Share

Chapter 03

Author: ROSENAV91
last update publish date: 2026-03-11 11:04:24

Clovett POV

"Hala totoo ba? Patingin?" tanong ko kay Juliet habang may hawak ng mga flyers. Inabot niya sa akin ito at binasa ko naman.

"Totoo kaya ito? Babysitter daw ang hanap. Ano go ka ba? Stay in or stay out pwede raw eh." aniya.

"Tawagan ko mamaya, sana lang maayos lang ang pag-uusap namin sa mga magulang ng bata na babantayan ko." Napangiti akong binalingan si Juliet na natutuwa rin.

"Sige, pero kaya mo ba? Kung papasok ka doon tapos dito naman sa karinderya,kaya pa ba ng katawan mo? Dapat isa lang," concern na ani ni Juliet sa akin.

"Kakayanin, ganun naman dapat di ba? Kailangan eh?" sabi ko.

"Hay, hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sa kalagayan mo ngayon Clovett Bakit ba kasi nagkaganyan ang mama mo? Hindi niya ba pwedeng kalimutan lahat na nangyari sa kanya dati at isa pa wala ka namang kasalanan girl, bakit sa'yo pa nagagalit. Ako niyan iwan ko na lang kung kaya ko pang magstay sa bahay kung ganyan lang din ang mama ko." ani niya.

Napabuntong hininga na lang ako at nginitian siya, "ayos lang Jul, ang mahalaga hindi niya na ako pinapalayas sa bahay at nasanay na rin siya sa pagmumukha ko. Nagagalit lang naman siya kapag wala akong naiabot kaya dapat magtatrabaho pa ako ng mas malaki ang kikitain ko kaysa dito. Ayos naman kina manang Thelma pero naiintindihan ko na may mga anak pa sila kaya ito lang ang sahod natin," paliwanag ko.

"Nah hala, hindi na kita niyan pipigilan, madali lang naman siguro magbantay ng bata, basta kapag umiiyak isa lang ibig sabihin yun kapag sanggol pa 1-2 years old pa lang isa lang kung bakit sila umiiyak, may popo o ihi na ang diaper kaya kailangan ng palitan. Pwede ring rason kung bakit umiiyak ang sanggol dahil nagugutom kaya magtimpla ka ng nasa bidbidron para iyon ang ipapadede mo, alamin mo lang sa magiging amo mo kung ilang scoop ng milk ang ilalagay," natuwa naman ako sa sinabi ni Juliet kahit hindi pa naman ako natanggap.

Wala kasi akong kaalam-alam tungkol sa pagbabantay ng bata lalo kapag sanggol, kaya sana kakayanin ko.

Sobrang busy kami sa araw na ito sa kakaserve na halos wala kaming pahinga lalo at lunch break at hanggang dinner ang bukas ng karinderya ni manang Thelma dahil nagrequest ang mga trabahador na nagtatrabaho sa pinapatayo na building dito malapit sa pwesto namin na dito na sila bibili o kakain, kaya ayos lang kasi nga hindi lang sahod ang matatanggap namin ngayon kundi may tip pa.

"Maraming salamat po manang Thelma."

"Walang anuman, na hala mauna na ako sa inyo dahil hinihintay na ako ng mga anak ko," paalam ni manang sa amin. Kumaway lang kami no'ng naglalakad na siya paalis. Nasa labas na kami ng karinderya at uuwi na rin. 7' o'clock na ng gabi at baka tulog na ngayon si mama.

"Ganda sana gumala ngayon pero inaantok na rin ako eh," wika ni Marga.

"Ay ako wala yan sa isip ko, gusto ko lang kumain ng isaw diyan malapit sa kanto." sabat naman ni Juliet.

Nagkatinginan kami, "Kain tayo?" ani ni Marga.

Dahil pareho kami na gustong kumain at natakam kaya pinuntahan namin.

"Tatlong isaw, atay at hotdog kuya," inabot ni Marga ang lulutuin ni kuya sa uling.

Napasarap ang kain namin habang nagkukwentuhan, may bumibili rin kaya tumabi kami sa may gilid. "Next time lugawan naman ang pupuntahan natin, masarap naman doon sa may kakilala ko." wika ni Marga.

"Oo ba, basta libre mo!" Nag thumbs up si Marga kaya ako naman ang next time na manglilibre sa kanila, ang isaw si Juliet ang nagbabayad ngayon.

"Bye Juliet and Marie. See you tomorrow." paalam ko sa kanila. Pagkatapos naming magpaalam sa isa't-isa ay sumakay na ako ng jeep dahil pagod na rin kung lalakarin ko pa.

