Share

The Last Petal
The Last Petal
Author: ROSENAV91

Prologue

Author: ROSENAV91
last update Last Updated: 2026-03-11 11:01:01

"She loves me, she loves me not. She loves me, she loves me not?. Oh no... malapit nang maubos. She loves me, she loves me not oh yehey she loves me!" Clovett jumping for joy. Hindi ito makapaniwala sa kanyang nakita habang pinagmasdan ang rosas na wala ng petal at nasisiyahan siya sa resulta.

"She loves.. she loves me..." she sings it for happiness. Nasa garden rooftop si Clovett ng hospital ng probinsya ng Negros.

"Tsk, masaya kana nyan?" nagulat siya dahil may narinig itong nagsasalita kaya naglakad siya kung saan niya narinig ang boses kanina.

May nakita siyang batang lalaki na nagbabasa ng libro habang may malaking salamin sa kanyang mata. Kulot ang buhok at naka bonnet. Naka indian sit itong nakaupo sa gilid ng semento na haligi, nagbabasa ng aklat, dahil siguro nararamdaman niya ang presensya niya kaya umangat ang ulo nito para makita ang mukha ng babae.

"Hi! Kanina ka pa diyan?" bungad ni Clovett sa batang lalaki. The same lang siguro sila ng edad o matanda ito ng ilang taon.

Hindi pinansin ng batang lalaki ang tanong ng babae at nagpatuloy lang sa pagbabasa, kaya napahiya si Clovett.

"Ang pangit ng ugali, ang sungit," anas niya habang nilalagay ang maliliit nitong mga kamay sa magkabilaang bewang. Wala na siyang pakialam kung nagliliparan na ang kanyang mahabang buhok dahil sa ihip ng hangin. "Nagtatanong lang naman ako eh, anong masama doon? Ang sungit!" Dagdag pa niya.

Dahil hindi nagustuhan ng batang lalaki ang sinabi ng batang babae kaya agad niyang sinara ang libro at tumayo ito. Akala ni Clovett na aalis na ito pero laking gulat nya na nasa harapan na ang lalaki at galit na hinarap siya.

"Masungit ako? Baka ikaw? Tingnan mo nagtataray ka!" saad nito. "Tahimik akong nagbabasa rito tapos panay ka naman ng sigaw ng sigaw diyan tapos maya-maya tumitili at pakanta-kanta pa, akala mo naman siguro na maganda ang boses mo." dahil sa sinabi niya kaya umiyak si Clovett sa harapan niya.

Naalarma ang lalaki dahil baka pupunta ang mga magulang niya at magalit sa kanya. "Tahan na, huwag kang umiyak dito!" pang-aalo niya sa batang babae.

"Bad ka, bad ka!" bulyaw niya sa kausap nito habang tinutulak niya ang batang lalaki. "Marunong kaya akong kumanta, sabi ni lola na maganda raw ang boses ko, bakit hindi ka sang-ayon doon? Bad ka!" saad niya habang nagpupunas ng kanyang mga luha.

" Okay na, magaling ka nang kumanta, maganda ka rin?" sabi ng batang lalaki sa kanya.

Dahil sa narinig, agad namang tumigil sa pag-iyak si Clovett. "Totoo? Promise?" Tanong nito habang pinapakita ang kanyang pinky finger sa lalaki.

"Y. Yeah promise," sagot nito habang pinagdikit niya rin ang kanyang maliit na daliri sa babae para tumahan na.

Mabuti na lang at bigla siyang natahimik at tinulungan niya ng punasan ang mukha ng babae gamit ang kanyang damit na suot dahil sa takot na pagagalitan siya ng kanyang mga magulang.

"Akala ko hindi ka mabait eh. Ano pala ang ginagawa mo rito at nandito ka nakatambay?. Tanong ni Clovett sa lalaki.

"My safest place is here, dito ako tumatambay kapag malapit ng mag-hapon habang hinihintay si daddy ko. And how about you? Why are you here? Paano mo nalaman ang lugar na ito?" tanong niya kay Clovett. Nakaupo na silang dalawa sa rattan chair habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw.

