Share

Chapter 4

Author: MeteorComets
last update Last Updated: 2021-11-30 15:41:36

Kinagabihan ay nasa mansion pa rin ako at nakatuon ang attention sa amo na kung makatingin sa akin ay tila ba isa akong pagkain na minsan lang maihain sa hapag-kainan.

Hindi ko nalang ito pinansin at nagpatuloy sa pagpunas ng mga mamahaling kagamitan niya sa bahay. Hinuha ko ay sobrang mahal ng mga ito kaya nakakatakot pag mabasag ko ito.

Sumulyap ulit ako kay Steven at agad ring nag-iwas nang makitang taimtim pa rin itong nakatingin sa'kin habang may baso ng alak na hawak sa kaliwang kamay.

'Gosh! Ano ba namang lalaking to' nasabi ko sa sarili ko.

Agad kong tinapos ang ginagawa ko at umalis sa harapan niya. Past 8 na ng gabi so matutulog na ko dahil tatawagan ko pa ang anak ko na tatlong araw ko nang hindi nakikita.

Nakatuwad ako dahil pinapasok ko sa loob ang mga gamit panglinis pero dahil sa maraming nakalagay doon ay nahihirapan ako.

"Ang sikip" hinang sambit ko dahil masikip talaga ang lagayan sa loob. Hindi ko maipasok nang maayos tong mga gamit.

Habang abala ako sa pag lagay ng mga gamit ay narinig ko'ng tumikhim si Steven sa likuran ko. Agad akong tumayo at namula ng napagtantong nadatnan niya kong nakatuwad dito.

"Anong ginagawa mo?" kunot noong tanong nito habang pinagpawisan. Huh? Ba't ganoon? Ayos naman ang aircon ah?

"Ano po sir. Binabalik ko po kasi tong mga gamit sa loob pero hindi ko magawa dahil ang sikip" nakayukong sabi ko.

"Masikip?" ulit na sabi niya mula sa sinabi ko.

"Opo. Ang sikip" inosenteng sagot ko.

Nakita ko ang pamumula ng leeg nito na siyang ikanalaki ng mga mata ko. 'Teka! Ano bang pinag-usapan namin?' agad nalang akong nahiya nang may mapagtanto na isang bagay.

Umupo si Steven para ayusin ang mga gamit sa loob sa maliit na aparador at nang matapos ay agad itong lumingon sa'kin.

"Nagkasya naman kahit na.." tumikhim muna siya sandali bago nagpatuloy "masikip" at bigla siyang umalis na para bang isa ako'ng babae na dapat layuan.

Agad akong nagtungo sa kwarto namin ni aleng Lourdes at pumasok sa banyo. Balak ko munang maligo saka ko tawagan ang anak ko.

Hindi naman ako gaya ng iba na matagal kung maligo. Agad rin naman akong natapos at nagtapis lang ng tuwalya at lumabas ng banyo.

Agad akong napasigaw nang makita si Steven na nasa loob ng kuwarto at naka-upo sa kama na hinihigaan ko.

Nakita ko ang paghagod nang tingin nito sa akin mula pababa, paitaas at nang ma realize ang ginagawa ay nag-iwas ito nang tingin. Hindi rin ako makatingin sa kaniya at mahigpit ang paghawak ko sa tuwalya na para bang takot ako na malaglag ito.

"Ano/Ano" sabay na bigkas namin.

"Ano po.. Anong ginagawa niyo dito?" naguguluhang tanong ko sa kaniya.

"Ano.. kasi ano.. Gumising ka ng maaga bukas. Kailangan nating mag grocery. Wala ng laman ang ref" sabi niya at agad na umalis.

Naguguluhang sinundan ko ito nang tingin na puno nang pagtataka. Alam niyang pupunta talaga ako ng grocery store bukas so bakit kailangan niyang sabihin yun? And besides, anong natin? Sasama siya?

Hindi ko nalang siya pinansin at tinuyo ang buhok ko bago tinawagan si Hivo.

