Share

Chapter 4

"Krizia ...iha nandito na si cally" narinig kong sabi ni tiga violet habang nagbibihis ako.

Anyway, krizia ang pangalan ko simula nung kupkupin ako ni tita viloet. ito kase ang pangalan ng kaniyang namatay na anak. hindi ko na tinanong pa kung ano ikinamatay dahil ayoko maman mangulila ulit si tita.

Bumaba na ako saka na umupo sa sofa at pinakikinggan bawat detalyeng nakalap ni cally na isa sa mga masisipag at mapagkakatiwalaan na body guard ni tita mula pa noon.

"Ma'am hindi na ako nakatawag or messgae pa sa inyo at personal na akong tumungo rito upang ibalita sa inyo na nasa kamay na namin yung anak nung taong pinapahananp niyo"

Natuwa ako sa balitang yun kaya hindi na ako nakapag antay pa na puntahan kaagad yung kinaroroonan niya.

Ayon pa sa mga sinabi ni kuya cally, nahuli nila yung dalawamg umaaligid kay tanya [anak ni mang luigi]

Ngunit ang isa nakatakas at hindi na nila natunton. Gayon pa man, at least, nasa amin na si tanya at hindi naako makapag hintay pa na makausap siya at itanong kung nasaan na ba ang kaniyang ama.

Mahigit dalawang oras na kaming bumabiyahe at dinadalaw na ako ng antok. ngunit, dahil may maganda kaming balita isinantabi ko muna ito at nilibang ang aking sarili na tumingin tingin sa buong kapaligiran.

"Iha, anong binabalak mo sa ebid3nsyang makakalap mo sakali man?" seryosong tanong ni tita.

"Ti-"

"From now on ...you can call me mom or whatsoever. kailangan sanayin mo na yung sarili mo habang hindi mo pa nilalantad ang buo at totoo mong pagkatao sa lahat"

"Sorry m-mama"

"It's ok"

Nakangiting tugon nito habang hawak hawak ang aking mga kamay sa kalagitnaan ng aming biyahe papunta sa hideout ng aming team.

"Sa totoo lamg ma, naisin ko man maging masaya dahil finally makakamit ko na yung inaasam kong hustisya hinfi lang para sa akin kundi maging sa mga taong na involved lahat dito especially, mga magulang ko. Pero, hindi ko pa rin po kayang maging masaya"

Naramdaman ko yung oncerned ni tita violet sa akin nung sandaling haplosin nito mga kamay ko at pinunasan ang mga nangingilid kong luha.

"It's okay iha ... just let it be ...hayaan mo lang ilabas lahat and and everything's gonna be alright" yumakap ako sa kaniya upang maramdaman muli ang yakap ng isang ina na sobrang mis na mis ko.

"Thank you for everything mama" wiping her tears and smile.

"You're welcome" while smiling too.

"Ah ...madam malapit na ho tayo" ipinarada na ni kuya cally ang sinasakyan namin habang ako inaayos ang aking buhok.

Pumasok kami and siyempre, sobrang tahimik ng kapaligiran and hindi sa kalayuan nakita ko si tanya and sobra siyang nagulat nung makita niya ako.

"A-ate g-Gwen ...ikaw ba yan?" hindi niya makapaniwlaang reaksyon nung sandalinh makita niya ako.

"Tanya ...kamusta ka na?" bigla siyang yumakap sa akin habang umiiyak ito.

"Akala namin pat*y ka na ...inakala ni papa na tuluyan ka ng namaalam sa mundong ito" wala paring tigil niyang pagsusumamo.

"Nasaan na ba si mang luigi?"

Umupo kami saglit saka ko pinunasan mga luha niya. medyo natagalan siya nung kaagad kong binanggit pangalan ng kaniyang ama.

"Alam mo ba ate, nung nabalitaan naming namat*y ka sa kulung*n sobrang nalungkot si papa at sa panahong din yun wala pa kaming kaalam alam na may itinatago si papa at yun yung tungkol sa pagkamat*y ni sir Gilbert"

"So, inamin ni mang lui na wala akong kasalanan?" tumango ito habang hinahaplos ang aking mga kamay.