"Hmm, nasa kwarto kasi ang mama ko, nagpapahinga." Aniya ni Clovett.

"Nagpapahinga? Di ba dapat sa bahay niyo sa matutulog niyan. Hospital ito unlike kung doktor din ang nanay mo? " Tanong ng batang lalaki.

Umiling si Clovett, "hindi naman doktor ang mama ko, pasyente rin siya. Sa katunayan, ako ang nagbabantay sa kanya kahit alam kong magagalit na naman siya sa akin kapag makikita niya ang mukha ko pero ayos lang, ang mahalaga naman ay ako ang nagbabantay sa kanya, di ba? " wika ko.

Tumingin ang lalaki kay Clovett. "Kaya ba may mga pasa ka ngayon? Napagamot mo na ba ang mga iyan?" Dahil sa tanong ng lalaki ay itinago ni Clovett ang kanyang mga braso sa kanyang damit para hindi na siya tanungin ng lalaki.

"Oh! Sabi ni lola mawawala raw ito balang-araw kaya ayos lang." Ani ni Clovett.

"Palagi ka bang sinasaktan ng mama mo? Sana pinabaranggay niyo." mungkahi ng lalaki . Umiling lang si Clovett.

"Hindi pwede ang hinihiling mo. Mahal ko ang mama ko. Kahit na sinaktan niya ako ng paulit-ulit. Ayos lang ang mahalaga nasa tabi niya ako palagi. Hinding-hindi ko siya ipapabilanggo. Mahal na mahal ko siya. Siya lang at ang lola ko ang mundo ko kaya hindi pwede na ikukulong sya, kawawa naman." Sabi ni Clovett.

Bumuntonghininga ang batang lalaki dahil hindi niya makumbinsi ang babae.

"Ikaw? Nandito ka lang ba para hintayin ang daddy mo? Para kasing nakita kita one time sa isang kwarto dito sa ospital, doon ba nagtatrabaho ang dad mo? " Tanong ni Clovett.

Bumaling ulit ang lalaki sa kanya. "No... schedule ko kasi ngayong araw?"

"Schedule? Saan?" naguguluhang tanong nito.

" Chemotherapy...yeah..you know?"

Umiling ako dahil hindi ko alam yun.

"May sakit ka? Akala ko malusog ka at hindi ka sakitin. Pareho pala tayo. May sakit din ako pero binabalewala ko na lang, alam mo ba ano yon? Sakit sa tiyan kasi minsan wala akong makakain kaya sumasakit ang tiyan ko." sabi ni Clovett na may ngiti ang mga labi.

"What is your wish?" Agad na tanong ng batang lalaki. Nakatitig sa kanya .

"Wish ko...mmm...mabuhay pa ng matagal para makasama ko ng matagal ang mama ko. Hihintayin ko pa kasi na bago ako mawala, marinig ko siyang tawagin akong anak. Narinig mo ba kanina mahal ako ng mama ko, kaya ikaw 'wag kang mawalan ng pag-asa. Laban lang. Ikaw? Ano naman ang wish mo?" Balik tanong sa kanya.

"Katulad ng isang araw that the sun sets to end the last chapter of our life today and rises again tomorrow for another chapter to start our own journey. That's why I'm still here, loving the sunset everyday." Wika nito.

"Anak, let's go!" tumalikod sila pareho para makita ang tumatawag sa kanila. Ngumiti ang lalaki kay Clovett at umahon naman sa pagkakaupo ang lalaki.

"Yes dad! How about you?" tanong ng lalaki sa batang babae.

"Hmm pupuntahan ko na ang mama ko baka gising na at hinahanap niya na ako ngayon." wika niya sa lalaki.

Kakalubog lang ng araw kaya naisipan na nilang umalis doon sa roof garden.

Sabay na silang bumaba sakay ang elevator. Pagkarating sa lobby ay hinatid pa ni Clovett ang batang lalaki sa may pintuan at kumakaway hanggang nakasakay na sila ng sasakyan at ngumiti lang si Clovett habang patuloy pa rin sa kakakaway.

