Share

Chapter 01

Author: ROSENAV91
last update publish date: 2026-03-11 11:02:33

Chapter 1

Clovett POV:

"Ano? Ito lang ang maibibigay mo sa akin? Wala ka talagang kwentang babae ka! Lumayas ka sa harapan ko bago pa kita masipa palabas ng bahay!" galit na singhal ni mama sa akin.

Kulang kasi ang pera na binigay ko sa kanya. Nilalagnat kasi ako noong nakaraang araw pa ito at hanggang ngayon pero pinilit ko pa ring makapunta sa tindahan ni manang Thelma para naman may maibigay ako kay mama, naiintindihan naman nila ako kaya mabuti na lang na pumayag.

Pumasok na ako sa kwarto ko para magpahinga dahil ramdam ko na talaga ang pagod sa katawan. Pagkatapos kung kumain kanina ay uminom naman ako ng gamot para sa lagnat para mawala na ito ng lubusan.

Kaya ngayon kailangan ko lang talaga ng pahinga. Nasa loob na ng bahay si mama ng iniwan ko siya, for sure matutulog na iyon dahil nakarating na ako para maabot sa kanya ang kita ko sa araw na ito para ipangsugal niya bukas.

May konting pera pa naman ako rito para pambili ng makakain namin bukas. For 23 years ito na ang naging buhay ko. Naging malala lang ngayon dahil sa kakasugal ni mama na halos araw-araw nasa mga kaibigan niya ito tumatambay.

Nakapag-aral naman ako ng highschool kahit papano at nakapagtapos pero ngayon trabaho muna ang inaatupag ko at maghahanap muna ako ng magandang pagkakitaan, kahit may carinderia na akong tinatrabahuan pero hindi iyon sapat sa pang-araw araw na gastusin.

Mabuti na lang na itong bahay na tinitirhan namin ay sariling bahay ni lola kaya kahit walang ibang bahay si mama ay bahay narin namin ito.

Namatay na ang Lola ko sa araw noong labing limang gulang pa lamang ako dahil narin sa may sakit ito na tuberculosis.

Kaya kami na lang ni mama ang naiwan, iyon nga lang hindi ako masaya dahil kapag pinapagalitan ako ni mama wala ng kakampi sa akin, wala nang magsasabi sa akin na mga pagsubok lang ang mga nangyayari sa buhay ko.

Ni minsan hindi ko kilala ang papa ko, dahil simula pa noon ang laging sinasabi ni mama na anak ako sa labas at ang papa ko ay may ginawa sa mama ko na labag sa kanyang kalooban kaya noong nalaman na nabuntis si mama ay plano pa sana nitong ipalaglag ako, mabuti na lang at napigilan siya ni lola kaya laking galit ni mama na hindi na niya makakalabas ng nine months dahil sa pinagbubuntis niya ako.

Maraming nagsasabi sa akin na hayaan ko na lang ang mama ko at lumayo na lang sa kanya pero hindi ko kaya, mas okay na sa akin na sinasaktan niya ako o pagsabihan ng masasama kaysa iiwan ko siya na mag-isa. Kahit ayaw niya sa akin, ayos lang, ang mahalaga kasama ko parin siya. Kasi, mama ko pa rin siya. Mahal ko siya eh.

Hindi naman siguro habang buhay na ganyan ang mama ko, balang araw matutunan niya rin akong mahalin. Balang araw tatawaging niya rin ako na anak o kakit pangalan ko man lang kahit hindi man buo basta marinig ko ang mga katagang iyan sa bibig niya.

"Ano! Tulog ka parin ba diyan? Nauna pa akong nagising sa'yo!" Naalimpungatan ako dahil sa maingay na kaldero, nasa kusina kasi ako natutulog dahil malapad ang lamesa namin kaya malapad rin ang upuan na gawa sa kahoy.

Dito ako natutulog simula noong nawala na si lola para madali na lang sa akin magising para makapag saing na agad ng kanin at makapag-init ng tubig bago magising si mama may makain na siya pero hindi ngayon dahil sa alas singko sana na gising ay lampas 6 na ng umaga ako nagising, kung walang kumalabog, hindi pa sana ako magigising.

