Share

Chapter 3

Habang hinihintay namin ang mga kliyente namin umorder muna kami ng makakain sa isang restaurant.

"How long it will take bago dumating mga yun?"

Naiinip na sabi ni tita habang nakatingin sa relo nito. Ako naman pinagmamasdan ang magandang view na nakapalibot rito.

Para kase siyang nakapalibot sa isang mala garden at may mga iilang ibon na naghuhunihan. basta kakaiba siya sa lahat ng restaurant na napuntahan namin kaya siguro maraming kumakain dito.

"Ang sabi ng assistant niya tita malait na sila" maikli kong tugon at dumating na yung in order namin.

Hindi pa man namin nauubos yung kinakain namin ng dumating na sila. tumayo kami at nakipag kamay sa kanila.

"How are you doing mr. Pillar?

"Nice to meet you ms. Silvestre hindi ko alam na sobrang ganda mo pala in person" saad nito saka kami nagtawanan.

"Totoo yan mana siya sa akin right?" sabat naman ni tita.

"Naku po masyado niyong pinalalaki ulo ko. by the way, maupo po tayong lahat" sabi ko.

"So, what should we do now? are we going to fight the fierros company?"

"No" maikli kong tugon at nagtaka naman siya.

"But, why no? ...what are we going to do if not?" bumuntong hininga muna ako saka sinabi sa kanila yung plan.

"Yup, that's all. we had to assist them and sa itinakdang oras ng paniningil, mabibigla nalang sila hindi na kanila yung kumpanya. we will make friends with them and that's the plan" sabi ko sa kanila saka sila nabigla at kalaunay nagsipag ngitian sa idea ko.

Matapos ang aming pag uusap bumaba na kami sa 2nd floor ng restaurant at nahinto ako ng bigla akong hinawakan sa braso ni tita.

"Gwen, what is this all about? hindi ito yung plano right?"

"Nakapag pasya ma ho ako, kailangan na nilang makita itong mukhang kinatatakutan nila. as for my name, gagamitin ko ho yung pangalan ng iyong namayap*ng anak."

Tila kumalma naman siya sa ganon dahil kung mismomg Gwen Hernandez ang aking pangalan na gagamitin madali na nila akong makikilala.

Siguro nga tama si tita na hindi pa ito ang tamang panahon para ipakilala ko sa kanila na ako ang babaeng inakusahan nila 6 na taon na nakararaan.

About naman kay ford, kahit pang inamin ko sa kaniya na ako si gwen na dati niyang asawa naniniwala parin akong hinding hindi niya ako ipagkakanulo lalo't nakakaramdam at tiyak na siyang inosente ako.

At yun ang gagamitin kong pagkakaton para gamitin siya. siya ang magiging daan sa pag abot ng aming minimithi at sa kanilang nalalapit na pagkabagsak.

1 new message from cally

"Natagpuan ko na yung anak ni mr. David" tinawagan ko kaagad siya dahil nagtataka ako bakit ang anak lamang niya ito.

"Asan si mang Luigi?" tanong ko habang si tita sinasabing pumasok ako sa loob ng kotse.

"Kakausapin palang namin siya ma'am. ngunit, parang imposible dahil parang nakakahata siyang sinusundan namin siya at sa hindi kalahuan sa amin may ilan ding lalaki na nakasunod sa kaniya"

"Ganon ba? ...kung ganon nais kong protektahan niyo siya sa abot ng inyong makakaya. at kapag nasa costodiya niyo na siya agad kayong tumawag sakin o magbigay ng mensahe para agad kaming makapunta diyan. Maliwanag?"

"Sige po ma'am makaka asa kayo" pinutol na namin ang aming pag uusap at para akong nabunutan ng tinik sa dibdib.

Sana makipagtulungan na siya this time sa amin.

Mang Luigi ano ba talaga dahilan bakit kayo bumaliktad?