Kinaumagahan ay maaga akong gumising para magluto. Hindi ko rin alam kung bakit sa lahat ng araw na nandito ako sa bahay niya ay nandito rin siya.

Hindi ko rin naririnig na may tinatawagan siyang iba which is weird dahil mula nang mag-umpisa akong mag trabaho dito ay lagi itong wala sa bahay niya. Kung nandito man ay busy lagi sa cellphone niya at may kausap na iba. 

Sinusungitan rin ako noong una except for aleng Lourdes. Yung typical na amo na masungit at arogante, ay siyang maihahambing sa kaniya.

Hindi ko talaga alam kung bored lang ba siya at kinakausap ako na para bang hindi niya ko sinungitan noon.

So basically lagi akong nagluluto para sa kaniya dahil nga nandito lang naman siya sa bahay. Buti nalang marunong akong magluto. Mas kinikilig ako pag sinasabihan na masarap akong magluto kesa sa maganda ako.

"Anong niluluto mo?" nanigas ako sa kinatatayuan ko ng maramdaman si Steven na nasa likuran ko at nakadungaw sa hinahalo kong ulam.

Nasa balikat ko ang ulo niya at tumatama sa pisngi ko ang hininga niya. Naiilang ako sa ikinikilos niya. 

"Ano po sir.. yung ni request niyo po" sabi ko at umalis sa tabi niya at nagkunwaring lumapit sa malapit lang sa mesa para tignan ang mga naka ayos namang kagamitan.

Halatang napansin niya ang paggawa kong pag-iwas kaya kumunot ang noo nito na ikinakaba ko. Napatitig ako sa mukha niyang kunot ang noo at hindi ko maiwasang titigan siya sa mukha dahil nakikita ko si Hivo sa kaniya.

Ang itsura ng anak ko pag may hindi nagustuhan ay nakikita ko sa mukha ng ama niya. 'Sh*t! Magka mukha talaga' nasabi ko sa sarili ko.

"Bakit ka lumalayo? Mabaho ba ako?" maktol ni Steven na ngayon tinatapunan ako ng masamang tingin. 'Teka! Ba't parang galit siya?' nagtatakang tanong ko sa sarili ko.

"Po? Hindi naman po ako lumayo ah" pagsisinungaling ko at dahan-dahang humakbang papalapit sa kaniya. Kinuha ko ang sandok at hinalo ulit ang ulam na niluluto.

"Tss.. Para kang timang" sabi nito at agad na kinuha ang kamay ko at sinabayan ako sa paghalo ng pagkain.

Tahimik lang ako habang pinapakiramdaman siya at ganoon nalang ka lakas ang tibok ng puso ko nang maramdaman ang labi nito na nakadikit sa leeg ko.

"Sir.. ano pong ginagawa niyo?" napapikit ako ng lumapat sa balikat ko ang labi niya.

"Tinutulungan ka" sabi nito sa mababang boses habang ang labi ay hinahalikan ang leeg ko papuntang balikat.

Kaya habang kaya ko pa ay marahan akong lumayo ng konti sa kaniya at nagtatakang nakatingin sa mga mata niyang may pagnanasa na nakatingin sa'kin.

"Bakit na naman?" nakasimangot na ang mukha nito habang nakatingin sa'kin. Ang sarap kurutin lalo na't kinukurot ko ang pisngi ng anak ko pag nakitang naka-simangot ito.

Kung makita ito ng mga kaibigan ko, siguradong ganoon din ang sasabihin nila. Dahil hindi naman talaga maikakaila na magka mukha ang dalawa.

"Naiilang po kasi ako sir" sabi ko dito na totoo naman. Bumuntong hininga ito at umupo sa upuan na malapit sa mesa.

"Tinanggihan ako. Ako na gwapo, mayaman at gwapo ulit" rinig kong binubulong nito na dahilan kung bakit ako natawa nang bahagya.

