Home / Fantasy / The Last Leviathan (Tagalog) / Chapter 16 : Confessions

Share

Chapter 16 : Confessions

Author: yukihirobi
last update Huling Na-update: 2020-11-21 14:34:24

Rhei's POV

Hindi ko alam anong problema ni Frea kay Lucent, ang tanging nakita ko na lamang ay patay na ang halaman at mga puno sa paligid. Kumakawala ang itim na aura kay Frea.


Heto ako ngayon tumatakbo papunta kay Headmaster.


Hindi na ako kumatok dahil nasa panganib si Lucent.


Kahit hingal na hingal ako ay nasabi ko pa rin kay headmaster ang kalagayan sa timog na bahagi ng syudad.


"Iniwanan mo si Lucent kay Frea? Nasa matinding panganib ang diwata na iyon. Tawagin mo rin sina Grethel." nataranta sya bigla sa kaniyang nalaman,  ganun ba katindi ang kapangyarihan ng isang special fairy?

Isama mo na rin si Dane. Dagdag ni headmaster.

"Masusunod po." yumuko na ako at dali daling nagpaalam.


Hinanap ko na ang mga taong pinapatawag ni Headmaster Regina.


Nakita ko si Grethel na nag anyo ng dalaga.. Kakaiba talaga sya. "Grethel, sumama ka sa akin. May kailangan tayong gawin."

"Saan tayo pupunta?" Pagtataka nya, habang hawak ko ang kamay nya.

Sumunod naman sya habang tinatanong ako.

"Sumunod ka na lang. Kailangan nating magmadali."

Nakita ko namang kumakain si Dane sa di kalayuan.

Hinatak ko na lang sya, nakakapagtaka ay hindi nagalit si Hikaru.

"Anong problema mo, Rhei?" tanong nya.

"Ikaw ang magkakaproblema."

Pagtataka ang napinta sa mukha nya. Napakamanhid yata netong tao na to, di nya ba alam na mahal sya ng diwata.

Huli kong nakita si Dhirma, kausap nya si Timmy.

"Hoy, sumama kayong dalawa." walang tanong ay sumunod sila.

Mabilis kaming tumalima papunta sa lugar nina Lucent at Frea.

Nakakakilabot na ang lugar... Mistulang disyerto na ang paligid, patay na lahat ng may buhay doon.

Delikado pag lumapit kami.. Lumulutang na si Lucent na tila nakabigti.

"Frea... Anong nangyari dito?" Narinig ko na lang si Dane habang palapit kay Frea.

"Pucha, Dane lumayo ka riyan." huli na ko, nakita ko siya na nakatungtong na, katabi ni Lucent.

Natulala si Frea kay Dane... Unti unting nagbago ang mga hinahakbangan ng binata. Lumipad si Frea papunta kay Dane.

Mukhang may di ako alam dito ahh bulong ni Grethel sa 'kin.

Niyakap ni Frea si Dane at umiyak. Tumahan ka na, kung anu man ang pinagdadaanan mo ay narito lang kami.

Biglang may kung anong hangin ang bumalot sa kanila. Parang ipu ipo iyon na bumalot sa kanila.

Si Lucent ay lumapit sa amin. Agad syang pinagaling ni Dhirma, maitim na ang braso nya dahil sa natamo nyang pinsala galing kay Frea.

Anong nangyari sa'yo? Tanong ni Dhirma

Yumuko lang si Lucent bago sya nakasagot, Matinding galit ang nararamdaman nya ngayon., sinubukan ko syang pakalmahin pero eto ang natamo ko

Nawala ang ipu ipo na bumabalot kina Dane. Pero nabigla kami sa kung ano ang nangyari sa kanila.

Umiwas kami ng tingin. Magkadikit ang mga labi nina Dane at Frea. Maya maya ay kumalat ang hangin na iyon sa buong syudad.

Dane's POV

Hindi ko alam kung bakit ako lumapit sa kanya ng walang pag aalinlangan. Dahil ba iyon sa tiwala na hindi nya ko sasaktan?