"Ano tunganga ka lang diyan? May pupuntahan pa ako tapos ngayon wala pa akong makitang pagkain sa lamesa!?" sigaw ni mama sa akin.

Dali-dali akong bumangon at kahit wala pang hilamos at suklay ng buhok ay agad akong pumunta sa dapogan namin para makapag luto na. May natira pang kanin kagabi kaya isasangag ko na lang ito at ang kapares ay tuyo at itlog.

"Wala pa ba?" tanong ni mama, naiirita na.

"Malapit na po," mama, gusto kong sabihin ang katagang iyan pero ayoko namang masira ang umaga niya dahil sa pagtawag ko sa kanya na mama.

Padabog itong kumuha ng tasa at lumapit sa thermos para salinan ng mainit na tubig at nilagyan niya ng sachet ng kape. Dahil madali lang naman naluto ang almusal niya kaya agad ko naman itong inihain sa kanya. Nang makita kong kakain na siya ay lumabas na ako ng bahay para magdilig ng mga halaman.

Ayaw niya akong nakikita kapag kumakain siya dahil nasusuka siyang makita ako dahil may naalala kaya hangga't maaari lumalayo na ako sa kanya. Babalik na lang ako sa loob kapag umalis na si mama ng bahay.

Naghahanap ako ng trabaho ngayon na pwede stay-out para naman pandagdag sa gastusin lalo ngayon na kapag umuubo si mama ay parang matigas kaya kailangan ko siyang ipa ospital. Hindi talaga kasya ang pera na kinikita ko sa karinderya kaya kailangan ko ng extra. Hahatiin ko na lang ang oras para naman kahit papano, makapagtrabaho pa rin ako kina manang Thelma.

Minsan kapag may sobra sa paninda na ulam ay binibigyan nila kaming nagsisilbi sa kanila para hindi masayang o mapanis para kinabukasan iba naman ang lulutuin.

Kaya nakakatipid din ako sa gastusin dahil may ulam akong madala para kay mama na magana naman niyang kinakain. Ayos lang kahit toyo o kamatis lang ang ulam ko minsan basta makita ko lang na ganado ang mama ko ay sobrang saya na ng puso ko.

Baka sa paraan na yan ay mamahalin na niya ako at tatawaging na anak. Hindi ko alam kung kailan yun mangyayari pero umaasa ako na balang araw paggising ko, anak na ang tawag niya sa akin kaysa babae o hayop ka.

"Oh ano na nakahanap ka ba?" Tanong ni Juliet sa akin. Napabuntong hininga na lamang ako dahil bigo ako sa araw na ito.

May nakita akong wanted sa bakery shop kaso mababa lang ang sahod. Ang iba naman ay stay-in dapat kaya hindi ko na rin sinubukan total magkapareho lang halos ang sasahoran ko same dito sa karinderya.

"May paparating na kakain, hintayin niyo na sila sa pinto para pagsilbihan sila." tawag sa amin ni manang Thelma. Tumango kami sa kanya at pumunta na sa harap para kung may tumawag na costumer ay agad kami o akong makapunta sa kanila para ibigay ang order.

Naging busy ang araw ko ngayon at mabuti na lang kahit papano ay marami ang kumakain ngayong araw. Kahit pagod pero sulit, dahil may maiuwi ako na pera sa bahay at alam kung may tip pa kami nito.

Dahil wala ang tagahugas ngayon dahil may sakit kaya ako na rin ng ang nakatuka sa mga hugasan. Sanay na kaya madali na lang sa akin na matapos ang mga gawain.

"Ay salamat naman at nakabawi kahit papano ang puhunan natin ngayong araw at konti na lang ang natirang ulam." nakangiting saad ni manang Thelma.

" Ito ang mga sahod niyo." Ako at si Juliet ang kasama ko rito, wala si Marga kaya malaki ang binigay sa akin dahil ako pa ang naghuhugas, hahatian ko pa sana si Juliet dahil baka magtampo na malaki yung sa akin kaysa kanya pero hinampas lang ako sa braso dahil hindi naman pwede, alam niya kasi na kailangan ko kaya naiintindihan niya.