"Maganda rin naman ako" wala sa sariling nasabi ko na siya'ng ikinalaki ng mga mata ko.

"Anong sabi mo? Maganda ka?" sabi niya na lumingon pa talaga sa gawi ko.

"Opo" sagot ko habang pinipigilan ang mangiti sa kakulitan niya.

"Maganda?" ulit nitong tanong habang sinusuri ang buong katawan ko. Nang mapadako ang paningin niya sa mukha ko ay nakita ko ang pag galaw ng adams apple nito tanda na lumunok ito.

"Hindi ba?" mahinhin kong tanong sa kaniya.

"Maganda" sabi nito at agad na umiwas nang tingin habang naka kamot sa batok niya. Nang makitang hindi na ito nakatingin ay marahan akong natawa na walang ingay saka inasikaso ang pagkain.

Kahit sa pagkain ay panay pa rin ang pag nakaw ng tingin sa'kin ni Steven at nagkunwari na lamang akong abala sa ginagawa.

Pumunta ako sa hardin nila at bininyagan ang mga bulaklak niya dito. For a man like him, nakakatakang may hardin siya sa bahay. Ang cute lang.

Masaya ako sa pagbibinyag nang bigla na naman siyang dumating dala ang kape na tinimpla ko sa kaniya kanina.

Madilim ang mukha nito na nakatingin sa akin. No'ng una ay nakatayo lang ito sa malayo kaya nagtataka ko siyang tinignan. Nagulat nalang ako na nag martsa siya palapit sa pwesto ko. Nilagay niya ang kapeng dala niya sa mesa bago lumapit sa'kin.

'Bakit parang galit siya? May nagawa ba kong hindi niya nagustuhan?' takang tanong ko sa sarili ko.

Agad niyang nilagay ang dalawa niyang kamay sa mga balikat ko at hinihingal na nakatayo sa harapan ko.

Nakayuko ito dahil sa mas matangkad ito sa'kin at madilim ang mata nito na parang hinuhukay ang kaluluwa ko sa pamamagitan ng bawat titig niya. 

"Are you seducing me?" agad na tanong niya nang makabawi na siya namang ikinagulat ko.

"Huh?.. me? seducing.... you?" hindi makapaniwalang tanong ko dito.

"Yeah.. What else? Halata naman na you were seducing me" sabi pa nito.

Gusto kong matawa pero baka mapikon lang siya. Kung namana ng anak namin ang ilan sa ugali niya, alam ko na ang reaction niya pag tinawanan ko siya.

"I'm sorry sir but no sir" magalang na sabi ko dito.

"Of course you are! Stop lying.. I know that you're seducing me" pinaggiitan talaga nito ang gusto niyang mangyari.

My God anak, namana mo nga sa ama mo ang ugali na yan. Siguro kung nasa iisang bahay kami, kasama ang anak namin, sasakit ang ulo ko. Wait- ano bang pinag-iisip ko. Erase that! 

"No sir. Hindi po talaga. If I'm seducing you then.." sinadya kong bitinan ang sasabihin ko at tumingkayad para maabot ng bibig ko ang tenga niya.

"N*******d na sana ako ngayon" sabi ko in my seductive tone but mali ata yung ginawa ko dahil ako yung biglang nag-init.

Pumula ang buong mukha niya at agad akong tinalikuran at pumasok ng bahay. Dahil sa ginawa niya ay hindi ko napigilang matawa. He's impossible.

