Share

22

Isang buwan.

Naghintay ako ng isang buwan na bumalik si Winter ngunit hangang ngayon ay wala parin.

Nakahanap ako ng maayos ayos na trabaho na nirecommend sa akin ni ate arlyn. Sa kagustuhan kong makalimot kahit konti at may mapagtuunan ng pansin, ay tinanggap ko agad ang recommendation ni ate arlyn.

Isa iyong maliit na kainan, parang mini-restaurant, na nasaktuhang naghahanap ng bagong waitress kaya agad akong nagapply at laking pasalamat ko nang agad nila akong tinanggap.

Sa loob ng isang buwan, hindi nawala sa isip ko si Zach. He's always been in mu dreams, my mind and my heart.

Nakakapanghina sa t'wing maaalala ko siya. His face, his eyes, his presence, his voice and his touch. Lahat ng tungkol sa kaniya ay hinahanap hanap ko.

Ngayong naaalala ko nanaman siya ay ramdam ko nanaman ang pangingilid ng mga luha ko.

I love him.

Hindi ko alam na darating pala ang panahon na magmamahal at magmamahal ako kahit gaano ko kaayaw ang bagay na 'yon.

"Wine sa table 6," agad akong nabalik
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status