Share

Kabanata 3

Madaling araw na ng makauwi ako galing sa café. Agad akong bumagsak sa kama dahil sa pagod at antok, nakadagdag pa roon ang pag-uusap namin ni Selene.

Ilang parte pa ba ng pamilya nila ang kakausap sa 'kin? Hindi ba nila maintindihan na ayoko? It won't change the fact that I don't want him.

But you know that you'll need him.

My subconscious mind said.

Inis kong ginulo ang buhok ko at tinakluban ng unan ang mukha ko.

They can't just manipulate my mind just because of it.

If I must suffer, then bring it. I'll endure it without their help! Paninindigan ko 'to, I'd been in hell. Bakit pa ako matatakot at uurong na harapin muli ang impyerno?

I woke up in the morning to bad weather. Sobrang lakas ng ulan at sunod-sunod ang pagkulog at pagkidlat. Halos dinig na dinig ang paghampas ng sanga sa glass window dahil sa lakas ng hangin.

Agad akong bumaba at inayos ang sara ng mga bintana. Saka bumalik sa taas at naligo saka nagbihis at bumaba ulit para magkape.

I browse on f******k for an update, may bagyo pala at signal number 2 na sa lugar na ito kaya sinuspende na ang klase sa lahat ng antas.

Tss! bakit ba pati panahon ay sumabay pa. While drinking coffee in my favorite cup, I heard a couple of knocks in my door.

Kunot-noong napatigil ako sa paghigop at pinakiramdaman ang pagkakatok ng kung sino sa labas.

I can't sense danger, so I know it's not someone who can harm me, not even that Sage frost.

Marahan akong naglakad patungo sa pinto at binuksan iyon.

Bumulaga sa 'kin ang nanginginig at basang basang si Katelyn.

"What are you doing here? In the middle of the storm? Are you insane?"

"R-reign c-can I sleep here? Just f-for now, p-please? "

"Sorry, hindi ako nagpapatulog ng iba rito bukod sa sarili ko, makakaalis ka na," Akmang sasaraduhan ko ang pinto nang agad siyang humawak sa kamay ko na kinagulat ko.

"W-wait! p-please... w-wala na talaga a-akong matakbuhan...p-pinalayas ako s-samin...please Reign nagmamakaawa a-ako..." Sa mga sandaling 'yon, I remembered myself to her, she reminds me of my old self. Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya, at bahagya kong nilugawan ang pagkakabukas ng pinto.

"Pasok." Her eyes widened, as she made her way inside my house.

Yakap yakap niya ang sarili niya at tumayo lamang sa tapat ng couch.

I can see her body trembling maging ang mga labi niya ay nangangatal na.

"Wait here." Pagkasabi no'n ay tinalikuran ko na siya at umakyat sa kwarto ko saka kumuha ng towel at damit ko saka bumalik sa baba, nanatili siyang nakatayo doon.

"Here use this, magpalit ka, may Cr do'n sa may kitchen you can use it may mga gamit naman do'n." Turo ko sa isang pinto sa may kusina

Agad niyang inabot yun at bahagyang yumuko sa 'kin.

"T-thank you, Reign." Hindi na ako umimik pa at tinalikuran siya, aakyat na sana ako ng bumalik ang tingin ko sa kaniya na papasok na sa cr. Napabuga ako ng hangin at naglakad pababa ng hagdan ng patalikod saka dumeretso sa kusina, nagluto ako ng piritong hotdog at tocino saka sinangag na kanin at nagtimpla na rin ng kape, saktong naghahayin ako ng lumabas siya sa Cr at napatingin sa 'kin.

"Kumain ka." Halatang nagulat siya sa alok ko. Agad siyang lumapit at naupo, nanatili akong nakatayo at kinuha ang kape kong hindi ko naubos ng biglaan siyang kumatok kanina. Hinawakan niya ang kamay ko na kinahigpit ng hawak ko sa tasa na hawak ng isang kamay ko.

"Salamat. Salamat talaga, Reign. " Agad kong binawi ang kamay ko sa kaniya.