Hindi ko na alam kung anu ang nararamdaman ko para kay Frea. Ang alam ko masaya ko pag kasama ko sya, kumportable ko sa kanya,s'ya ang una kong hinahanap, malungkot ako pag hindi ko sya nakikita.

Pag kasama ko sya ay tila kami lang ang nilalang sa paligid. Nang nakita ko ang nangyari sa timog ay di ko alam paano nya nagawa iyon, ang alam ko lang ay kakakitaan sya ng kalungkutan; kaya pala ganon ang pagkakasabi ni Rhei : Ikaw ang magkakaproblema.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ni Frea, ibang iba na sya sa dating charmer na nakilala ko sa gate ng Charm City.

Hindi pala sya ordinaryong charmer, isa syang mystic fairy. Kaya nyang kumilos ayon sa kagustuhan nya, malaya syang makakapili ng summoner nya.

Frea, nandito lang ako pinakatitigan ko ang kanyang mata. Pumikit sya habang nakasandal ang kanang pisngi nya sa aking kamay na nakahawak pa rin sa kaniyang mukha.

Frea... Unti unti kong nilapit ang aking labi sa kanya.

Niyakap ko sya.

Sa pagkakataong iyon ay may hangin na bumalot sa aming dalawa.

Niyakap ako ni Frea habang magkalapat ang aming mga labi. It felt good.

Humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya. Nang kumalas sya sa halik ko ay nagwika sya, Dane, kung alam mo lang...

Alam ko, Frea. Mahal din kita.

Nabigla sya sa tugon ko at sa pagkakataong iyon ay kumawala ang kakaiba nyang kapangyarihan.

Nakita kong iniwas nina Rhei ang kanilang mga tingin. Hindi ako nahiya sa ginawa ko kay Frea.

Nag ibang anyo muli ang kaniyang pakpak. Lumapit sya kay Lucent na pinapagaling ni Dhirma.

Ako na ,Dhirma umalis si Dhirma sa gilid ni Lucent.

Kitang kita ang pagkalat ng lason na si Frea mismo ang gumawa.

Pagpasensyahan mo na ako ,Lucent wika nito habang nilalapat ang mga palad sa braso ni Lucent

Ngumiti lang sya sa kapatid.

Napaklingon ako sa paligid, tila walang nangyari dito. Nanumbalik ang kagandahan ng katimugan.

Namangha rin ang iba. Restore and Protect yan ang kapangyarihan ni Frea.

Pero kaya nya ring baligtarin ang mangyayari. Destroy and Condemn

Kaya siguro ganun na lang ang nangyari kay Lucent.

Segundo lang ang lumipas at nawala agad ang pangingitim ng braso ni Lucent. Nagpasalamat sya sa kapatid.

Dane, patawarin mo ako kung lumabas ako ng walang paalam sa iyo sabi ni Lucent

Nginitian lang sya ni Dane, Ayos lang iyon.

Umilaw bigla ang mga seals nina Zele at Yajima

Yaaaaa , ang daya wika ni Zele na tila batang nagmamaktol.

Tahimik lang si Yajima, pero bakas sa mukha nya na naiinis din sya.

Natawa ko sa mga summons ko, walang pasabi ay nilundagan kami ni Hikaru. Saglit lang ay nawala ng mga problema na kakaharapin namin. Nagtransform na sina Zele at Yajima bilang Charmers.

Sabay sabay naming tinahak ang daan pabalik ng academy.

Tahimik ang paligid, ang mga greatwoods ay unti unting nagbabago ang anyo. Lahat ng nadadaanan namin ay yumuyuko pa rin at kasabay nito ang pagbabagong anyo nila.

Tila may mga palamuti na bumabalot sa kanila.

Frea, may gusto ka bang ipaliwanag sa amin? Mukhang may kutob si Timmy.

Tumigil kaming lahat sa paglalakad. Hinarap ni Timmy si Frea. Kapansin pansin ang pananahimik at kaanyuan ni Miss Grethel.

Tumingin sa mata ni Freya si Timmy, umiwas ang diwata sa kanyang mga tingin.