"Umamin nung panahong yun si papa kay mama at aksident*ng narinig ko naman yun lahat lahat kaya wala na din nagawa pa si papa kundi ilathala na din sa amin buong naganap" habang kinukwento ni tanya lahat para bang sasabog na aking dibdib sa kaba at galit na nararamdaman ko kay sophia at mga taong involved rito.

"Nga pala, nasaan si mang luigi at si aling vina?" muli siyang nanahimik at bakas sa mga mata niya ang labis na kalungkutan.

"Ayun nga ate ... isang araw mula nung malaman namin na namat*y ka. dahil sa labis na guilty ni papa at sa kaniyang pagiging duw*g tulad ng kaniyang sinabi. sa panahong din yun nagpaalam siya na aamin na siya at ipapawalang sala ka kahit pa na alam naman namin na huli na para sa iyo dahil nga sa inakala naming namat*y ka. ate ...maniwala ka, hind ginusto ni papa na mangayri yun sayo" tuloy tuloy niyang sabi.

"Alam ko ...alam ko" nagsipag bagsakan na noo'y mga luha namin habang inilalathala niya lahat.

"Nung oras na nagpaalam si papa, yun na rin mismo ang huling kita namin sa kaniya. wala na kaming balita at sa duda namin ng aking mama na kagagawan yun ni sophia at yung kaibigan mong si patricia" naramdaman ni tita violet ang gigil ko kaya naman hinaplos niya ang aking likod.

"You mean, simula non naglaho na rin na parang bula si mang lui?" tumango siya habang pinupunasan mga luha niya.

"Pero, hindi naman doon natatapos ang lahat kase baho pa man siya umalis. pinakiusapan niya ako na kung hindi man siya makabalik ng buhay inabilin niya sa akin ang isang ebidensya na magpapatunay na wala kang sala" bigla akong kinilabutan sa mga narinig ko hindi ko lubos maisip na maging si mang lui malagim din ang sinapit.

May kinuha siyang bagay sa kaniyang bitbit na bag at doon daw nakapaloob ang ebidensya o totoong video na kuha ni mang luigi panahong nagkita kami ng dad ni ford sa hindi ko malamang kadahilanan.

Marahil isa iyon sa planong pinaghandaan nila upang pabagsakin ako at para masira ang aking pagkatao.

In open namin yung file and malinaw na malinaw sa video na nakatayo ako kaharap ang dad ni ford habang maayos kaming nag uusap.

Sa isang video naman makikita ang isang babae na unti unting pinapakilala ang mukha at walang iba kundi si patricia.

Si patricia na noo'y nakatayo sa harapan ni tito habang ako nakahilata na at walang malay. kita din sa mga damit na suot niya ay kahalintulad ng akin at lubhang pinag aralan pa ang aking kilos at pananamit upang magmukhang ako talaga.

Ngunit sa ilang taon na lumipas tanging putol or cutted vidoe lamang ang inilabas nila na nagmistulang ako ang salarin.

Buong buhay ko nagtiis ako sa kulung*n at pinagbayaran ang salang hindi ko ginawa habang sila nagpapakasaya.

Pinunasan ko mga luha ko habang patuloy naman humihingi ng kapatawaran si tanya and in behalf din daw sa kasalanan ng kaniyang ama.

"Huwag kang mag alala tanya, hindi ako galit sa iyo maging kay mang luigi na biktima din dito. alam ko mabuting tao siya at tinakot lamang para protektahan niya kayong mga mahal niya"

Mahigpit na yakap at maraming luha ang aming pinakawalan sa oras na yun. kinamusta ko na rin ang kaniyang ina na iniwan niya daw sa isang ligtas na lugar kaya naman pinuntahan manin yun at balak namin kupkupin sila.

Sa wakas nasa akin na din ang matagal ko ng hinahanap at pinapanalangin na sana makamit ko ang hustisyang dapat noon ko pa man nakamit.

Sisiguraduhin kong magbabayad lahat sila dito lalong lalo na si sophia na may pakana ng lahat lahat.

Tignan ko lang kung anong pwedeng gawin ni tita na sobra siyang tinatangi sa mga kawalanghiya*ng ginawa niya sa pinakamamahal niyang asawa.

Humanda kayo sa paghihiganti ng isang Gwen Hernandez sa katauhan ni Krizia Silvestre!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status