Dali dali akong tumakbo papunta sa aking kwarto, upang maghanda ng mga kagamitang kakailanganin ko sa magaganap na paglusob.
Pagkatapos kong ayusin ang mga kakailanganin ko ay pumunta ako kay Headmaster Regina.
Kada hakbang ko nararamdaman ko ang bigat sa aking dibdib, inaalala ko pa rin ang makulit at maingay na diwata na iyon.
Nakarating na ako sa harap ng kwarto ni Headmaster.
Unti unting umangat ang aking kamao. Tatlo, tatlong malalakas na pagkatok ang narinig sa pinto ng kanyang kwarto, gumawa iyon ng echo na narinig sa pasilyo.
Pumasok ka na tugon ng babae, nagmumula iyon sa loob ng kwarto.
Dahan dahan kong ibinukas ang pintuan, tumambad sa akin ang grupo ng tao sa kaniyang kwarto.
Yumuko ako saglit para bumati sa kanila, isa rin itong palatandaan ng paggalang sa kanila.
Tinignan ko muna siya bago ako tuluyang nakapagsalita.
A-anong meron dito headmaster? tanong ko sa kanya pero hindi sya kinakitaan ng kung ano mang emosyon.
Regina?
Umupo ka Rhei. ang tangi nyang tugon sa akin.
Sinunod ko sya, magkakaharap kami ng kanyang mga panauhin.
Tinignan ko sya, alam nya kung ano ang gusto kong itanong.
Rhei, sila ang mga Charmers na galing sa pinakapuso ng Charm City. Mas malayo pa sa bahay nina Timmy. Nabatid nila ang matinding panganib na magaganap kaya lumuwas sila dito.
Ngayon ko lang nalaman na may mga sinaunang Charmers pa na nakatira at nabubuhay.
Nasabi na namin sa iyo, Regina ang dapat naming ibalita. Sana'y pangalagaan mo ang tinuturing na naming tahanan. tugon ng isang lalaki na mukhang nasa ilang daan na ang edad.
Tinignan ako ng matanda, makabuluhan ang
mga tingin nya sa akin.Habang tangan- tangan nya ang kaniyang tungkod, nagwika sya bigla, "Mag-iingat ka sa mga nagbabalat kayo, hindi lahat ng mga ito ay para sa ikakabuti ninyo. Huwag nyo asahan masyado ang dayuhan na nagtatanggol sa inyo."
Makabuluhan iyon pero may ilang parte akong naintindihan kung sino ang tinutukoy nya."Salamat po, hindi ko po iyon kakalimutan."Ngumiti lamang sya at pinalibutan sya at ang kaniyang mga kasama ng talulot ng mga bulaklak, habang unti unting naglaho.
Pagkawala nila ay biglang napasandal na lamang si headmaster sa kaniyang mesa.
Halatang kabado at takot sya sa kung ano man ang sinabi ng mga charmers na iyon, batid ko rin ang pagod nya, pagod sa kakaisip kung paano sosolusyonan ang mga bugtong ng mga iyon.
Huminga sya ng malalim bago tumayo ng tuwid, inayos nya ang kanyang mahabang robe na kulay teal, na may maroon na border sa mga manggas.
Napapikit sya saglit bago nya ko tinitigan.
Tinungo nya ang kaniyang upuan at pabagsak syang umupo. Ipinahinga nya ang kanyang baba sa kanyang mga kamay. Isang malalim na bunton hininga at saka sya nagwika, "Salamat at umalis na rin sila. Ano ang kailangan mo, Rhei?"
Hindi na ko nagtanong ng kalagayan nya, dahil mas mahalaga ang magaganap mamayang gabi, gaya ng sabi ni Sheena.
"Nakausap ko si Sheena, gamit ang telepathy. Sabi nya ay maghanda tayo para sa magaganap mamayang gabi."
Napakunot sya ng noo, "Walang makakapasok at makakalabas sa ginawang barrier ni Dane. Alam iyon ng lahat ng mamamayan, pati ng mga Charmers ng Charm City."
"Anong ibig mong sabihin, headmaster?"
"Inilapat na ni Dane ang pinakamalakas na barrier; tama si Esther sa pagpili sa kaniya.
Na - enhance nya ng lubusan ang kaniyang kapangyarihan, at inilabas ng tattoo ang tunay nyang kapangyarihan."Kahit naguguluhan ako ay nagpaalam na lang ako kay headmaster.
Yumuko ako at umalis sa kanyang kwarto.
Hindi nya nasagot ang mga katanungan ko, at alam kong kampante sya sa barrier na ginawa ni Dane, pero gaya nga ng sabi ng sinaunang charmers huwag ako basta magtitiwala sa dayuhang nagtatanggol sa syudad.
Ano ba ang mayroon sa barrier na ginawa ni Dane at kampante ang mga kasamahan ko?
Hinanap ko si Grethel, nagbabaka sakali ako na baka may kasagutan sya sa mangyayari.
