Nagising ako na nasa tabi ni Steven. Nakayakap siya sa'kin at naka siksik ang ulo niya sa bandang dibdib ko.
Sinubukan kong kumilos pero mas humigpit lang ang yakap nito sa'kin. Naalala ko bigla si Agatha kaya agad kong hinanap ang gamit ko at nakitang nasa ibabaw ng table nakapatong ang cellphone ko.
Pinilit kong abutin ito at nang nakuha ko na ay binuksan ko agad ang message box. Nakita ko ang message ni Agatha kagabi. Tinanong ako kung nasaan ako but may reply na ito.
'I'm Steven. She's with me and she's safe' reply ni Steven sa kaibigan ko.
'Talaga ba? Sige ingatan mo ang kaibigan namin. Okay lang kahit hindi mo na iuwi yan. Ingat.' Reply ni Agatha.
Napasimangot ako sa nabasa. Parang pinamigay na 'ko ng kaibigan ko e. I'm so touched. Note the sarcasm please.
"Good
Hindi ko mapigilan ang galit ko. Gusto ko siyang tanungin pero nang makita siya kanina na namumutla at umiiyak, nataranta ako. I can't even find the right words to say, dammit! Only to find out na may anak siya. May anak siya at hindi ko alam. It hurts dahil pakiramdam ko nagsinungaling siya. Madami na siyang itinago sa'kin pati na ang pagkatao niya and now this? I felt betrayed. Gusto kong malaman pero hindi ko kayang pilitin siya kung hindi pa niya kayang sabihin lahat. Noon pa man, hindi ko alam kung may boyfriend siya o wala. Ang plano ko ay agawin siya sa nobyo niya kung meron man, pero yung sa part na may anak siya, ay hindi ko alam. Sino ang ama ng bata? Yung nobyo niya na hindi sinasabi sa'kin? Or sa ex niya? Bakit hindi niya sinabi sa'kin ang lahat na may anak siya? F*ck. Is it hard for her to tell me everything? Wala ba akong halaga sa kaniya? Wala lang ba sa kaniya ang lahat
Mainit ang ulo ni Steven sa buong Linggo. Ni hindi siya makausap ng mga empleyado sa opisina. Lahat ay napapagalitan niya dahil sa isang Linggo na nagdaan walang text o tawag galing kay Ria. "Bakit ganito to?" Tanong niya sa sekretarya niya na halos manginig sa takot. Mababa ang boses ng binata pero alam na nila na galit ito. "Sinong may gawa nito? Ano bang akala niyo sa trabaho na 'to? Laro lang?" Agad na tinapon ni Steven ang mga papeles sa basurahan. Umalis si Sora na sekretarya niya ng namumutla habang ang ama naman ni Steven na nakatingin sa anak ay napapa-iling na lang. Pumasok si Don Alvante sa opisina at binulungan ang assistant na iwanan muna siya sandali. "Dad," tumayo ang binata para salubungin ang ama. "What's the problem son?" Tanong nito sa anak. "Wala dad. I'm sorry for that. Madami lang talaga akong iniisip." Steven's father is understanding and a good listener. Dating namayagpa sa business industry bago ipasa kay Steven ang trono. He's respected by the big bosse
Papalapit ako nang papalapit sa address ng hospital at lalo ring lumalakas ang kabog ng puso ko. Sa hindi ko malaman na dahilan ay kinakabahan ako. Nang marating ko ang hospital, ay agad kong ipinarada ang sasakyan at dali-daling pumasok pero nakita ko sa may di kalayuan ang kapatid ko. "What is she doing here?" Di ko alam pero may nag udyok sa'kin na sundan siya. Sobrang coincidence na nandito rin siya samantalang wala naman kaming kamag-anak na dinala sa hospital. Huminto ako sandali at nagtago nang makita na huminto rin ito nang makasalubong ang babaeng nurse. Nasa may hindi ako kalayuan kaya rinig na rinig ko ang pinag - usapan nila. "Hannah, long time no see." Sabi ng nurse na nakangiti pa sa kapatid ko. "Hello Jessica. It's nice to see you." "What are you doing here?" Tanong ni Jessica kay Hannah. "Binibisita ko ang pamangkin ko." Sagot ng kapatid ko na ikinataka ko. Sinong pamangkin ang tinutukoy niya? Do we have another sibling na may anak na? "Pamangkin? Kay kanin