May isa lang akong nahawakang greatwood kanina. Ganyan din ang nangyari. Pero di ko alam ano ang nagawa ko sa kanila. Naghahalo halo na ang emosyon ko kaya di ko na alam ang nangyayari sa paligid ko sagot nya at tinignan ako.

Kitang kita ang pamumula ni Frea. So, totoo ang kutob naming lahat? Na mahal mo si Dane.

Ngumiti si Miss Grethel kay Frea, nangamatis na sa pula si Frea at lumipad palayo.

Takte ka, Grethel.. Binigla mo natatawang tugon ni Timmy.

Sabay sabay silang tinignan ako, napalunok na lang ako. B-bakit?

Tumawa ng malakas si Zele. Alam na nila ang lahat.

Hindi ka pala manhid, Dane.  Kahit naguguluhan ako at tumango na lang ako.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
clandestinegam3r
Hahaha natatawa ko kay Rhei, seryosong kengkoy.. "ikaw ang magkakaproblema"
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • The Last Leviathan (Tagalog)   Chapter 29 : Tragedy, the Final Chapter

    Habang nakasakay sila kay Hikaru, si Travis naman ang hindi mapakali.“Dane, maraming akong tanong na hanggang ngayon at hindi pa rin nasasagot.”“Hangga’t kaya ko, Travis sasagutin ko lahat ng katanungan mo.” Tugon ni Dane na hindi nilingon ang kausap.“Hikaru, descend.” Utos nito sa gryphus nya.Dahan dahang bumaba si Hikaru, nasa isang isla sila lagpas ng Rimiera. Isa isa silang bumaba at nagpahinga sa paligid.Nagpunta sa isang lugar sina Travis at Dane, hindi malayo sa kanilang mga kasama. Si Hikaru ay tahimik na nakikipaglaro kay Frea, si Sheena at Rhei ay nag uusap din sa kabilang banda.“Ano ang iyong mga tanong, Travis?”Nakatingin ng diretso si Travis sa kanya, alam ni Dane na may alinlangan ito sa mga nagaganap. Mabilis lahat ng pangyayari. Sumandal si Dane sa puno malapit sa kanila.Nagsimula na si Travis magtanong, “Saan napunta s

  • The Last Leviathan (Tagalog)   Chapter 28 : Awaken

    Tanging mga torches ang nagbibigay ng liwanag sa madilim na paligid ng Evening Island. Lahat ng Colossians at ilang Ceruleans ay nagtitipon para sa pag iisa nina Luna at ni Dane.Ito ang pinakahinihintay ni Luna, ang mapasa kanya ang kapangyarihan ng mga Leviathan. Napasakamay na nya ang Island Beast.Magiging masalimuot ang mangyayari sa oras na makuha na nya ang mga kapangyarihan ng mga ito.Mula sa labas ng Great Hall ay nakati dig ang isang binata. Matingkad na kahel ang suot nyang robe na hanggang tuhod lamang ang haba, simpleng sandals lang ang suot nya. Strikto ang itsura nito at kulay kape ang kulay ng buhok.Ang buong katawan nya ang napapalibutan ng kakaibang awra. Iniangat nya ang kanyang manggas na bumabalot sa kanyang kamay. Inilagay nya ang mga palad sa pintuan at itinulak iyon.Nakuha nya ang atensyon ng lahat. Una nyang napansin ay ang

  • The Last Leviathan (Tagalog)   Chapter 27 : To the South

    Hinarap ni Emrys sina Grethel, Rhei at Frea. Ikinumpas nya ang kanyang kamay at mula sa kanyang palad ay lumabas ang kulay pulang ilaw. Inilapat nya ang kanyang palad sa ulunan ng isa’t isa.Isa isa silang pumikit habang nilalapat ni Emrys ang kanyang palad.Mainit ang mahika na iyon, ramdam nila ang kakaibang lakas na dumadaloy sa kanilang katawan. Nang matapos iyon ay minulat nila ang kanilang mata.Pagkatapos nun aay ang biglang pagdating ni Regina, kasama ang kanyang mga tinipon na mga Charmers. Kasama roon si Dhirma na nakilala agad ang bathalang si Emrys.Agad nyang inilapat ang kanyang kanang palad sa kanyang dibdib at yumuko, tanda ng pag galang nya.Nakita nya ang pagbabago sa tatlong Charmers.Lahat sila ay napapalibutan ng kulay pulang aura.Tinignan ni Emrys ang mga bagong dating, “Half Leviathan, maiwan ka rito.”Matalim ang tingin nya

