Nilapitan din nina Marju at Kelvin si Timothy para kausapin ito. “Just don't blame yourself, bro. Sorry kung napag-taasan kita ng boses ko. I'm just worried sa nangyari kay Everest.” “Deserve ko naman na pagtaas mo nang boses mo Kelvin.”Sambit naman ni Timothy. Humingi rin ng tawad si Marju, kay Timothy pagkatapos ay sabay nilang niyakap ni Kelvin si Timothy na ngayon ay medyo kumalma na “Sorry din, Dude.” “Hindi mo kailangan mag sorry sa akin, Marju. Kung nagpunta lang sana ako kaagad sa parking lot, hindi sana aabot sa ganito.” Pagkatapos sabihin ‘yun ni Timothy, ay biglang bumukas ang pinto ng guest room at may lumabas na doctor at nurse. At sinabing pwede na raw naming makita sa loob si Everest. “How is she?”Kinakabahan na tanong ni Timothy sa kapatid nyang si Davion na isang doctor at ito na rin ang naging private doctor ng pamilya nila. “Ligtas na siya sa kapahamakan, okay narin ang sugat niya. Pero hindi ko alam kung kailan siya magigising.” Lumapit din si Ynna at
“Clarke, okay ka lang?”Nag-aalalang tanong ni Jax sakin. “May masakit ba sayo?”Sambit naman ni Lance, habang pinagmamasdan ang mga pasa ko sa katawan. “Ang sabi ng doctor minor injuries lang daw ang natamo mo. Sino ba ang mga taong nambugbug sayo Clarke?”Muling tanong ni Lance. Kita ko rin ang pag-aalala sa mga mata niya at sa mga mata rin ni Jax. “Hindi ko sila kilala Lance, Basta bigla na lang nila akong inabangan sa may parking lot ng bar. Tapos may mga dala pa silang baseball bat at mga pamalo na yari sa kahoy, kutsilyo. At ang Lider lang nila ang may hawak ng baril.”Pagsasalaysay ko sa mga nangyari. “Mabuti na lang may tumulong sakin at sumalo ng bala na tatama sana sa akin. Nandito ba siya?” Palinga-linga kong tanong kay Lance at Jax. “Kami lang ang kasama mo rito Clarke, nalaman lang din namin ni Lance, ang nangyari sayo dahil sa mensahe na natanggap ko sa isang unknown number.” Si Jax, nang ang sumagot pagkatapos ay naupo ito sa upuan na nasa gilid ko. Lumapit din
Everest pov. Nang makita ko nga na napapaligiran na si Clarke ng mga lalaking naka itim. Ay pasimple ko namang binuksan ang pinto ng aking sasakyan para lumabas ngunit ng nasa labas na ako ng sasakyan ay nakita ko namang sabay-sabay nanga nilang pinagtutulungan si Clarke at pinaghahampas ng mga hawak nilang baseball bat at ng ibat-ibang hawak pa nilang pamalo na yari sa kahoy at ang iba pa sa kanila ay may nakasukbit namang patalim sa tagiliran habang ang isang lalaki naman ay may hawak na baril at sa tingin ko'y siya ang leader nilang lahat at taga utos. Kaya naman ay sinukbit ko rin ang earphone sa tenga ko at kaagad na tinawagan si Timothy. Para sabihin sa kanya na wag na muna siyang pumunta rito sa parking lot at tatawagan ko na lang siya kapag pwede na siya pumunta dito. “Everest, malapit na ako dyan. Saan ka ba nagpark sa taas or sa baba?”Tanong ni Timothy, dalawang palapag kasi ang parking lot nila rito. “Sa baba ko pinark ang sasakyan ko Timothy. Um pwede bang mamaya kan
“I don't know them, Clarke. Pero nagpasalamat ako kasi kung hindi dahil sa taong ‘yun. Siguro wala na ako dito ngayon.”Sambit naman ni Ariella. I guess wala nga talagang alam si Ariella. Maybe I should try to ask Tito Fidel Esteban about them. Hindi kasi talaga maalis sa isip ko ang taong iyon at kung babae ba siya or lalaki. At kung babae man siya ay gusto ko sanang makilala siya para personal na magpasalamat sa kanya. Napaigting naman ako ng biglang tapikin ni Ariella ang balikat ko. “Clarke, okay ka lang bakit bigla ka na tahimik diyan?” Ariella, asked. Sina Jax at Lance naman ay natawa sa naging reaksyon ko. Kaya kaagad ko silang pinandilatan ng mga mata ko na ikinatakot naman nilang dalawa. “Wala. May naalala lang ako, Ariella.” “Kung hindi ang taong nag ligtas sa atin ang iniisip mo. I'm sure si Ev….”Takte! Mabuti na lang at mabilis kong natakpan ng mga kamay ko ang bibig ni Jax, dahil sa kadaldalan niya. Dahil kung hindi I'm sure makikilala ni Ariella, si Ever
Everest Pov Mabilis naman akong nakarating dito sa safe house nang mga Esteban. Agad ko ring pinindot ang doorbell sa labas ng gate. At agad din naman itong binuksan ng isa sa mga tauhan ni Mr. Esteban na nakasuot ng purong itim na tuxedo na tenirnohan naman nito ng kanyang suot na kulay itim na sunglasses, na agad naman niyang binaba hanggang sa kanyang bandang ilong para suriin ako. At ng makilala niya na ako ay sinuot niya naman itong muli at saka mabilis niya akong pinapasok sa loob. Nginitian ko naman siya pagkatapos ay bumaba na ako sa sasakyan ko para puntahan si Timothy, Dahil tiyak na sermon na naman ang aabutin ko kapag natagalan pa ako. Nilibot ko rin ang paningin ko sa buong lugar at talaga nga namang namangha ako dahil sa laki at ganda ng safe house ng mga Esteban. At talagang hindi rin ito basta-basta mapupuntahan ng mga taong may galit kay Mr Esteban dahil naka hidden ang location ng lugar na’to. At kahit eh google map ang lugar na ito, it's still useless d
Everest Pov Napabalikwas ako ng bangon sa kama ko ng marinig ko ang malakas na pagkatok ni Timothy, sa labas ng kwarto ko. Ano kayang trip ng Disney princess na’to? Halatang mamahalin pa naman ang mga furniture dito sa loob ng condo kung saan kami mamalagi ng ilang araw. Kung sa bagay sa sobrang yaman ba naman niya, I'm sure kayang-kaya niyang bilhin ang buong Diamond Condominium na’to. Kaya habang hindi niya pa nasisira ang pintuan nitong kwarto ko. Ay mabilis kuna itong binuksan at don nga ay tumambad si Disney princess sa harapan ko ay este, Si Timothy pala na nakapamewang habang nakasuot ng robe na kulay pink at may tuwalya pa nakapulupot sa ulo niya na kulay pink din. Nakita ko rin ang hawak-hawak nyang sniper box na may logo ko. “Here's your baby. Matagal kong inalagaan ‘yan. Kasi ang sabi mo sa akin kapag may kahit ni isang gas gas kang makita dyan ay talagang malilintikan ako sayo.”Natawa naman ako sa naging reaksyon ng mukha ni Timothy, habang sinasabi niya sa akin ‘ya