"Bakit ngayon ka lang babae ka?" nagulat ako na bigla na lang may nagsasalita 'pag ka bukas ko agad ng pinto. "Kung saan-saan ka na naman pumupunta, alam kong may sahod ka ngayon, ibigay mo lahat sa akin dahil maaga akong aalis bukas," ani ni mama habang nakapamewang at galit na nakatitig sa akin.

Kinuha ko sa bulsa ng bag ko ang pera na nakaseparate na para sa kanya. "Ito po," wika ko. Kinuha niya ito sa kamay ko at binilang.

"Ito lang? Piste, 300 lang ang sahod mo sa isang araw na wala ka sa pamamahay na ito?" galit na tanong niya.

"May 200 po akong itinabi para sa pagkain natin kinabukasan po."

"Sumasagot ka pa!" sabi niya habang hinampas sa ulo ko ang papel na pera na hawak niya. "Kung ganyan naman pala kaliit ang sahod kung saan ka mang pisteng lugar na yan eh sa club ka nalang magtatrabaho kung ganyan, makakuha ka ng parokyano malaki magbigay yun, isang gabi lang may mahigit 300 o isang libo ka pang nakukuha kaysa diyan sa trabaho mong walang kwenta." sabi ni mama habang tinalikuran ako at pumasok na sa kanyang kwarto.

Hindi ko mapigilan na umiyak, hindi dahil sa paghampas niya ng bagay sa ulohan ko kundi kaya niya akong magtrabaho sa club? Kung saan pwede kung ibenta ang katawan ko para lang magkapera? Hindi naman ako ganun ka bobo kung anong ibig sabihin ni mama. Alam ko iyon, alam na alam ko.

Pagkarating ko sa maliit na kwarto, wala na akong ganang maghubad, maligo o magpalit ng damit man lang. Pagod ako sa trabaho kanina lalo at panay nakatayo lang kami dahil sa marami rin ang sineserve namin dahil sa maraming tao.

Binaluktot ko ang katawan ko at dito na lang muna ako matutulog, ayokong marinig ni mama ang mga hikbi ko. Pagod na ako sa lahat-lahat pero hanggang nandito pa ang mama ko ay kailangan kong maging matatag, siya na lang meron ako.

Hindi ko alam kung may kamag-anak pa kami, meron naman daw sabi ni lola noong nabubuhay pa siya pero hindi ko lang maalala kung saang lugar iyon.

Hindi ko alam kung ilang oras akong umiiyak. Bumangon lang ako na may naalala. Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang flyers na inabot sa akin ni Juliet.

Ng makita ko na ang cellphone number ng may-ari ay kinuha ko ang keypad na kakabili ko lang at nilagyan ko na agad ng load.

Tenext ko ang number na nandoon kahit gabi na, para naman kinabukasan kung mabasa man ng may-ari na mag-aapply ako para taga bantay ng anak nila ay alam ko na agad ang sagot kinabukasan kung tanggap ba ako o hindi.

Itatabi ko na sana ang cellphone ko na bigla itong tumunog. Kinuha ko ito at binasa ang text at ganun na lang ang saya na naramdaman ko. Gusto kong tumili hindi ko alam kung bakit ako masaya.

Hindi ko pa naman nababasa kung ano ang mensahe, number pa lang naman ang nakita ko.

Unknown:

Ok, you have an interview this coming Saturday. Let's talk about your works and salary and other details

"Gosh! Totoo ba ito!" Agad-agad naman akong nagreply na pupunta ako.

Masama man ang pakiramdam ko kanina pero ngayon bigla ulit akong sumaya. Kaya instead na matulog sa maliit ko na kwarto o tinatawag na bodega ay babalik ako sa kusina para doon na magpahinga baka kinabukasan late akong magising.

Bago pa ako pumanhik sa labas ay inayos ko muna ang mga gamit ko sa bag, kasi parang dinaanan na ng bagyo ang mga ito.

Habang pakonti-konti ang mga gamit ko sa kakalagay sa bag ay may napansin ako. Nilabas ko ulit ang laman ng bag at binalik ulit. "Saan na ba yon? Nandito lang yun ah," tanong ko sa sarili ko.

Hindi ko mahanap ang isa ko pang ID, saan ko ba yon last na nagamit? Binalik naman yon sakin eh nung last na punta sa office nila. "Shit, kailangan kong makita yun pero saan naman?" kausap ko sa sarili ko.

Hindi ko alam kung anong oras na naman akong nakatulog kagabi dahil sa kakahanap ng ID ko, hahanapin ko ulit sa karinderya baka nandoon lang.

