Share

Chapter 19 : The Barrier

Rhei's POV

Malayo layo pa ang aking lalakarin para matungo ang bahay ni Grethel. Nakita ako ng kapatid ni Frea.

"Kuya Rhei, totoo po ba ang balita tungkol kay ate Frea?" Nangingilid na ang kaniyang luha.

Lumuhod ako para maging kapantay ko na si Nicholas. Hinawakan ko sya sa balikat, tinignan nya ko sa mata, isang ngiti ang isinagot ko sa kanya bago ako tumugon, "Huwag ka mag alala sa ate mo. Sasabihin ko sa kanya na bisitahin ka."

Niyakap ko sya ng mahigpit, alam kong nangungulila sya ngayon. Pareho lang kaming nangungulila. Sya sa kapatid at ako naman ay sa summon ko.

Alam kong pinipigil lang nya ang kaniyang pag iyak, "Kung gusto mong umiyak, Nic. Narito ako, iiyak mo lang sa akin."

Hinimas ko ang kaniyang likod, saka sya tuluyang umiyak. Halos isubsob nya ang kaniyang mukha sa aking balikat. Idinantay ko ang aking ulo sa kanya habamg patuloy lang ang paghimas ko ng likod nya. Halos napapaluha rin ako sa sakit na dinaranas nya.

Hinayaan ko lang sya umiyak, hindi ko pinansin ang mga tao sa paligid, dahil alam ko sa sarili ko kung ano ang pinagdaraanan ng batang ito.

"Rhei..." Mahina lang iyon, iniangat ko ang aking ulo.

Lahat ng tao sa paligid ay tumigil. Umulit uli ang boses na tinatawag ang aking pangalan.

Kahit si Nic ay nakahinto, dahan dahan akong tumayo habang nagmamasid sa paligid.

"Sino ang nandyan!?"

"Ako ito Rhei..."

Si Sheena. Ang kanina pang nangingilid kong luha ay unti unting pumatak, sabay sambit, "Umuwi ka na, Sheena"

Tuloy tuloy lang ang pagpatak ng aking mga luha.

"Narito ako sa labas" malumanay nyang sagot.

Unti unting bumalik ang kulay ng paligid, umagos muli ang malinaw na tubig ng fountain. Ang parke na kanina ay nakakabingi ang katahimikan ay nagsimula ulit umingay sa mga tawa ng mga tao na  naroon.

Nawala na ang kakaibang mahika sa paligid, nakita ko na gumalaw na muli ang mga tao.

Nasa gilid ko na si Nic at hawak hawak ang laylayan ng aking damit, "Salamat, kuya Rhei."

Pinunasan ko ang mga luha nya, "Wala iyon."

Nginitian ko sya saka ako nagpaalam na aalis.

Mabilis kong tinungo ang dulo ng syudad, takbo ako ng takbo para mapuntahan si Sheena.

Nawala na sa aking isipan ang pagtungo kay Grethel dahil mas gusto kong makita si Sheena.

Kakaibang saya ang nararamdaman ko, lalo na at makikita kong muli ang summon ko.

Nilagpasan ko na ang parke at ang munting palengke, sabik na kong makita sya. Sigurado ako na hindi lang fairy ang tingin ko kay Sheena...

Pagdating ko sa pinto palabas ng Charm City, kakaiba na ang kulay nito. Mula sa eleganteng kulay nito, naging ordinaryo na lamang ang kulay ng pintuan nito.

May mali sa mga nagaganap sa loob at labas ng syudad.

Naglakad pa ako papunta sa dulo, malapit sa gate, kitang kita ang lawak ng barrier na ginawa ni Dane. Iba ito sa mga naunang mga barrier na sina Esther ang gumawa.

Totoo kaya ang sinasabi ni headmaster na walang makakalabas o makakapasok sa syudad?

Kumuha ako ng maliit na bato at mabilis ko iyong hinagis papunta sa barrier.

Bago pa iyon makalapit ng tuluyan sa barrier bigla iyong naging abo.

Kinabahan ako, paano pag binalak ni Sheena na pumasok... Dali dali ko syang hinanap.

Sa pagtakbo ko ay may naalala akong sinabi ng matandang charmer : "Mag-iingat ka sa mga nagbabalat kayo, hindi lahat ng mga ito ay para sa ikakabuti ninyo."

Paano kung patibong lang ito? Napailing na lang ako para mawala sa isip ko iyon. Malapit na ko sa barrier nang makita ko sya.

Dyan ka lang Sheena! Huwag kang lalapit sa barrier sigaw ko sa kaniya.

Kitang kita ko ang mga luha nya, anyong charmer sya ngayon. "Rhei, masaya akong nakita kita. Sabik na ko na makasama kayong muli."

Nakangiti ako sa kanya. Muling pumasok at bumulong sa akin ang babala ng matandang charmer.

Hindi ko na mapigil ang mga luha ko, ngayon lang ako muling umiyak ng ganito.

Dumidilim na ang kapaligiran, ngayon din ang sinasabi ni Sheena na pagsalakay. Tama ba na dinayo ko ang lugar na ito?

"Anong ginagawa mo dito , Rhei?"

Naistatwa ako sa kinatatayuan ko, bakit din sya narito?

"Sumagot ka, Rhei" mahinahon nitong tanong.

