Share

The Mafia King's Kryptonite
The Mafia King's Kryptonite
Author: Anjzel Ica

PROLOGUE

PANGARAP ko dati ay may aampon sa aking mabait na mag-asawa at isasama nila ako sa kanilang tahanan nang walang pag-aalinlangan at mamumuhay ng masaya hanggang sa dulo. Naging totoo iyon. Ngunit taliwas sa pangarap ko ang nangyari dahil naging impiyerno pala ang aking buhay.

Namatay ang kinilala kong ina at ama dahil sa aksidente sa bus habang bumibiyahe kami patungo sa aming bakasyon. Walang pag-aalinlangan nila akong iniligtas kahit hindi naman nila ako kadugo. Malaki ang pasasalamat ko sa kanila dahil ipinadama nila sa akin ang pagmamahal ng isang magulang kahit sandali lang. Walang gustong kumupkop sa akin kaya’t napunta ako sa kapatid ng aking ina na si Tiyang Patet. Lagi akong busog, hindi dahil sa pagkain, kung hindi sa kanilang mura at pang-iinsulto na isa akong pabigat, palamunin at walang kuwentang ampon. Ginawa ko naman ang lahat para tanggapin din nila ako kagaya ng mga magulang kong sumalangit na ang kaluluwa. Hindi ko alam kung bakit ba ako kinuha kung ganito rin naman pala ang sasapitin ko sa huli.

Mapait akong napangiti. Wala talaga akong kakampi kung hindi ang aking sarili magmula noon. Walang naniniwala sa akin dahil sinungaling ako at ampon lamang. Nang nagdalaga ako ay mas lalo akong naging mapusok sa pagkakaro’n ng pagmamahal at atensyon. Akala ko kapag may alam ka na pagdating sa sex ay mamahalin ka nang sobra-sobra pero hindi naman pala. 

Papalit-palit ako ng nobyo. Hinahanap ko ang pagsukli nila ng aking pagmamahal at atensyon ngunit puro gusto lamang nilang maka-isa sa akin. Sobrang nagpapakatanga ako at nagpauto lang sa mga matatamis nilang salita pero iyon naman pala ay purong mga kasinungalingan lang ang kanilang mga pangako kaya’t sa huli umuuwing luhaan lang ako at durog ang puso. Hanggang high school lamang ang natapos ko dahil ayaw naman akong pag-aralin ni Tiyang Patet. Talagang mainit ang dugo ni Tiyang Patet sa akin at lagi niyang isinasaksak sa aking kukote na wala akong mararating dahil isa lamang akong ampon at walang kuwentang tao.

Sanay naman ako lalo na’t ilang mga taon nang nagdurugo ang aking mga tainga sa malulutong na mura at mga masasakit na pang-iinsulto sa akin ni Tiyang Patet. Samahan pa ng mga tsismosa na wala namang ambag sa buhay ko. Hindi naman ako sikat pero ang dami kong mga bashers. Ngunit hindi naman nila ako matitinag dahil alam ko sa aking sarili na aalis din ako sa impiyernong buhay na ito.

Until I met Henry Lavisto, a businessman, the father of my friend, Hainee Lavisto, and married to his wife Aimee Lavisto. He was the only one who gave me hope.  He showered me with attention, love and support. He always pampered me like a baby which made me fall in love with him. I didn’t mind our age difference as long as we care and love each other, and also, I became his mistress. 

Purong negosyo lang daw kung bakit naging asawa ni Henry si Aimee lalo na’t mayaman ang angkan nito. Itinago namin ang aming relasyon mula sa lahat. Lagi niyang ibinibigay sa akin ang sarap at ligaya na ipinapangarap ko mula noon. Nagsusustento siya sa akin at sinasagot niya ang pampaaral ko sa kolehiyo bilang BS Tourism.

Hanggang sa mahuli kaming dalawa ni Aimee. Tandang-tanda ko pa na pinapili si Henry kung sino sa aming dalawa ni Aimee ang mas matimbang sa kaniyang puso. Buong akala ko ay ako ang pipiliin ni Henry ngunit mukhang nagkamali na naman ako. Walang pagdadalawang-isip na iniwan ako sa ere ng lalaking akala ko ay akin at mahal na mahal ako. Kinaladkad ako palabas ni Aimee at hindi man lang pinigilan ni Henry ang kaniyang asawa na ipahiya ako sa marami habang minumura-mura ako. Kitang-kita ko ang mga sarkastikong mukha at pandidiri ng mga tao na halatang hinuhusgahan ako.

I just laughed to myself. All I had was nothing but just myself. 