Alas siete na ng gabi at uuwi na ako ngayon, mas marami kasing tao rito kapag alas tres hanggang alas siete pero dahil may mga anak pa si Manang Thelma kaya maaga kaming magsasara. Kung mas maagang naubos ang mga panindang ulam mas maaga kaming makakauwi.

Naglalakad lang ako sa gilid ng highway para makasave sa pamasahe. One hour lang naman ang lalakarin ko para makarating sa bahay.

Marami naman ang naglalakad kaya hindi na ako natatakot, wala naman silang makuha sa akin kung may magtakang magnakaw kung sakali. Wala akong cellphone, may pera ako pero maliit lang ito at bago pa nila ito makuha ay aalis na lang sila panigurado kasi inipit ko lang naman ito ng mahigpit sa aking bra, si Juliet ang nagturo sa akin ng ganito, hack daw ang tawag para hindi manakawan.

May nakita akong lubak na daan at maputik kaya tumabi ako, pero napamura na lamang ako na may biglang sasakyan na dumaan at huminto sa may convenient store. Paanong hindi ako mainis eh naputikan ang puting damit ko. Eh kakabili ko palang nito tapos grr.

Matalim kong sinundan ng tingin ang sasakyan na hindi ko alam kung ano ang pangalan dahil wala akong idea sa mga sasakyan na ganyan.

Kung pwede lang bumaliktad yan ng dahil lang sa masamang titig ko ay sobrang saya ko yata.

Nakita kong may lumabas sa sasakyan at pumasok sa convenient store.

Dahil sa inis ay naglalakad ako ng mabilis kung saan nila pinarada ang kotse at habang nasa harap na ako ay pinag sisipa ko ang gulong, ayokong makapanakit ng tao kaya itong sasakyan ang gusto kong saktan.

Ito na nga lang ang damit na meron ako na mayos, paano na lamang kung mamantsa ito at hindi na yata matanggal at bumalik sa dati? Nagtitipid pa naman ako ng sabon tapos ito pa ang ginawa ng walang hiyang driver na 'yon.

"Ang haba ng kalsada at maluwag, kung saan pa ang may putik ay doon pa dumaan, Gago ka! Iyan ang bagay sa'yo!" Kausap ko sa sasakyan habang pinaghahampas ko ng bag ko at di na kuntento pati yung salamin ay nahampas ko pa ng dala ko na pentel pen. Wala na akong pakialam kung malapit na itong mabasag.

"What the hell are you doing?" Isang baritong boses ang narinig ko sa likuran.

"Hindi ka naman siguro bulag na hindi mo nakikita na nakikipag-away ako sa sasakyan na ito!" patuloy ko parin sa ginagawa na hindi nilingon ang lalaking nasa likuran ko.

"Ang lapad-lapad ng kalsada, at makikita mo naman siguro na may putik sa bandang iyon pero doon pa talaga dumaan." Gigil ko na sabi.

"Sige ipagpatuloy mo lang yan! Pero walang iiyak at nagmamakaawa.."

"Bakit naman ako iiyak? Di ba dapat matawa pa ako na nakaganti ako ngayon?" sabi ko habang umiiling, sira ba siya.

"Paano kung sabihin ko na pwede ka niyang ipapabarangay ng may-ari?" ani niya kaya napatigil ako roon. Shit! Bak–

"Anong ginagawa mo sa baby ko?"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Last Petal    Wakas

    CLOVETT SALMIGAN JASPER POV: Life teaches us a lesson, never give up. Just surrender everything sa Panginoon. Hindi naman talaga ang sakit ang papatay agad sa atin kundi ang walang tiwala sa sarili natin. Kapag nawala ang tiwala at pananalig mo sa'yong sarili ay doon na mismo susuko ang puso mo, doon na mismo susuko ang katawan mo pero kapag ikaw ang klase ng taong matindi ang pananalig ay walang imposible na bigyan ka pa ng another chance to live. Another chance to smile. Another chance to breathe sa mundong ito and another chance na makasama mo ang mga mahal mo sa buhay. Pero minsan kung saan ayaw mo pang magpaalam saka naman na hindi mo na siya masisilayan kailan man. Masakit sa kalooban na sa isang iglap, iiwan ka lang ng taong mahal mo. Iiwan ka ng taong nilaanan mo ng hanggang pagtanda kayo pa rin ang magkasama. Masakit… sobrang masakit yung pakiramdam na paggising ng umaga, hindi mo na siya makikita, hindi kasama sa isang kama, yung mga ngiti niya, yung mga titig niya at hi