Narinig ko na palabas na ng kwarto si mama kaya umalis na ako sa kusina, kahit puyat ako dahil kagabi ay mabuti na lang na nagising pa rin ako ng maaga. Wala akong sermon na matatanggap dahil nakaluto na ako ng pang-almusal ni mama.

Habang nagtutupi ako ng mga damit na nilabhan ko kahapon dito sa likod bahay namin ay nahagip ng mata ang t-shirt ko na nadumihan noong isang araw.

Ok na sana eh, naisip ko na naman ang pagmumukha no'ng lalaki na iyon. Kahit nga sa panaginip ko ay nandoon siya at matalim kung makatingin sa akin.

Alam kong may kasalanan na ako sa kanya, una yung sasakyan na sinira ko na pwede naman palang mapag-usapan ng maayos at ang pangalawa?

Hmm…hanggang ngayon kaya masakit pa rin ang ano niya? Mga hita?

Hindi ako sure kung saan ko talaga siya na tamaan kung pati ba itlog non ay natamaan ko, may rason naman ako kung bakit ko yun nagawa sa kanya, kasalanan naman niya. Bastos siya eh kaya bagay lang sa kanya, yun.

Isa pa sumasakay na ako ng jeep para hindi na magkasalubong pa ang mga landas namin. Baka mamaya niyan, pababayaran ako ng mas malaking halaga dahil sa damage na ginawa ko.

O di kaya, mabibilanggo ako. Nakakatakot at nakakahiya naman kung ganun. Ano naman ang kalaban-laban ko lalo at mapera ang lalaking iyon.

Narinig ko na bumukas ang pinto at maya-maya ang pagbubukas ng gate, baka paalis na si mama at pupunta na naman kung saan. Sanay naman ako na aalis siya na hindi siya nagpapaalam sa akin. Parang wala nga akong kasama dito dahil kakausapin lang ako ni mama kapag may mali o di kaya kulang ang binigay ko na pera sa kanya.

Nilagay ko na ang mga damit na natupi ko na sa isahang basket, para mailagay ko na ito sa cabinet bago ako umalis ng bahay.

"Talaga? Wow congrats kung ganon. Kailan ka ba daw magsisimula?" tanong ni Marga sa akin.

"Hindi ko pa alam, basta magkikita kami nitong darating na Sabado, para pag-usapan ang sahod ko at ibang detalye," sabi ko.

"Wow ha, ikaw na talaga ang pinagpala Clovett dahil marami kang raket. Pero Inday ang kalusugan mo naman ang intindihin mo, baka mamaya nyan ay pagod ka na pala tapos hindi ka pa tumigil sa kakatrabaho." pag-alala ni Marga sa akin na sinang-ayunan naman ni Juliet.

"Ayos lang, kaya pa naman. Kung hindi na then itutulog ko na lang. Kaya salamat sa inyong dalawa na nandyan pa rin sa akin kahit ganito ang estado ng buhay ko." ani ko.

"Sus ito naman parang others, naiintindihan ka namin at naawa at the same time dahil sa kalagayan mo na hindi ka parin tanggap ng magulang mo, lalo ang nanay mo na kayo na nga lang ang nagkakapitan pero siya naman itong lumalayo." malungkot na saad ni Juliet.

"Basta narito lang kami para sa'yo, wag kang mahiyang magtanong o magsabi kung may kailangan ka dahil kung kaya naming ibigay ay walang alinlangan na tutulungan ka namin." sirit naman ni Marga.

Alam kung naluluha na ako kaya ang tanging yakap na lang nila ang tanging nagpapatatag sa akin lalo na kung uuwi ako ng bahay na hindi ko man lang yon maramdaman sa isang ina. Ang makayakap siya at marinig sa kanya ang salitang anak. Yan kasing katagang na yan ang hinihintay ko na marinig sa isang ina na tawagin niya ako na anak. Na maako niya na anak niya ako at hindi yung anak sa labas lang.

Gusto ko na rin siyang tawaging mama, sana lang hanggang sa huli ay maranasan ko yon.

Maya-maya may narinig kaming pumasok sa loob ng karinderya.

"Good afternoon po!" Bati namin sa pumasok.

Tatlong lalaki ang pumasok at ang tatangkad.

"Ito na ba ang sinabi mo na kakain tayo?" tanong ng lalaking naka hoodie.

Pinagtitigan ko ang mga bagong pasok. Wait a minute kapeng mainit.

Nangunot ang noo ko ng mamukhaan ang isa ay hindi… dalawang mukha. Wait sila yung.. shit.