Bakit ko nga pala kailangan itanong dahil iisa lang naman ang kasagutan walang iba kundi ang pananakot sa kaniya.

Nakauwi na kami ni tita at sobrang pagod na pagod ako.sa labis na pangungulila ko sa aking mga magulang binuksan ko yung box na kinuha ko sa amin noong bumalik ako.

Tanging heto nalang kasi yung natira at kalakip nito ay ang mga masasaya naming larawan.

Ma ...

Pa ...

Hundi ko ho alam kung natutuwa kayo sa ginagawa ko nagyon. hindi ko alam kung dapat ko pa bang ipagpatuloy ito.

Alam ko na iisa lang magiging kasagutan niyo ma, pa ...

Siguro kung nandito lang kayo sasabihin niyo sa akin na huwag akong maghihiganti dahil masama yun.

Pero, ma ...pa ...lahit naiisin ko man na yun ang gawin ko hindi ko parin magawa dahil sa tuwing naiisip ko kayo hindi ko maatim na magwalang kibo nalang ako habang yung mga taong involved dito masaya.

[Wiping Her Tears Habang Tinitignan Mga Larawan]

S-sorry ma ...pa ...sorry kung wala man akong nagawa nung panahong kailangan niyo ang isang tulad ko.

Habang umiiyak ako sa pagtingin sa mga luma naming larawan biglang nahulog ang isa sa mga itinago ko noon na kasama si patricia.

Sa oras ding yun bumalik muli sa alaala ko yung araw na pinagtangkaan akong patay*n ng mga lalaking naka itimna kasuotan.

FLASHBACK

"T-teka ...san niyo ako dadalhin? ...a-ano gagawin niyo?" natatakot kong sabi habang nagmamaka awa sa kanila.

"Lagyan niyo ng busal ang kaniyang bibig para di makapag ingay" sabi naman ng pamikyar na boses at yun yung babaeng kausap ng mga binayaran niya.

"Tumigil ka! ...napaka ingay mo!" naramdaman ko yung malakas na sunt*k sa aking gitnang tiyan at sa oras na yun para akong mawawalan ng hininga sa sobrang sakit.

"Uhh ...uh" paghabol ko sa aking hininga.

"Mga walang hiy* oo! Anong ginawa niyo?!" at doon nakita ko yung mukha nung babae at hindi ako makapaniwalang si patricia.

"P-pat?" nanghihina kong sabi habang namimilipit sa sakit.

"Gwen sana kase nanahimik kana lang para hindi na umabot pa sa ganito! nagyon, heto ka at ... sorry gwen ngunit kailangan mong mawala para matapos na itong paghihirap namin. ngayon, alam mo na rin na kasabwat ako dito mas lalong hindi kana dapat pang mabuhay"

Habang sinasabi ni patricia yung mga salitang yun hindi ako makapaniwala na sa kaniyang bibig mismo nanggagaling lahat ng yun.

Sobrang sakit at hirap lang na tanggapin na bakit siya pa?

"Pat ...bakit mo ba ito ginawa? ...nagkasala ba ako sayo?" doon na muling bumagsak ang aking mga luha.

"Hindi mo alam? ...gwen! ng dahil sayo nawalan ako ng pangarap! nagbago ka simula nung naging asawa mo si ford! ni hindi muna ako binibigyan ng oras dahil sa pagiging makasarili mo at pagpapakasarap mo!"

Malakas na sabi nito sa akin habang naiiyak na din siya. hindi ko kase alam na ganon na pala nararamdaman niya.

"H-hindi mo alam kung anong hirap napagdaanan ko sa kamay ng ina ni ford pat...hindi mo alam kung gaano ko katagal tiniis ng hirap at sakit pati yung pangungulila ko.

Kaya huwag mong sabihin sakin na nagpakasarap ako sa buhay na kabaligtaran naman ng sinasabi mo. pero, sa isang banda naman, naging masaya naman ako sa piling ni ford dahil mahal namin ang isa't isa kahit sa kabila pa non ay ang kagustuhan ng kaniyang ina na mawala ako sa landas nila.