  • The Last Petal    CHAPTER 82

    CARLOS JASPER JR POV:Pinasok muna ng asawa ko sa loob ng kwarto para itago sa banyo ang mga haircut tools sa paggupit ng mga buhok naming dalawa.Naming dalawa...My little miss, ang mahal ko na handang dumamay sa akin. Na parating nasa tabi ko para umaalalay, ang mahal ko na kayang gawin para hindi lang ako maiwang mag-isa sa laban, lalo na dito sa sakit ko. I didn't expect na gagawin niya ito. Hindi ko inaasahan na pati paggupit ng buhok ay gagawin niya. My little miss is so brave and pretty. Hindi ako nagkamali na planuhin na mapa sa akin siya. Kasi talagang sa akin siya ibinigay at itinadhana.Salamat ama. Ngayon, pareho na kaming semi-kalbo. Pero halos kinalbo ang buhok ko dahil sa marami ng natatanggal na buhok. Nagpakalbo ang asawa ko dahil sa pagmamahal niya sa akin.Minsan tinatanong ko ang Panginoon kung bakit ako pa ang nagkaroon ng sakit ng ganito, ang samang tao ko ba kung bakit naranasan namin ng mag-asawa ang mga bagay na ito. Hindi lang ako, pati ang pinakamamahal

  • The Last Petal    CHAPTER 81

    CLOVETT SALMIGAN JASPER POVHabang nag-uusap kami ni mama ay naramdaman ko na lang na may pumipisil sa aking palad at ng tiningnan ko iyon ay gumagalaw na ang mga daliri ng mahal ko, agad tumawag si mama ng nurse para tingnan ang asawa ko.Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata at napangiti ako na nakita ko siyang gising na."Asawa ko!" malambing na tawag ko sa kanya. "Do you still remember me? You're little, Miss?" mas lalong lumapad ang ngiti ko na makita siya paano magresponse ulit ang kanyang katawan at iyon ang pagpisil niya sa aking mga palad."What do you want—" hindi ko na natuloy ang itatanong ko sa asawa ko dahil pumasok na ang tatlong nurse kasama si mama, si Hope ay karga ngayon ng kanyang Yaya na si manang Nina. Nasa gilid lang ako ng kama ng asawa ko para panoorin siya na sinusuri at minomonitor ang vital statistics at iba at para hindi ako mawalay sa kanyang paninitig, hanggang sa natapos na ang nurse at babalik na lang mamaya about sa result. "Daddy!" tawag ni Hope sa

  • The Last Petal    CHAPTER 80

    CLOVETT SALMIGAN JASPER POVSa araw ng pang limang kasal namin ni Carlos ay imbis sa Singapore ang punta namin para sa honeymoon ay sa hospital ang bagsak naming mag-asawa ganun na rin ang mga kaibigan namin.Dahil bigla na lang siyang nanghina at kamuntikan ng bumagsak sa lupa pagkatapos ng kasal, pagkalabas mismo ng simbahan, mabuti na lang agad siyang nahawakan ni Zyro at Vincent. Kinasal ulit kami, kasama ang kanyang mga barkada o tinatawag na kasalan ng bayan pero ang ginawa namin ito daw kasalan ng mga magkakaibigan na kung saan lahat sila na mga barkada na may mga asawa na ay papakasalan nila ang mga asawa nila every year, idea ito ng asawa ko na papakasalan niya ako taon-taon at ng malaman ng kanyang mga kaibigan kaya ginaya na rin nila ito.Rason naman ng mga kuripot na magbabarkada, kasama na ang asawa ko ay para hindi masayang sa gastos kaya para isahan na lang ang handaan kaya dapat all in one ang theme ng kasal nila. Hindi man sobrang bongga ng kasal ang mahalaga ay na