'Mukhang mag e-enjoy si mama na asarin ang papa mo anak' bulong ko sa hangin habang nakatingin sa papalayong bulto ni Steven. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Adora Miano
Kilala na ni Steven,,Ang Ina ng anak nya Kya Pina leave yong Isang katulong upang masolo o yeah
goodnovel comment avatar
Joeffrey Alonzo Butana
hehehe,I smiling while I'm reading this
goodnovel comment avatar
Mae Sumarago
hahaha natawa ako ky Steven
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Lust Love    Last Part

    “Pa, namiss kita,” sabi ko habang nakatingin sa libingan nila ni mama. “Pasensya na po kayo kung ngayon lang ako nakadalaw sa inyo ah?” mahinahong sabi ko. “Sila po ba si lolo at lola, papa?” ang maliit at mahinhing boses ni Snow sa likuran. Lumingon ako sa kanila ni Yenro. “Hali ka anak, pakilala kita kay lolo at lola mo,” ang sabi ko. First ni Snow makasama sa amin dito sa puntod ni mama at papa. Hindi namin siya inaalis ni Yenro sa isla noon dahil hinuhuli pa nila ang mga iilang galamay ni Lia. Kung makalabas man siya ng isla, sobrang bantay sarado at limited lang ang mapupuntahan niya. Lumapit silang dalawa ng ama niya sa akin. Ngumiti ako kay Yenro at hinarap muli si mama at papa. “Ma, pa, this is my daughter and— “Her husband ma, pa,” pagtatapos ni Yenro sa sasabihin ko sana. Natatawa akong yumakap sa kaniya ng patagilid habang sa si Snow naman ay lumapit sa puntod ng lolo at lola niya. “If wala ka, baka kasama ko na sila ngayon.” Sabi ko. Dinungaw niya ako at bahagyan

  • The Lust Love    Chapter 44

    10 years later, Masaya na ako no'ng makasama ko ang anak ko at si Yenro ng payapa pero mas sumaya ako no'ng nahuli na si Lia sa pamamagitan ni Ria. Masiyadong maganda ang plot twist na hindi pala pangkaraniwang tao si Ria. Kaya ayun, nahuli si Lia at nasa kalalagyan niya ngayon na ni sinag ng araw ay hindi niya makikita. Masaya akong masaya na si Steven ngayon, at masaya ako sa piling ni Yenro. Masaya akong hindi lang kami ang narito sa isla kundi halos lahat ng mga magbabarkada. Dito na namin pinili manirahan sa Isla. "Ate," napatingin ako kay Hannah na ngayon ay, maayos na. Sa awa ng Diyos ay maayos na ang buhay niya. Minsan lang, napapangiwi ako sa ate niya pero sobrang saya ko na maayos na kami. No'ng may pinagdadaaanan siya, hindi ako nagdalawang isip na aalagaan siya. Ako ang naiiwan sa kaniya habang busy sila sa laban kay Lia. Tapos na ang paghihirap ko. Ngunit na ipasa sa kanila ang lahat ng sakit na dinanas ko. "Hindi pa nga pala ako nagpapasalamat," aniya habang sum

  • The Lust Love    Chapter 43

    “Kamusta naman ang buhay kasama ni Yenro mo?” tanong ni Chichi habang nilalantakan namin ang langka na natira mula sa kinuha ni Yenro kahapon. “Ayos lang naman,” sagot ko ng nakangiti. Masaya talaga ako at ang gaan gaan ng pakiamdam ko ngayon na kasama ko si Chichi. Masaya na ako na wala na akong iisipin pang Lia. Masaya rin ako na kasama ko si Yenro. At mas sumayo ako na kahit papaano, ang itinuring kong kapatid ay narito kasama ko. “Si Arman nga pala, kamusta na siya?” namiss ko rin kasi siya dahil medyo matagal na kaming hindi nagkikita. Isa din iyong kuya ko e. Kasal man kami, ang turingan namin sa isa’t-isa ay hindi lalagpas bilang isang kapatid. “Ayun, masaya sa boyfriend niya,” natatawang sabi niya. Alam kong masaya na siya sa kalagayan ni Arman ngayon. At matagal na rin namang pinag-isipan ni Arman na pumunta ng Thailand para sa jowa niya. “Kamusta nga pala ang buhay mo sa Thailand?” tanong ko kasi alam kong nasa Canada na ang buhay niya. Kung hindi dahil sa akin, baka nas

