Secretly Married To My CEO

Secretly Married To My CEO

last updateLast Updated : 2025-10-13
By:  Messy Chin_98Updated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
8views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Malaking halaga ang kinakailangan ni Colleen Perez para mabili ang bahay na kanyang nais para sa kanila ng kaniyang kapatid. Ngunit dahil hindi sapat ang kanyang ipon ay pumunta siya sa bangko para kumuha ng loan. At ang housing loan lamang ang available para sa halaga na kinakailangan nya. Hindi naging madali ito dahil hindi pa siya pasado sa kwalipikasyon. May kinakasama o dapat kasal na ang maaaring maka avail lamang ng loan na ito. Dahil dito tinanggap niya ang alok ng kakilala niyang lola na makipag blind-date sa kaniyang apo at pumayag sa alok nitong kasal. Ang hindi niya lang inaasahan ay boss niya sa trabaho ang magiging ka blind-date niya at agad siyang pumayag sa idea na sila ay magkaroon ng isang contractual relationship sa loob lamang ng isang taon.

View More

Chapter 1

Chapter 1 : I am secretly married to my Boss

“Good Morning”, masayang bati ko sa katrabaho ko na nagiintay sa ibaba ng building ng aming kompanyang pinagtatrabahuhan.

“Good Morning din, mukang maganda ang gising natin ngayon a? May maganda ka bang balita?

“Ah, wala naman ---

Hindi pa man natapos ang aking sasabihin ay biglang bumukas ang pinto ng elevator at sabay na napalingon kami ng aking katrabaho na babae at ibang employee ng kompanya. Sabay-sabay kaming napaatras at bumati ng magandang umaga ng makita namin ang taong nasa loob ng elevator. Siya lang naman ang CEO ng aming Company. Hindi nagbigay ng kahit anong response ito at nandun lang kaming nag-iintay ng tahimik na mag-sarara muli ang pinto ng elevator papaakyat. Magsasara na sana ang pinto ng bumulong ito sa kanyang secretary at pinigilan ang pag-sara ng pintuan.

“Pwede na kayong sumabay papaakyat”, nakangiting saad ni secretary Dan habang nagbigay ng gesture na pwede na kami pumasok sa loob ng elevator.

Nahihiyang pumasok kami isa-isa at sakto naman napa-pwesto ako sa harapan ni Mr. Montenegro.

Ito ang kauna-unahang beses na nakasabay namin ang Boss ng kompanya na sumakay sa elevator papasok sa trabaho. Kaya naman hindi maiwasan ang mahinang bulungan sa loob ng elevator at kanya-kanyang pindot sa kani-kanilang cellphone para imessage ang iba naming katrabaho at mag-chat sa mga secret group chat. Kasabay ng pagtunog ng kanilang mga cellphone ay kasabay ding tumunog ang aking cellphone. Nanggaling lang naman ang mensahe sa isang group chat. Sunod-sunod ang pagdating ng message kaya naman tinurn-off ko ang tunog ng cellphone ko. Pero biglang tumunog ang aking cellphone Akala ko ay may message akong muli sa kanila pero nagulat ako sa pangalan na nakalagay.

- Message from Mr. M - “ Hindi ka ba komportable?”

Hindi ko alam kung ano una kong gagawin, kung haharap ba ako sa kanya para humingi ng paumanhin o rereplayan sya. Paulit-ulit na tumingin ako sa mensahe na natanggap ko mula sa Boss ko hanggang sa hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami sa floor ng aming opisina. Marahan akong kinalbit ng aking katrabaho na nagbalik sa aking huwisyo.

“ Girl, dito na tayo. May balak ka pa bang matulog dito? Ano ba iniisip mo at para bang wala ka sarili mo?”

“W-wala. Tara.”

Lumabas kami ng elevator at nagsara na ang pinto pero nakatulala pa din ako sa harapan ng nito habang nauna na sa loob ang aking katrabaho.

“Hindi kaya isipin niyang wala akong respeto?”, saad ko sa aking sarili.

Ako nga pala si Colleen Perez. 26 years old. Limang taon ng employee sa MK Group. At sya naman ang aking Boss, CEO at sole heir ng MK Group. At kaming dalawa ay kasal. Wala pang official wedding na nangyayari and we just only had a civil wedding ceremonies.With my boss’s grandmother and secretary as witnesses. Nangyari ang lahat tatlong araw na ang nakakalipas.