"Huli na para sabihin pa yan gwen! hunding hundi na mababago ang isip ko. kailangan mong mawala para sa kapakanan namin!"

Bago pa man ito tumalikod tinano g ko siya kung sino nasa likod ng lahat ng ito.

"Sabagay, mawawala ka naman din sa mundong ito kaya sasabihin ko sayo kung sino mga nasa likod nito"

"S-sino?"

"Ang iyong mother in law at si sophia" hindi na ako nagulat pa dahil matagal ko ng alam at sinisigurado ko lang.

"T*nga ka ba bakit mo sinabi sa kamiya?!" narinig kong sabi ng isa sa mga lalaki.

"Mamamat*y din naman siya bakit ko pa itatago sa kaniya?!" rinig ko ding sabi ni patricia.

"H-hindi ba kayo natatakot sa karm*? ...ikaw pat, kaibigan at itinuri pa man di kita na sarili kong kapatid tapos ganito lang gagawin mo sakin dahil lang sa napakababaw mong rason!" sigaw ko sa kaniya habang pinipigilan parin yung sakit.

"Mababang rason? ...ayos ka lang ba huh?!" nakasabumot siya sakin habang nakasakm*l naman ang bibig ko.

"Tama ma yan papagurim mo naman ng husto yung magandang babae! kami dapat pumagod diyan!" binutawan na ako ni patricia saka lumabas.

"A-nong gagawin niyo? ...pat-t ...pat tulungan mo ako-o" naiiyak kong sigaw habang tinatawag siya.

"Wag kang malikot!" sa puntong yun nakaipon ako ngnlakas para sipain siya at swerte naman ako dahil di naman nakatali ang aking mga paa kaya naman nakatakbo ako.

"Habulin niyo siya mga ta-t*nga t*nga!" utos ni patricia habang ako patuloy sa pagtakbo at iniilagan ang put*k ng baril.

Humihingi ako ng tulong kahit pa alam kong walang makaririnig sa akin. ngunit nagbabakasakali akong meron kahit napaka imposible.

Liblib kase ito at malapit din kami sa may bangin at sa palibot nito ay ang malawak na ilog.

"Wala kang matatakbuhan!" natamaan ako nung mga oras na yun at tuluyan akong inanod ng malakas na agos ng tubig.

Apat na tama ang aking tinamo at hinang hina ako habamg tinatangay ng malakas na agos ng ilog.

Hindi ko na alam pa mga sumunod na pangyayari at pumikit na lamang ako at nawalan na ng malay habang umaagos agos.

"Iha?"

Nagising na lamang ako nung sandaling may tumatawag sa akin. nagulat ako at tila wala na ako sa ilog.

"S-sino ka? ...kasamahan ka din ba nila?!" natatakot kong sabi habang pilit niya akong pinakakalma.

"Don't worry iha, hindi ako masamang tao. I saw you there and naawa ako sayo kaya naman idinala kita rito" lumapit siya sa akin at akma niya akong hahawakan ng sumigaw ako dahil sa tinding trauma at takot.

"Maawa na ho kayo ...m-maawa na ho kayo wag niyo akong papat*yin-n" sa oras na yun bigla niya akong niyakap at naramdaman ko yung totoong kalooban niya.

Iyak lamang ako ng iyak habang kinukwento sa kaniya lahat ng pasakit na dinanas ko. binigyan naman niya ako ng panahon para makapag isip at pahinga.

At siya si tita Violet Silvestre ang may ari ng napakalaking mansyon na ito.

End Of Flashback

Pinunasan ko ang aking mga luha saka ko pinunit ang noo'y masaya naming larawan ni patricia.

Mula ngayon, wala na akong kilalang patricia na tr*ydor at walang konsensyang kaibigan.

Nasabi ko sa aking isipan saka itinapon sa basurahan yung mga punit punit na larawan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status