  • The Last Petal    CHAPTER 79

    CLOVETT SALMIGAN JASPER POV: Pagkatapos kung manganak kay Hope at mga ilang buwan ay nagpaalam ako sa asawa ko na uuwi muna ako sa bahay, gustuhin niya man na samahan ako ay sinabi ko na lang, na siya na muna ang magbantay kay baby. Mabuti na lang at pumayag, gusto ko kasi munang makausap ang mama ko, isa pa. Namimiss ko na rin siya ng sobra. Kung kaya niyang hindi ako tiisin na hindi kausapin ay paano naman ako? Hindi ko nga kaya na hindi siya makita ng isang linggo ay nagwo-worried na ako. Paano pa kaya ang ilang araw na hindi ako makakauwi ng bahay. Kahit nasa bahay lang ako at hindi niya ko pinapansin ay ayos lang basta makita ko lang siya ay mapapanatag na ako. Para hindi mag-alala ang asawa ko at makakarating ako sa bahay na safe kaya nagpahatid ako sa driver namin. Pagkarating ko sa bahay namin ni mama ng bandang seven na ng gabi, sana nandito na siya dahil ayon kay manang Bela kanina sa text na umalis daw si mama. Pagkababa ko ng sasakyan ay inayos ko muna ang sari

  • The Last Petal    CHAPTER 78

    CLOVETT SALMIGAN JASPER POV: Karga-karga ni Carlos ang anak namin habang hawak naman niya ang kanang kamay ko pababa ng hagdan. Nilalaro ng anak namin ang buhok ng daddy niya ang ilong ng asawa ko gamit ang maliit niya na kamay. "Da.. dad.. dad.. ad," ani ni Hope habang panay bungisngis na pinugpog niya ng halik ang ilong ng daddy niya na kinurot. Nagmana sa akin ang anak ko sa pakikialam sa ilong ng asawa ko. Wala naman siyang reklamo kaya lagi kong pinapakialaman hanggang na sanay na rin. Matangos kasi ang ilong niya kaya nakaka-adict minsan. Kaya ang anak namin na si Hope ay namana ang ilong sa ama niya at kulot ng buhok and overall sa akin na namana. Pababa pa lang ng hagdan ay nagtataka lang kami dahil nakabukas ang ilaw sa sala at kusina at may umiingay. Maya-maya ay nakarinig kami ng mga bata na nagtatawanan. Pagkarating namin sa baba ay agad kaming nagtungo sa kusina at nang makita kung sino ang mga naroon na gising pa. Yung mga catering nakauwi na eh kanina pa, pagka

  • The Last Petal    Chapter 48

    CARLOS JASPER JR. "Are you sure? You want to do this?'' tanong ni Samson sa akin. Nasa opisina niya ako nakatambay ngayon, kasama sina Vincent at Domingo at hindi kasama ang mga asawa. Nasa Bohol si Dinnes dahil may binisita lang na kamag-anak kasama ang anak at asawa nito. They are my highscho

  • The Last Petal    Chapter 45

    "Mabuti at naisipan mo pa akong puntahan dito?" unang bungad ni mama pagkarating namin dito sa selda. "Mam–" tumikhim ako at hindi na tinuloy ang pagtawag sa kanya na mama dahil agad niya akong tinaliman ng tingin. Kahit ngayon, ayaw niya pa rin na tinatawag ko siya na ina. Nasa likuran ko lang

  • The Last Petal    Chapter 43

    Nasa kwarto ng hospital ang mahal ko at kasama ang mga asawa ng mga kaibigan ko ngayon, hindi pa siya lubusang gumagaling kaya namalagi kami dito. Nag-iisip ako ng lugar kung saan pwede naming maging bakasyunan. Kung saan unti-unti niyang makalimutan ang malagim na nangyari sa kanya. Ayoko muna

  • The Last Petal    Chapter 07

    "Pero…""Sleep, hindi ka naman pwede na umalis na mag-isa dahil ako ang nagbayad dito at baka singilin ka nila kaya dapat magkasama man tayong pumasok ay dapat magkasama tayong umalis," paliwanag niya. Sabagay, kung siya rin naman ang magbabayad, bakit hindi. Atleast makatipid ako ng pera. "Pwede

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status