Agad akong nagtago sa ilalim ng lamesa. Sana naman hindi agad ako namukhaan ng dalawa. Pumasok lang sila sa isip ko kanina tapos ngayon, ito na silang dalawa at may kasama pang isa. Hindi kaya?

"Hello Miss,"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Last Petal    Wakas

    CLOVETT SALMIGAN JASPER POV: Life teaches us a lesson, never give up. Just surrender everything sa Panginoon. Hindi naman talaga ang sakit ang papatay agad sa atin kundi ang walang tiwala sa sarili natin. Kapag nawala ang tiwala at pananalig mo sa'yong sarili ay doon na mismo susuko ang puso mo, doon na mismo susuko ang katawan mo pero kapag ikaw ang klase ng taong matindi ang pananalig ay walang imposible na bigyan ka pa ng another chance to live. Another chance to smile. Another chance to breathe sa mundong ito and another chance na makasama mo ang mga mahal mo sa buhay. Pero minsan kung saan ayaw mo pang magpaalam saka naman na hindi mo na siya masisilayan kailan man. Masakit sa kalooban na sa isang iglap, iiwan ka lang ng taong mahal mo. Iiwan ka ng taong nilaanan mo ng hanggang pagtanda kayo pa rin ang magkasama. Masakit… sobrang masakit yung pakiramdam na paggising ng umaga, hindi mo na siya makikita, hindi kasama sa isang kama, yung mga ngiti niya, yung mga titig niya at hi

  • The Last Petal    CHAPTER 82

    CARLOS JASPER JR POV:Pinasok muna ng asawa ko sa loob ng kwarto para itago sa banyo ang mga haircut tools sa paggupit ng mga buhok naming dalawa.Naming dalawa...My little miss, ang mahal ko na handang dumamay sa akin. Na parating nasa tabi ko para umaalalay, ang mahal ko na kayang gawin para hindi lang ako maiwang mag-isa sa laban, lalo na dito sa sakit ko. I didn't expect na gagawin niya ito. Hindi ko inaasahan na pati paggupit ng buhok ay gagawin niya. My little miss is so brave and pretty. Hindi ako nagkamali na planuhin na mapa sa akin siya. Kasi talagang sa akin siya ibinigay at itinadhana.Salamat ama. Ngayon, pareho na kaming semi-kalbo. Pero halos kinalbo ang buhok ko dahil sa marami ng natatanggal na buhok. Nagpakalbo ang asawa ko dahil sa pagmamahal niya sa akin.Minsan tinatanong ko ang Panginoon kung bakit ako pa ang nagkaroon ng sakit ng ganito, ang samang tao ko ba kung bakit naranasan namin ng mag-asawa ang mga bagay na ito. Hindi lang ako, pati ang pinakamamahal

  • The Last Petal    CHAPTER 81

    CLOVETT SALMIGAN JASPER POVHabang nag-uusap kami ni mama ay naramdaman ko na lang na may pumipisil sa aking palad at ng tiningnan ko iyon ay gumagalaw na ang mga daliri ng mahal ko, agad tumawag si mama ng nurse para tingnan ang asawa ko.Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata at napangiti ako na nakita ko siyang gising na."Asawa ko!" malambing na tawag ko sa kanya. "Do you still remember me? You're little, Miss?" mas lalong lumapad ang ngiti ko na makita siya paano magresponse ulit ang kanyang katawan at iyon ang pagpisil niya sa aking mga palad."What do you want—" hindi ko na natuloy ang itatanong ko sa asawa ko dahil pumasok na ang tatlong nurse kasama si mama, si Hope ay karga ngayon ng kanyang Yaya na si manang Nina. Nasa gilid lang ako ng kama ng asawa ko para panoorin siya na sinusuri at minomonitor ang vital statistics at iba at para hindi ako mawalay sa kanyang paninitig, hanggang sa natapos na ang nurse at babalik na lang mamaya about sa result. "Daddy!" tawag ni Hope sa

  • The Last Petal    CHAPTER 80

    CLOVETT SALMIGAN JASPER POVSa araw ng pang limang kasal namin ni Carlos ay imbis sa Singapore ang punta namin para sa honeymoon ay sa hospital ang bagsak naming mag-asawa ganun na rin ang mga kaibigan namin.Dahil bigla na lang siyang nanghina at kamuntikan ng bumagsak sa lupa pagkatapos ng kasal, pagkalabas mismo ng simbahan, mabuti na lang agad siyang nahawakan ni Zyro at Vincent. Kinasal ulit kami, kasama ang kanyang mga barkada o tinatawag na kasalan ng bayan pero ang ginawa namin ito daw kasalan ng mga magkakaibigan na kung saan lahat sila na mga barkada na may mga asawa na ay papakasalan nila ang mga asawa nila every year, idea ito ng asawa ko na papakasalan niya ako taon-taon at ng malaman ng kanyang mga kaibigan kaya ginaya na rin nila ito.Rason naman ng mga kuripot na magbabarkada, kasama na ang asawa ko ay para hindi masayang sa gastos kaya para isahan na lang ang handaan kaya dapat all in one ang theme ng kasal nila. Hindi man sobrang bongga ng kasal ang mahalaga ay na