  • The Lust Love    Chapter 42

    "I'll give this p*ssy to you, 5 to 9, 9 to 5!" Napapikit ako at naririndi na dahil pang ilang ulit na iyang kinanta ni Yenro. Kanina pa ako nagising at nasa sala ako para mag unat unat. Pagka gising ko palang narinig ko ng kinakanta niya yan. At halos hindi ko na mabilang na sa loob ng 20 minutes, inulit ulit niyang kantahin yan. "Hindi ka ba talaga titigil? Pang ilang ulit mo ng kinanta yan?"Nakita ko ang paglingon niya sa akin at pagkagat niya sa pang ibabang labi niya para pigilan na huwag matawa sa mukha kong nakabusangot. Hubad baro siya ngayon at pakiramdam ko ay feel na feel talaga niya ang moment.Hindi ko alam kung ano pero may plano yata si Yenro na mag-apply bilang bouncer sa bar. Bakit ba siya nakahubad? Ano? Flex lang niya katawang lupa niya? "Good morning, baby. Bakit hindi ka nakangiti ngayon?"Pinandilatan ko siya ng mata. Hindi ko alam kung nanti-trip ba siya o seryoso. Mukha talaga siyang engot sa harapan ko ngayon at kita na ngang bad trip ako, mas babadtripin

  • The Lust Love    Chapter 41

    "Yenro," tawag ko sa kaniya."Love?" busy siya ngayon sa laptop niya. Feeling ko ay minomonitor niya ang drone na nakapalibot sa amin. Lumapit ako sa gawi niya at sinalubong naman niya ako ng haIik. Umupo ako sa tabi niya. Hirap na ako sa tiyan ko. Ang laki na e."Kamusta si Steven?" ang tanong ko."He's fine." Ang sagot niya. Tumingin ako sa mata niya na ayaw niyang iharap sa akin.Napabuntong hininga ako. Alam kong hindi. He must be suffering now. I know it kasi iyong ang nararamdaman ko. Hindi niya pa rin alam nasaan ang mag-ina niya ngayon and nakikiplastikan pa siya kay Lia na lantaran ng nagpapapansin sa kaniya. "Nakakaawa siya." Ang sabi ko.Kinuha niya ang ulo ko at isinandal sa kaniya. "He'll be fine. Ang mahalaga, dito ka lang sa bahay."Peke kaming ikinasal ni Steven para lang palabasin na kasal na siya sa akin at galitin si Lia. At ngayon nga, si Lia, ginagaya si Ria. Nakikipapel na siya sa buhay ni Steven. I know how hard it is for him dahil araw araw siyang nakikipag

  • The Lust Love    Chapter 40

    “Amanda, this is my mother, Sonya,” pagpapakilala ni Lia sa ina niya na siyang nag-alaga daw kay Ria. Ilang buwan ng nagta-trabaho si Ria kay Steven at wala na akong ibang ginawa kun’di ang maging kontrabida sa buhay niya. Lagi kong pinagpipilitan ang sarili ko sa buhay ni Steven kahit harap-harapan niya akong tinataboy. Kada pamam@ldita ko sa kanila, double din ang sakit na nararamdaman ko. Rinig na rinig ko kung paano gamitin ni Lia ang mga tao sa paligid niya makuha lang si Steven. Ganoon siya ka desperada. Kahit mama niya na gusto lang bumawi sa kaniya ay gagamitin niya. Umiiyak na ako sa kwarto dahil wala na akong mahahawakan pa. Nagkulong na ako dito ng ilang araw. Noong una, sabi ko bahala na pero hindi ko pala kaya madamay ang anak namin ni Yenro. Nalala ko sa resto, kita ko ang pagkamuhi sa mata ni Ria. Pero sobrang saya ko ng hindi niya hihiwalayan si Steven kahit pa mama na niya ang nagsabi na hiwalayan niya ito. Iniisip niya siguong ako ang anak ng mama niya. Hindi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status