Dane na hindi nilingon ang kausap.“Hikaru, descend.” Utos nito sa gryphus nya.Dahan dahang bumaba si Hikaru, nasa isang isla sila lagpas ng Rimiera. Isa isa silang bumaba at nagpahinga sa paligid.Nagpunta sa isang lugar sina Travis at Dane, hindi malayo sa kanilang mga kasama. Si Hikaru ay tahimik na nakikipaglaro kay Frea, si Sheena at Rhei ay nag uusap din sa kabilang banda.“Ano ang iyong mga tanong, Travis?”Nakatingin ng diretso si Travis sa kanya, alam ni Dane na may alinlangan ito sa mga nagaganap. Mabilis lahat ng pangyayari. Sumandal si Dane sa puno malapit sa kanila.Nagsimula na si Travis magtanong, “Saan napunta s
Tanging mga torches ang nagbibigay ng liwanag sa madilim na paligid ng Evening Island. Lahat ng Colossians at ilang Ceruleans ay nagtitipon para sa pag iisa nina Luna at ni Dane.Ito ang pinakahinihintay ni Luna, ang mapasa kanya ang kapangyarihan ng mga Leviathan. Napasakamay na nya ang Island Beast.Magiging masalimuot ang mangyayari sa oras na makuha na nya ang mga kapangyarihan ng mga ito.Mula sa labas ng Great Hall ay nakati dig ang isang binata. Matingkad na kahel ang suot nyang robe na hanggang tuhod lamang ang haba, simpleng sandals lang ang suot nya. Strikto ang itsura nito at kulay kape ang kulay ng buhok.Ang buong katawan nya ang napapalibutan ng kakaibang awra. Iniangat nya ang kanyang manggas na bumabalot sa kanyang kamay. Inilagay nya ang mga palad sa pintuan at itinulak iyon.Nakuha nya ang atensyon ng lahat. Una nyang napansin ay ang
Hinarap ni Emrys sina Grethel, Rhei at Frea. Ikinumpas nya ang kanyang kamay at mula sa kanyang palad ay lumabas ang kulay pulang ilaw. Inilapat nya ang kanyang palad sa ulunan ng isa’t isa.Isa isa silang pumikit habang nilalapat ni Emrys ang kanyang palad.Mainit ang mahika na iyon, ramdam nila ang kakaibang lakas na dumadaloy sa kanilang katawan. Nang matapos iyon ay minulat nila ang kanilang mata.Pagkatapos nun aay ang biglang pagdating ni Regina, kasama ang kanyang mga tinipon na mga Charmers. Kasama roon si Dhirma na nakilala agad ang bathalang si Emrys.Agad nyang inilapat ang kanyang kanang palad sa kanyang dibdib at yumuko, tanda ng pag galang nya.Nakita nya ang pagbabago sa tatlong Charmers.Lahat sila ay napapalibutan ng kulay pulang aura.Tinignan ni Emrys ang mga bagong dating, “Half Leviathan, maiwan ka rito.”Matalim ang tingin nya
Nakatingin lamang sa amin si Dane, ang buong braso nya ay napapalibutan na ng tattoo ni Esther.Iba na ang kasuotan nya, ibang iba na sya sa Dane na nakasanayan naming down to Earth, masayahin at inosente. Yung Dane na minahal ng mga Charmers, yung Dane Nialle na minahal ni Frea, yung Dane na Leviathan na handang iligtas ang iba bago ang sarili nya.Halos gumuho ang mundo ni Frea nang marinig nya ang winika ni Levi.“Sya si Emrys.”Halos umecho yun sa aming isipan.Umiiyak si Frea nang itanong nya si Levi, “Anong ginawa nyo kay Dane?!”Hawak hawak sya ni Lucent.Lahat ng fairies ay nakayuko, batid ang kalungkutan sa mukha nila.Tinignan ni Levi si Emrys bago nya lapitan si Frea.Bago pa man makapagsalita si Levi ay lumapit si Emrys sa amin at nagbasbas ng kakaibang spell.“Si Dane ang nagmakaawa sa akin na iligt
Pinatamaan ni Frea ang kaisar ng kanyang “curse” spell, pero walang nangyari. Naging itim ang aura ni Emrys at nagwika, “Sinabi ko na hindi ako pumunta rito upang pakipaglaban.” Unti unti syang lumingon, napaatras si Frea…Isang mabilis na itim na mahika ang naipon sa kaniyang kamao at ibinato sa pwesto ni Frea, hindi makagalaw ang diwata sa paparating sa kaniya.“DISPERSE!” sigaw ni Regina at nawala ang mahika na ibinato ni Emrys papunta kay Frea. Napaupo si Frea sa pagkabigla.“Tayo na ,Emrys” utos ni Regina at lumabas na sila.Patakbo silang pumunta sa higaan ni Dane. Iba ang barrier na nakabalot sa kanya.Nagkatinginan sina Travis at Rhei, “Tara.”Napatingin sina Frea at Timmy sa dalawa, “Huwag nyo na ituloy ang plano nyo, kung anuman yan.”“Hayaan mo muna kami, Timmy. Mag iingat kami ni Travis.” Tugon ni Rhei na may kakaibang ngiti.
Kumalat na sa braso nya at tinahak na ng tattoo ang likuran ni Dane.Malakas na sampal ang ibinigay ni Zele kay Dane. Halos masubsob na ang binata sa lupa sa lakas nito.Tila natauhan si Dane nang tumayo ito. Kitang kita sa kanyang mukha na nasaktan ito.Pulang pula ang pisngi ng binata. May dugo rin ito sa labi, na mabilis nyang pinunasan.“Ano? Gising ka na?” pagtataray ni Zele habang nakapamewang.Nakatingin lang si Dane dito, sinubukang alalayan ni Frea si Dane ngunit pinigilan sya ni Lucent, “Huwag mong hahawakan ang kaisar,lalo na ang may mga marka ng tattoo.”“Ano ba ang nangyari sayo?” tanong ni Frea.“Pagkalapag namin ni Hikaru ay nakita ko ay naliligo ang damuhan ng dugo. Wala kayo roon, pasensya na kung pinag alala ko kayo.” Mahinahong sagot ni Dane.“Narito lang kami, Dane. Buhay kami, maaaring isang ilusyon ang nakita mo.” Tugon ni Luce