***. 3 days ago…

Ilang araw na lang ay parating na ang aking kapatid, pero hindi pa din ako nakakahanap ng malilipatan ko para sa aming dalawa. Ayoko namang sumama sya maliit na kwarto kung saan ako nakatira. Nag-try na ako ng housing loan sa bangko kung saan ako naghuhulog ng saving ko at kumuha ng ibang loan. Pero hindi pa daw ako qualified dahil sa hindi pa ako kasal at walang dukumento na nag-sasabing may kinakasama ako. Nag-try na ako ng iba-t ibang trabaho kapag free time ko pero hindi pa din sapat para sa bahay na tama lang para sa amin ng aking kapatid na lalaki. Sa sobrang pagod ko sa pag-lalakad mag-hapon ay napaupo ako sa isang bench na katapat ng isa sa pinaka-malaking People’s Park dito sa syudad. Binuksan ko ang plastic bottle ng tubig ko at uminom saglit para mapawi ang uhaw ko sa pagod. Kinuha ko ang panyo sa kanang bulsa ng aking pantalon at pinunasan ang pawis sa aking noo at leeg. Tumingin akong muli sa mga matatandang babae at lalaki na nag-sasayaw ng zumba sa gitna ng malaking space ng park. Dahil madilim na at tanging mga ilaw na lang ang nagbibigay ng liwanag sa buong park, tinitigan kong mabuti ang isang matandang babae na nagsasayaw mula roon at napansin kong pamilyar ang muka nito. Biglang tumigil ang tugtog at isa-isa na ring nagsialisan sa gitna ang mga matatanda. Lumingon ang matandang babae sa aking pwesto at ganun din ang aking naging reaksyon ng makilala ko ito.

“ Ikaw pala yan iha, anong ginagawa mo dito? Muntik na kitang hindi makilala”, masayang sambit nito pagkalapit pa lamang sa akin. Niyapos nya ako ng mahigpit at tila parang nawala ang pagod ko saglit.

“Napadaan lang po at nagpahinga saglit. Kayo po? Palagi po ba kayong nandito ng ganitong oras?”

“ Yes, iha. Matanda na ako at palaging nag-iisa sa bahay kaya naman tuwing bandang hapon nandito ako para mag-palipas ng oras.”

Sya pala si lola Nenita. Nakilala ko sya isang buwan na ang nakakaraan. Habang ako ay papasok nun sa trabaho nakasalubong ko sya at biglang nahimatay sa aking harapan sa sobrang init ng panahon nung araw na yun. Dinala ko sya sa pinakamalapit na ospital ding araw na yun at dahil wala syang dalang ID ng pagkakakilanlan nya ay nanatili ako sa kanyang tabi hanggang magkamalay sya. Yung ding araw na yun ang unang beses na hindi ako pumasok sa trabaho. Nang gumising si lola Nenita, nagpakilala syang agad sa akin at nagpasalamat. Gusto kong magpaalam na sana nung araw na yun para bumalik sa trabaho kahit kalahating araw lang at hiningi ang number ng kanyang immediate family para papuntahin sa hospital. Pero walang sumasagot sa aking tawag kaya naman binantayan ko sya hanggang dumating ang gabi. Biglang tumunog ang aking cellphone at lumabas ang numerong kanina ko pa tinatawagan.

“Ito ba ang apo ni lola Nenita?”

“Yes. Who’s this?”

“Hindi na importante kung sino ako, pero nasa ospital ang lola mo. Nawalan sya ng malay sa sobrang init kanina. Kaya naman idinala ko siya sa malapit na emergeny center. Nandito siya ngayon sa emergency department ng L’Vida Main Hospital ---”

Hindi pa man natatapos ang sinasabi ko ay binabaan na agad ako ng telepono ng kausap ko.

“Ang bastos ha?!”, bulong ko sa sarili ko. Saka bumaling ng tingin kay lola Nenita na nakangiti lang sa akin.

Narinig nya kaya sinabi ko sa apo nya?

“Lola, padating na po ang apo nyo dito. Mauna na po ako. Mag-iingat na lang po kayo sa susunod at palaging mag-baon ng tubig kapag lalabas kayo sa ganitong panahon.”

“Maraming salamat iha. Kung intayin mo na lang kaya ang apo ko na dumating para mapahatid kita papauwi sa inyo.”

“Hindi na po. Pero maraming salamat sa inyong alok. May part-time job pa po ako sa ganitong oras. Sige po mauna na po ako.”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status