Hindi ako umiyak dahil sanay na ako. Kahit wala naman akong ginagawang masama ay hinuhusgahan ako pero nang gumawa ako ng masama ay hinuhusgahan pa rin ako. Wala namang pagkakaiba. Hindi ko na nga alam kung saan ko isisiksik ang sarili ko.

Masyado akong nagpapakatanga pagdating sa pag-ibig lalo na’t sobra akong nasasabik sa atensyon at pagmamahal. Konting pakita lang sa akin ng mga hinahanap ko ay agad naman akong bumibigay kaya’t sa huli ay luhaan ako. 

Pagkauwi-uwi ko ay ito ang sinalubong agad ako ni Tiyang Patet sa galit. 

“Tarantado ka talagang babae ka! Wala ka nang ibang ginawa kung hindi ang ipahiya ako sa lahat! Sana ay namatay ka na lang!” asik ni Tiyang Patet habang sinasabunutan ang buhok ko hanggang sa mapaupo ako sa maruming sahig na pinagkaitan ng walis at floor wax. 

“Nay, tama na po!” pagmamakaawa ni Nana.

“Hindi ka ba sanay d’yan, Nay? Puro kahihiyan na lang ang dala ni Ate Allyssa. Dapat kasi ay pinalayas mo na lang siya. Iyan tuloy at ikaw pa ang nahihiya sa mga ipinaggagawa niyang walang kuwenta!” asik ni Nini. 

I glared at my cousin, Nini who was looking at me, smirking sarcastically at me, but hid herself at Tiyang Patet’s back.

“Oo nga po, sana talaga ay namatay na lang ako! Nakakapagod na lalo na’t wala namang may pakialam sa akin dahil lahat ng mga ginagawa ko ay mali!” sigaw ko pabalik.

 Sarkastikong tumawa si Tiyang Patet habang isinusuklay ang kulubot na mga daliri sa kulay puting buhok na nakapusod. “Isa kang malaking salot! Dapat hindi ka na lang inampon nina Ate Aby at Kuya Tom dahil isa kang halimaw dahil pinatay mo sila! Kahit dalawampu’t isang taon ka na, wala pa rin kaming pakialam sa iyo. Kung sana ay ibinenta mo na lang iyang sarili mo bilang isang puta at nakapagbibigay ka sa akin ng pera ay kahit papaano ay matitiis ko pa ang pagmumukha mong walang kuwenta.”

Tumayo akong mag-isa dahil wala namang lalapit sa akin para damayan ako. “Bakit na lang hindi kayo ang magpakaputa tutal mukhang gustung-gusto ninyo naman? Ibinibigay ko lang po ang sarili ko sa lalaking mahal ko.”

Pinandilatan ako ng mga mata ni Tiyang Patet habang nakapamaywang. “Aba! Ang kapal naman ng mukha mo para sumagot ng pabalang sa akin. Wala kang galang! Tandaan mo, sampid ka lang dito at ako ang nagpapalamon sa iyo. Sa tingin mo ba ay mamahalin ka ng lalaking mahal mo? Nagkakamali ka, pamatid libog ka lang at iyan ang itatak mo sa kukote mo at pati na rin sa gamunggo mong utak. Masyado kang ambisiyosa para yumaman. Nakakadiri at nakakahiya na nandito ka sa puder ko!” 

‘Isa akong palamunin. Nahiya naman ako kay Tiyang Patet. Daig ko pa ang pinapakain ng masarap. Hindi naman niya ako pinapakain ng gano’n at tanging Bahaw at tira-tirang ulam lamang na pagkain ng pusa. Kaya’t ang ginagawa ko ay dumidiskarte ako para makakain nang maayos dahil kung hindi ay baka matagal nang pagala-gala ang kaluluwa ko.’

Tumango-tango ako at wala sabi-sabing nagtungo sa aking silid para kunin ang aking bag para isilid ang aking mga damit pati na rin ang ipon kong pera. Ngunit halos manghina naman ako nang binuksan ko ang garapon kung saan ko itinatago ang aking mga naipong pera sa loob sa loob ng aparador na nasa pinakadulong bahagi na natatakpan ng mga damit ko. Wala na iyong laman at hindi ko napigilang sumigaw at ibinato ang garapon sa pinto. Napasabunot ako ng aking buhok habang lumuluha.

‘Kulang pa ba? Ano pa ba ang gusto nilang makuha sa akin? Ubos na ubos na ako at pagod na pagod na rin. Gusto ko na lang sumuko at mamatay.’

The world was indeed cruel for me. My life was indeed full of miseries. Their curses and sarcastic gossips against me wounded me physically, emotionally and mentally. With a heavy heart, I ran away from hell.

***

PAGOD AT GUTOM. Iyan ang nararamdaman ko ngayon habang nakaupo sa gilid ng kalsada habang yakap-yakap ko ang aking bag. Pagkaalis ko impiyernong bahay ni Tiyang Patet ay nakahinga ako nang maluwag pero hindi ko naman alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa.