  • The Last Leviathan (Tagalog)   Chapter 26: Emrys

    Nakatingin lamang sa amin si Dane, ang buong braso nya ay napapalibutan na ng tattoo ni Esther.Iba na ang kasuotan nya, ibang iba na sya sa Dane na nakasanayan naming down to Earth, masayahin at inosente. Yung Dane na minahal ng mga Charmers, yung Dane Nialle na minahal ni Frea, yung Dane na Leviathan na handang iligtas ang iba bago ang sarili nya.Halos gumuho ang mundo ni Frea nang marinig nya ang winika ni Levi.“Sya si Emrys.”Halos umecho yun sa aming isipan.Umiiyak si Frea nang itanong nya si Levi, “Anong ginawa nyo kay Dane?!”Hawak hawak sya ni Lucent.Lahat ng fairies ay nakayuko, batid ang kalungkutan sa mukha nila.Tinignan ni Levi si Emrys bago nya lapitan si Frea.Bago pa man makapagsalita si Levi ay lumapit si Emrys sa amin at nagbasbas ng kakaibang spell.“Si Dane ang nagmakaawa sa akin na iligt

  • The Last Leviathan (Tagalog)   Chapter 25 : Friend or Foe

    Pinatamaan ni Frea ang kaisar ng kanyang “curse” spell, pero walang nangyari. Naging itim ang aura ni Emrys at nagwika, “Sinabi ko na hindi ako pumunta rito upang pakipaglaban.” Unti unti syang lumingon, napaatras si Frea…Isang mabilis na itim na mahika ang naipon sa kaniyang kamao at ibinato sa pwesto ni Frea, hindi makagalaw ang diwata sa paparating sa kaniya.“DISPERSE!” sigaw ni Regina at nawala ang mahika na ibinato ni Emrys papunta kay Frea. Napaupo si Frea sa pagkabigla.“Tayo na ,Emrys” utos ni Regina at lumabas na sila.Patakbo silang pumunta sa higaan ni Dane. Iba ang barrier na nakabalot sa kanya.Nagkatinginan sina Travis at Rhei, “Tara.”Napatingin sina Frea at Timmy sa dalawa, “Huwag nyo na ituloy ang plano nyo, kung anuman yan.”“Hayaan mo muna kami, Timmy. Mag iingat kami ni Travis.” Tugon ni Rhei na may kakaibang ngiti.

  • The Last Leviathan (Tagalog)   Chapter 24 : The Kaisar

    Kumalat na sa braso nya at tinahak na ng tattoo ang likuran ni Dane.Malakas na sampal ang ibinigay ni Zele kay Dane. Halos masubsob na ang binata sa lupa sa lakas nito.Tila natauhan si Dane nang tumayo ito. Kitang kita sa kanyang mukha na nasaktan ito.Pulang pula ang pisngi ng binata. May dugo rin ito sa labi, na mabilis nyang pinunasan.“Ano? Gising ka na?” pagtataray ni Zele habang nakapamewang.Nakatingin lang si Dane dito, sinubukang alalayan ni Frea si Dane ngunit pinigilan sya ni Lucent, “Huwag mong hahawakan ang kaisar,lalo na ang may mga marka ng tattoo.”“Ano ba ang nangyari sayo?” tanong ni Frea.“Pagkalapag namin ni Hikaru ay nakita ko ay naliligo ang damuhan ng dugo. Wala kayo roon, pasensya na kung pinag alala ko kayo.” Mahinahong sagot ni Dane.“Narito lang kami, Dane. Buhay kami, maaaring isang ilusyon ang nakita mo.” Tugon ni Luce

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status