"S-sorry, I forgot," malungkot na paumanhin niya.

"It's okay, you can thank me without touching me." Napatungo naman siya.

"I just find it uncomfortable... Hindi ako sanay." At bakit ba ako nageexplain? Tss.

"I understand."

Pinatapos ko muna siyang kumain, naupo ako sa couch sa salas at nagbasa ng mga magazines. Mayamaya lang ay lumabas na siya at lumapit sa 'kin, I motioned her to sit in the single sofa beside the sofa where I am sitting. Pagkaupo niya ay agad kong binaba ang binabasa ko at seryosong tinitigan siya.

"So tell me, what happened?"

"Pinalayas ako sa amin."

"And why did they do that?"

"You know, Reign. I am not the favorite. I am just a nobody in the family, the invisible, the infamous daughter. Hindi nga nila ako ipinapakilala every time na may party kaming dadaluhan, no one knows me as a part of that perfect family. I am just this girl who's carrying their surname. I am just Ashley, and there is nothing more special about that surname. My sister, who's the most lovable according to dad, the favorite one, told dad lies that made him furious and sent me out of the house in the middle of a storm. I don't know where to go. I don't have real friends, dahil alam nila ang estado ko sa pamilyang Ashley. Walang tumatanggap sa 'kin, wala akong matakbuhan kaya dinala ako rito ng mga paa ko, kasi alam kong sa mga oras na ito, ikaw na lang ang natitirang chance ko para maka-survive sa araw na ito. I am sorry, wala lang talaga akong mapuntahan. Wala akong ibang dala kung hindi ang sarili ko at limang daang piso."

"Anong plano mo pagkalipas ng bagyo?"

"Maghahanap ako ng mauupahan na dorm, saka ng trabaho. Baka huminto muna ako sa pag-aaral. My family won't support me, and I know that. Alam kong puputulin nila ang connection ko sa kanila maging ang mga account ko sa banko ay iko-close nila lalo na ang dad ko."

Inalis ko sa pagkakacross ang binti ko at humalukipkip saka sumandal sa sofa.

"What if I offer you a job as one of my waitresses in my cafe, with a satisfying salary, plus 5k if you did a great job." Agad namang naging interesado ang mukha niya.

"I'll let you stay here as long as you want too." Mas nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.

"S-sigurado ka? A-ano naman kapalit?"

"I want you to continue studying and be my personal assistant. You'll cook for me here, and you'll do my work in the cafe if I'm not around,"

"Sigurado ka bang 'yun lang ang gusto mong kapalit?" Tinaasan ko pa siya ng kilay at ngumisi na ikinakaba niya, base on her eyes.

"Of course not." I moved closer to her and whispered something that made her eyes widen in shock.

"I want you to know more about Crisanta Lois Muffin."

Mas lalo lamang akong napangisi at maya maya ay mas naging seryoso ako.

"Everything about her, every step, every action, I want you to note it and report it to me. Gusto kong alamin mo lahat-lahat pati ang mga baho niya, I want everything, walang labis walang kulang. I know you're good at investigating and observing. Maliit na bagay lamang ito sa 'yo. You'll be my eye on her."

"M-makakaasa ka."

"Good."

"May I know why?"

"Let's say, maraming utang ang babaeng 'yan sa 'kin na kailangan niyang pagbayaran. at may mga bagay rin na kinuha na kailangan kong bawiin." Pagkasabi ko noon ay agad na rin akong tumayo.

"May guest room ako sa tabi ng kwarto ko, you can use it from now on." Pahabol ko pa bago tuluyang umakyat sa kwarto ko at nagkulong.

I am not comfortable living with a human, but I have to do this.

I need her right now. She could help me with this. para mas maging madali dahil may ibang problema pa akong kakaharapin, mas malaking problema.

That Crisanta is just a past issue that I want to end, ang kinakaharap ko ay future at present na mas mahirap kumpara sa babaeng wala ng laban sa akin ngayon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status