I didn’t know where I should go. I asked some establishments if they were hiring for a vacant job, but they just shoo me away. I sarcastically laugh to myself. Even here no one accepted me. For sure, the mocking gossip about me spread all over here.

Inayos ko ang suot kong hoodie at sinugurado kong natatakpan ng hood ang aking mukha. Napagpasiyahan kong sumakay sa bus at bumaba ako sa hindi ko alam na lugar. Sumakay pa ako ng jeep pero nag-one-two-three lang ako dahil wala na akong pera. Nagpalakad-lakad pa ako hanggang sa napagod na ako. Napaupo ako sa gilid ng kalsada habang kumakalam ang aking sikmura. Hindi rin nakatutulong na nalalanghap ko pa ang mababangong aroma ng mga pagkain sa kaliwa’t kanan na mga stalls ng pagkain. Panay ang paglunok ko ng aking laway. Baka sakaling mapatid ang aking uhaw at gutom dahil do’n. Yakap-yakap ko ang aking bag at iniyuko ko na lang ang aking ulo.

‘Magpasagasa kaya na lang ako? Kaso paano naman ang bangkay ko? Paniguradong hindi aasikasuhin iyon ni Tiyang Patet at baka itapon na lang sa ilog ang bangkay ko. Hindi naman puwedeng idiretso sa ampunan kung saan ako nanggaling lalo na’t matagal nang sunog iyon. Hanggang kamatayan ko ay problemado pa rin ako. Nakakagago naman talaga.’

I was startled when someone tapped my shoulder. I looked to see who it was, and I saw a lady who wore a gold sexy dress. Her outfit wasn’t appropriate right now near the streets, and it made the people stare at her while giggling.

“Miss, ayos ka lang ba?” tanong niya.

“Hindi po. . .” sagot ko.

She nodded, and smiled. “Lumayas ka, ‘no?”  

My brows furrowed. “Ha? Paano mo po nalaman?”

She chuckled, and combed her fingers through her black shoulder length hair. “Nakikita ko kasi sa iyo ang sarili ko noon. Kung wala kang matutuluyan ay puwede kang sumama sa akin. Paniguradong bagay na bagay ka maging parte ng Gemstones.”

Medyo nag-alinlangan naman ako at hindi ko rin naman maintindihan ang kaniyang ipinagsasabi. “Ahm. . . Baka hindi rin po ako matanggap kung saan niyo po ako dadalhin at magdadala lang po ako kahihiyan. Mukhang nagkakamali rin po kayo lalo na’t parang hindi po ako bagay maging parte ng sinasabi niyong Gemstones.”

“Hmm. . . Bakit hindi ka naman tatanggapin do’n? Ano ba ang ginawa mo?” kuryoso niyang tanong pero may ngiti sa kaniyang labi.

I sighed heavily. “Isa po akong malaking salot. Lahat ng mga kamalasan ay nasa akin na po. Naging tanga po ako sa pag-ibig, naging kabit at isang walang kuwentang ampon na tanging naibigay ay puro kahihiyan. Madilim din po ang nakaraan ko at laging hinuhusgahan ng mga tao,” sagot ko. 

“Naiintindihan kita. Lahat naman tayo ay may madilim na nakaraan pero hindi naman dapat tayo mawalan ng pag-asa. Kailangan mong maging matatag para mabuhay. Hayaan mo at tutulungan kita,” aniya.

My eyes widened. “Talaga po?”

Inalalayan niya akong tumayo at hinawakan ang aking balikat. “Ako nga pala si Mamu Sam. Ikaw, ano ba ang pangalan mo, Miss?”

Napayakap naman ako sa aking bag. “Ako po si Allyssa Andres.”

Tumawa naman siya. “Simula ngayon ay sa puder na kita, Allyssa. Iwan mo ang lahat ng mga sakit at problemang kinakaharap mo rito. Walang manghuhusga at mag-aalimpusta sa iyo rito. Ikaw ang pinakabago kong Gemstone at tatawagin ka bilang si Kryptonite na magbibigay init sa Gem. Sisiguraduhin kong magbabago ang buhay mo at hinding-hindi ka magsisisi na sumama sa akin.”

She was right. As I entered inside the Gem, and became a part of the Gemstones under the silhouette of Kryptonite, my life changed.   

Mga Comments (8)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
oh sad naman ang mga nanfyari sayo Allysa sana maging ok na ng tuluyan ang buhay mo
goodnovel comment avatar
Allyssa Andres
kawawa atho.........
goodnovel comment avatar
She Alastra Diaz Mercado
pareho tayo Allysa isa rin akong palamunin...... thanks bebe A...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status