Third Person's Point of View
Nanatili ang ilang saglit na katamikan sa pagitan nina Kaizer at Elaine, walang nagnanais na maunang magsalita sa kanila dahil kapwa silang kinakabahan sa kung ano ang iisipin ng isa't isa.
Hanggang sa hindi na nakayanan ng binata ang katahimikan na bumabalot sa kanilang dalawa, kaya't bumuntonghininga siya upang makuha ang atensyon ni Elaine.
“Come on, Ely, we shouldn't waste our time here. I will bring you home, baka nag-aalala na sa 'yo si Louis,” usal ni Kaizer dahilan upang mas lalong makaramdam si Elaine ng kalungkutan sa nasaksihan niya.
Napakamot na lamang ng ulo si Elaine dahil ayaw niyang sumama kay Kaizer. Hindi niya kasi ninanais umuwi kaagad lalo na't nakita niya si Louis na may kasamang ibang babae.
“A...a-no kasi,” nauutal na sambit ni Elaine. Nais niyang ipaliwanag kung bakit ayaw niya pang umuwi, ngunit walang lumalabas na boses mula sa kanya.
“Let's enjoy here for a
Elaine's Point of ViewNagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mga talukap ko.“Good morning, Ma'am Elaine, nagdala ako ng hot coffee para mawala ang hangover mo,” usal ni Blaire habang dahan-dahang ibinababa ang isang tasa na may design na happy face sa side table.“Ano ka ba, Elaine na lamang ang itawag mo sa akin, at saka salamat pala rito sa dinala mong kape, ha,” nakangiti kong sagot at bumangon sa pagkakahiga. Medyo masakit pa ang ulo ko dahil sa sobrang dami kong nainom na wine.“Hindi kasi ako sanay na hindi ma'am at sir ang tawag sa mga pinagsisilbihan ko. Alam mo na, naging habit na rin,” pagpapaliwanag ni Blaire. Iniabot niya sa akin ang isang basang bimpo.Nang matapos ako magpunas ng mukha ay kinuha niya ang bimpo mula sa kanang kamay ko at saka itinuro ang kape. “Inumin mo na ito bago lumamig. Mukhang naparami ka ng nainom,” usal niya na ikinakamot ko na lang ng ulo dahil wala
Third Person's Point of ViewNang makalabas si Louis sa mansion ay agad siyang sumakay sa Honda Jazz na nakaparada sa kanyang garahe. Isa ito sa natanggap niyang regalo galing sa Tiyo Alexander niya noong siya ay naging ganap na 21 years old.Sa totoo lang, nais na itong itapon ni Louis dahil ilang taon na ang sasakyan. Halos nag-uumapaw na rin ang garahe niya dahil sa sobrang dami niyang sasakyan na natatanggap taon-taon. Ang iba ngang hindi niya tipo ang style ay pinapamigay na lamang niya sa mga pinsan niyang babae.Hindi lubos maisip ni Louis ang dahilan ng kanyang ama kung bakit kinakailangan niya pang pakasalan si Elaine, gayong apo ito ng mahigpit nilang kalaban sa organisasyon. Hindi lang iyon, kung proteksyon lang naman ang habol nito sa kanya, sana binigyan na lamang niya ito ng mga bodyguard.Nang makaupo siya sa driver's seat ay walang humpay niyang pinagsusuntok ang manibela dahil sa inis. Hindi niya lubos matanggap kung bakit sinusubukang ma
Third Person's Point of ViewNang makarating si Louis sa Mansion kung saan nakatira si Mariella ay kaagad siyang pinagbuksan ni Mang Kernel ng gate dahil hanggang ngayon ay natatandaan pa nito ang kanyang car plate number.“Long time no see, Sir Louis,” usal ni Mang Kernel habang sumasaludo pa ito kay Louis na ipinaparada ang sasakyan nang mabuti sa loob ng garahe.Isa kasi itong loyal na bodyguard ng pamilyang De Vera kahit noong magkasintahan pa silang dalawa ni Mariella. Kung kaya't halos lahat yata ng sasakyan niya ay tanda pa ng matandang guwardya.“Yeah, it's been a long time, Mr. Kernel,” sagot ni Louis at bumaba na sa kanyang sasakyan.Nang makapasok si Louis sa loob ng mansion ay una niyang napansin ang mga disensyo na wala pa ring pinagbago. Marahil ay hindi na masyadong nagde-decorate ng bahay ang dalaga dahil abala ito sa kanyang career.Napadako naman ang tingin ni Louis sa mga maid na nakayuko sa kanya s
Elaine's Point of ViewNagising ako dahil sa naririnig kong ingay sa loob ng silid.Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Ang unang bumungad sa akin ay ang nag-aalalang mukha ni Ama. Bigla itong napalitan ng ngiti habang niyapos niya ako ng yakap na ikinagulat ko.“I'm glad that you're awake, anak. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag pati ikaw ay nawala sa akin,” usal ni Ama. Ramdam ko ang sinseridad sa boses niya na ikinangiti ko.“I'm sorry, Itay. Hindi na kita pag-aalahanin nang gano'n,” sambit ko upang makalma siya kahit kaunti. Alam kong hindi mapapanatag ang kanyang loob habang hindi ko sinasabi na ayos lamang ako.“Dapat lang. Ang sabi ng doctor, dahil sa sobrang pagod kaya nahimatay ka. Huwag mong masyadong stress-in ang mga bagay,” payo ni Ama na ikinatango ko na lamang.Nang bumitiw si Ama sa pagkakayakap sa akin ay agad naman akong pinuntahan ni Mommy Hacel. Wala siyang tigil sa pag-iyak.