Habang nakasakay sila kay Hikaru, si Travis naman ang hindi mapakali.“Dane, maraming akong tanong na hanggang ngayon at hindi pa rin nasasagot.”“Hangga’t kaya ko, Travis sasagutin ko lahat ng katanungan mo.” Tugon ni Dane na hindi nilingon ang kausap.“Hikaru, descend.” Utos nito sa gryphus nya.Dahan dahang bumaba si Hikaru, nasa isang isla sila lagpas ng Rimiera. Isa isa silang bumaba at nagpahinga sa paligid.Nagpunta sa isang lugar sina Travis at Dane, hindi malayo sa kanilang mga kasama. Si Hikaru ay tahimik na nakikipaglaro kay Frea, si Sheena at Rhei ay nag uusap din sa kabilang banda.“Ano ang iyong mga tanong, Travis?”Nakatingin ng diretso si Travis sa kanya, alam ni Dane na may alinlangan ito sa mga nagaganap. Mabilis lahat ng pangyayari. Sumandal si Dane sa puno malapit sa kanila.Nagsimula na si Travis magtanong, “Saan napunta s
Tanging mga torches ang nagbibigay ng liwanag sa madilim na paligid ng Evening Island. Lahat ng Colossians at ilang Ceruleans ay nagtitipon para sa pag iisa nina Luna at ni Dane.Ito ang pinakahinihintay ni Luna, ang mapasa kanya ang kapangyarihan ng mga Leviathan. Napasakamay na nya ang Island Beast.Magiging masalimuot ang mangyayari sa oras na makuha na nya ang mga kapangyarihan ng mga ito.Mula sa labas ng Great Hall ay nakati dig ang isang binata. Matingkad na kahel ang suot nyang robe na hanggang tuhod lamang ang haba, simpleng sandals lang ang suot nya. Strikto ang itsura nito at kulay kape ang kulay ng buhok.Ang buong katawan nya ang napapalibutan ng kakaibang awra. Iniangat nya ang kanyang manggas na bumabalot sa kanyang kamay. Inilagay nya ang mga palad sa pintuan at itinulak iyon.Nakuha nya ang atensyon ng lahat. Una nyang napansin ay ang
Hinarap ni Emrys sina Grethel, Rhei at Frea. Ikinumpas nya ang kanyang kamay at mula sa kanyang palad ay lumabas ang kulay pulang ilaw. Inilapat nya ang kanyang palad sa ulunan ng isa’t isa.Isa isa silang pumikit habang nilalapat ni Emrys ang kanyang palad.Mainit ang mahika na iyon, ramdam nila ang kakaibang lakas na dumadaloy sa kanilang katawan. Nang matapos iyon ay minulat nila ang kanilang mata.Pagkatapos nun aay ang biglang pagdating ni Regina, kasama ang kanyang mga tinipon na mga Charmers. Kasama roon si Dhirma na nakilala agad ang bathalang si Emrys.Agad nyang inilapat ang kanyang kanang palad sa kanyang dibdib at yumuko, tanda ng pag galang nya.Nakita nya ang pagbabago sa tatlong Charmers.Lahat sila ay napapalibutan ng kulay pulang aura.Tinignan ni Emrys ang mga bagong dating, “Half Leviathan, maiwan ka rito.”Matalim ang tingin nya
Nakatingin lamang sa amin si Dane, ang buong braso nya ay napapalibutan na ng tattoo ni Esther.Iba na ang kasuotan nya, ibang iba na sya sa Dane na nakasanayan naming down to Earth, masayahin at inosente. Yung Dane na minahal ng mga Charmers, yung Dane Nialle na minahal ni Frea, yung Dane na Leviathan na handang iligtas ang iba bago ang sarili nya.Halos gumuho ang mundo ni Frea nang marinig nya ang winika ni Levi.“Sya si Emrys.”Halos umecho yun sa aming isipan.Umiiyak si Frea nang itanong nya si Levi, “Anong ginawa nyo kay Dane?!”Hawak hawak sya ni Lucent.Lahat ng fairies ay nakayuko, batid ang kalungkutan sa mukha nila.Tinignan ni Levi si Emrys bago nya lapitan si Frea.Bago pa man makapagsalita si Levi ay lumapit si Emrys sa amin at nagbasbas ng kakaibang spell.“Si Dane ang nagmakaawa sa akin na iligt
Pinatamaan ni Frea ang kaisar ng kanyang “curse” spell, pero walang nangyari. Naging itim ang aura ni Emrys at nagwika, “Sinabi ko na hindi ako pumunta rito upang pakipaglaban.” Unti unti syang lumingon, napaatras si Frea…Isang mabilis na itim na mahika ang naipon sa kaniyang kamao at ibinato sa pwesto ni Frea, hindi makagalaw ang diwata sa paparating sa kaniya.“DISPERSE!” sigaw ni Regina at nawala ang mahika na ibinato ni Emrys papunta kay Frea. Napaupo si Frea sa pagkabigla.“Tayo na ,Emrys” utos ni Regina at lumabas na sila.Patakbo silang pumunta sa higaan ni Dane. Iba ang barrier na nakabalot sa kanya.Nagkatinginan sina Travis at Rhei, “Tara.”Napatingin sina Frea at Timmy sa dalawa, “Huwag nyo na ituloy ang plano nyo, kung anuman yan.”“Hayaan mo muna kami, Timmy. Mag iingat kami ni Travis.” Tugon ni Rhei na may kakaibang ngiti.
Kumalat na sa braso nya at tinahak na ng tattoo ang likuran ni Dane.Malakas na sampal ang ibinigay ni Zele kay Dane. Halos masubsob na ang binata sa lupa sa lakas nito.Tila natauhan si Dane nang tumayo ito. Kitang kita sa kanyang mukha na nasaktan ito.Pulang pula ang pisngi ng binata. May dugo rin ito sa labi, na mabilis nyang pinunasan.“Ano? Gising ka na?” pagtataray ni Zele habang nakapamewang.Nakatingin lang si Dane dito, sinubukang alalayan ni Frea si Dane ngunit pinigilan sya ni Lucent, “Huwag mong hahawakan ang kaisar,lalo na ang may mga marka ng tattoo.”“Ano ba ang nangyari sayo?” tanong ni Frea.“Pagkalapag namin ni Hikaru ay nakita ko ay naliligo ang damuhan ng dugo. Wala kayo roon, pasensya na kung pinag alala ko kayo.” Mahinahong sagot ni Dane.“Narito lang kami, Dane. Buhay kami, maaaring isang ilusyon ang nakita mo.” Tugon ni Luce