  • The Last Petal    CHAPTER 79

    CLOVETT SALMIGAN JASPER POV: Pagkatapos kung manganak kay Hope at mga ilang buwan ay nagpaalam ako sa asawa ko na uuwi muna ako sa bahay, gustuhin niya man na samahan ako ay sinabi ko na lang, na siya na muna ang magbantay kay baby. Mabuti na lang at pumayag, gusto ko kasi munang makausap ang mama ko, isa pa. Namimiss ko na rin siya ng sobra. Kung kaya niyang hindi ako tiisin na hindi kausapin ay paano naman ako? Hindi ko nga kaya na hindi siya makita ng isang linggo ay nagwo-worried na ako. Paano pa kaya ang ilang araw na hindi ako makakauwi ng bahay. Kahit nasa bahay lang ako at hindi niya ko pinapansin ay ayos lang basta makita ko lang siya ay mapapanatag na ako. Para hindi mag-alala ang asawa ko at makakarating ako sa bahay na safe kaya nagpahatid ako sa driver namin. Pagkarating ko sa bahay namin ni mama ng bandang seven na ng gabi, sana nandito na siya dahil ayon kay manang Bela kanina sa text na umalis daw si mama. Pagkababa ko ng sasakyan ay inayos ko muna ang sari

  • The Last Petal    CHAPTER 78

    CLOVETT SALMIGAN JASPER POV: Karga-karga ni Carlos ang anak namin habang hawak naman niya ang kanang kamay ko pababa ng hagdan. Nilalaro ng anak namin ang buhok ng daddy niya ang ilong ng asawa ko gamit ang maliit niya na kamay. "Da.. dad.. dad.. ad," ani ni Hope habang panay bungisngis na pinugpog niya ng halik ang ilong ng daddy niya na kinurot. Nagmana sa akin ang anak ko sa pakikialam sa ilong ng asawa ko. Wala naman siyang reklamo kaya lagi kong pinapakialaman hanggang na sanay na rin. Matangos kasi ang ilong niya kaya nakaka-adict minsan. Kaya ang anak namin na si Hope ay namana ang ilong sa ama niya at kulot ng buhok and overall sa akin na namana. Pababa pa lang ng hagdan ay nagtataka lang kami dahil nakabukas ang ilaw sa sala at kusina at may umiingay. Maya-maya ay nakarinig kami ng mga bata na nagtatawanan. Pagkarating namin sa baba ay agad kaming nagtungo sa kusina at nang makita kung sino ang mga naroon na gising pa. Yung mga catering nakauwi na eh kanina pa, pagka

  • The Last Petal    Chapter 34

    Tinapos namin ang tawag dahil tinawag na siya ng kanyang mga kaibigan para kumain. Ako naman ay maghahanda para sa lakad ko ngayong araw, bandang alas dos pa naman ang biyahe namin pero gusto ko na agad makarating ng mas maaga sa bahay nina Juliet dahil doon ang meeting place namin at sabay ng pum

  • The Last Petal    Chapter 33

    CLOVETT SALMIGAN POVPagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng kwarto pero nagulat ako na nakita ang lalaki ni mama sa harap ng pintuan ko pabalik-balik ang lakad.Nakita niya ako at agad siyang ngumiti. Hindi ko siya pinansin at diretso lang ako sa kusina para makapag luto na ng pagkain ni mama

  • The Last Petal    Chapter 30

    "Maraming salamat, lagi kang nandiyan para sa akin." sabi ko habang hinahagkan ang kanyang kanang kamay, ang gamit n'ya para humawak ng manibela ay ang kaliwa naman kaya ayos lang sa kanya."As I promise to you, right? I'll do anything and everything for you. Sasamahan kita sa kalungkutan at kasiya

  • The Last Petal    Chapter 36

    Ako. Ako ang pinaka maswerte na tao sa buong mundo kapag nag-kaayos na kami ni mama. Yung siya ang magdadala sa akin sa mga kamay ni Carlos. Siya yung magsasabi na ingatan mo ang anak ko. Siya ang unang makakalam kapag magkakaroon na siya ng apo. Kailan kaya yun? May pag-asa pa ba na maging magkaa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status