Hindi ko alam pero may kaba akong naramdaman, dati naman ay hindi ako ganito pag kausap ko sya.

Nakatingin pa rin ako kay Sheena na nasa labas ng barrier.

Hindi ko inalis ang aking mga mata sa kanya, hindi ko nilingon ang taong nagtanong sa akin, bagkus ay sumagot akong nakatalikod sa kanya, "Nakikita mo ba si Sheena, Dane?"

"Mukhang nagamitan ka ng kakaibang kapangyarihan, Rhei."

"Ayun sya, Dane!" sigaw ko habang nakatingin kay Sheena, tinuro ko kay Dane kung saan nakatayo si Sheena.

"Tsk" maiksing tugon nito. Alam kong hindi sya naniniwala.

Pumunta sya sa harap ko, nakatalikod na sya sa akin.

"Yajima!" Sigaw nya, lumabas si Yajima sa tagiliran nya.

"Staff" utos nya at naging staff ang diwata. Tinutok nya iyon sa barrier na sya mismo ang gumawa at mula sa kanyang palad hanggang sa staff naging invisible ito.

Anong balak nyang gawin? Papatayin nya ba ang summon nya?

Magpapatiwakal ba silang dalawa?

"Dane! Anong balak mo kay Yajima?" Nag aalala kong tanong.

May kung anong mahika ang bumalot sa kanyang katawan at kay Yajima.

Hindi sya tumugon, unti unti nyang nilapitan ang barrier.

"Fay pull" sigaw nya, kasabay nito ay ang paglapit ni Yajima sa pwesto ni Sheena, kita ko sa reaksyon ng mukha ni Dane na nasasaktan sya, dahan dahan niyang hinila papasok sina Yajima.

Unti unting namang nakakapasok si Sheena. Pagkapasok nya ay ang pagbagsak ni Dane.

Tinignan ko si Yajima na nagbalik anyo na, "Yajima tulungan mo ako na dalhin si Dane sa clinic.

Hinawakan ni Sheena ang balikat ko, "Ako na, Rhei"

Naging malambing ang boses nya, tumango lang ako at nakita ko na lumuhod sya kay Dane. Inihiga ni Yajima ang summoner nya, si Sheena ay pumitas ng ilang damo sa paligid nya at bumulong. Sa mga palad nya ay naging likido ang mga dahon.

"Yajima, pakiangat ng bahagya ang ulo ni Dane." utos ni Sheena.

Sumunod lamang ito at dahan dahang ipinainom ni Sheena ang likido sa kanyang palad.

Napakadilim na ng paligid, tanging buwan na lamang ang naging aming tanglaw sa labas ng Charm city.

"Lucent, lumabas ka" utos ni Yajima

Pwede ba yon habang walang malay ang summoner?

Walang Lucent na lumabas, bagkus ay si Frea ang lumitaw sa harap namin.

Halata ang pagkabigla nito sa knyang mukha, mabilis nyang hinawakan ang walang malay na si Dane.

Unti unting naglaho si Yajima na masama ang tingin kay Sheena.

Lumapit ako kay Sheena, "Kumusta ka na Sheena?"

Hindi nya ko sinagot, tanging mahigpit na yakap ang naging tugon nito.

"Bumalik na tayo sa loob" may mga talulot ng mga bulaklak ang bumalot kay Dane.

"Ikaw, dayuhan. Mag ingat ka sa mga ikikilos mo dito" matalim ang tingin ni Frea kay Sheena.

Bakit ganun na lang sila makatingin sa kanya?

Lahat kami ay nilakad na ang daan papunta sa Charm City.

Tahimik lamang ang lahat, pagpasok namin ay napansin namin ang kaninang pinto na simple ang itsura ay nagbagong anyong muli.

Mula sa simple nitong kaanyuan at bigla itong nagkulay dugo, at may nakaukit dito na rosas na nauubos ang mga talulot.

Kulay pula at kahel ang tanglaw nito. Tinignan muli ni Frea si Sheena at tila may ibinulong.

Pumasok na kami sa pinto ng Charm City. Kakaunti na lamang ang mga tao rito, dumiretso lamang kami sa clinic ng academy.

Nagpaalam na kami ni Sheena kay Frea na binabantayan si Dane. Tumango ito bago nagwika, "Rhei, alam kong may babala na sinabi sa'yo. Sana ay di ka bulag at pipi sa mga iyon"

Yumuko na muna ako bago kami tuluyang naglakad palayo.

Bakit kaya nasabi ni Frea iyon? Hindi ba si Sheena ang kasama ko ngayon?

Tinignan ko sya habang naglalakad kami. Narito kami ngayon sa quadrangle ng academy, kung si Sheena nga ito ay itatanong nya sa akin na bakit kami narito.

Nakatingin ako sa kanya, nakangiti kami sa isat isa...

Nang napansin nya ang lugar at ang Fountain of Verity nawala ang ngiti nya.

Hinawakan nya ako sa kamay, "Rhei..."

Wala na akong marinig, halos pintig na lamang ng aking dibdib ang naririnig ko.

Katabi na namin ang fountain, tinignan ko sya sa mata saka sinulyapan ang tubig sa fountain...

Laking mangha at gulat ko sa aking nasilayan...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status