Dahil hindi na mahagilap ang sinasakyan nila kaya umikot na si Clovett papunta sa loob ng hospital para mapuntahan ang kanyang Lola na nagbabantay sa kanyang mama.

Pero yun na lang ang pagka dismaya niya na hindi man lang niya nakilala ang batang lalaki. Nakalimutan niyang magtanong ng pangalan nito.

"Di bale na, magkikita pa naman kami," sabi niya sa kanyang sarili.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Last Petal    Chapter 09

    CLOVETT POV: Hanggang nakababa na siya sa hagdanan ay nakatitig pa rin ako sa kanya. Anong ibig sabihin nito? Bakit siya nandito? May anak na pala siya tapos ngayon ako ang magbabantay? Bakit hindi niya sinabi sa akin agad-agad. Kaya ba lumalapit siya sa akin? "Yes dad, pinapatawag niyo raw po ako?" tanong niya sa daddy niya. Nilingon ko ang tatay niya na napaayos ng upo dahil sa tawag ng kanyang anak. Nilingon ko si Carlos kaya lang hindi niya ako tinapunan ng tingin. Kanina lang nagkukwentuhan pa kami ng kung ano-ano tapos ngayon hindi niya ako pinapansin. Dahil ba nasa harapan siya ng magulang niya kaya malamig ang turing niya ngayon sa akin? Wait, siya ba kaya ito na kasama kong natulog kagabi sa motel o baka kamukha lang, kasi hindi niya talaga ako nilingon man lang kahit isang segundo. "Maupo kayong dalawa." Umupo siya sa isahang sofa at dahil kayong dalawa ang sinabi ng matandang lalaki kaya umupo na rin ako dahil kami lang namang tatlo ang nandito. Nasa gilid ng m

  • The Last Petal    Chapter 08

    CARLOS JASPER JR POV: "Sure ka ba sa mga pinaggagawa mo Carlos?" tanong ni tatay Hardin. Matagal na siyang naninilbihan sa amin. Bata pa lang ako ay narito na siya nagtatrabaho bilang hardinero. Namatay na raw ang kanyang asawa dahil sa isang sakit. "Oo nga Tay, madali lang naman. Magpanggap ka lang po na tatay ko, pagkatapos ng mga plano ko at nandito na siya sa poder ko ay madali na lang sa akin na makaganti sa kanya." tukoy ko sa babaeng nilampastanganan ang baby ko na si Lexxus, isa yon sa sports car na gusto ko dahil higit sa binili iyon ni dad ay ang ganda pa para sa mga race namin kapag nagkakayayaan ang mga tropa. "Sige na nga, kung ito malaman ng mga magulang mo ay ikaw na bahalang magpaalam sa kanila," nginitian ko si tatay Hardin dahil sa wakas pumayag siya. Matagal ko na siyang kinakausap sa bagay na ito, simula nung may nangyari sa baby ko. "Maraming salamat, Tay. Basta magpanggap ka lang na ama po kita at ako po ang iyong anak, matagal pang makauwi sina dad kaya '

  • The Last Petal    Chapter 07

    "Pero…""Sleep, hindi ka naman pwede na umalis na mag-isa dahil ako ang nagbayad dito at baka singilin ka nila kaya dapat magkasama man tayong pumasok ay dapat magkasama tayong umalis," paliwanag niya. Sabagay, kung siya rin naman ang magbabayad, bakit hindi. Atleast makatipid ako ng pera. "Pwede naman…may lakad pala ako mamaya kaya dapat nakaalis na tayo dito," hindi ko alam kung bakit ako nagpapaalam sa kanya."Where?" tanong niyang inaantok pa talaga. "May bago akong trabaho, babysitter kaya pupuntahan ko na mamaya. Pwede na nga akong mag-umpisa eh, kaya yung utang ko sa'yo ay baka naman pwede bang may discount? Ang mahal eh. Nasa kabaong na ako niyan hindi pa ako tapos magbayad ng utang ko. Bakit ka ba kasi bumibili ng mamahalin na sasakyan," dipensa ko at naiinis na sa kalagayan ko dahil wala man lang akong ipon kundi napunta sa iba tapos ngayon nadagdagan pa ang utang ko."Okay, madali akong kausap pero sa isang condition," huh? Pinagsasabi nito."Ano naman yon?""Soon mala