Gaya kahapon ay gabi na rin ako pumunta ng hospital. Nasa labas ako ng pintuan ng kwarto ni Hivo. Ang anak ko. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Iniisip ko kung galit ba siya sa'kin. Kung tatanggapin niya ba ako o ano. Marami akong pagkukulang sa kaniya. Ito na yata ang sitwasiyon kung saan doble-doble ang kaba na nararamdaman ko. Napatingin ako sa relos ko at alas onse na ng gabi. Hindi ko kayang pumunta dito ng maaga. Wala akong mukha maihaharap sa kanila ng mama niya. I’ve been an irresponsible father to him. Dahan-dahan akong pumasok at nadatnan ko si Ria na natutulog sa tabi ng bata na natutulog rin. Parang may humaplos na panghinayang at galit sa puso ko nang makita na ang mag-ina na hindi ko maalala. Nakaka frustrate yung part na kahit anong pilit mong alalahanin yung bagay e hindi mo magawa. Humakbang ako, at tumabi sa bata at pinagmamasdan ang mahimbing na tulog niya. Malaki na siya. I wonder pa
Hindi agad ako nakapag salita sa sinabi niya. Hindi ko mahanap yung tamang salita para sagutin siya. Papayag ba ako o hindi? Ano bang dapat kong gawin? Kita sa mga mata niya ang pag-aasam na sumagot ako ng ‘oo.’ Masasagot ko ba? Kung iisipin ay nasa kanila si Amanda nakatira. Hindi rin ako gusto ng ina niya. Hindi ko mapapantayan ang yaman na meron sila. Hindi kami bagay sa kaniya. "Pwedeng sa susunod na lang kita sagutin?" Kita ko ang pagkadismaya sa mga mata niya pero bilang ina, kailangan ko munang masigurado na magiging maayos ang kalagayan ng anak ko. "I'm sorry Steven," paghingi ko ng paumanhin. "It's okay babe," pinilit niyang ngumiti pero nagmumukha lang itong peke. Ayoko lang magpadalos-dalos dahil ayokong malagay sa kapahamakan ang anak ko. Nakatulog ako habang nasa tabi ko si Steven na binabantayan ang anak namin. Nagising lang ako dahil sa hagikgik ni Hivo.
"Mama, I'm excited," bulong ni Hivo sa'kin at mukhang narinig ni Steven dahil natawa ito habang nagmamaneho. "Are you happy son?" Tanong ni Steven sa anak. "Opo papa," at agad itong tumingin sa labas ng bintana at tinatanaw ang mga bahay na nadadaanan namin sa kalsada. It's been a week ng makalabas si Hivo sa hospital. Papunta kami ngayon ni Steven sa condo niya. Doon na muna kami titira. Mas gusto ko dun kesa sa bahay kung nasa'n si Amanda. I’m sure, kung doon kami, it will be a chaos. Napatingin ako kay Steven ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. "What are you thinking babe?" Tanong niya. "Amanda," ikiling sagot ko. "What about her?" Kunot noong tanong niya pabalik. I've been thinking kasi na oras na malaman niya na may anak si Steven sa'kin, baka sugurin niya kami ng anak ko a
"Saan ka pupunta? Sama na kami." Napairap ako dahil ilang beses na niyang sinabi ito. "Yes mama. Sama kami ni papa." Isa pa ‘to. Mag ama nga sila. "Hindi pwede anak. Ma bo-bored lang kayo ni papa.” Sabi ko dito. Humaba ang nguso niya kaya napabuntong hininga ako. “May bibilhan lang si mama sandali. Mauna na kayo sa sasakyan. Ayos lang ba yun sa’yo anak?" Tumingin si Hivo sa papa niya bago ako tignan muli. "Masa-sad po si papa, mama." Saglit kong pinagdilatan ng mata si Steven saka tinignan muli ang anak namin na mukhang kampi na lagi sa papa niya. Nakakatampo na minsan. "Naku! Hindi sad si papa anak. Naiintindihan kasi ni papa e. Diba papa?" Tumingin ako kay Steven at ngumiti. Ngiti na alam na niyang pag humindi siya ay malalagot siya sa'kin. Nakita ko ang paglunok nito nang ilang beses saka sumagot. "Y-Yes b-babe," o nautal pa siya. "See anak? Naiintindihan ni papa di ba kaya mauna na kayo sa sasakyan. Promise susunod si m
Hindi nakatawag si Steven ngayong gabi dahil nakalimutan niyang dalhin ang cellphone niya. Hindi ko rin alam kung anong mangyayari. Aaminin kong natatakot rin ako. Alam ko kasing hind imaging madali sa’min ang lahat ngayon. "Mama,si papa?" Napatingin ako sa orasan at dis oras na ng gabi. Hindi ko alam kung makakauwi pa ba si Steven ngayon. "Nasa work pa niya anak. Tulog ka na ulit, gigisingin ka namin pag-uwi ni papa." Nakangiting sabi ko. Naghikab siya at natulog rin agad. Pinilit kong makatulog pero hindi ko maipikit ang mga mata ko. Tumayo ako ulit para kumuha ng tubig. Nagulat ako ng maabutan si Steven sa sofa na nakaupo at malalim ang iniisip. Sa lalim ng iniisip niya, hindi niya napansin na lumabas ako ng kwarto. Hindi ko alam kung kanina pa kaya siya diyan at nakatunganga lang. "Babe," tawag ko. Nagulat siya sa presensya ko at nang makabawi ay agad