Elaine's Point of ViewHindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin habang hawak-hawak ni Kaizer ang kamay ko. Patungo na kami sa loob ng kanyang dalang sasakyan na nakaparada malapit sa gate nina Noah.“May ginawa ba sa 'yo ang mokong na 'yon? Sabihin mo lang habang narito pa tayo dahil babanatan ko talaga siya kahit nasa loob pa siya ng mansion na 'yan,” nag-aalalang wika ni Kaizer habang tinitingnan ang mga braso ko upang masigurado na wala akong anumang sugat o galos.Nang masigurado niyang wala ay nakahinga siya nang maluwag.“Huwag kang mag-aalala, kaibigan ko si Noah at mabuti siyang tao,” sambit ko at pilit na ngumiti sa kanya.“T...t-ungkol pala sa sinabi mo,” dugtong ko nang tumingin ako sa labas ng bintana para hindi niya makita ang namumulang pisngi ko.“Totoo ang sinabi ko, Ely. Gusto na talaga kita kahit noon pa,” sambit ni Kaizer. Hinawakan niya ang baba ko upang maiharap sa kan
Elaine's Point of ViewMaaga akong nagising dahil ngayong araw gaganapin ang competition na ihe-held sa St. Montesseri Gym.Kasalukuyan akong kumakain ng umagahan na niluto ni Blaire habang kasabay ko si Louis na abala sa pagbabasa ng diyaryo. Wala ni isa sa aming dalawa ang nais basagin ang katahimikan. Sabagay, ginagawa lang naman namin ang pagpapanggap na ito dahil malapit na ang kasal namin kung kaya't kailangang makumbinsi namin ang mga tao na masaya kami sa isa't isa.Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang biglang tumunog ang cellphone ko na ikinabaling ng tingin sa akin ni Louis.Noah is calling…Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin ang tawag dahil alam ko namang magagalit siya sa oras na marinig niyang kausap ko si Noah, pero baka importante ito kaya wala akong nagawa kundi pindutin na lamang ang accept.“Hello, Noah?” panimulang tanong ko habang kinakain ang meatball na nasa plato ko. Napakasarap talagang magluto
Elaine's Point of ViewTaimtim kong tiningnan ang sarili ko sa isang malaking bilog na salamin na nasa loob ng silid.Masasabi kong napakaganda talaga ng pagkakalikha sa puting mermaid gown na suot ko ngayon.“Oh, ’di ba. Bagay na bagay sa 'yo ang gown na napili mo,” usal ni Mrs. Rea habang dahan-dahang lumapit sa akin upang ayusin ang buhok ko.“Sadyang napaka-perfect lang po ng pagkakagawa mo,” sambit ko at ngumiti nang kaunti. Medyo kinakabahan kasi ako sa mangyayari mamaya.Magugustuhan kaya ni Louis ang gown na suot ko?Napailing na lang ako sa naisip ko.Masyado na naman akong umaasa porket nagbago ang pakikitungo niya sa akin nitong nagdaang araw.“Naku, iha, maganda kasi ang magsusuot kaya bumagay ang gown at isa pa, ilaylay mo na lang ang buhok mo rito sa kanang balikat para ma-emphasize ang earrings mo,” dugtong ni Mrs. Rea na ikinatango ko.“Maupo ka na rito, Mrs
Elaine's Point of View Nang mayari ang naganap na kasalan ay sari-saring pagbati ang natanggap namin ni Louis. “Congratulations sa inyo,” usal ni Sandra at iniabot niya sa aming dalawa ang isang nakabalot na regalo. “Ikaw talaga, hindi ka makapaghintay na makapunta tayo sa venue bago mo iabot ang regalo,” singit ni Lexy. “I know that my gift would be useful in their honeymoon. So I'm very excited to give it and besides, baka makalimutan pa nilang dalhin kung mamaya ko pa ibibigay,” sagot ni Sandra na agad kong ikinanganga. “Look at Elaine's face, mukhang nagulat siya sa sinabi mo,” wika ni Lexy at umirap pa kay Sandra upang lapitan ako.