  • The Last Petal    Chapter 06

    Clovett POV Pagbukas ng kwarto namin ay bumungad sa amin ang single bed, sa tangkad at laki ng katawan ng kasama ko, kasya naman siguro ako sa sahig. "Diyan ka na matutulog, ako na sa sahig dahil sanay na ako." sabi ko habang tinatanggal ang sandal ko na medyo may kalumaan na. "Ha? Bakit diyan ka matutulog?" tanong niya habang nililibot din ng tingin ang kabuuan ang kwarto namin. "Kasi nga, sanay na ako sa matigas na higaan at dahil hindi ka naman siguro sanay ay ikaw na ang matulog sa kama." paliwanag ko. "Ay hindi pwede yan miss, ako na lang ang matulog sa sahig at ikaw na dito sa kama. Hindi kaya ng konsensya ko na babae ang pinapatulog sa sahig," sabi nito kaya hindi kami nito matatapos at makatulog na dahil hindi pa kami nakapag desisyon. "Di bale na nga, bahala ka matutulog na ako," sabi ko at humiga na sa sahig na nilatagan ko lang ng extrang damit ko na ginamit pa kahapon. "Ahh… palaka," sigaw ko dahil bigla niya akong binuhat na naka bridal style. "Bitawan mo nga ako!

  • The Last Petal    Chapter 05

    Clovett pov Tanging buwan lang ang naging ilaw ko at mga poste habang naglalakad pauwi ng bahay. May bahay naman kaya hindi naman ako masyadong natatakot pero kailangan paring mag-ingat kasi baka may mga masasamang tao na dumadaan dito at may gagawin sa akin na hindi maganda. Hindi ko alam kung nakasunod pa ba sa akin yung lalaki dahil hindi ko na siya nilingon pa. Pagkarating ko sa pintuan ng bahay ay kinuha ko ang susi sa bag ko para mabuksan. Hindi nga ako nagkakamali at nandoon nga si mama at naghihintay sa akin. Lalampasan ko na sana siya na narinig ko ang pagtayo niya sa plastic na silya. "Saan ka pupunta?" "Sa kwarto ko po," sabi ko hindi makatingin sa kanya. "Baka may nakalimutan ka bago ka pumasok sa kung saan ka man papasok, akin na ang pera mo, isusugal ko bukas." aniya. Para yatang nabingi ako dahil doon kahit alam ko naman na lagi akong may iaabot sa kanya. Pero ngayon? " Kasi po. Ano po,'' "Akin na! Ayaw mo bang ibigay?" tanong niya. Kinuha ko sa

  • The Last Petal    Chapter 04

    Clovett POV"Hello po sir, maupo po muna kayo. Ito po ang mga menu namin ngayon," narinig kong sabi ni Marga sa kanila."Thank you miss." "Hoy Clovett, anong ginagawa mo dyan sa ilalim ng lamesa?" nagulat ako sa biglaang tanong ni Juliet sa akin."Ha? Ano. Nag—nagpupunas ako ng ilalim ng lamesa, may alikabok pala dito." sabi ko sa mahinang boses habang nagkukunwaring naglilinis. Mabuti na lang bitbit ko kanina ang pamunas sana ng ibabaw ng lamesa. Papalitan ko na lang ito. "Huh? Meron pa? Nalinis na yan kanina ah," aniya."Basta meron pa, ito nga at nililinis ko na. Saan sila banda?" tanong ko sa kaibigan habang nagkukunwaring nagpupunas parin. "Huh? Sino ang tinutukoy mo?" tanong niyang nalilito sa kinikilos ko."Yung kaka—""Miss isang extrang kanin pa, masarap pala ditong kumain." rinig ko na sabi sa kabilang lamesa o baka nga sila na yong tatlo kanina.Hindi nila ako makikita dito dahil nakaharang ng table clothing itong lamesa. Pero medyo ilang step pa para makarating ako sa k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status